Libre Mula sa Diyos

April 4, 2010 at 5:35 am (Commentary)

Bakit mahirap para sa tao ang magbigay lalo na kung ang ibibigay ay hindi magmumula sa kanyang mga sobra? Ito ay dahil sa maling pag-aakala na ang lahat ng nasa kanya ay kanya, at idinadahilan niyang ito ay pinagpaguran niya. Sa isip nya ay ganito ang kanyang sinasabi, “Kung yumaman man ako, iyon ay dahil sa aking pagsisikap; nasa akin na iyon kung gusto ko man magbigay o hindi.”Kahit sa mga bata ay umiiral ang kaisipang anumang nasa kanya ay kanya, at anumang ibibigay niya sa iba ay nagmumula sa kanyang sarili. Wala siyang pakialam kung ito man ay galing sa kanyang magulang o sa ibang nakatatanda na umaasang ibabahagi niya rin ito sa iba. Ang isang estudyante, halimbawa, ay hindi magawang ibigay ang kaunting bahagi ng kanyang baon sa dahilang ito ay kanya.

Ang lahat ng ito ay dahil sa isang katotohanan na napakahirap nating maintindihan at tanggapin – na ang lahat ng bagay ay libre mula sa Diyos; na ang tao ay walang sariling pag-aari, materyal man o espiritwal. Sa puso ng tao, lahat ng bagay ay “akin”: buhay ko, katawan ko, anak ko, bahay ko, yaman ko, karapatan ko. Hindi natin nauunawaan, o ayaw nating unaawain, na sa kahit anong proseso dumaan ang mga bagay na nasa atin, ang mga ito ay sa Diyos pa rin. Hindi natin pwedeng ikatwirang, “Ibinigay niya na kaya sa akin na.” Masdan mo na lang, halimbawa, ang mismong buhay: gaano mo man pilitin na patagalin ito, babawiin ito sa panahong nakatakda at wala kang magagawa. Simple lang ang dahilan: Ito ay hindi sa iyo. Gaano mo man ingatan o itago ang iyong kayamanan, hindi mo ito tataglayin habampanahon; darating ang oras na ihihiwalay ito sa iyo. Maging ang iyong karapatang pantao na dapat sana ay walang makaagaw ay hindi mo magagamit nang buo sa lahat ng pagkakataon. Ito ay  sa dahilang wala kang ganap na pagmamay-ari sa anuman maliban sa iyong kalayaang pumili — bagay na mula sa Diyos. Gaano ka man kayaman, wala kang nabili sa Diyos. Ikaw man ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng tao, wala kang naagaw mula sa Diyos; sa kanya pa rin ang lahat ng nasa iyo.

Tayo ay mga katiwala. Anumang nasa atin ay para sa kapakinabangan ng lahat. Mayroong mas matalino kaysa iba, mayroong mas maraming talento, mayroong mas malakas, mayroong nagsimula sa mas maraming yaman, at mayroong pinagyaman ang maliit na nasimulan. Ang mga pagkakaibang ito sa estado ng buhay ng tao ay hindi para i-grupo ang lahat ayon sa kanya-kanyang uri kundi upang pagkaisahin ang lahat tulad ng isang katawan na may iba-ibang bahagi at gawain ngunit laging iisa ang hangarin. Hindi lahat ay mata, hindi lahat ay bibig, hindi lahat ay kamay; mawawalan ng silbi ang isang lipunan kung ang lahat ay tagapamahala o kaya naman ay pangkaraniwang mamamayan ang lahat at walang nagsisilbing pamahalaan. Hindi na rin natin kakailanganin ang isa’t- isa kung ang lahat ay nasa iisang estado  ng buhay. Ang lahat ay wala na rin silbi dahil wala nang paglilingkuran. Dahil dito, wala na rin isisilang at wala nang mabubuhay. Madaling hangarin na sana ay pantay-pantay na lang ang lahat  pero isa itong mangmang na panaginip — hindi pwedeng magkatotoo at hindi dapat magkatotoo. Tanging sa dignidad   lamang maaaring magkapantay-pantay ang mga tao, hindi sa gawain at estado sa buhay. Ang ating pagkakaiba-iba ay ayon sa karunungan ng Diyos. Walang sinuman ang may karapatang umabuso dahil sa harap ng Diyos ay iisa lang ang ating kalagayan – tagahiram at katiwala. Walang sinuman ang pag-aari ninuman, at walang anuman ang maaaring ipagdamot kaninuman dahil ang lahat ay sa Diyos. Pinaghirapan mo man ang kinita mo, sa Diyos pa rin galing ang iyong lakas; hindi mo ito binili. Ikaw man ang nagbungkal at nagtanim, ang Diyos pa rin ang nagpatubo. Ikaw man ang nakatuklas at umimbento, sa Diyos pa rin ang iyong natuklasan; hindi mo ito linikha mula sa wala. Ang binabayaran at pinaghihirapan ng tao ay ang proseso ng paggawa o kaya ay ang serbisyong tinatanggap. Ang biniling lupa ay hindi ganap na pagmamay-ari ng bumili; maaari itong mawala sa kanya anumang oras. Ang binabayaran dito ay ang karapatang magbakod — at maging ang karapatang ito ay nasasakupan pa rin ng batas. Ang isang bahay ay hindi rin ganap na pagmamay-ari ng nakatira dito; maaari rin itong mawala sa kanya anumang oras. Ang lahat ng pinagpaguran natin ay hindi talagang sa atin, mananatili itong hiram at habilin. Inihabilin sa atin ang mga bagay na ito upang sa pamamagitan ng ating talino ay maipamahagi natin nang tama ang yaman ng Diyos. May mga nagsasabing, “Marami ang naghihirap dahil sa kanilang katamaran,” pero ang hindi natin matanto ay ang katotohanan na mas marami ang naghihirap dahil sa ating karamutan. Oras man lang o talino o atensyon o talento ay hindi pa natin maibigay sa ikabubuti ng mga nangangailangan nito. Noong sinabi mo sa isang pulubi, “Ang tamad-tamad mo,” may itinulong ka ba para turuan siyang maging masipag? Noong sinabi mo sa isang magulang, “Anak kasi nang anak, wala naman pampakain,” may ginawa ka ba para turuan siya ng responsibilidad? Mabilis lang tayong pumuna, mamintas, at humatol sa kapwa pero ang sarili nating karamutan na nagpapanatili sa iba sa miserableng buhay ay hindi natin pinapansin. Hindi tayo nagdadalawang-isip na magbigay ng mga walang pakinabang na komento pero kahit isang pintig ng utak o isang galaw ng daliri ay hindi natin kayang ibigay para sa kabutihan ng iba.

Isang praktikal na halimbawa ang paghihirap ng sarili nating mga kababayan. Dahil ba mahirap ang bansa kaya sila mahirap? Hindi. Ang Pilipinas ang isa sa mga may pinakasaganang likas na yaman, anupa’t pinag-iimbutan ito ng ibang mga bansa. Dahil ba walang laman ang kaban ng bansa kaya may mahihirap? Hindi. Bilyon-bilyong piso ang kayang gastusin ng gobyerno para lang sa malabis na pamumuhay ng iilang indibidwal na nasa kapangyarihan. Dahil ba sa kamangmangan kaya maraming mahirap? Oo. Kamangmangang bunga ng pagsasamantala ng mayayaman sa mahihirap. Dahil rin ba sa katamaran? Oo. Katamarang bunga ng kamangmangan tungkol sa tunay na halaga ng paggawa. May tao bang isinilang na tamad? Wala. Lahat tayo ay pinapakilos ng sarili nating mga dahilan; mga dahilan na iniimpluwensyahan ng tamang pagkaunawa na bunga naman ng sapat na pinag-aralan. Sa huli ay iisa pa rin ang salarin sa paghihirap ng marami: ang kaisipan na “ang lahat ng nasa akin ay akin.” Dahil dito ay hindi naiibigay sa iba ang kailangan nila upang mapagyaman ang sarili at makapag-ambag sa lipunan.

Kalabisan bang ibigay mo nang libre ang tinanggap mo nang libre? O baka hindi mo pa rin matanggap na wala kang binayaran sa Diyos para ang isang bagay ay maging sarili mong pag-aari. Ang totoo niyan, mayroon ka pang utang dahil bukod sa katotohanang sa kanya ang lahat ng nasa iyo, binayaran pa niya ang iyong kaligtasan. Tama bang sabihin ng kamay sa bibig, “Ikaw ang magsubo ng pagkain mo, may sarili kang lakas”? O kaya ng mata sa paa, “Bahala ka sa pupuntahan mo, may kakayahan kang lumakad”? Ang pagkamakasariling tulad nito ay siguradong papatay sa buong katawan. Ganito rin ang ginagawa natin kapag ipinagkakait natin sa iba ang ating sarili. Tanging sa pagbibigay tayo tumatanggap. Ang pagdadamot sa iba ay pagdadamot sa sarili. Kung sinasabi mong tamad ang iba at ikaw ay masipag, sipagan mo ang paggawa ng mabuti. Kung iniisip mong mangmang ang iba at ikaw ay matalino, ipakita mo ang iyong talino sa pamamagitan ng pagabahagi nito sa iba. Sa halip na isipin mo kung ano ang wala sa iyo para hindi ka magbigay, isipin mo kung ano ang mayroon ka, at huwag mong kalilimutang ang lahat ng ito ay libre mula sa Diyos  kaya wala kang dahilan para ipagdamot ito.

//

Permalink Leave a Comment

Parenthood, Generosity, and Courage

April 4, 2010 at 5:34 am (Commentary)

Aside from responsibility, parenthood is about generosity and courage. One’s excitement to have children is not enough to really appreciate the joy and dignity of being a parent because mere sentiments may come from different sources, either a self-giving or a self-serving one. Moreover, parenthood is not just accepting the “inevitable” result of sexual relations, though this is becoming the common perception. This current of mentality and disposition makes a family miserable, having hard time to find a real meaning in any relationship and even in one’s own existence. It makes a mother’s or a father’s life burdensome and falsely sacrificial. To be a true parent is to be a true sacrifice – giving oneself joyfully and with the right reason.

In the eyes of today’s man, co-creation with God is the primary cause of human destruction. He calls the Gospel of life doctrines of death, and describes its advocates as ruthless and negligent. Ironically, what this “modern man” promotes is non-life for the majority of population. He thinks that most people today should have not been born, and that we should not make the same mistake of bringing more children into this world. He blames the population (where he also belongs) for giving problems to humans, which happened to be the same population he charges against. He wants to be the one to decide, even for others, who should be created and who should not be. Are you black? Do you have a low IQ level? Do you have a history of mental illness? Do you have a disease? Are you feeble-minded? Are you homosexual? If you belong to one of these groups, then this man of the day might throw you into to the “unfit” pool where the should-have-not-been-borns and the should-not-be-allowed-to-propagates belong. Does it sound human to you? If it does, then you are a “modern man” – that is if the word “modern” means foolishly updated. It shows that the more you search for knowledge, the more stupid you become. 

On the otherhand, courage and generosity come from true knowledge, and also goes with it is a true sense of responsibility. A parent knows that every child not only comes from God but is God’s. We are guardians of his children, thus we do not own anybody, nor has we any privilege to decide “who” should be born. We even don’t have a right to say, “Anak ko ito, gagawin ko sa kanya ang gusto ko;” instead, we should wisely say, “Ipinagkatiwala siya sa akin ng Diyos kaya dapat ko siyang protektahan.” Courage plays its role by making it clear to us that we are not the source of our strength, and that the Father of us all will give us everything we need when we need it. Generosity, on the otherhand, is a result of courage, and it creates in us a joyful willingness to give ourselves for the life and welfare of others. Both courage and generosity recognize the sacrificial character of parenthood, and that is the very reason why they find their abode in the parents.

Every parent should know that by giving one’s life – strength, love, and power to create – does one receive it back; and that every human person that they bring into this world is a child of God that will not just live, suffer, and die on earth but will be glorified and will reign with his Father in heaven. The “modern man” thinks that all we have is this life, and that is the reason why we need to make sure that we only perpetuate the perfect breed and do everything to end the propagation of the inferiors.

This man of the so-called modernity does not recognize the equal dignity that all human beings possess; he always thinks that his class is superior over the majority of the population. This mentality makes him fear imaginary dangers that the inferior class might bring, and so will do everything to stop their existence.

Good parents recognize the divinity of conception and the presence of God in every child. It does not mean they just create human beings mindlessly; instead, their awareness of the truth makes them the most responsible of all parents, planning everything and subduing both their children and themselves. They do not cowardly turn to immorality due to the fact that they have no true lordship over their own self, nor do they justify their uncontrollable self and blame it on human nature. If they delay conception, it is self-control, not birth control. If they manage their number, it is family planning, not contraception. If they give birth, they call it delight, not burden. If ever they have to suffer, they are sacrificial, not miserable. They always look from above, not from this world because what our eyes can see is only misery while through the eyes of God, everything ends up in glory.

Permalink Leave a Comment

ELEKSYON AT HB 5043

April 4, 2010 at 5:32 am (Commentary, Moral)

Sa parating na halalan ngayong  taon, mayroon bang kinalaman  at halaga ang paninindigan ng mga kandidato tungkol sa reproductive health bill o HB 5043 sa pagpili natin sa kanila? May pagkakaiba ba kung iboboto man natin o hindi  ang mga sumusuporta dito?

Dapat  nating alalahanin na ang mga nasa kapangyarihan ang gumagawa at nagpapatupad ng batas, bagamat nangangailangan muna ito ng pagsang-ayon ng mga mamamayan. Minsang maipatupad ang isang batas, mahirap na itong bawiin pa. Pangalawang kailangan nating tandaan  ay  ang  katotohanan  na ang mga batas ang nagpapasya kung  paano  dapat tumatakbo ang isang bansa. Sa tuwiran man o hindi  tuwirang paraan, naaapektuhan nito ang pang-araw araw nating pamumuhay. Kontrolado nito ang halaga ng ating kikitain sa isang  araw, ang laki ng buwis  na ibinabawas sa ating sweldo, bukod pa sa buwis na ipinapapasan sa atin tuwing bumibili tayo ng mga naprosesong pagkain at gamit, ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin at pamasahe, ang karapatan nating magnegosyo at ang  mga panuntunang kailangan nating sundin  sa pagsasagawa nito, at maging ang kalayaan nating  pumunta sa simbahan tuwing Linggo. Depende sa porma ng gobyerno,ang uri at paraan  ng ating pamumuhay ay laging nakadepende sa mga iniuutos, pinahihintulutan, at ipinagbabawal ng batas ng isang bansa.

Ang kasunod na bahagi ay naglalayong magbigay ng ideya sa bumabasa kung paano maaapektuhan ng RH BILL ang buhay ng mga  Filipino bilang indibidwal, pamilya, at lipunan.Marami pang mga tao at mga artikulo ang makapagbibigay ng malawakang  pagtingin at masusing pag-susuri sa  paksang ito; ang mg narito ay ang aking lamang nakayanan.

Paano isinasalarawan ang RH BILL? Ayon na rin sa mismong teksto ng  HB 5043, ito ay naglalayong mapabuti ang kalusugan ng ina at ng sanggol, i-promote  ang breastfeeding, magbigay ng kaalaman at serbisyo tungkol sa family planning, maiwasan ang aborsyon; at matugunan ng  mga manggagamot ang kumplikasyon ng naisagawang aborsyon; mapabuti ang kalusugan ng mga kabataan, mapigilan at matugunan ang mga kaso ng reproductive tract infection, hiv/aids, at iba pang mga sexually transmittable infection [STI], mapuksa ang lahat ng uri ng kalupitan sa mga babae, magkaroon ng pagtuturo at pagpapayo tungkol sa sekswalidad, kalusugang  sekswal, at reproductive health, matugunan at magamot ang mga kanser sa suso at sa reproductive tract, at iba pang mga kondisyong pambabae, magkaroon ng pakikipagtulungan at pakikisangkot  ang mga lalaki sa reproductive health, maiwasan  at magamot ang pagiging baog at ang sexual dysfunction, at makapagbigay edukasyon sa mga kabataan tungkol sa reproductive health. Hindi ko alam kung alin sa mga ito ang maganda sa pandinig ng karamihan at alin ang hindi, pero sa bansang ito kung saan ang politika at pamamahala ay mas madalas na katumbas ng pagnanakaw, pandaraya, pagpatay, panlilinlang, at pang-aaabuso, ay iminumungkahi ko na maging maingat ang lahat at laging imulat  ang mata.

Sa kabilang banda, maisasalarawan ang  RH BILL sa ganitong paraan:

Labag sa batas: [1] Linabag ng mga tagapagsulong ng HB 5043 ang karapatan ng mga pamilya at samahang pampamilya na mahingan at makapagbigay  ng opinyon tungkol sa mga usapin at polisiyang may kinalaman sa kanila (Art. XV Sec. 3 Par. 4, 1987 Constitution). [2] Unang bahagi pa lang ng panukala ay lumabag na sa tuntunin ng batas na nagsasabing ang bawat panukala ay dapat na tumutukoy lamang sa iisang paksa, at ito ay dapat na sinasalamin ng pamagat (Art. VI Sec. 26 Par. 1, 1987 Constitution; Sec. 1 Par. 3, Rules of Congress). Binabalewala lang ng mga patron ng RH Bill ang panuntunang ito kahit lubos nila itong nauunawaan. [3] Innobliga nito ang mga paaralan na hubugin ang kaisipan at moralidad ng mga kabataan tungkol sa sekswalidad ayon sa kontraseptibong mentalidad, bagay na sumasalungat sa pagkilala ng Estado sa karapatan ng mga magulang bilang pangunahing tagahubog ng kanilang anak ayon na rin sa kanilang paninindigang pangrelihiyon (Art. II Sec. 12, Art. XV Sec. 3 Par. 1, Constitution). [4] Pinanghihimasukan nito ang mga usaping pampamilya tulad ng kung ano ang dapat ituring ng mag-asawa bilang “sapat” na dami ng anak, kung paano palalakihin ang mga bata, at kung hanggang saan ang autoridad ng magulang. Ito ay lumalabag sa autonomiya ng pamilya.

Naglalayon ng totalinaryanismo: [1] Nasasaad sa panukalang ito na kahit labag sa konsensya ng isang doktor ang ipinapagawa sa kanya, wala siyang ibang pagpipilian kundi gawin ito o irekomenda ang pasyente sa ibang katrabaho – bagay na kapwa lalabag sa kanyang paninindigan bilang manggagamot at bilang tao. Wala itong pagkakaiba sa pagsasabing, “Kung hindi kaya ng konsensya mo ang pumatay, ipapatay mo sa iba.” Kung may pangatlong pagpipilian man, iyon ay ang tanggapin ang parusa sa paglabag sa kautasang ito. [2] Mapaparusahan din ang sinumang magsasalita laban sa intensyon at linalaman ng panukalang ito – isang tuwirang pagsikil sa karapatang magpahayag, magsalita, at kumwestyon sa mga bagay na hindi inaayunan ng mamamayan. Minsang maisabatas ang ganitong panukala, magiging sunod-sunod na ito – bagay na magliligtas sa mga abusado mula sa kamay ng batas, at maglalagay naman sa ating kalayaan at karapatan sa likod ng rehas. Dahil dito, ang paggawa at pagsasakatuparan ng mga susunod na batas ay dedepende na lang sa kamay at kapritso ng mga nasa kapangyarihan, at hindi na sa boses at tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.

Labag sa karapatan ng mga magulang, mga manggagamot, at ng mga taong kumikilala sa matuwid na konsensya: [1] Tulad ng nabanggit, sa ayaw man o sa gusto ng mga magulang, obligado silang ipaubaya sa mga makakontraseptibong guro ang paghubog sa kaisipan at moralidad ng kanilang mga anak–tungkuling nararapat sa magulang at sa Simbahan, hindi sa Estado. At dahil nga bawal ang magsalita laban sa mga impormasyong  nagmumula at may kinalaman sa “batas”na ito, hindi malayo ang posibilidad na maparusahan ang mga magulang dahil sa pagtuturo ng inaakala nilang tama kung ito ay mangangahulugan ng pagsalungat sa mga doktrina ng gobyerno. [2] Sinasabi rin ng RH Bill na walang karapatan ang magulang na pagbawalan ang isang menor de edad na anak na humingi ng “tulong” sa isang manggagamot para hindi matuloy ang kanyang pagdadalantao kung siya ay biktima ng panghahalay. [3] Ang doktor naman na tatanggi sa gusting mangyari ng nasabing menor ay maaaring makulong, magmulta o pareho. Ganito rin ang mangyayari sa kanya sa pagtangging gumawa ng pagtatali (tubal ligation) o paglalagay ng kontraseptibong kasangkapan sa isang babae. Kaya kung labag man sa konsensya ng mga estudyante, mga magulang, mga manggagamot, at ng mga mamamayan ang iniuutos ng RH Bill, wala silang pagpipilian kundi tanggapin na ang kanilang karapatan ay yinuyurakan ng isang masamang gobyerno.

