Poon, Santo, o Rebulto?

September 13, 2007 at 11:25 am (Commentary)

 Pangkaraniwan na sa ating mga Filipino na kung ano ang nakasanayan, yun na ang tama. Halimbawa ay sa mga salita: sa halip na pareho ay parehas ang madalas na ginagamit; sa halip na manibela, manubela; sa halip na ayoko, ayako. Madalas din ay ginagamit ang “masama” at “bawal” na parang pareho lang ang kahulugan. Isa ang relihiyon sa mga pinakasensitibo at kontrobersyal na isyu sa lahat ng panahon at bahagi ng mundo kaya hindi maaaring ipagwalang-bahala ang mga kamaliang lalong naglalayo sa mga tao sa posibilidad ng pagkakaisa.

Isang halimbawa ay ang maling paggamit ng salitang “poon” at “santo” para tumukoy sa isang rebulto o imahe. Kahit sa mga balita sa media, o sa mga taong aktibo sa mga gawain ng kanilang parokya, ay maririnig ang nakalililgaw na paggamit ng mga katawagang ito. Sa pamamagitan nito ay lalong napagtitibay sa isip ng mga kapatid na nasa ibang sekta na ang mga Katoliko ay sumasamba sa mga rebulto. Bukod dito, nakokondisyon ang isip natin sa maling paglalarawan ng kahulugan ng mga salitang ito.

Sa wikang Ingles, ang salitang “poon” ay katumbas ng “lord”, at ang santo ay “holy” o “saint”. Hindi tamang tawaging poon ang isang rebulto, kahit pa si Jesus ang ilinalarawan nito, dahil ang salitang ito ay tumutukoy mismo sa Panginoong Diyos. Hindi rin dapat gamitin ang salitang santo para tumukoy sa mga rebulto dahil ito ay tumutukoy sa mga banal na kasama ng Diyos sa langit, o minsan ay kahit sa mga banal na nasa lupa pa. Iskandalo ang dala ng ganitong pagkakamali kaya dapat itong pag-ingatan.

Tandaan: Ang rebulto o imahe ay para sa mga estatwa, ang icon o larawan ay para sa mga iginuhit na anyo, ang santo ay para sa mga banal na nilalang, at ang poon ay para sa Diyos lamang.

About these ads

7 Comments

  1. ryan said,

    pwede poh bang mkahingi ng reflection 2ngkol s poon.santo o rebulto?

  2. vanillae said,

    Ano ibig mong sabihin? Meron ka bang gustong mas malinawan tungkol sa topic o humihingi ka ng kopya ng article na to? Pwede akong mag-send sayo ng PDF kaya lang may problema sa e-mail address na iniwan mo, paki-correct na lang. Thanks!

  3. myra manahan said,

    pwedi po bang malaman kung my conspiracy behind sa pagawa ng mga rebulto at imahe?tnx

  4. vanillae said,

    Actually, walang isyu ng conspiracy sa paggawa ng rebulto kung paanong wala din conspiracy sa pagpapadevelop ng mga picture natin o ng sinuman. Symbolism and figures are part of the world’s cultures that encompass every religion, language, tribe, and nation, and they are part of God’s design. Nasa atin ang ikabubuti at ikasasama ng mga bagay na ginagamit natin. Ang pera, kapangyarihan, relasyon, at pangalan ay prone sa pagiging idol o diyus-diyusan pero walang conspiracy sa paggawa sa mga bagay na ito, kaya walang dahilan para magkaroon ng ganitong isyu tungkol sa mga rebulto. Salamat sa pagtatanong!

  5. michelle said,

    E bakit po Jesus Christ po ang twag natin sa imahen na pinapaalala ng rebulto. Gnun masama naman po pla iyon?? di ba po Jesus Christ ang pangalan ng Diyos. sana po nakuha niyo po ang gusto kong puntuhin .. salamat po .. Godbless you ..

    • vanillae said,

      Ang totoo, ang mga isyu tungkol sa mga imahe at larawan ay napakasimple lamang. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, kapag dumating na ang isang bata sa kanyang ika-anim na buwan, nakikilala na niya kung sino ang nasa larawan at kung ano ang pagkakaiba ng larawan sa totoong tao. Naiintindihan na niya na ang litrato ay repleksyon o representasyon ng totoong kinakatawan nito. Nagtataka ako kung bakit mas marunong pa ang mga sanggol kaysa matatanda ngayon. Ganito lang yan kasimple: kung hawak ko ang graduation picture mo, ano ang isasagot mo kapag tinanong ko, “Nandyan ka ba?” Sasabihin mo bang, “Nandyan yung imahe ko pero wala ako dyan,” o sasagot ka lang ng simple at diretsong, “Oo”? Kapag nakita ng bisita ang larawan ng iyong ina at tinanong niya, “Sino siya,” sasabihin mo bang, “Representasyon yan ng mama ko,” o sasabihin mo lang, “Mama ko siya”? Kapag sinabi mo ang huli, ibig bang sabihin ay itinuturing mong isang piraso ng papel ang iyong ina? Matatawag mo pa rin Mama ang nasa picture dahil alam mo at ng kausap mo na hindi yung papel o canvas o rebulto ang tinutukoy mo.

      Ang totoo niyan, walang kailangan pagtalunan sa isyung ito. Marami lang talagang mga tao sa paligid na kinakain ng kayabangan kaya kahit mga simpleng bagay lang ay lumalampas pa sa kanilang paningin. Ang masama niyan, itinuturo pa nila sa iba ang kayabangang ito. Tinatawag nilang pastor ang sarili nila pero hindi nila nauunawaan kahit ang pinakamadali at pang-araw-araw na pangangatwiran.

  6. Tine said,

    ang problema po kasi eh ang mga rebolto eh sinasamba na ng karamihan sa mga katoliko at iniisip nila na ang mga reboltong ito ay may kakaibang kapangyarihan up to the extent na pinupunas punasan ng panyo o kaya ay hinahaplos at hinahalikan pa sa pag-aakalang makakapagpagaling ito sa kanilang karamdaman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: