A Catholic's Blog
Ang Pagbabalik ng mga Prayle
Nakita ko sa dalawang Facebook pages ang parehong “pasted comment” na ito kaya pareho kong iniwanan ng sagot. Sa ibaba ay ang buong teksto:
NO to RH Bill, NO to Culture of Death
Anti RH Bill
Bet Dapapac:
“Ang Pilipinas Ngayon…”
-Ikalabingapat na Yugto: Ang Pagbabalik ng mga Prayle…
Simula po nung maliit ako, hinubog po ako ng aking ama at ina na lumaki bilang isang mabuting Kristyano at anak ng Diyos. Sa awa ng Diyos ay nadala ko po yun sa aking paglaki hanggang sa ngayon.
Kasabay nun ay tinuruan din nila ako at hinubog bilang isang maging mabuting mamamayan at isang mabuting Pilipino. Katulad sa unang itinuro sakin ay nadala ko rin po yun sa aking paglaki.
Tinuro rin po sa akin, ang isang napakahalagang bagay na kailanman ay dapat kong isaisip at tandaan. Ang huwag manghimasok sa buhay ng ibang tao, at makialam ng pag-aari o kaya ng buhay ng iba.
Ito pong ginagawang mga hakbangin ng Simbahang Katolika sa ating bansa ukol sa pagtuligsa sa RH Bill o ang Responsible Parenthood Act ay naririnig, nababasa at napapanood na natin sa mga pahayagan, radyo at telebisyon sa loob ng mahigit na isang taon na mula nang gumulong ang panukalang batas na ito sa Konggreso. At kung anu-ano na po ang ibinabatong mga maaanghang na komento at debate ng magkabilang panig ukol sa Isyu na ito.
Kung sa bagay, may karapatan po ang mga kaparian at ang Simbahan na magpahayag ng damdamin at saloobin ukol sa mga nagaganap sa bansa natin, bilang isang mabuti at nagmamalasakit na mamamayan ng Pilipinas.At bilang isang alagad ng Diyos, karapatan din po nilang magpahayag ng mga bagay, alang-alang sa ikabubuti na rin ng mga mamamayan bilang isang mabuting Kristyano at anak ng Diyos.
Pero, ibang usapan na po yata kung ang mga kaparian po natin at ang Simbahan ay nanghihimasok na sa mga aktibidades ng pamahalaan po natin, na alam naman po nating lahat na ang mga kawani ng pamahalaan po lamang ang maaring makialam. Kasi po sa ginagawang aksyon ng mga taong ito, ay tila nakakalimutan na po yata nila na may napakanipis na linyang naghahati sa Simbahan at sa pamahalaan…Na kung lalagpas po sila sa linyang yun, eh maliwanag na paglabag po yun sa karapatan ng kabilang panig.
ARTICLE 2 SECTION 6; or Seperation of the Church and State…Yan po ang nakapaloob sa ating Saligang Batas.Nasasaad po dito na WALANG ANUMANG KARAPATAN;ni DI MAARING PANGHIMASUKAN NG SIMBAHAN O KAHIT ANUMANG KASAPI NG SIMBAHAN ang buhay o anumang desisyon aktibidades o hakbangin ng isang indibidwal o ng mismong pamahalaan.
Ayon nga po sa isang lumang kasabihan na nanggaling sa mga Romano:
“Render unto Ceasar the things that are Ceasar’s and unto God and the things that are God’s…”
Kung anuman po ang pag-aari ni Sesar ay kay Sesar.At kung anumang pag-aari ng mga Diyos ay sa mga Diyos…
Ang Juan ay kay Juan…Ang kay Pedro ay kay Pedro…Napakalinaw naman po ng nakasulat sa Konstitusyon po natin.Maari pong magkomento at magbigay ng sariling pananaw ang Simbahang Katolika ukol sa RH Bill na yan,PERO DI SILA KAILANMAN PWEDENG MAKIALAM!!WALANG KARAPATAN NA PANGHIMASUKAN NG MGA DAMUHONG YAN ANG KUNG ANUMANG SINUSUONG NG PAMAHALAAN PARA SA MGA MAMAMAYAN!!
Eh sa mga ginagawa po ng mga taong ito na nasa Simbahan eh, malinaw na paglabag na tinadhana ng Saligang Batas itong mga ginagawa nila eh! Kung tutuusin, pwede na silang kasuhan ng gobyerno sa mga ginagawa nila eh! Kasi kahit mismong mga mamamayan eh bini-brainwash na rin po nila ukol po sa batas na ito. Kahit na sabihin pa po ninyong mga pari na sakop ng inyong parokya ang mga taong ito at kusang loob po nila ang pakikilahok nila sa ginagawa ninyo, eh labag pa rin po sa batas yan. Eh mamamayan ng Pilipinas yan eh!
Ako po pinanganak po akong Katoliko. At bilang isang Katoliko, obligasyon ko pong sumunod sa mga utos at sakramentong nilaan po ng Diyos sa akin. Pilipino rin po ako,at obligasyon ko po bilang Pilipino na pangalagaan ang mga mamamayan at ang bansang nagpalaki at nag-aruga po sa akin.
Pero kung ang mga pinuno naman ng kahit alinman sa dalawang mahalagang sangay ng lipunan na ito ang siyang dahilan upang masira ang sangay na ito,ako bilang isang indibidwal ang gagawa ng hakbang upang tuligsain ang mali at bugtot nilang ginagawa.At ngayon bilang isang Pilipino at mamamayan ng bansang ito,obligasyon ko pong ipagtanggol ang mga mamamayan,kinabukasan at kaunlaran ng aking bansa laban sa mga taong gustong diktahan ang ginagawang pamamalakad ng pamahalaan,gayong alam naman po natin na di tama.
Kahit na kapalit po nito ay ang aking pagiging Kristyano o Katoliko.
Sa palagay ko po, dahil sa panukalang batas na ito ay tila bumabalik nanaman po ang panahon ng mga Prayle nung panahon ng Kastila.Kung saan dinidiktahan po nila ang kung anumang gawin ng pamahalaan.Kasi di nalalayo ang ginagawa ng Simbahang Katolika ngayon sa mga Prayleng Kastila noon eh.Kesyo tinatakot ang mga mambabatas na susuporta sa RH Bill,gagawing ex-komunikado ang lahat ng magpapahayag ng suporta dito,kesyo hihingi ng panawagan sa lahat ng mamamayan na gumawa ng public disobedience.
Baka po nakakalimutan nila na matagal nang tapos ang paghahari ng simbahan!Yan pa nga ang dahilan kung bakit nag-alsa sila Francisco Dagohoy,Diego Silang,Andres Bonifacio at iba pa pong mga bayani natin dahil sa paghahari-harian ng mga Prayle nung panahon ng Kastila eh.Eh ngayon pong nanghihimasok nanaman po kayo sa sinusulong na RH Bill sa konggreso,eh baka gusto po nyo pong maulit nanaman sa inyo yung nangyaring senaryo nung panahon ng himagsikan?
Sige po kayo.Kapag napuno ang mga mamamayan sa mga pinaggagawa ninyo ay baka mag-alsa din po ang mga yan.At baka yan din po ang ikabagsak nyo at wala nang maniwala sa mga sinasabi ninyo.
Payo ko naman po sa gobyerno,lalo na po sa mga mambabatas natin na nagsusulong ng batas na ito na dapat banatan nyo rin po ang mga ito na pilit na pinapakelaman ang inyo pong trabaho.Di po ba?Para patas naman po.
Sabihin nyo rin po sa mga paring yan na imbis na pakelaman po kayong mga mambabatas sa trabaho ninyo,eh asikasuhin na lamang po nila yung bumabagsak na moralidad na mga Pilipino.Pati na rin po yung kaliwat kanang pagbubuntis ng mga kabataan na pabata ng pabata.At kaysa makisali sila dito sa isyu na ito,ay magturo na lang po sila ng mga aral at salita ng Diyos.Lalung lalo na po eh,sunud sunod ang mga kalamidad at kaguluhan na nagaganap sa mundo,eh di hamak na maskelangan naman po ng mga tao iyon di ba?
Tama na po ang minsang pakikilahok at pakikipapel ng mga kaparian po natin at ng mismong Simbahan sa pamahalaan nung nagdaang EDSA uno at EDSA dos.Alam na po natin kung ano ang naging resulta ng ginawa ninyong hakbang.At sa tingin po namin,bilang mamamayan eh dapat sana yun na po ang huli.Hayaan nyo naman pong ang pamahalaan ang gumawa ng hakbangin para sa ikauunlad ng ating bayan.
At panghuli…Isang payak ngunit makabuluhang pangungusap lamang po ang iniiwan ko sa mga kaparian,obispo at lalo n po sa arhobispo po natin na hango po sa salitang Inggles.Madalas pong gamitin ang pangungusap na ito.Lalo na po sa mga tao na madalas panghimasukan at pekialaman ang kanilang mga gawain at higit po sa lahat,ang kanilang personal na buhay.
“MIND YOUR OWN BUSINESS…” uulitin ko po…”MIND YOUR OWN BUSINESS…”
Sa mga kaparian po natin…Madali naman po sigurong maintindihan yun ano??