Mapangwasak ng pamilya: [1] Hindi lamang ang autoridad ng magulang sa anak ang winawalang halaga ng panukalang ito, sinsabi rin nito na walang kinalaman ang isang lalaki sa desisyon ng kanyang asawa na magpatali. Wala itong paggalang sa halaga ng kooperasyon at pagkakasundo ng mag-asawa sa pagbuo ng mga desisyon. Binubunot nito sa ugat ang dahilan kung bakit buo at matatag ang isang pamilya – respeto. Ginagawa nitong depensibo ang mga anak “laban” sa pakikisangkot ng mga magulang sa kanilang buhay; at ang mag-asawa laban sa isa’t isa. [2] Dahil sa kawalan ng pakikisangkot, at dahil sa pader na gusting ilagay ng panukalang ito sa pag-itan ng imga myembro ng pamilya, ang bawat isa ay magiging miserable. At kapag dumating na ang pagkakataong iyon, magsisilbing “tagapagligtas” ang kontraseptibong kaisipan na itinanim ng gobyerno sa mag-asawa at sa mga anak. Sa paghahanap ng pagmamahal, kahulagan, at kasiyahan, ang mga biktima ng mentalidad na ito ay mahuhulog at maaalipin sa pakikiapid, pangangalunya, papalit-palit at maramihang sekswal na relasyon, at maging sa homosekswalidad na ngayon pa lamang ay nagsisimula nang maging pangkaraniwan. Ang kaisipan at kalagayang ito ang papatay sa kanilang pagkatao, sa halip na magbibigay ng tunay na kasiyahan. Hindi masusukat ang lawak at lalim ng pagkawasak ng dulot ng hungkag na pagkatao na sinamahan pa ng maling kaisipan.

Mapanlinlang: [1] Kung susuriing mabuti ay hindi maitatago ang intensyonal na pagpapalabo ng mga salitang ginamit sa RH Bill. Isa dito ay ang bahaging tumutukoy sa karapatan ng isang menor de edad na malapatan ng “karampatang lunas” sa kaso ng panghahalay. Kung sakali ay malalaman na lang ng madla ang totoo nilang kahulugan kapag naisabatas na ito at wala nang magagawa ang sinumang hindi sasang-ayon. At dapat kong ipaaalalang muli sa bahaging ito na ang pagsasalita laban dito ay mangangahulugan ng kaparusahan. [2] Mapapansin din sa mga debate at panayam ang deretsahang pag-iwas ng mga tagapagsulong ng RH Bill sa mga katanungan tungkol sa implikasyon ng panukala sa magiging kaisipan, kilos, at ugali ng mga kabataan. Hindi rin nila tinutugunan sa tama at malinaw na paraan ang mga tumututol sa HB 5043. Luma man ang istilo nilang ito, patuloy lang nila itong ginagamit dahil wala naman silang ibang mapagpipilian, dahil alam nila na kahit paano nila paikut-ikutin ang mga argumento ay babagsak pa rin sila maling konklusyon. Kapag tinatanong sila tungkol sa moralidad, ang isinasagot nila ay tungkol sa ekonomiya. Iliniligaw din nilang pilit ang mga nakikinig sa pamamagitan ng pagsasabing ang mga Filipino ay biktima ng mga “maton” ng lipunan sa pangunguna ng Simbahang Katoliko. [3] Itinatago rin ng panukalang ito ang katotohanan sa likod ng mga pangakong kalusugan ng mga kontraseptibo. Hindi nito sinasabi sa tao ang mga depekto at masasamang epekto ng oral contraceptive pill (OCP), at ang mga sakit at kondisyon na maaaring idulot nito. Higit sa lahat, hindi nito inaamin maraming “kontraseptibo”ang hindi talaga nararapat sa katawagang ito, dahil hindi lamang nila pinipigilan ang paglilihi, tinatapos din ng mga ito ang umiiral na pagdadalantao; sa madaling salita, pinapatay ng mga kemikal na ito ang tao na nasa sinapupunan ng kanyang ina. [4] Tungkol sa agarang aksyon na tinutukoy ng RH Bill sa kaso ng mga babaeng pinagsamantalahan, ang “lunas” na iniaalok nila ay isang hatol na kamatayan para sa isang taong walang kakayahang ipagtanggol ang kanyang sarili. Sinadyang hindi ilagay ang mahahalagang detalye kung paano “tutulungan” ang isang biktima ng panghahalay, basta inuutusan nito ang mga manggagamot na gawin ang hinihiling ng pasyente. [5] Sinasabi ng RH Bill na mananatiling labag sa batas ang aborsyon pero nais nitong isabatas ang pagtulong ng mga doktor sa mga babaeng nakapagpalaglag na. Bakit kailangan itong isabatas? Hindi ba’t tungkulin talaga ito ng mga doktor, nakasaad man sa batas o hindi? Kailangan pa bang takutin ng pagkakulong at pagmumulta ang mga taong ito para lang gawin nila ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga tagapangalaga ng kalusugan? Gusto itong isabatas ng mga tagapagsulong ng HB 5043 para siguruhin sa mga babaeng naguguluhan ang isip, na kailanman nila mapagpasyahan tapusin ang kanilang pagdadalantao – sa anuman paraan – suportado sila ng gobyerno dahil sagot nito ang lahat ng gastusin pagkatapos ng aborsyon.

Dalawang malaking mga mata ang kailangan para mabasa ang pandara, masamang intension, at tunay na epekto ng HB 5043. Minsang maipasa ang panukalang ito, lalabas ang halimaw sa mala-anghel nitong itsura. Kung paanong ang mayayamang bansa ay unti-unting lumulubog para maghintay ng kamatayan, ang Pilipinas din ay mamamatay kung hindi nito sasansalain ang mga maka-kamatayang polisiya na pilit isinusulong ng mga politikong mangmang kung hindi man bulok ang pagkatao.

Kamatayang indibidwal, kamatayang espiritwal, at kamatayang panlipunan ang tunay na isinusulong ng HB 5043 at ng mga taga-suporta nito.

D – divorce
E – euthanasia
A – abortion
T – two-child policy
H – homosexuality

Isa itong ahas na may dilang sintamis ng mansanas at ang laging bukambibig ay “karapatan para sa kababaihan”, “labanan ang kahirapan”, “malusog at matalinong lipunan”, “matatag na pamilya”, at lahat ng magagandang salitang umaakit sa mababaw na pag-iisip. Alam ni Satanas na hindi pa rin nagbabago ang tao. Kung paanong ang ating mga magulang ay kumagat sa kamatayan dahil sa isang mungkahing maganda sa paningin, masarap, at para bang magbibigay ng ganap na pamamahala, ang ating henerasyon ay nagpapalinlang pa rin sa matatamis na salita ng Masama.

Sa likod ng masaganang buhay na iniaalok ng HB 503 ay kamatayan; sa liko ng pangakong matatag na pamilya ay mga wasak na relasyon at pagkatao; sa kabila ng konklusyon tungkol sa pagkakaroon ng ganap at kasiya-siyang sekswalidad ay walang katapusang paghahanap, homosekswalidad, at sari-saring mga bisyo; sa kabila ng ipinagmamalaking mabubuti at responsableng mamamayan ay mga taong walang pagkilala sa moralidad; sa kabila ng pag-asang lalakas ang ekonomiya ay isang lipunan ng matatanda at mahihina na wala nang magpapakain at hindi na mapapalitan ng mas maraming bilang ng mga kabataang magtatrabaho.

Ang RH Bill, mula ulo hanggang paa, ay isang malaki at ganap na panlilinlang. Wala kahit kaunting mabuting intension ang mga tunay na nasa likod nito. Ang paghalal sa mga kandidatong sumusuporta sa panukalang ito ay pagwasak sa ating demokrasya, pag-iikot ng lubid sa ating leeg para hilahin ng mga nasa kapangyarihan, pagpatay sa mga inosenteng nilalang na nasa sinapupunan, pagtangap sa isang kultura kung saan ang kababaihan ay sekswal na kasangkapan lamang, pagbalewala sa batas ng bansa na nagsasabing  dapat protektahan ng estado ang buhay at karapatan ng bawat  tao mula pa man sa  unang  sandali ng  kanyang pag-iral sa sinapupuna, pagbibigay ng kaisipan sa mga kabataan at sa lahat ng mamamayan na ang tunay na responsibilidad ay ang pagtakas sa konsikwensya ng kanilang mga gawa, pagbibigay ng karapatan sa gobyerno na magpasya sa ating buhay pampamilya, at kung paano tayo dapat kumilos mula sa labas hanggang sa kaloob-looban na ating tahanan. Ang  RH bill ay isang malaking pinto na magpapasok –at walang makakapigil –sa mga polisiyang tatapos sa kalayaan, mabuting pag-uugali, karapatang  mamuhay ng pribado,at pagpapahalaga sa buhay na maraming taon na nating ipinakipaglaban mula sa mga pwersang galit dito.

Hindi nakakapagtaka na walang katapusan ang mga pagkilos laban sa buhay at sa pamilya dahil si satanas ang prinsipe ng mundong ito [cf.jn14:30]; siya ay mamamatay –tao sa pasimula pa [jn8:4]. Pero lagi rin mananatili ang ating tungkulin bilang mga pinahaharian na diyos na sansalain at labanan ang mga gawain ng masama. Sa pakikibakang ito ay walang lugar ang kaduwagan [cf.rv 21:8], ana pananahimik, at kawalan ng panig. “ kung hindi kayo panig sa akin, kayo’y laban sa akin”[Lk 11:23].

Permalink Leave a Comment

Separation of Church and State

April 4, 2010 at 5:29 am (Commentary)

To begin with, it is not what others think of as an absolute disconnection between the Church and the State. It simply means that government funds shall not be used for church-related activities or for a particular church’s temporal needs, and that the State shall not adopt any particular religion as its own. Others would think that the purpose of this concept is to prevent the Church from intervening with any State matter. But the Constitution of the Republic of the Philippines shows the opposite. Following are some statements that further elaborate the meaning of the idea. Article II Section 13 says that the State shall promote and protect the youth’s spiritual well-being. Doesn’t it sound like the State “cooperates” with the mission of the Church rather than being indifferent to it? Section 5 of the Bill of Rights reads as follows: “No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.” It appears that the State is actively protecting the freedom of religion and of the Church, instead of distancing itself from it. This protection is being re-affirmed by the same Constitution by saying that “The State shall defend the right of spouses to found a family in accordance with their religious convictions…” (Art. XV Sec. 3 Par. 1). This does obviously mean that since the family is the foundation of the nation, our society is being built according to these families’ religious conviction, with the Church and the State on their back, serving as their counselor and protector.

It is not uncommon to hear the old lines, “We cannot have a Church-run state,” and “The battle of the Church is for our soul – in our spiritual and moral formation, but not through a governmental action.” It sounds plausible but it is actually mindless and misleading. To say that the state decisions should not be influenced by a moral formation is just as saying that the State has nothing to do with morality, and so all of its actions. To say that the battle of the soul ends where governmental action begins is no less than saying that people from the government stopped having a soul. And to say that the Church has no more right to appeal to one’s conscience if that one is already in politics is tantamount to saying that politicians have no conscience anymore. Moreover, it is very wrong to think that speaking about politics means politicizing, and that speaking about the government means running it. The Church is the conscience of the society – not excluding the State. The only people that it does not appeal to are those who are not part of the society and those who have no conscience. It is the presence of God’s Kingdom on earth, but it does not attempt to run the civil government. The archbishop of Manila, for instance, is not the president of the Philippines; nor the CBCP his cabinet members. It should be noted, however, that this does not mean that the Church would be unconcerned about civic affairs. It would always engage itself in every aspect of human life since no human being is “body alone” or “soul alone”. As long as our activities are human, the Church has something to do with it, either directly or indirectly.

Separation of Church and State is not a hostile divorce between two governments; it is rather a complementary distinction. To think of literally separating them would be equally senseless with saying, “Ang ilaw ng tahanan ay walang pakialam sa haligi nito.” Is it not the Church who teaches us to give what is due to the State (Mt 22:21), and that we should be obedient to the civil authorities (Rm 13:1; 1 P 2:13-14)? And is it not the State that mightily defends the rights of the Church and the freedom of religion? Besides, we are talking about the Fatherland and the Mother Church.

Permalink 1 Comment

Mga Wakas ng Lupa

April 4, 2010 at 5:27 am (Commentary)

Isang pampagising ng isip ang ekspresyong ito, salamat sa pagpupumilit ng “Iglesia ni Cristo” na bigyan ito ng bago at hindi katanggap-tanggap na kahulugan. Tulungan natin ang mga myembro ng INC na pag-aralan kung paano dapat inuunawa ang mga salita, at kung paano dapat tanggapin na kung ano ang pinagkakaisahan ng mga eksperto sa pananalita ay siyang tamang pakahulugan nito. Hindi maaaring basta na lang tumayo ang isang tao at magprotesta na ang pinagkaisahan, halimbawa, ng Webster, Merriam, Britannica, at Encarta ay mali, at ang sarili niyang pakahulugan ang tama.

Ngayon, ito ang masayang bahagi: Matapat ninyong pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang “mga wakas ng lupa” o “ends of the earth”. Alin sa sumusunod ang tamang paggamit: [1] “Umabot ang kanyang mga salita hanggang sa mga wakas ng lupa” o [2] “Magbalik-loob na kayo, malapit na ang mga wakas ng lupa”? Ang una ay tumutukoy sa lugar o heograpiya, samantalang ang ikalawa ay nagtatangkang tumukoy sa panahon. Ang “mga wakas ng lupa” ba ay nangangahulugang “dulo ng mundo” o tumutukoy sa kamatayan nito?

Ito ang isang ekspresyon sa Biblia na kinailangang baguhin ng INC ang kahulugan para umayon sa kanilang katuruan. Sinasabi ng relihiyong ito na ayon kay Propeta Isaias ay si Felix Manalo ang ipinadala ng Diyos sa mga huling araw kaya ipinipilit nila na ito ang ibig sabihin ng “mga wakas ng lupa”. Magandang ideya at matapang na manipulasyon pero walang sinumang matalino ang magagawa nitong linlangin. Sapat na sa isang tao ang magkaroon ng tamang bokabularyo para makilala ang malaking kamalian sa panlilinlang na ito. Hindi kailanman magiging posible na gamitin ang mga katagang “mga wakas ng lupa” o kahit pa “mga wakas ng mundo” para tumukoy sa panahon. Hindi maaaring sabihin, “Iibigin kita hanggang sa mga wakas ng mundo,” sa halip ay dapat sabihin, “Iibigin kita hanggang sa wakas ng panahon,” o kaya ay “hanggang sa magwakas ang mundo.” Ano na lang ang sasabihin ng iyong sinusuyo kung ang una ang pipiliin mong sasabihin?

Para sa mga hindi pa rin makaunawa sa pagkakaiba, ang isa sa mga maaaring bigyan ng pansin ay ang salitang “mga”. Iisa lang ang wakas ng panahon kaya hindi ito pwedeng gamitan ng ganitong salita. Halimbawa ay matatapos na ang iyong gawain sa susunod na Linggo, hindi mo maaaring sabihin, “Sa mga susunod na Linggo ay tapos na ang ginagawa ko.” Hindi rin tamang sabihin, “Dadalaw ako sa probinsya pagdating ng mga tag-araw.” Ang isang siguradong panahon ay hindi maaaring gamitan ng salitang “mga”. Hawak ang prinsipyong ito ng pananalita, nauunawaan natin na hindi maaaring tumukoy sa panahon ang “mga wakas ng lupa”. Ni hindi maaaring sabihin, “mga wakas ng panahon,” dahil iisa lang ang wakas. Kung mayroon pang ikalawang wakas, ang nauna ay hindi talaga wakas kundi “bago magwakas”. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “penultimate”.