Narito ang mga orihinal kong tugon na makikita sa mga nabanggit na page:
Comment 1:
Bilang “Katoliko” at bilang mamamayang Filipino, hindi mo naiintindihan  ang sinasabi mo. Bilang Katoliko, dapat alam mo na ang Simbahan ay  itinatag ni Cristo at nagmula sa Diyos. Dapat alam mo na sa usapin ng  moralidad at pananampalataya, ang turo ng Simbahan ay walang  pagkakamali ayon na rin sa pangako ng kanyang Panginoon: “Hindi  magtatagumpay dito kahit na ang pintuan ng impyerno.” Dapat alam mo na  ang aksyon ng ilang mambabatas (hindi ng pamahalaan, dahil ang mga  mambabatas ay hindi ang pamahalaan) tungkol sa RH Bill ay may  implikasyong moral. Hindi lang basta karapatan ng Simbahan ang makialam  sa mga usaping moral ng bansa at ng mundo, ito ay kanyang misyon:  “Pakasumpain ako kung hindi ko ipahahayag ang Ebanghelyo.” Yan ang hatol  ng Simbahan sa sarili kung mananahimik siya sa usaping lumalabag sa  kalooban ng Diyos. “Kayo mismo ang humatol kung matuwid sa paningin ng  Diyos ang sumunod sa inyo at hindi sa Diyos. Hindi namin puwedeng hindi  ipahayag ang aming nakita at narinig.” Kaya sinasabi ni Sta. Catalina ng  Siena, “Nakikita kong ang mundo ay bulok dahil sa pananahimik.” At  totoo rin ang kasabihang, “All that is required for evil to prevail is  for good men to do nothing.” Kung hindi magsasalita ang Simbahan (ang  Simbahan ay tumutukoy sa buong sambayanang Cristiano — at dapat sana ay  kasama ka dun), nagpapakita siya ng katrayduran sa kanyang relasyon kay  Cristo. Nagbabala si Jesus, “Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin,  at ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagpapangalat.” Wala sa  bokabularyo ng mga Cristiano ang kawalan ng pakialam. Either you stand  for or you stand against. Sa mga nagsasabing mananahimik na lang sila at  inuudyukan pa ang iba na manahimik, ito ang hatol ng Diyos: “Higit na  mabuti kung malamig o mainit ka. Ngunit maligamgam ka at hindi malamig  ni mainit, kaya isusuka kita sa aking bibig.” Ang mga duwag ay nakatakda  sa ikalawang kamatayan. Kaya sa halip na sabihin mo sa ibang tao na  manahimik, panindigan mo na lang at ipagtanggol ang ipinaglalaban mo,  baka sakaling ikabuti mo pa, but don’t ask anyone to shut up and stop  fighting for what they stand for.
Bilang Filipino, dapat mong unawain kung bakit naging bahagi ng  kasaysayan ang People Power Revolution. Kung may sapat na isip ka na  nung panahong iyon, dapat ay nakilala mo ang katotohanan na ang bansa ay  naglakbay mula sa impyerno papunta sa purgatoryo. Hindi perpekto ang  bansang ito at ang mga tao, at hindi kailanman magiging, pero ang  desperasyon at pagkakaroon ng pag-asa at mapanghahawakang pangarap ay  magkaibang bagay. Ang diktaturya ay maka-komunistang pamamahala lalo na  kung hindi mabuti ang pagkatao ng mga nasa kapangyarihan. Wala nga tayo  sa langit, pero wala na rin tayo sa impyerno; at ito ay dahil sa  pakikialam ng Simbahan. Dahil din sa tulong ni John Paul the Great kaya  gumuho ang komunismo sa ilang bansa na matagal nang umaalipin sa mga  mamamayan. Bilang Filipino ay dapat nauuna ka sa pagtutol sa RH Bill  dahil sa maka-komunistang probisyon nito. Bilang Filipino, dapat ay  naiintindihan mo na tayo ay nasa bansa kung saan ang pamahalaan ay ang  tao — hindi ang mga mambabatas — at ang tungkulin ng Estado ay  katawanin at ipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayan mula sa  sinapupunan hanggang sa libingan. Dapat mong maintindihan na ang RH Bill  ay isang panukalang nagtatangkang labagin nang paulit-ulit ang Batas na  saligan ng karapatan ng lahat ng mamamayan.
Bilang Cristiano at bilang Filipino, dapat mong maintindihan na ang  paboritong bahagi ng mga tagapagsulong ng RH Bill na “Separation of  Church and State” ay hindi naglalayong pagbawalan ang bibig ng Simbahan  na magsalita tungkol sa Estado o ang bibig ng Estado na magsalita  tungkol sa Simbahan. Hindi dapat kalimutan ng mga kapanalig mo na ang  bumalangkas ng Saligang Batas ng Pilipinas ay kapwa mga sekular at mga  relihiyoso — hindi mga taong walang pakialam sa isa’t isa kundi  nagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba.
Comment 2:
Ang pagsasabing walang karapatan ang Simbahan sa kung ano ang gagawin ng  pamahalaan ay tulad na rin ng pagsasabing walang kinalaman ang  moralidad — ang pagiging tama o mali — sa mga gawaing ito.  Nangangahulugan din na ang mga nasa pamahalaan ay walang sense of  morality at walang konsensya, because the Church is appealing to the  conscience; hindi nito dinidiktahan ang sinuman sa gobyerno, sa halip ay  ipinapaalala sa kanila na sila ay mga tao, iniluklok ng mga tao para sa  kapakanan ng mga tao.
Comment 3:
‎”Sa palagay ko po,dahil sa panukalang batas na ito ay tila bumabalik  nanaman po ang panahon ng mga Prayle nung panahon ng Kastila.”
Tama ka. Kinitil ng mga opisyal at mga prayle ng Espanya noon ang  kalayaan ng mga tao para magsalita at ipagtanggol ang pinaniniwalaan  nilang makakabuti sa kanila, at pinarusahan ang sinumang magsasalita  laban sa kanilang mga polisiya. Kaya ang taong bayan, sa pamumuno ng mga  bayani, ay naghimagsik at nagtagumpay — hindi sila nanahimik at  nagsawalang-kibo.
Ito ang pagkakaiba: Tanging ang mga mambabatas at nasa pamahalaan na  lang ang nagtatangkang kumitil sa kalayaan ng mga mamamayan para  magsalita at ipagtanggol ang pinaniniwalaan nilang makakabuti sa kanila,  at sila lang ang nagtatangkang parusahan ang sinumang magsasalita laban  sa kanilang mga polisiya. Kaya ang taong bayan, sa pamumuno ng mga  obispo, mga pari, mga relihiyoso, at lahat ng may takot sa Diyos, ay  naghihimagsik at magtatagumpay — hindi sila nananahimik at  nagsasawalang-kibo. Kung ikaw ay Katoliko, subukan mong ikumpara ang RH  Bill at ang mga turo ng Simbahan, at hatulan mo kung alin ang kumikilala  sa tunay na dignidad at halaga ng tao bilang indibidwal at bilang  malayang nilalang.
Comment 4:
“MIND YOUR OWN BUSINESS…” uulitin ko po…”MIND YOUR OWN BUSINESS…”
Let me educate you, then, about your being Christian and about the  Church: Mind is your business. Mind is also the Church’s business. So to  mind their business means to work with your mind — with everybody’s  mind.
“Don’t let yourselves be shaped by the world where you live, but rather  be transformed through the renewal of your mind. You must discern the  will of God: what is good, what pleases, what is perfect.” -St. Paul
Uulitin ko, MIND IS THEIR BUSINESS.
Sa ibaba ay mga karagdagang komento para sa mas ikalilinaw ng usaping ito:
Bet Dapapac:
“Simula po nung maliit ako, hinubog po ako ng aking ama at ina na lumaki bilang isang mabuting Kristyano at anak ng Diyos. Sa awa ng Diyos ay nadala ko po yun sa aking paglaki hanggang sa ngayon.”
Hindi ito ang ipinapakita ng sarili mong mga salita. Ang isang mabuting Cristiano ay tapat sa kanyang pananampalatayang Cristiano hanggang sa huli, pero ngayon pa lang ay sinasabi mo nang handa ka itong talikuran kapalit ng pagiging makabayan: “Kahit na kapalit po nito ay ang aking pagiging Kristyano o Katoliko.” Kung talagang naiintindihan at sinusundan mo ang mga aral ng Simbahan, malalaman mong ang pagiging mamamayan ng Langit ay laging higit sa pagiging mamamayan ng anumang bansa sa mundo; at kailanman na magkaroon ng hidwaan sa pag-itan nito, hindi na kailangang magdalawang-isip kung alin ang dapat piliin. “Hindi kayo sa mundo kundi hinirang ko kayo mula sa mundo kaya napopoot sa inyo ang mundo” (Juan 15:19).
Bet Dapapac:
“Tinuro rin po sa akin, ang isang napakahalagang bagay na kailanman ay dapat kong isaisip at tandaan. Ang huwag manghimasok sa buhay ng ibang tao, at makialam ng pag-aari o kaya ng buhay ng iba.”
Tatlo lang ang posibilidad dito: mali ang turo ng iyong mga magulang o mali ang pagkaintindi mo dito o hindi talaga galing sa mga magulang mo ang aral na tinutukoy mo kundi nasagap mo na lang sa ibang tao.
Hindi dapat panghimasukan ang buhay ng ibang tao kung ang layunin o resulta ay mapangwasak o wala sa lugar. Ganito ang sinasabi ni Pablo: “…nabalitaan naming patamad-tamad ang ilan sa inyo na hindi nag-aabala kundi nang-aabala” (2 Tesalonica 3:11). “…nakakagawian nila ang pagiging tamad at pangangapitbahay. Hindi lamang mga tamad, kundi mga pakialamera pa at daldalera at kung anu-ano ang sinasabi” (1 Timoteo 5:13). Pero hindi tama ang mawalan ng pakikialam sa kapwa kung hinihingi ito ng pag-ibig at ng sitwasyon. Sinasabi ni Jesus, “Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para lutasin ang kaso sa pagsaksi ng dalawa o tatlo. Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin siya makikinig sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano” (Mateo 18:15-17). At ipinapaalala din ni Juan, “Kung may makakitang magkasala ang kapatid – ang isang kasalanang hindi pa-kamatayan, dumalangin siya at magbibigay-buhay sa tao ang Diyos” (1 Juan 5:16). Ang kawalan ng pakialam ay ang kaaway ng pag-ibig. Sa mga taong walang pakialam sasabihin ni Jesus, “Mga isinumpa, lumayas kayo sa harap ko tungo sa apoy na walang katapusan na inihanda para sa diyablo at sa mga anghel nito! Sapagkat nagutom ako at di ninyo binigyan ng makakain, nauhaw at di ninyo pinainom, naging dayuhan ako at di ninyo pinatuloy, maysakit at nasa bilangguan at di ninyo binisita” (Mateo 25:41-43).
Bet Dapapac:
“Pero, ibang usapan na po yata kung ang mga kaparian po natin at ang Simbahan ay nanghihimasok na sa mga aktibidades ng pamahalaan po natin…”
Nanghihimasok? Anong ibig sabihin nito? Gumagawa ba ng mga planong pang-Estado ang Simbahan? Iniuutos ba ng mga obispo sa gobyerno kung anong mga proyekto ang dapat gawin? Nagiging bahagi ba ng pamahalaang sibil ang pamahalaang eklesyastiko? Kung ganito ang nangyayari, may nagaganap ngang paglabag. Pero kung ang Simbahan ay nagsasalita tungkol sa mga panganib at kamaliang moral na nagaganap sa politika o sa gobyerno, ginagawa niya ang misyon na ibinigay ng kanyang Panginoon: “Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon, sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay” (Mateo 5:13-15).