Pangalawang dapat bigyang-diin ay ang katotohanan na ang mga huling araw ay hindi nagsimula sa ating panahon o sa panahon man ni Felix Manalo kundi sa panahon ng mga apostol kung saan ang mga hula ni Jesus tungkol sa darating na kahirapan ay nagsimulang matupad. Ni wala pa sa mundo ang lolo ng lolo ni Mang Felix noong panahong iyon. Si Jesus ang sugo na tinutukoy ng mga hula ni Isaias tungkol sa mga huling araw. May magtatanong naman, “Akala ko ba ay hindi maaaring gamitin ang ‘mga’ kapag tumutukoy sa isang siguradong panahon?” Tama. Ang mga huling araw ay hindi tumutukoy sa isang siguradong araw kundi sa isang “era” o kahabaan ng panahon na kinapapalooban ng mga araw na ito. Tama ang sabihing, “Sa darating na bakasyon ay pupunta kami sa aming mga kamag-anak,” at tama din naman na sabihin, “Parating na ang masasayang araw ng bakasyon.” Bagamat iisa lang ang panahong tinutukoy, ito rin ay tumutukoy sa maraming mga araw na bumubuo dito. Pero kung sasabihing, “Pupunta kami sa aming mga kamag-anak sa paparating na mga bakasyon,” hindi na ito tama.

Sa huli ay pinatutunayan lang na ang ekspresyon na “mga wakas ng lupa” ay hindi maaaring tumukoy sa isang panahon; ito ay mananatiling tumutukoy sa lugar. Dahil din dito kaya alam nating mananatiling mali at mapanlinlang ang katuruan ni Felix Manalo.

Permalink Leave a Comment

Ang Anticristo

April 4, 2010 at 5:26 am (Commentary)

 Ang Anticristo, ayon sa paglalarawan ni Apostol Juan sa kanyang mga sulat, ay mayroong tatlong pagkakakilanlan. Una ay ang pagiging “dating kasamahan”. Marami ang mga nagtatayo ng sarili nilang relihiyon bagamat dati rin silang mga bahagi ng tunay na Simbahan. Pero tulad ng sinasabi ni Juan, sila ay “hindi natin tunay na kaisa” (1 Juan 2:19). 

Pangalawa ay ang pagtanggi sa katotohanan na si Jesus ay “naging tao”. Sinasabi ni Juan na “ang hindi nagpapahayag ng gayon tungkol kay Jesus ay hindi kinaroroonan ng Espiritung mula sa Diyos. Ang espiritu ng Anticristo ang nasa kanya” (1 Juan 4:3). Sa ibang sulat ay sinabi din niya, “Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya – mga taong hindi nagpapahayag na si Jesucristo’y naging tao. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anticristo” (2 Juan 7). Ano ba ang ibig sabihin ng “naging tao”? Kung paano ito nakasulat, ganun din ang ibig sabihin. Si Jesus ay may ibang kalikasan bago pa siya naging tao. Umiiral na siya bago pa man siya isinilang. Hindi siya katulad natin na nagmula sa wala. Bago pa man si Abraham ay siya na. Siya ay nagmula sa una, ayon kay Juan Bautista. Sinabi ni Pablo, “Sa kanyang pagiginga tao, siya’y ipinanganak mula sa lipi ni David…” (Roma 1:3), at “Siya’y nahayag nang maging tao” (1 Timoteo 3:16). Sa sulat sa mga taga-Filipos ay sinasabi, “Hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin” (2:7), tulad din ng sinabi ni Juan: “Naging tao ang salita at siya’y nanirahan sa piling natin” (Juan 1:14).

Itinuturo ng ilang relihiyon tulad ng “Iglesia ni Cristo” at Saksi ni Jehovah na si Jesus ay tao lamang katulad ng lahat at nagkaroon lamang ng pag-iral noong siya ay isinilang. Pero tulad ng sinasabi ni Juan, ito ay “ibang turo”, dahil tinanggap natin mula sa mga apostol na si Jesus ay “naging tao” o “nagkatawang-tao”. Ito  ang ikatlong pagkakakilanlan ng Anticristo: ang pagdadala ng ibang turo. Nagbabala si Juan na “sinumang dumating sa inyo na ibang turo ang dala ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, ni huwag ninyong batiin” (2 Juan 10).

Permalink Leave a Comment

Iboboto mo ba ang RH Bill?

February 16, 2010 at 5:43 am (Commentary)

Ang pagboto sa isang kandidato ay pag-ayon sa kanyang mga adhikain. Bakit hindi dapat ihalal ang isang kandidatong sumusuporta sa House Bill 5043 o Reproductive Health Bill? Una, dahil ang ganitong kandidato ay ignorante at bulag sa totoong problema ng bansa, kung hindi man kabilang sa mga mapagsamantala at mapanlinlang na tagapanukala ng batas na ito. Isang malaki at harapang sabwatan at panloloko ang pagsusulong ng panukalang ito na mag-uutos sa gobyerno na magtakada ng bilyon-bilyong halaga ng piso para sa mga pasilidad, instrumento, at kemikal na kakailanganin sa pagpapatupad sa nasabing panukala. At kanino mapupunta ang napakalaking bahagi ng perang ito? Sa mga nagmungkahi ng ganitong mga proyekto. At ilang beses magkakaroon ng mga proyekto na may kinalaman dito? Hanggat umiiral ang batas na ito. Kung nagpapasasa na ngayon ang mga politico at opisyal ng gobyerno sa pera ng tao, ang panukalang batas na ito ay higit na magbibigay ng “karapatan” sa iilan para angkinin ang yaman ng mga mamamayan. Kanino naman mapupunta ang natitirang bahagi ng budget na nakalaan para dito? Sa mga kasabwat na organisasyon at mga kompanyang nagsusulong ng kontraseptibong kaisipan na nagkataon din naman – at hindi kataka-taka – na silang humahakot ng limpak-limpak na salapi sa industriya ng aborsyon. Sa ginanap na rally sa University of Sto. Tomas noong July 2008 laban sa RH Bill, ibinunyag ng isang dating empleyado ng Dept. of Health (DOH), at dating  masugid na kaaway ng mga pro-life movement, ang paglalaan ng gobyerno ng budget, at ang mga transaksyon sa pagpasok sa bansa ng mga instrumentong ginagamit sa pagpatay ng mga sanggol sa sinapupunan. Wala pa man at hindi pa naiipasa ang HB 5043 ay nagagawa na nilang magnakaw sa tao para pumatay ng tao, ano pa ang hindi nila magagawa kapag naiputupad na ito? At para masiguro nilang hindi sila mananagot sa mga pagnanakaw at panlilinlang na gagawin nila, iniutos ng section 21.e ng nasabing house bill na makukulong at magmumulta ang sinumang magsasalita laban sa tunay na layunin ng “batas” na ito. Kpag nagkataon, ito ang nag-iisang batas sa Pilipinas na hindi maaaring  ilagay sapagsusuri at hindi pwedeng punahin. Ito ay isang garapalang pagsikil sa kalayaan ng pagsasalita at kalyaan ng pamamahayag na siyang pundasyon ng ating demokrasya. Kung mag-iisip lang tayo, hindi ba’t ang nag-iisang batas na ito na papatay sa ating kalayaan ay hindi mananatiling nag-iisa? Kung ikaw ay isang masigasig na tagapagsulong ng mga panukala, at nakita mong posible palang pagbantaan ang mga mamamayan laban sa pagsasalita ng salungat sa mga  batas na isinusulong mo, palalampasin mo ba ang pagkakataong gamitin ito para protektahan ang iyong ipinaglalaban? Ang mga katulad ni Edcel Lagman at ng mga kasama nya ay hindi magpapalampas ng ganitong pagkakataon. Ang bawat panukalang batas na susunod sa yapak ng HB 5043 ay unti-unting magdadala sa atin sa isang totalitaryanismong pamahalaan kung saan ang tao ay bawal magsalita laban sa batas at sa gobyerno gaano man ito kasama. Ang totoo, hindi nalalayo ang ideya ng RH bill sa kaisipan ng komunistang Tsina. Kung sa Tsina ay may one-child policy, ang RH Bill naman ay may two-child policy, na bagamat hindi ipinipilit sa legal na paraan ang paglilimita hanggang sa dalawang anak  bawat mag-asawa, layunin naman nitong bigyan ng stigma o pasamain sa mata ng nakakarami ang sinumang may anak na hihigit dito. Hindi mahirap basahin ang intensyon ng panukalang ito dahil ang totoo, hindi naman talaga ito bago at orihinal; ginaya lang ito sa mga batas na naitutupad na sa ibang mga bansa, lalo na sa Estados Unidos.