Bet Dapapac:
“ARTICLE 2 SECTION 6; or Seperation of the Church and State…Yan po ang nakapaloob sa ating Saligang Batas.Nasasaad po dito na WALANG ANUMANG KARAPATAN;ni DI MAARING PANGHIMASUKAN NG SIMBAHAN O KAHIT ANUMANG KASAPI NG SIMBAHAN ang buhay o anumang desisyon aktibidades o hakbangin ng isang indibidwal o ng mismong pamahalaan.”
Napakalayo sa katotohanan ng iyong pagkaunawa dito. Ayon sa Article II Section 6 ng Saligang Batas, “Ang paghihiwalay ng Simbahan at Estado ay hindi maaaring labagin.” Yun na ang katapusan ng nasabing bahagi. Hindi nasasaad dito ang mga salitang binanggit mo. Kaya ang tanong ay ano ba ang ibig sabihin ng “Separation of Church and State”? Kung babalikan ang kasaysayan ng konseptong ito, makikitang ang tunay na layunin nito ay kilalanin ang kalayaang pangrelihiyon at pigilan ang mga mambabatas sa paggawa ng mga polisiya na lalabag sa kalayaang ito. Hindi ito pagpapahayag ng lubos kawalan ng pakialam sa isa’t isa, sa halip ay ipinapakita dito ang pagtatanggol ng Estado sa mga karapatang pangrelihiyon. Sa Article III Section 5 ng Konstitusyon ay sinasabing, “Walang batas ang maaaring balangkasin tungkol sa pagtatayo ng relihiyon, o pagbabawal sa malayang pagsunod dito.” Kung inaakala mong ang Estado ay walang pakialam sa Simbahan, at ang Simbahan ay walang pakialam sa Estado, nagkakamali ka. Sa maraming pagkakataon ay magkatuwang ang Simbahan at ang gobyerno para sa katuparan ng iisang layunin.
Ang relasyong ng Estado at Simbahan ay tulad ng relasyon ng katawan at kaluluwa – ang isa ay nasasakupan ng oras habang ang isa ay walang hanggan, pero walang diborsyo o paghihiwalay maliban sa natura at gawain. Mayroong bagay na magagawa ang katawan na hindi magagawa ng kaluluwa, at mayroong magagawa ang kaluluwa na hindi magagawa ng katawan. Kailangan ng dalawa ang isa’t isa.
Sinasabi mo na ayon sa Konstitusyon ay hindi dapat manghimasok ang mga kasapi ng Simbahan sa mga gawain ng pamahalaan. Nakalimutan mong isaalang-alang (o maaaring hindi mo talaga alam) na halos lahat ng mga tao sa gobyerno ay mga “kasapi” ng isang simbahan. Ibig bang sabihin ay dapat silang tanggalin sa trabaho dahil sinasabi ng batas na hindi pwedeng makialam sa usaping pang-gobyerno ang mga kasapi ng Simbahan? Hindi kaya wala nang matirang tao sa mga opisina ng gobyerno kung ganun?
Bet Dapapac:
“Eh sa mga ginagawa po ng mga taong ito na nasa Simbahan eh, malinaw na paglabag na tinadhana ng Saligang Batas itong mga ginagawa nila eh!”
Dahil mali ang interpretasyon mo sa sinasabi ng Saligang Batas, mali din ang konklusyon mo na ito ay linalabag ng Simbahan. Ang misyon ng Simbahan, bilang liwanag, ay ipahayag ang katotohanan at, bilang asin, huwag manahimik sa gitna ng mga kamalian at inhustisya; at ayon na rin sa Saligang Batas, dapat na malaya itong maisagawa ng Simbahan (Article III Section 5).
Bet Dapapac:
“Kung tutuusin, pwede na silang kasuhan ng gobyerno sa mga ginagawa nila eh!”
Hindi mo alam ang sinasabi mo. Sino ba ang tinutukoy mong “mga taong ito na nasa Simbahan”? Kung ang mga obispo at mga pari, ginagawa lang nila ang hinihingi ng pagiging pastol. Ito ay protektado ng Konstitusyon at hindi tulad ng inaakala mong paglabag sa Konstitusyon. Kung ang tinutukoy mo naman ay lahat ng mananampalataya, ginagawa lang nila ang hinihingi ng pagiging Cristiano, at protektado din sila ng Saligang Batas. Ang totoong lumalabag sa Konstitusyon at sa aral Cristiano ay ang mga taong nagtatangkang busalan ang lahat ng mamamayan; at ang mga Cristianong mambabatas at pribadong indibidwal na mas piniling tumatalikod sa mga aral ni Cristo. Sinasabi ni Jesus sa Simbahan, “Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang di-tumatanggap sa inyo ay di-tumatanggap sa akin” (Lucas 10:16). Para sa kaalaman ng lahat, ang RH Bill kung nagkataon ay ang unang batas na nagbabawal at magpaparusa sa sinumang gagamit ng kanyang kalayaang magsalita at magpahayag. Kapag nangyari ito, lahat ng mga susunod na batas ay maaari na rin gumamit ng ganitong uri ng paniniil hanggang sa ang bansang ito ay tuluyan na namang maagawan ng kalayaan.
Kaya kung tutuusin…mali ang tuus mo. Tumatahol ka sa maling puno. Ang mga mambabatas mismo ang bumubusabos sa Saligang Batas na para bang walang tunay na halaga ang mga sinasabi nito at ito ay piraso lang ng papel.
Bet Dapapac:
“Kasi kahit mismong mga mamamayan eh bini-brainwash na rin po nila ukol po sa batas na ito.”
Brainwash ba kamo? Kung pagbabasehan ang kaalamang medikal ng napakaraming mga doktor sa Pilipinas at sa ibang bansa, lalabas na ang mga tagapagsulong ng RH Bill – at ang mga taong nasa likod nila – ang nagkasala ng intensyonal na pagbibigay ng maling impormasyon na magdudulot ng kapahamakang medikal sa napakaraming mga babae, at kapahamakang moral sa buong bansa. Ayon sa mga nagsusulong ng RH Bill, ang pagbubuntis ay nagsisimula sa “implantation”, na ibig sabihin ay sa oras na dumikit ang zygote sa pader ng bahay-bata. Pero ayon sa matatapat at matatapang na doktor, kasama na ang Philippine Medical Association, ang simula ng pagbubuntis ay sa “fertilization” o sa pagsasanib ng itlog at binhi. Ang pagsasabing ang pagbubuntis ay nagsisimula sa “implantation” ay isang tuwirang panlilinlang para maitago ang katotohanan na ang ilan sa mga tinatawag na “contraceptives” tulad ng Pill at IUD ay mga “abortifacient”.
Kung bini-brainwash ng Simbahan ang mga mamamayan tungkol sa RH Bill, ibig sabihin ay bini-brainwash din ng PMA ang mga mamamayan tungkol dito. Naniniwala ka bang ginagawa nila ito? Hindi kaya dapat mong itanong sa sarili kung sino nga ba ang may napakalaking dahilan para magsinungaling? Ang Simbahan at ang samahan ng mga doktor ba, o ang mga politiko?
Bet Dapapac:
“Ako po pinanganak po akong Katoliko. At bilang isang Katoliko, obligasyon ko pong sumunod sa mga utos at sakramentong nilaan po ng Diyos sa akin. Pilipino rin po ako,at obligasyon ko po bilang Pilipino na pangalagaan ang mga mamamayan at ang bansang nagpalaki at nag-aruga po sa akin.”
Mali ka, dahil walang sinuman ang ipinanganak na Katoliko. Pero tama ka na bilang Katoliko ay obligasyon mong sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng paninindigan sa pananampalatayang Katoliko. Pero tulad na rin ng sinabi mo, wala kang balak ipagpalit ang pagiging makabayan sa pagiging Cristiano. Ang masakit nga lang niyan ay hindi mo talaga ipinagpapalit si Cristo sa iyong bansa kundi sa iyong kawalan ng alam. Dalawang beses mong ipinapahamak ang iyong sarili, dahil sa kabila ng pagtalikod mo sa Diyos ay hindi rin kikilalanin ng bansa ang iyong pagiging makabayan dahil mali ang batayan mo nito. Ang tanging kikilala lang sa iyo ay ang mga ignorante, kung hindi man mga sinungaling, na mambabatas na nagsusulong ng RH Bill.
Bet Dapapac:
“Sa palagay ko po, dahil sa panukalang batas na ito ay tila bumabalik nanaman po ang panahon ng mga Prayle nung panahon ng Kastila.Kung saan dinidiktahan po nila ang kung anumang gawin ng pamahalaan.”
Eksakto ang pagkakasabi mo. Dahil ang panukalang batas na ito mismo ang magiging lakas ng mga makabagong prayle – hindi ang mga pari kundi ang mga mambabatas – para diktahan ang pamahalaan at abusuhin ang mga mamamayan.
Bet Dapapac:
“Kesyo tinatakot ang mga mambabatas na susuporta sa RH Bill,gagawing ex-komunikado ang lahat ng magpapahayag ng suporta dito, kesyo hihingi ng panawagan sa lahat ng mamamayan na gumawa ng public disobedience.”
Tinatakot nga ba ng Simbahan ang mga mambabatas o tinatakot ng mga mambabatas ang mga mamamayan? May nabasa ka ba o narinig mula mismo sa isang obispo na kumakatawan sa Simbahan tungkol sa sinasabi mong pananakot? Wala. Dahil nagmula lang ang konklusyong ito sa media. Sabihin man o hindi ng mga obispo ang tungkol sa posibilidad ng pagtitiwalag, ito ay batas na ng Simbahan – walang magagawa ang sinumang obispo sa Pilipinas para baguhin ang posibilidad na ito. Mangyayari ang dapat mangyari, sa ayaw o sa gusto ng mga obispo dahil tagapagpatupad lang sila ng batas at hindi sila mismo ang batas.
Ang civil disobedience na sinasabi mo, kung ikaw ay Cristiano, ay maaaring maging tungkulin mo sa mga piling pagkakataon. Hindi ito kapritso o “tantrum” ng mga obispo, ito ay indibidwal na pasya ng mga tagasunod ni Cristo. Kung isasabatas ang RH Bill, hinihingi ng Cristianong prinsipyo at konsensya na ang mga tapat sa Diyos ay hindi dapat sumunod dito. Pero sa awa ng Diyos, ang RH Bill ay hindi maisasabatas dahil labag ito sa mismong Batas ng Bansa.
Sa kabilang banda, ang mga tagapagsulong ng panukalang ito ang may deretsahang intensyon na takutin at parusahan ang sinumang magsasalita man lang laban dito. Parurusahan ang mga taong susunod sa kanilang konsensya, pamantayang moral, prinsipyong propesyonal, at relihiyon. Sino ngayon ang “mga abusadong Kastilang prayle”? Kulang na nga lang tawaging prayle ang mga mambabatas na ito dahil tinatangka nilang panghimasukan ang mga usaping pangrelihiyon.
Bet Dapapac:
“Payo ko naman po sa gobyerno,lalo na po sa mga mambabatas natin na nagsusulong ng batas na ito na dapat banatan nyo rin po ang mga ito na pilit na pinapakelaman ang inyo pong trabaho.Di po ba?Para patas naman po.”
Muli, ang mga mambabatas ay hindi ang gobyerno, at alam ng gobyerno na walang panghihimasok na ginagawa ang Simbahan sa trabaho ng pamahalaan. Labag din sa batas ng Simbahan na ang mga kleriko ay magkaroon ng direkta o indirektang pag-uutos sa sinumang Katoliko tungkol sa dapat niyang gawin bilang opisyal ng gobyerno.
Sa personal kong palagay, hindi makakapagsalita nang deretsahan ang mga mambabatas na ito laban sa ginagawa ng Simbahan dahil alam nilang hindi sila susuportahan ng Saligang Batas tungkol dito, at dahil din alam nilang sila ang may ginagawa nang pailalim.
Bet Dapapac:
“Sabihin nyo rin po sa mga paring yan na imbis na pakelaman po kayong mga mambabatas sa trabaho ninyo, eh asikasuhin na lamang po nila yung bumabagsak na moralidad na mga Pilipino. Pati na rin po yung kaliwat kanang pagbubuntis ng mga kabataan na pabata ng pabata.”
Maling-mali ang iyong mungkahi kung ito ay para sa mga mambabatas. Dahil kung sasabihin nila sa mga pari na asikasuhin nila ang bumabagsak na moralidad ng mga Filipino, ang sagot na matatanggap nila ay, “Yun nga ang ginagawa namin.” Ang RH Bill ay nagtutulak sa pagsamba sa katawan at sa sex – isang dahilan ng mabilis at tuloy-tuloy na pagbagsak ng moralidad ng napakaraming indibidwal na Filipino. Ginagawa ng mga pari at ng mga tapat ng Katoliko ang iminungkahi mo, kaya sa loob ng mahigit isang dekada na ngayon ay patuloy na tinututulan ang panukalang ito.
Bet Dapapac:
“At kaysa makisali sila dito sa isyu na ito, ay magturo na lang po sila ng mga aral at salita ng Diyos. Lalung lalo na po eh, sunud sunod ang mga kalamidad at kaguluhan na nagaganap sa mundo, eh di hamak na maskelangan naman po ng mga tao iyon di ba?”
Muli, makakaasa kang ginagawa nila ito. Ganun pa man, ang sumasalungat sa ipinaglalaban mo ay ang sarili mong obserbasyon na sunod-sunod ang mga kalamidad at kaguluhan na nagaganap sa mundo. Ang pagiging batas ba ng RH Bill ba ay may maitutulong sa pagharap sa mga kalamidad at kaguluhang ito? Sa gitna ng kabi-kabilang kamatayan sa iba’t ibang panig ng bansa, mapapalitan ba ang ating populasyon sa pamamagitan ng contraceptives? Magpapadala ba ito ng relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad? Ano ang laman ng mga bag na ipadadala nito, condom, pill, at IUD habang ang mga biktima ay walang makain o maisuot man lang? Pwede ba nilang gamiting panlamig ang condom? Maitatawid ba sila ng pill mula sa gutom? Mabibigyan ba sila ng bagong kabuhayan sa pamamagitan ng IUD? Ang kabaligtaran ang totoo. Mag-uubos ito ng bilyon-bilyong piso na aagawin mula sa mga biktima ng iba’t ibang pangyayari kaya marami sa kanila ay mamamatay habang ang pill at IUD naman ay patuloy din na pumapatay ng mga sanggol sa iba’t ibang panig ng bansa. Nalalarawan mo ba kung anong kinabukasan ang naghihintay sa atin?
Totoong nagtatangkang bumalik ang mga pang-aabuso ng nakaraang kasaysayan, at ito ay sa pamamagitan ng sapilitang pagpapasa ng panukalang batas na ito. Sa Estados Unidos kung saan nagmumula ang mga lasong ito, makikita sa video ang mga resulta ng tinatawag nilang Reproductive Health Policy.
RH Bill: Mga Isyu
Para sa mga hindi pa nakakabasa o nakakaintindi sa ibig sabihin ng Reproductive Health Bill, ang Knights of Columbus ay gumawa ng mga pagsasadula (audio) na nagbibigay liwanag sa mga isyu tungkol dito. I-click ang larawan sa kaliwa.
Ang mga punto ng pagsasadula ay nakalagay sa mga pamagat. Ito ay ang mga sumusunod:
Labag sa Saligang Batas
Anti women and children
Sex education
Anti employer
Populasyon
Anti reproductive
Anti culture
Korupsyon
Mapaniil
Natural Family
Lahat tayo ay apektado ng panukalang ito, at walang sinumang Katoliko o Filipino ang maaaring magsawalang-bahala. Kung hindi tayo magiging bahagi ng solusyon, magiging bahagi tayo ng problema.
I Need Help!
Due to financial difficulty, I had to transfer all my articles to another blog site. Here is the URL – http://acatholicsblog.blogspot.com.
The complete list of pages is in another site since blogspot.com allows 10 pages only. Click the link on the right pane to see the “pages” site.
I would need three kinds of help henceforth:
1. Prayers. That this work may prosper and be of great help to many people, in God’s grace.
2.  Financial Support. Anytime this week, I may no longer post articles due to lack of budget, so I am appealing to everyone who believes in this cause. Click here to lend a hand.
3. Proofreading. Since I have transferred the articles, there must be some changes in the arrangement of the paragraphs, the sentences, and possibly even the words. Your comments, reactions, and corrections are very much appreciated.
Radio Maria Philippines
Radio Maria was founded as a parish radio station in 1983, in Arcellasco d’Erba, in the province of Como in the Diocese of Milan. In 1987, the Radio Maria Association was founded making Radio Maria independent from the parish. In 1990, Radio Maria became a national radio. The following years, by God’s grace, it began expanding to other countries. In 1998, the World Family of Radio Maria was formed to ensure promotion, sharing, and development of the Radio Maria Project worldwide.
Radio Maria Foundation, Inc. was founded when Fr. Melvin P. Castro, with the blessing of Bishop Florentino F. Cinense (Bishop of Tarlac), requested the World Family of Radio Maria to put up a radio station in the Philippines. On February 11, 2002 Radio Maria Foundation was born. Its main studio was constructed in Sunrise Subdivision, Maliwalo, Tarlac City.
In 2007, Radio Maria obtained its national franchise. Our efforts now are focused on making Radio Maria a true national radio station. Tuguegarao City, Santiago City, and Olongapo City became the first focus of expansion. The dream of making Radio Maria a national radio station was initially fulfilled when the newly constructed repeater station in Tuguegarao City was inaugurated on June 19, 2010. The occasion was graced by Archbishop Diosdado Talamayan (Archbishop of Tuguegarao), Bishop Florentino Cinense (Bishop of Tarlac), and the new members of the Board of Trustees (Joy Catalina Gallardo, Fr. Jay Policarpio, Maritel Balingit, Allen Galan, and Dr. Mary Ann Enriquez).
Currently, Radio Maria is present in more than 50 countries.
(Fr. Jay Policarpio – RM Philippines, Program Director)
Bakit Magulo Ang Mundo?
Kristo, kulang pa ba ang pag-ibig na dulot mo? Bakit ba ang mundo ngayo’y gulong-gulo?
Habang pinapakinggan ko ang kantang “Kristo” ni Basil Valdez, naalala ko ang mga argumento ng mga ateyista na kung mayroon daw Diyos, hindi dapat magulo ang mundo, wala dapat naghihirap, at walang mga karamdaman.
Ginagalang ko ang opinyon ng mga hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos pero kailangan kong sabihin na ang kanilang mga pangangatwiran tungkol dito ay bunga ng kawalang-alam at pagiging sarado ng isip. Bilang Cristiano, naiintindihan natin na bagamat ang Diyos ay nasa ating piling, ang mundo ay hindi langit; ang tao ay hindi nakatakdang manatili sa mundo habampanahon. Cristiano man o hindi, ang kamatayan ay bahagi ng ating pagkatao. Mayroong katapusan ang ating pag-iral sa lugar na ito. Pero hindi ito nangangahulugan na walang Diyos.
Una, hindi mag-uumpisang umiral ang anuman kung walang magpapairal dito. Kahit sinong ateyista, halimbawa, ay hindi tatanggap ng argumento na ang isang bagay tulad ng damit, sapatos, computer o kahit ano pa, ay bigla na lang lumitaw nang walang gumagawa. Sa kabila noon, ipinipilit nilang walang lumikha sa mga bagay na inabutan na natin tulad ng mundo, ng mga unang tao, hayop, at halaman.
Pangalawa, ang tinatawag nating “universe” ay may mga batas na sinusundan. Isang halimbawa nito na naoobserbahan ng syensya ay ang “law of gravity”.  Pero bukod sa pisika ay mayroon din itong batas moral. Ang mabuting ginagawa ng isang tao ay makaaapekto sa buong mundo. Ganun din, ang kasamaan ng isa ay perwisyo sa lahat. Ang sangkatauhan ay parang isang katauhan; nakikinabang o napapahamak ang lahat ng bahagi sa kagagawan ng isa. Kung ang mundo ay may batas, ibig sabihin ay kumikilala ito ng pagkabalanse. Anumang paglabag sa mga batas nito ay magdudulot ng pagkasira ng balanseng ito, at ito ay nangangahulugan ng kaguluhan.