Pangalawang dahilan kung bakit hindi dapat iboto ang kandidatong sumusuporta sa RH bill ay dahil sa kawalan nito ng kakayahang sagutin ang mga argumento laban sa panukalang ito. Lahat ng mga umaayon sa HB 5043 ay hindi kailanman deretsahang sumasagot sa isyu ng abortifacient effect ng hormonal contraceptives at IUD. Hindi rin sila nagsasalita tungkol sa panganib ng “promiscuity”, sa halip ay pilit nilang sinasabi na dapat maging handa tayo sa katotohanan na habang tumtagal ay nagiging sexually active ang mga kabataan. Ang susunod ba nating kailangang tanggapin ay ang parami nang paraming kaso ng rape? Kapag nagkataon, dito papasok ang “solusyon” ng RH bill na ang mga biktima ng pang-aabusong sekswal ay dapat “tulungan” ng mga doctor. At ano ang tulong na ito? Walang nakasulat. Pero kung uunawaing mabuti, ito ay tumutukoy sa tinatawag nilang “plan B”. Ang Plan B ngayon ay isa nang brand name ng “emergency pill” sa ibang bansa. Ito ay tinawag na Plan B dahil ginagawa nito ang nabigong isakatuparan ng OCP (oral contraceptive pill) – ang itapon ang zygote palabas sa sinapupunan. Sa Section 21 Paragraph 9.3 ng RH bill ay pinagbabawal sa lahat ng health care provider ang pagtanggi na “gawan ng paraan” ang pagbubuntis ng isang inabusong menor de edad kahit na hindi ito pinahintulutan ng magulang ng bata. Kailangan din ba natin tanggapin ang unti-unting pagkawala ng respeto at pagwawalang bahala ng mga kabataan sa kanilang mga magulang na dulot ng ganitong batas? Tatanggapin na lang din ba natin na dahil sa kawalan ng takot ng mabuntis o magkasakit sa “tulong” ng condom ay magiging talamak ang kaswal na sexual activities at prostitusyon sa Pilipinas tulad sa Estados Unidos at sa ibang bansa, na parang bang ang lahat ng teen parties ay sex parties? Hindi ba’t sa Pilipinas ay may tinatawag din na party condom? Para sa mga hindi nakakaalam , Frenzy ang brand name ng contraceptive na ito. At isipin nyo na lang kung ano ang ipinapahiwatig ng salitang “frenzy” at “party condom”: ito ba ang sense of responsibility na tinutukoy ng mga taga suporta ng kontraseptibong kultura: promiscuity and wild behavior?

Pangatlong dahilan kung bakit hindi dapat iboto ang mga kandidatong sumusuporta sa HB 5043 ay ang kawalan ng consistency sa kanilang dindalang prinsipyo at pangalan bilang Cristiano. Tinatawag nila ang sarili sa ganitong pangalan pero hindi nila kayang manindigan sa hinahawakan nitong mga prisipyong moral. Hindi nila kayang talikuran ang pagiging myembro ng Simbahan, pero wala din silang balak na sundin ito. Sila ang tinutukoy ng tinatawag nilang Panginoon: “Alam ko ang iyong mga gawa. Hindi ka malamig ni mainit man. Higit na mabuti kung malamig o mainit ka. Ngunit maligamgam ka at hindi malamig ni mainit, kaya isusuka kita sa aking bibig.” Mas mabuti  pa sa kanila ang mga hindi Cristiano pero matapat sa kanilang pananampalataya.

Kapag ibinoto mo ang ganitong kandidato, ibinoto mo na rin ang HB 5043; Ibinoto mo rin ang mga kriminalidad at pang-aabusong idudulot ng RH bill; Ibinoto mo na rin ang sisikil sa kalayaan ng mga Pilipino; at ibinoto mo na rin ang kamangmangan, kawalang kakayahang humarap sa isyu, at kawalan ng paninindigan ng kandidatong ito. Ilalagay mo ba ang kinabukasan mo sa ganitong pamahalaan at sa ganitong batas?

Permalink 23 Comments

We Celebrate Life

November 2, 2009 at 3:01 am (Commentary)

Do we really have a feast for the dead people? Some Filipinos named November 1st “Araw ng mga patay,” “Pyesta ng mga patay,” or simply “Pyestang Patay” that would literally mean dead feast – a feast that has no life. Weird as it sounds, but Filipinos are so accustomed to the name and to their idea of the day that they don’t bother to analyze what they are doing and saying.

November 1 is All Saints Day or what others call Todos los Santos. It is not about dead people or about celebrating their death. We celebrate life, not death. We commemorate the life of our loved ones who, though physically dead, are more alive than when they were with their bodies. We are also praying for them not because they are not holy enough to be with God in heaven, but because we acknowledge their imperfection as human beings. We believe that they are destined for heaven, and that they might be with God already. But there is still a possibility that they are not perfected yet for their new life, just like a gold piece is being perfected on fire, experiencing the cleansing heat of furnace. It doesn’t mean they are not gold because they go through that suffering; instead, God purifies them to make their real worth show.

As the Scripture says, “God is not God of the dead but of the living,” and so we don’t exult death, and we don’t have feast for dead people. We celebrate the entrance of God’s saint’s into their new life – a life where sin, sufferings, hunger, diseases, and death exist no more. We are praising the Artist for his masterpieces and praying that he would finish his work on those who haven’t had his last touch yet.

 

Also read:
Araw ng mga patay?

Permalink Leave a Comment

Divine Filipino Catholic Church

April 5, 2009 at 7:06 pm (Commentary)

Siguro ay narinig ko na ang pangalang ito noon pa pero ngayon ko lang nakita nang harapan ang simbahang ito. Kasama ako sa isang ginanap na kumpil nitong April 5, 2009, Linggo ng Palaspas. Habang nasa byahe ay napansin kong lumampas na ang sasakyan sa Catholic parish sa bandang Karuhatan, Valenzuela pero hindi pa rin tumigil ang sasakyan. Doon pa lang ay nagtaka na ako. Pumasok ang sasakyan sa isang makipot na daan hanggang sa nakarating na sa pupuntahang simbahan. Sa lokasyon pa lang ng simbahan ay nagduda na ako at hindi ako makumbinsi ng obserbasyon ko na Katolikong parokya ang makikita ko. Pagbaba ng jeep, tama ang hinala ko, bumungad agad ang pangalan: Divine Filipino Catholic Church. “Divine Filipino”? Weird! Siguradong ito ay Filipinismo ng relihiyon! “Catholic Church”? Sa dinami-dami ng nakita kong parokyang Katoliko sa Pilipinas, wala akong nakitang salitang “Catholic Church” sa pangalan ng mga ito, at halata naman agad ang dahilan. Lahat ng ibang sektang Cristiano ay may kanya-kanyang pangalan maliban sa mga Catholic parish dahil ito ang nag-iisang Simbahang itinatag ni Jesus at hindi rin ito itinatag makalipas ang panahon ng mga apostol, sa halip ay ang mga apostol mismo ang naging haligi nito. Ito ang dahilan kung bakit hindi nito kailangang magpakilala na tulad ng sa mga bagong sibol ng simbahan.

Nakita ko ang pisikal na istraktura ng Divine Catholic Filipino Church, ang paraan ng pagdiriwang ng Misa, binyag, at kumpil. Tulad ng Iglesia Aglipayano, ang mga pari nila ay maaari din mag-asawa. Kapansin-pansin ang ibang bersyon ng Credo na dinadasal sa salitang may tunog Latino pero hindi ako siguradong purong Latin nga ito; ang sigurado ay hindi ito Kredo ng mga Apostol. Ang “Lord’s Prayer” din ay hindi ang Ama Namin na nasa Bibliya at dinadasal ng mga Katoliko. Napansin kong hindi rin mula sa Kasulatan ang kanilang “unang pagbasa”, sa halip ay isang pagpapakilala sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Ang mga panalanging binibigkas ng pari ay halo-halong mga salita na halos hindi maintindihan at sinasapawan pa ng malakas na tugtog galing sa CD o tape. Sa pagdiriwang ng binyag at kumpil, sa pandinig ko ay Katoliko ang mga salita ng ritu; ang kapansin-pansin lang ay ang pagdadagdag ng katagang “espiritwal” tuwing binabanggit ang “Iglesya Katolika”.

Bukod sa mga salita ay makatawag pansin din ang mga rebulto at mga simbolo na makikita sa larawan.

Permalink 6 Comments

Ang Pagkain at ang Katawan

May 26, 2008 at 12:43 pm (Commentary)

Bago umakyat si Jesus sa langit, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tandaan, ninyo: Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon” (Mt 28:20). Hindi ba’t kasama naman talaga natin lagi ang Diyos dahil siya ay nasa lahat ng lugar sa lahat ng panahon? At di ba kasama talaga ng mga Cristiano ang Diyos dahil ang kanilang katawan ay templo ng Espiritu Santo? At hindi ba’t sinabi ni Jesus na kung saan may natitipong dalawa o tatlong tao sa pangalan niya, siya ay kasama nila? Pero ang pangako ni Jesus sa mga alagad ay hindi lamang totoo sa ispiritwal na paraan, dahil simula noong umakyat siya sa langit hanggang ngayon, si Jesus ay pisikal na nananatili sa mundo sa pamamagitan ng Banal na Sakramento. Kahit kailan ay hindi iniwan ni Jesus ang mundo sa ispiritwal man o pisikal na paraan. Ang kanyang katawan – ang pisikal na bahagi ng kanyang pagkatao, kasama ng kanyang kaluluwa at pagka-Diyos – ay laging nananahan sa mga tabernakulo. Ang linikhang tinapay ay nagiging May-Likha tuwing ipinagdiriwang ang Sakramento ng Pasasalamat (Eukaristiya), at ito ay tuloy-tuloy na nangyayari sa magkakadikit na oras sa buong mundo araw at gabi.

Sa dinami-dami ng mga pisikal na bagay na nakapaligid sa tao, bakit pinili ng Diyos ang tinapay? Dahil ang tinapay, lalo na sa mga lugar kung saan ito ang pangunahing pagkain, ay sumisimbolo sa pinagmumulan ng buhay. Mas mulat tayo sa importansya ng pagkain kaysa importansya ng hinihinga nating hangin dahil araw-araw nating nararamdaman ang gutom tuwing oras ng pagkain. Gusto ni Jesus na tugunan ang ating pagkagutom sa pamamagitan mismo ng kanyang katawan, at sa gayon ay matanggap natin kapwa ang kabusugan ng katawan at kabusugan ng kaluluwa. Bukod dito, ang tinapay at alak ay nagpapaalala sa atin ng hinihintay at inaasam nating pagharap sa bangkete (malaking salo-salo) na inihanda ng Diyos para sa atin sa langit.

Sa microbiology, matututunan natin na ang pagkain ay nagiging bahagi ng kumakain. Ang sustansyang tinatawag nating protina ay mga “building block” o mga pangunahing (Gr. protos) materyales na kailangan ng katawan para makabuo ng mga bagong cell na pumapalit sa mga luma. Ang mga cell naman ay nagsasama-sama para maging tissue tulad ng dugo at muscles. Ang mga tissue namang ito ang bumubuo sa mga organ katulad ng tiyan, atay, mata, puso, at iba pa, at ang mga organ ang bumubuo sa body system o sa pisikal na katawan ng tao. Ang glucose naman o asukal ang siyang pagkain ng mga cell dahil ito ang pinoproseso para maging energy. Pero syempre, hindi dapat isipin na ang mas maraming asukal sa katawan ay mas mabuti. Lahat ng sobra ay lason sa katawan. Ang asukal ay hindi lamang tumutukoy sa table sugar na linalagay sa kape o sa gatas, ito ay ang glucose na nasa mga pagkain, lalo na yung mayayaman sa carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, at patatas. Hindi lahat ng sustansya ng pagkain ay nagiging bahagi ng katawan dahil iba-iba ang kanilang trabaho, pero nananatiling totoo na ang pagkain ang bumubuo sa kumakain. Ang mga cell ng buong katawan mo noong mga nakaraan taon ay hindi na ang parehong mga cell na bumubuo sa iyo ngayon; mayroon ka nang isang bagong katawan.

Ganito ka-intimate ang relasyon ng pagkain sa katawan, at ganito rin ang relasyon ng katawan ni Cristo sa katawan ng mga tumatanggap sa kanya sa komunyon. “The eater becomes the eaten,” sabi nga. Ang ating katawan, kapwa sa misteryoso at nakikitang paraan, ay nagiging katawan ni Cristo. Siya ay nagiging bahagi natin, at tayo ay nagiging bahagi niya. Hindi lang pinapalitan ng Diyos ang kalooban natin sa pamamagitan ng pananahan ng Espiritu Santo sa ating puso, pinapalitan niya rin ang ating katawan sa pamamagitan ng kanyang sariling katawan.

* Isinulat para sa sanisidroparish.ning.com.

Permalink 3 Comments

« Previous page · Next page »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.