Ang kaabahan ng mundo ay hindi patunay na walang Diyos. Sa kabaligtaran, ito ay patunay na mayroong umiiral na batas — na ang bawat pasya ay may konsikwensya — at dahil dito ay alam nating may Isa na nagtakda ng mga batas na ito. Ang pagiging ganid ng iba ay nangangahulugan ng pagkagutom ng iba. Ang masamang tao ay nagdudulot ng masamang epekto sa mundo. Hindi ibig sabihin ay masasamang tao ang mga nagugutom, naghihirap, at nagkakasakit; ibig sabihin lang ay may mga bahagi ng sangkatauhan ang nagdadala ng ganitong sitwasyon sa marami. Sabi nga sa kasabihan, “Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.” Dahil dito kaya walang sinuman ang dapat magsabi na, “Walang pakialaman.”
Sa trabaho, halimbawa: Mayroong limang empleyado ang hindi nagtatrabaho nang maayos at may limang matapat pero nananahimik lang sa nakikita nilang kamalian. Dahil sa limang mandaraya ay nasira ang pangalan ng kompanya at unti-unti itong bumagsak. Ang limang nagkasala lang ba ang mawawalan ng trabaho o pati ang limang matapat? Lahat sila. Dahil ang una ay gumawa ng masama habang ang ikalawa ay nanahimik sa masamang nakikita. Ganito din ang pamilya, ang komunidad, ang lipunan, ang bansa, at ang mundo. Ang kasamaan ng iba, samahan mo ng pananahimik ng mga nakakakita, isang malaking kalamidad para sa lahat. Ito ay totoo sa lahat ng bagay, maging sa kahirapan, pagkakasakit, magulong relasyon, at kung ano-ano pa. Hindi na kailangan ng Diyos na parusahan ang mundo dahil ito na mismo ang nagpaparusa sa sarili.
Ganun pa man, hindi ang mga kaguluhan ang dapat nating pagtuunan ng pansin, sa halip ay kung ano ang maiaambag natin para sa ikabubuti ng lahat. May panahon ang Diyos para sa paniningil sa mga taong nagpakalayaw sa kasamaan kapalit ng pagkaapi ng iba. Kahit gaano pa kagulo ang mundo, at kahit magmistulang wala na itong  pag-asa, ang mga Cristiano ay dapat manatiling umaasa sa pag-ibig, pagkalinga, at katarungan ng Diyos. Ang bayan natin ay ang langit at hindi ang mundo. Nandito tayo para paghandaan ang langit at para tulungan ang iba na matikman ang langit sa lupa upang,  tulad natin, ito ay kanila rin asamin.
Inuulit na Panalangin
Ito ay tugon sa tanong na, “Bakit nagbibigay ng bilang ang pari kung ilang beses uulitin ang ipinadadasal pagkatapos magkumpisal? Hindi ba ito labag sa turo ni Jesus na huwag gumamit ng maraming salita sa pananalangin?”
Hindi sinabi ni Jesus na huwag ninyong uulitin ang isang pormuladong dasal (tulad ng “Ama Namin” na siya mismo ang nagturo). Iniwan niya sa atin ang isang perpektong panalangin pero hindi siya nagmungkahi kung ilang beses ito dadasalin sa loob ng isang araw. Ganun pa man, inaasahan niyang uulitin natin ito bilang pagsunod sa itinuro niya. Ibinigay niya ang dasal na ito bilang tugon sa hiling ng kanyang mga alagad na turuan niya silang manalangin tulad ng pagtuturo ni Juan Bautista sa kanyang mga alagad. Hindi lamang siya nagbigay ng panuntunan o tularan sa pagdadasal, ang ibinigay niya ay ang mismong panalangin na gusto niyang gamitin natin. Alam natin na araw-araw tayo dapat magdasal – ang totoo, dapat nga ay maya’t maya o tulad ng sinasabi ni San   Pablo: “Manalangin kayo nang walang tigil” (1 Th 5:17). At kung lagi tayong mananalangin, hindi ba’t lagi din tayong babalik sa tanong na, “Paano ba dapat manalangin?” At ang laging sagot ni Jesus ay, “Ganito kayo mananalangin: ‘Ama naming nasa langit, sambahin ang ngalan mo…’” Ngayon ay itanong ulit natin sa sarili, labag nga ba sa turo ni Jesus ang paulit-ulit na pananalangin o ang paggamit ng pare-parehong salita? Hindi ba’t siya ang nagbigay sa atin ng dasal na kailangan nating ulit-ulitin, araw-araw o maya’t maya? Kung babalikan ang konteksto ng pag-uusap ni Jesus at ng mga alagad sa bahaging ito, pagkatapos niyang bigkasin ang dasal na itinuro niya sa kanila ay nagkwento pa si Jesus tungkol sa mapilit na panalangin para maunawaan ng kanyang mga taga-sunod kung anong uri ng panalangin ang kinalulugdan ng Diyos – mapilit at makulit, o sa ibang salita ay determinado at paulit-ulit.
Hindi ito nangangahulugan na huwag na tayong gumamit ng ibang salita sa pagdarasal maliban sa “Panalangin ng Panginoon” o yung mas kilala natin sa tawag na “Ama Namin.” Ang punto lang ay hindi ang mismong pag-uulit ng parehong dasal ang tinutukoy ni Jesus noong sinabi niyang huwag kayong gagaya sa mga pagano. Ang totoo, ni hindi niya binanggit sa eksenang ito ang salitang “paulit-ulit” kundi “maraming salita”. Ganun pa man, hindi rin masama sa kanyang sarili ang paggamit ng maraming salita. Ang talagang tinutukoy niya ay ang mentalidad ng mga pagano sa kanilang pagdadasal, dahil iniisip nila na mas maririnig sila ng kanilang mga diyos kapag hinabaan nila ang kanilang dasal. Ipinahihiwatig ng kaisipan nilang ito na may posibilidad na hindi naririnig ng mga diyos ang ibang mga pagtawag sa ilang partikular na panahon dahil siguro ay masyadong abala ang mga diyos nila. Kumbaga sa raffle, “The more entries, the more chances of winning.” Sinasabi ni Jesus na hindi ganito ang totoong Diyos. “Alam ng inyong Ama ang inyong mga pangangailangan bago pa man ninyo hingin” (Mt 6:8). Hindi ang mismong paraan ng pananalangin ang binibigyang-pansin ni Jesus dito kundi ang kanilang konsepto ng Diyos, o ang mga paniniwala nila tungkol sa mga katangian ng Diyos. Si Jesus mismo ay tatlong beses nanalangin sa Gethsemane at pare-pareho lang ang mga salitang kanyang ginamit (cf. Mk 14:39), samantalang sa ibang bahagi naman ay gumamit siya ng maraming salita. Buong ika-17 bahagi ng Ebanghelyo ni Juan ay tungkol lang sa panalangin ni Jesus.
Ang pagdadasal ay pakikipag-usap sa Diyos. Hindi ang ginagamit nating salita ang mahalaga sa Diyos kundi ang kalagayan ng ating puso, pero ang paghubog sa puso ay nakasalalay sa konsepto natin ng katotohanan, at sa pamamagitan ng paggamit ng tamang mga salita sa pananalangin, ang ating puso ay nahuhubog sa katotohanan. Tayo ang nakikinabang sa mga salitang ating sinasabi, hindi ang Diyos. Tumatawag tayo sa tunay na Diyos hindi para mapaayon siya sa ating kalooban (tulad ng ginagawa ng mga pagano sa kanilang “mga diyos”), kundi para maiayon ang ating kalooban sa kanya. Bukod dito, sa pananalangin ay hindi lamang natin binubuksan ang ating puso sa Diyos, ipinahahayag din natin ang mga katotohanang ating pinanampalatayanan. Sa ganung paraan, ang mga katotohanang ito ay malalim na bumabaon sa ating mga puso at nagiging bahagi ng ating pagkatao. Dahil dito, tayo ay lalong nagiging kalarawan ni Jesus – hindi lamang isang lingkod kundi anak ng Diyos na ang pagkain araw-araw ay ang kanyang kalooban.
Muli, ang babala ni Jesus ay laban sa mga maling ideya tungkol sa Diyos kaya niya sinabing, “Huwag ninyong tularan ang mga pagano.” Ang pag-ulit ng parehong dasal at ang paggamit ng maraming salita – dalawang magkaibang bagay – ay hindi mabuti o masama sa kanilang sarili. Kung nagdarasal tayo ng paulit-ulit o gumagamit tayo ng maraming salita dahil iniisip natin na baka hindi tayo agad marinig ng Diyos, o kaya naman ay para magpakitang-tao, ang ating mga kamalian (errors and wrong intentions) ang nagpapasama sa ating ginagawa. Sa kabilang banda, tayong mga Cristiano ay nananalangin – maikli man o mahaba, isang beses man o paulit-ulit – upang magkaroon ng tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa Diyos, upang hubugin ang ating isip at puso sa pamamagitan ng mga katotohanang ating ipinahahayag sa pagdarasal, at para maiayon ang ating sarili sa kalooban ng Diyos. Bukod dito, ang pagpupuri sa pamamagitan ng panalangin ay hindi kailanman magiging “paulit-ulit” sa paningin ng Diyos. Hindi siya mababagot kung walang-tigil man natin siyang tatawaging Ama o sasabihin, “Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.” Sa langit ay makikita natin ang mga anghel na walang tigil na umaawit: “Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos…” Sasabihin ba sa kanila ng Diyos, “Alam ko na yan, huwag na kayong makulit! Simula nung ginawa ko kayo hanggang ngayon, iyan na ang naririnig ko sa inyo. Tumigil na kayo, pwede?”
Ang paulit-ulit nating pagdarasal ay isang paraan ng pagpapatikim sa atin ng langit. Sa pamamagitan nito, matutuklasan natin kung gaano katamis ang pangalan ng Diyos at mararanasan ang kagalakan ng pagpupuri sa kanya. Nagdadasal tayo hindi para gamitin kundi para ibigin ang Diyos – “ito ang ating bokasyon” (1 Th 5:18)
Pasko Na Naman!
Pasko na naman! Saan kayo mamamasko o manghihingi ng aginaldo? Pangkaraniwang tanong at tema ng okasyon, di ba? Pero tama nga ba na ganito ang attitude natin tungkol sa Pasko? Sa tingin ko ay malayong-malayo ito sa kalooban ng Diyos. Ang tuwa at kasiyahang nararamdaman natin ay dapat na nagmumula sa malalim na pagkaunawa ng totoong kahulugan ng araw na ito. Ano ba ang madalas na sinasabi ng mga magulang kapag nagtatanong ang mga anak tungkol sa pagkakaroon ng Pasko? “Birthday yun ni Papa Jesus.” Pero si Jesus nga ba ang ipinagdiriwang natin? At kung kaarawan niya nga ito, ano naman sa atin? May kinalaman ba dito ang pagbili natin ng mga bagong gamit at pakikipaghabulan natin sa mga ninong, ninang, tiyuhin, tiyahin, lolo, at lola ng ating mga anak? Bakit tayo nagtatayo ng mga Christmas tree, naglalagay ng mga Christmas lantern, at nagbubukas ng mga Christmas light? Anong kinalaman sa Pasko ng mga Christmas bonus, Christmas sale, Christmas party, at kung ano-ano pang mga dinikitan ng salitang “Christmas”? At bakit sa halip na tuwa ang bumabalot sa paligid ay mas marami ang namomroblema sa pagdating ng Pasko, marami ang nagkakasamaan ng loob, at tumataas din ang bilang ng mga krimen? May kinalaman ba ang mga gawain at kasayahan natin sa awit ng mga anghel noong ipinahayag nila ang pagsilang ni Jesus: “Luwalhati sa Diyos sa kaitasan; kapayapaan sa lupa dahil pinagpapala ng Diyos ang sangkatauhan”? Kahit ang “simbang gabi” na dinadaluhan natin nang walang patlang, nagagawa ba natin itong iugnay sa araw ng Pasko at sa lahat ng pinagkakaabalhan natin sa panahong ito? O ginagawa lang natin itong “bargain” sa pag-itan ng Diyos at ng ating sarili para mangyari ang mga hinihiling natin? Sa huli, ang talagang tanong ay “Ipinagdiriwang ba talaga natin ang Pasko?”
Araw ng Bigayan
Madalas maririnig na ang Pasko ay araw ng bigayan, pero sa paraan natin ng pagbibigay sa iba, natutulungan ba natin silang matutunan ang halaga ng pagbabahagi sa kapwa; ng self-donation; ng pagiging selfless; o lalo lang silang nagiging materialistic, demanding, at hindi marunong magpasalamat? Naipapakita ba natin sa kanila ang relasyon ng Pasko at ng pagbibigay? Naididirekta ba natin ang kanilang isip at puso kay Jesus sa pamamagitan ng ating mga regalo? O baka mas alam pa nila kung ano ang kaugnayan ni Santa Claus sa Pasko? Nasasabik ba sila sa pagdating ng araw na ito dahil naipauunawa natin sa kanila kung ano ang kinalaman nito sa ating buhay o dahil inaasahan nilang mayroon ulit silang matatanggap na mga bagay? Naitatanim ba natin sa kanilang kaisipan at kultura na ito ay araw ng pagbibigay, o mas nakikita nila ito bilang araw ng paghingi at pagtanggap? Maaaring sabihin ng iba, “Mga bata pa sila, at panahon pa nila ng pagtanggap; pagtanda nila, sila naman ang magbibigay.” Siguro nga…at siguro lang! Pero mananatili pa rin ang mga naunang tanong. Sa paraan ng pagmumulat natin sa henerasyong ito ng tungkol sa Kapaskuhan, hindi natin itinuturo ang tunay na dahilan, halaga, at kinalaman nito sa ating buhay. Ang pagbibigay ng regalo o pera ay hindi automatikong magtuturo ng pagiging mapagbigay o ng pagmamalasakit sa kapwa. Hindi rin lahat ng nagsasabi ng “thank you” ay talagang nagpapasalamat. Sa kabaligtaran, mas marami pa ang nagiging makasarili dahil sa mga nakagawian tuwing Pasko. Mayroon pang iba na nag-aakalang ang pagmamano ay isang paraan ng pagsasabi ng “Pahingi ng pera,” at ang tungkulin ng mga ninong at ninang ay maghanda ng regalo tuwing sasapit ang araw na ito.
Biyaya ng Diyos
“Halina, tayo ay manalangin at nang tayo ay kanyang pagpalain.” Ano ba ang pagkaunawa natin sa biyaya ng Diyos, lalo’t higit kapag Pasko ang pinag-uusapan? Na hindi tayo matutulog nang gutom sa oras ng Noche Buena? Na sa parating na taon ay hindi na tayo kukulangin at mas magiging maalwan na ang buhay natin? Na mas magaan na ang mga susunod na problema? Hindi masama na hilingin sa Diyos ang mga bagay na ito para sa susunod na taon, pero sa ganitong paraan lang ba natin nakikita ang biyaya ng Pasko? Paano rin natin ipinauunawa sa ating mga anak ang tungkol sa pagpapala ng Diyos at kung bakit matatawag na biyaya mula sa kaitaasan ang araw na ipinagdiriwang natin? O itinuturing nga ba natin itong isang pagpapala? Kung oo, bakit marami sa atin na ito ang araw sa buong taon nila kung saan pinakanamomroblema sila nang husto? Ni itinuturing ba ng ating mga anak na mula sa Diyos ang lahat ng kanilang tinatanggap maging ito man ay ibinigay ng mga magulang, ninong at ninang, o ng mga kamag-anak? At paano natin nakikita ang biyaya ng Diyos sa kabila ng kawalan? Siguro ay narinig na ng marami sa atin ang ekspresyon na “Paskong tuyo” na ang ibig sabihin ay walang Noche Buena, at sa halip ay ang pinakamumurahing ulam (o minsan ay wala pa) ang nakahanda para sa hapunan. Maituturing ba nating pinagpala ang ating Pasko kahit na wala man lang tayong maisabit na parol, o mapagsaluhan kahit isang pirasong hopia? Ano ba ang basehan ng isang mabiyayang Pasko?
Ang Mga Hindi Ko Ginagawa Kapag Pasko
Dalawa sa apat kong pamangkin ay mga inaanak ko pero hindi ko sila binigyan ng regalo o ng pera sa loob ng unang limang taon, at wala pa rin akong balak gawin yun ngayon. Hindi Pasko ang araw ng pagbibigay ko sa kanila, at hindi rin nakabalot sa papel ang tinatanggap nila mula sa akin. Sa bawat pagkikita namin ay ibinibigay ko sa kanila ang aking pagmamahal bilang tito at bilang pangalawang tatay, hindi lang sa pangalan kundi sa aktwalidad. May mga pagkakataon noong mas malapit pa ako sa lugar nila na ako mismo ang nag-aalaga sa kanila sa buong maghapon. Ginagawa ko rin ang lahat ng paraan na alam ko para maging parang magkakapatid ang turingan nila ng anak ko na halos kasing edad nila.
Sa loob ng apat na taon, hindi ko binabanggit ang pangalang Santa Claus o ang salitang “papasko” sa panganay kong anak, maliban noong tinanong niya kung sino yung sumasayaw na display sa isang tindahan na pinuntahan namin. Noon niya lang narinig ang pangalang Santa Claus, at bukod doon ay wala na akong ibang sinabi tungkol sa kanya. Hindi ako nagsasalita ng tungkol sa medyas na nakasabit sa Christmas tree o sa bintana, o tungkol sa red-nose reindeer, o kahit ano pa.
Hindi ko iniuugnay ang mga salitang “ninong” at “ninang” sa Pasko o sa regalo. Alam ng anak ko na minsan ay may ibinibigay sa kanya ang mga ninang niya pero hindi dahil tungkulin nilang magbigay o dahil may okasyon, kundi sa parehong dahilan din kung bakit may ibang mga tao na nagbibigay sa kanya ng mga gamit o pera. Para sa kanya, walang kinalaman ang Pasko sa pagtanggap ng regalo.
Hindi ko ikinukulong ang salitang “regalo” sa loob ng pambalot. Ipinapaunawa ko sa anak ko na ang bawat bagay o pabor na tinatanggap niya nang walang kapalit ay regalo, lalo’t higit ang mga biyaya ng Diyos – pagkain, inumin, damit, bahay, hininga, buhay, lakas, pamilya, talino, paggabay, at iba pang mga tinatanggap namin sa pamamagitan man ng paggawa (sweldo) o mula sa ibang tao (libre).
Hindi ko isinasabay o iniuugnay sa Pasko ang pagbibigay ko ng regalo. Maaaring bilhin ko sa Disyembre ang bagay na gusto ng anak ko o ng mga inaanak ko pero hindi ibig sabihin ay Christmas gift o papasko ko yun sa kanila.
Ang Pagsilang ni Jesus at Ang Karangalan ng Tao
Bukod sa Muling Pagkabuhay na sukdulan ng ating mga pagdiriwang bilang mga Cristiano, ang pagsilang ni Jesus ay dapat rin na magdala sa atin ng dakilang kagalakan, dahil hindi lamang siya bumaba sa lupa para mamatay. Sa kanyang pagiging tao ay itinaas niya ang ating dignidad. Ang Diyos, sa pamamagitan ni Jesus, ay naging kaisang-kalikasan natin. Siya ay nakipamuhay sa atin at naging katulad natin sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan. Ipinakita niya sa atin ang kaganapan ng pagiging tao at kung paano natin dapat tingnan ang ating sarili. Siya ay totoong tao na dumanas ng mga totoong problema. Bagamat siya ay Diyos, dinala niya ang lahat ng mga pasanin sa buhay na ito bilang tao – mga pasaning higit na mabigat kaysa kaninuman. Totoo ang kanyang takot sa pagpapakasakit at kamatayan, at totoo na gugustuhin niya itong maiwasan kung posible, pero sa kabila nito ay higit pa rin ang pag-ibig niya sa Ama at sa tao kung kaya kusa niyang tinanggap ang kalooban ng Diyos. Sa kanyang pagsilang at pamumuhay ay inialis niya tayo sa ating abang kalagayan. Gaya ng sinasabi ng awit na “O Holy Night”, nakilala at naramdaman ng tao ang tunay niyang halaga noong dumating si Jesus – “the soul felt its worth.” Nakikita ba natin ang halaga ng ating kaluluwa at pagkatao sa diwa ng Pasko?
Ang Pangkaraniwan at Banal na Pamilya ni Jesus
Katulad ng lahat ng mga pamilya sa mundo, ang kay Jesus ay namuhay din bilang tao – walang kasiguruhan, nalalagay sa panganib, at may mga problema. Sa umpisa pa lang ay nagdulot na ng  malalim na isipin para kay Maria ang maituturing sanang mabuting balita. Noong nagpakita sa kanya ang anghel na si Gabriel para ipaalam sa kanya ang plano ng Diyos, at para hingin ang kanyang pagsang-ayon, si Maria ay hindi pa kasama ni Jose sa kanyang bahay; siya ay birhen. Isang napakalaking iskandalo na maaaring magdulot sa kanya ng kamatayan ang dalang balita ng anghel kung pagbabasehan ang batas ng mga Judio. Si Jose ay namroblema din sa sitwasyong ito nang matagpuan niyang nagdadalantao si Maria gayong alam niyang hindi siya ang ama. Noong nagpatawag ng “census” ang emperador ay kabuwanan na ni Maria at malamang na malalagay sila sa alanganing sitwasyon kung maglalakbay sila sa panahon iyon – at ganun nga ang nangyari. Nanganak si Maria habang sila ay nasa Betlehem, at sa dami ng tao ay wala na silang nakuhang maayos na lugar para isilang ang kanilang anak. Mayroong ipinapanganak sa ospital at mayroon sa bahay, pero si Jesus ay ipinanganak sa kulungan ng mga hayop, at pakainan ang una niyang higaan. Dala ni Maria sa buong buhay niya ang mga salita ni Simeon, kasama ang hula tungkol sa kanya mismo na siya ay magdaranas ng matinding sakit ng kalooban. Hindi namuhay sa kaginhawan sina Jose, Maria, at Jesus dahil lang sila ang pamilyang pinili ng Diyos. Sa kabaligtaran, sila ang pamilyang may pinakamatitinding pagsubok na dinaanan. Ano kaya ang maiisip at mararamdaman natin kung tayo ay hinahabol ng mga pwersa ng pamahalaan para agawin at patayin ang ating anak? Hindi ba’t nakapangingilabot itong isipin man lang? Pero ganito ang nangyari sa ama at ina ni Jesus na pinaghahanap ng mga tauhan ng hari, hindi para dalawin ang sanggol kundi para patayin ito.
Ang pamilya ni Jesus ay matatawag na simple dahil sa kanilang payak na pamumuhay. Si Jesus mismo ay karpintero tulad ni Jose. Pero kung mga problema ang pag-uusapan, masyadong komplikado ang buhay nila. Hindi sila nawawalan ng mga dalahin. Ito rin ang dahilan kung bakit sila naging banal na pamilya: dahil patuloy silang nagtitiwala sa pag-ibig ng Diyos sa kabila ng mga sitwasyon sa kanilang buhay. Nakikilala ba natin ang pakikisangkot ng Diyos sa ating buhay sa kabila ng mga sitwasyong hindi umaayon sa ating mga plano, o nasasabi lang natin na mabuti ang Diyos kapag sa tingin natin ay nalutas na ang mga problema? Nakikita din ba natin ang kaugnayan ng kabanalan, ng pagiging payak, at ng mga pagsubok sa buhay sa diwa ng Pasko?
Ang Pagsilang ni Jesus at Ang Pagtatanggol sa Buhay
Buhat nang magkasala ang tao, nalulong na ito sa pagkakasala, dumilim ang pangangatwiran, at nalito na tungkol sa kahalagahan ng mga bagay. Libong mga taon bago pa man isinilang si Jesus ay bahagi na ng ibang kultura ang aborsyon, pagpatay sa bagong silang na sanggol, at pagpapakabaog, pansamantala man o permanente. Ang pagpapakabaog na ito ay katumbas sa ating panahon ng tinatawag ng kontrasepsyon na mayroon din pansamantala at panghabambuhay. Marami sa mga Katolikong Filipino na nagsisimba tuwing Linggo o higit pa sa isang beses kada linggo ay walang anumang pagtutol sa ideya ng kontrasepsyon. Ang ilan ay aktwal na gumagawa nito. Kaswal lang din na maririnig sa kanila ang tanong na, “Nagpatali ka na ba?” na para bang bahagi ng pagiging ina ang pagpapatali o anumang uri ng sinasadyang pagpapakabaog. May iba naman na umaaming masama ang aborsyon pero gumagawa, nagpapayo, o nag-uutos nito “kung kailangan”, lalo na kung ang kanilang anak ay nabuntis na walang asawa. Sa pagsilang ni Jesus ay muli niyang pinanibago ang kagalakan sa pagdating ng bawat sanggol sa mundo. Kung paanong nagalak at nagpuri ang mga anghel sa kapanganakan ni Jesus, napupuno rin ng kagalakan ang langit tuwing mayroong isinisilang sa lupa – hindi lamang kapag malusog ang bata o walang problemang medikal. Sa kabaligtaran, sigaw naman ng paghihiganti ang naririnig ng Diyos mula sa dugo ng mga sanggol na pinatay sa loob ng sinapupunan. Ang mga nagtatangka naman na gawing baog ang pagtatalik ay nagiging kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos tulad ni Onan na itinatapon ang kanyang binhi. Nagbigay ng babala si Jesus laban sa mga nag-iisip at gumagawa ng masama sa mga bata (nasa sinapupunan man o naisilang na) dahil ang kanilang mga anghel ay nasa harapan ng Diyos sa bawat sandali.
Ang pagsilang ng isang sanggol ay pagpapala mula sa Diyos, hindi lamang kapag inaasahan ang kanyang pagdating o kung totoong bunga siya ng pagmamahalan ng dalawang tao o kapag may kakayahang pinansyal ang kanyang mga magulang. Maraming mga bulaan ang nagsasabi na “magiging tunay na biyaya” ang mga anak kung ang pagdadalantao ng ina ay planado at ginusto. Ang esensya ng anumang biyaya ay hindi nakadepende sa tumatanggap nito kundi sa Diyos mismo kung kanino ito nagmula. Sinasabi nila na ang dapat sana ay pagpapala ay nagiging sumpa para sa mga magulang kapag nagkakaroon ng hindi sinasadyang pagdadalantao na lalong nagdudulot ng kahirapan.
Ngayon, higit kailanman, ang panahon para maging Katoliko sa totoong buhay at hindi lamang sa mga ritwal, pagpipista, at mga panlabas na pagpapahayag ng pagiging Cristiano. Ang buhay at dignidad ng tao ay inaatake sa kabi-kabilang panig, at tulad noong una pa, ang mga inosente at ang mga mahihina ang madalas na biktima – ang mga sanggol sa sinapupunan, ang mga may sakit o kapansanan, ang matatanda, ang mga itinuturing na di-nararapat, at ang mga wala sa sariling bansa. Kung Katoliko lamang tayo sa loob ng simbahan, si Jesus ay nagbibigay ng babala sa atin: “Hindi lahat ng nagsasabi sa akin: Panginoon! Panginoon! ay makapapasok sa kaharian ng langit kundi ang gumagawa sa kalooban ng aking Amang nasa langit.” Kahit pa sabihin natin sa kanya na nagsalita tayo sa pangalan niya o ipinangaral natin siya sa iba o walong beses tayo nagsisimba sa loob ng pitong araw o hindi tayo lumiban sa pagsali sa mga prosisyon o nagbibigay tayo ng malaki para sa mga proyekto ng parokya o dalawampung misteryo ng Rosaryo ang dinadasal natin araw-araw at apat na Angelus sa isang araw, sasabihin pa rin niya sa atin sa huling araw: “Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin mga mapaggawa ng masama.” Ang pananahimik sa kabila ng hayagang mga pag-atake sa totoong halaga at kahulugan ng buhay ay katulad din ng pagsang-ayon sa masamang gawaing ito. Ang tahasang pakikiisa sa makakontraseptibo at makakamatayang kultura ay pagiging kaaway ng Diyos na siyang may-akda at pinagmumulan ng buhay.
Ang Pasko ay tungkol sa muling pagpapakilala ng Diyos sa tao tungkol sa kahalagahan ng buhay ayon sa sarili nitong kahulugan at tunay na esensya, at hindi ayon sa pagkaunawa ng karamihan o sa kahulugang gustong ibigay dito ng ilang nasa kapangyarihan. Ang pagtatagpo nina Jesus at Juan Bautista, na noon ay parehong nasa sinapupunan ng kanilang mga ina, ang nagbigay-patotoo sa katotohanang kamakailan lamang napatunayan ng siyensya: na ang buhay ng tao ay nagsisimula sa paglilihi o “conception”. Siguro ay may iba-ibang ideya ang mga Filipino kung kailan nangyayari ang paglilihi, pero sa usaping siyentipiko, ito ay nangyayari kapag nagsama na ang binhi ng lalaki at ng babae. Anumang pakikialam sa bahaging ito para pigilan ang pagdadalantao ay isang uri ng aborsyon o pagpatay ng tao. Sa kabila nito, hindi pa rin tinututulan ng maraming mga Cristiano ang paggamit ng mga kasangkapan at kemikal na nagdudulot ng aborsyon tulad ng hormonal pills at IUD. Ipinauunawa sa atin ng pagdating ni Jesus, na ang buhay ng tao ay hindi lamang para sa daigdig na ito, kundi para sa makalangit na Jerusalem – sa bahay ng Ama kung saan ang bawat isa ay ipinaghanda ni Jesus ng matutuluyan. Sa kabilang banda, ang mga ignorante at ang mga sarado sa kalooban ng Diyos ay walang anumang ideya tungkol sa tunay na diwa ng Inkarnasyon.
Pasko at Diwa ng Paglilingkod
Si Jesus ay dumating hindi para paglingkuran bilang Diyos kundi para ipakita sa tao kung paano dapat maglingkod, at para ipaalala sa bawat isa ang pananagutan sa ikabubuti at ikasasama ng kanyang kapwa. Ang tunay na pagdiriwang ng Pasko ay ang araw-araw na pagsisikap na mapaglingkuran si Jesus sa pamamagitan ng ibang tao, lalo’t higit sa anyo ng mahihirap, ng mga nawawalan ng pag-asa, ng mga mahihina, at ng mga nangangailangan ng kaibigan. Ang Pasko ay araw din para paalalahanan ang ating sarili na dapat nating ikahiya ang ating kayabangan. Sa araw na ito, ang Diyos na kumpleto na sa kanyang sarili at walang kailangang sinuman o anuman ay nagpakababa – mas mababa pa sa mga anghel at mas mababa pa sa mga pangkaraniwang tao. Ang Manlilikha ay naging nilikha, at ang Panginoon ay naging alipin, habang tayong mga nilikha ay umaastang parang mga diyos at naghahangad na mapaglingkuran sa halip na maglingkod. Inialay ng Diyos ang kanyang sarili para sa atin sa halip na tayo ang mag-alay ng ating buhay (sa lahat ng aspeto nito) sa Diyos. Ang araw ng Pasko ay panahon para muling lagyan ng langis ang ating mga ilawan at maghanda para sa paglilingkod.
Araw ng Pasasalamat
Sa halip na isiping ang Pasko ay araw ng pagtanggap ng mga regalo mula sa mga ninong, ninang, at mga kamag-anak, higit na dapat pag-ukulan ng pansin ang katotohanan na natanggap na natin ang lahat ng mabubuting bagay noong tinanggap natin si Jesus dahil siya ang lahat. Siya ang regalo ng Ama sa sangkatauhang nawalan na ng kahulugan buhat noong ito ay magkasala. Ang Pasko ay hindi araw ng bagong damit o bagong sapatos, ito ay araw ng bagong puso. Alalahanin natin sa araw na ito ang pangako ng Diyos: “Bibigyan ko kayo ng isang bagong puso at pagkakalooban ko kayo ng isang bagong espiritu,” dahil si Jesus ang katuparan nito. Siya ang Mabuting Balita at ang sentro ng Pasko. Kaya sa halip na paghingi kay Santa Claus ay pagkilala sa regalo ng Diyos ang dapat na nasa puso ng bawat taong nagdiriwang ng Pasko. Naliligo ka man sa dagat ng basura o nagpapasko sa gitna ng kalsada, ang araw na ito ay mananatiling araw ng pasasalamat dahil walang anumang kahirapan o kawalan ang magpapawalang kahulugan sa tunay na diwa ng pagsilang ni Jesus.
Pasko at Kahirapan
Ang kahirapan ay hindi mabuti o masama sa kanyang sarili, pero ito ay sumasalamin sa hindi pantay-pantay na pagtuturingan ng mga tao. Ipinapakita nito ang kawalan ng pakialam at pagkamakasarili ng marami. Hindi dapat umiiral ang sapilitang karukhaan sa isang maka-Diyos na lipunan. Sa kasawiampalad, mas marami ang hindi namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos, at ipinapakita rin ng ating karanasan na lalo pang dumarami ang mga naghihirap. Sa kabila nito, marami rin mga Cristiano ang patuloy na tumutulong para maiangat ang kabuhayan ng kanilang kapwa, mananampalataya man o hindi. Isa rin ito sa ating mga tungkulin bilang mga Katoliko: ang gamitin ang ating talento at kakayahan para makatulong sa iba.
Bagamat ang kahirapan ay bunga ng pag-iral ng hindi sapat na katarungan, hindi ito dapat maging dahilan para ang sinuman ay mawalan ng pag-asa. Ang Pasko ay nagbibigay ng kahulugan sa lahat ng karanasan, kasama na ang kahirapan. Sa pagsilang ni Jesus sa isang abang kalagayan ay nakikita natin ang katotohanan na hindi tayo nag-iisa sa ating karukhaang pangmateryal at pang-espiritwal. Ang Diyos ay hindi banyaga sa kahirapang pantao dahil naranasan niya ito sa pamamagitan ni Cristo. Higit pa sa sapat ang kanyang pusong-Diyos para maunawaan ang mga pasakit ng tao, pero pinili niyang maranasan ito sa kanyang sarili mismo, kung kaya makapagtitiwala tayo na ang Diyos ay kaisa natin sa anumang uri ng paghihirap na ating nararanasan. Sinasamahan niya tayo kung pinapayagan natin siya. Sa pagdating ni Jesus ay nakita natin sa isang bagong liwanag ang lahat ng uri ng paghihirap sa mundo at natulungan tayong hanapin ang kahulugan nito. Sa pamumuhay sa lupa ng Anak ng Diyos ay nakita natin kung paano niya hinarap ang realidad ng buhay. Hindi niya tinakasan ang alinmang pasakit sa katawan at sa kalooban na kailangan niyang pagdaanan. Dahil dito ay nabibigyan tayo ng kasiguruhan na ang mga ito ay makapagdudulot ng kabutihan. Sinasabi ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga Romano na kung kasama tayo ni Jesus sa pagpapakasakit, kasama niya rin tayo sa kaluwalhatian. Ang diwa ng Pasko ay makapagbibigay sa atin ng panibagong lakas para harapin ang buhay. Kung tayo man ay mahirap, sikapin nating magkaroon ng sapat sa pamamagitan ng sipag sa paggawa ng tama, talino sa pagpapasya kung paano gamitin ang maliit na ipinagkaloob sa atin, at determinasyon na maiangat ang estado ng ating pamumuhay upang pagkatapos nating makabangon ay matulungan naman natin na makatayo din ang iba. Kung tayo naman ay nakakaangat sa buhay, mag-ingat tayo na maipagkatiwala sa yaman ang ating kapalaran dahil tanging ang Diyos lang ang nararapat sa ating pagtitiwala. Hindi dapat isipin ninuman na ang anumang nasa kanya ay talagang kanya. Tayo ay mga katiwala ng yaman ng Diyos at tagapangalaga ng ating mga kapatid. Ang sukdulang paghihirap ng marami ay bunga ng malabis at makasariling pamumuhay ng iilan. Huwag nating hayaan na mapasama tayo sa iilan na ito. Mas mabuti pa ang maging mahirap para sa Kaharian kaysa maging mayaman para sa kapahamakan. Kilalanin natin kung sino tayo sa harapan ng Diyos sa tulong ng pag-unawa sa tunay na diwa ng Pasko.
Pasko at Kalayaan
Maging bilanggo man ng pisikal na rehas, ng karukhaan, ng kasalanan, ng hindi mapigilang mga damdamin, ng galit, ng karamdaman, ng adiksyon sa iba-ibang bagay, ng umiiral na sistema, o  ng kawalang-katarungan sa mundo, ang Pasko ay araw ng ating kalayaan. Ito ay pagkakataon para gunitain at maranasan ang pag-ibig at katotohanan na nagpapalaya sa atin. Anuman ang tinatawag nating bilangguan sa ating buhay, at gaano man kakapal ang mga rehas nito, hayaan nating ipaunawa ng Espiritu ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin dahil ito lamang ang magbibigay sa atin ng dahilan para masabing, “Malaya na ako.” Tayo ay nasa mundo pero hindi tayo sa mundo. Dahil sa pag-ibig na ipinararanas ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Jesus ay magagawa nating umangat at lumampas (transcend) sa mundo at sa mga bagay nito. Hindi na natin kailangang tawaging “sumpa” o “impyerno” ang mga sitwasyon at pangyayari na nagdudulot sa atin ng matinding mga pasakit, dahil nakikita na natin ang lahat ng ito sa isang bagong dimensyon. Nauunawaan natin na gaano man kapangit sa paningin ang ating mga sitwasyon, ang lahat ng bagay ay gumagawang sama-sama para sa kabutihan ng mga nagmamahal sa Diyos. Maaaring mayroon kang chismosang kapitbahay o makulit na nanay o drug addict na anak o palaaway na kapatid o inggiterong katrabaho, o mayroon kang pangmatagalan at lumalalang karamdaman o isang beses ka lang kumakain sa isang araw o hindi mo maiwasan ang isang bisyo o nakakasakit ka nang hindi mo sinasadya o hindi ka makawala sa isang sitwasyon na matagal mo nang gustong matakasan. Kung uunawain natin ang diwa ng Pasko at hahangarin ang kalayaang iniaalok sa atin ng Diyos, unti-unti nating makikita ang mga bagay sa pamamagitan ng mata ng pananampalataya. Hindi ito nangangahulugan na mawawala na ang kapitbahay na chismosa o gagaling na ang anumang karamdaman, pero makikita natin ang kamay ng Diyos na gumagalaw sa ating mga sitwasyon; na hindi tayo pinaglalaruan ng tadhana; na may kahulugan ang lahat; at para sa ikabubuti natin ang pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng hindi natin maunawaan na mga pangyayari sa ating buhay. Gaano man katagal, buong-tiwala tayong maghintay sa mga solusyon na inihanda ng Diyos. Hindi natin kailangang sumbatan ang Diyos sa hindi niya agad pagkilos ayon sa naiisip nating paraan dahil ito ay paghamak sa kanyang karunungan. Ayon kay Haring David, ang naghihintay sa Panginoon ay magkakamit ng mana. Noong dumating si Jesus at tinanggap natin siya, sigurado na ang ating panalo. Anuman ang mga sitwasyong wala na sa ating kontrol ay walang takot nating maipagkakatiwala sa Diyos, dahil sa huli ay kasama niya tayong magtatagumpay. “Sa mamatay man o mabuhay, tayo ay sa Panginoon.”
Layunin ng Sumulat
Alam kong hindi sapat ang kakayahan ng isip ko para tuklasin ang kabuuan ng malawak na kahulugan at kabuluhan ng pagdating ng Anak ng Diyos sa kalikasang-tao. Isinulat ko lang ito para tulungan ang sarili na suriin ang aking pagka-Cristiano, para magbaka-sakaling ako ay makatulong na mabuksan ang isip ng mga nangangailangan ng paliwanag, at higit sa lahat ay para magbigay na kahit kaunting pag-asa sa mga nag-aakalang ang buhay ay isang sapilitang regalo na kailangan lang ipamuhay dahil “nandyan na”. Noong mas bata pa ako ay iniisip ko ang kabuluhan sa linya ng isang kantang nagsasabi, “Di ko ninais na ako’y isilang, ngunit salamat dahil may buhay.” Sinasabi ko sa sarili ko na mas mabuti pa rin ang kapalaran ng mga hindi namuhay sa mundo dahil hindi na nila naranasan ang paghihirap dito. Siguro ay marami sa atin ang ganito mag-isip, at kung papipiliin ay mas mamatamisin pang hindi na lang sila nag-umpisang mabuhay. Hindi maikukumpara ang ating karunungan sa karunungan ng Diyos. Ang paglikha sa tao ay bunga ng nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos, at wala nang mas mabuti pa kaysa sa mga pasya niya. Kung linikha niya ako, iyon ay dahil ito ang pinakamabuti para sa akin, at wala na akong maimumungkahing mas mabuti pa. Ang buhay ay hindi sapilitang regalo. Kung tunay lang na nauunawaan natin ang plano ng Diyos sa ating buhay, hindi natin tatanggihan ang regalong ito kung sakali man na mangyaring tanungin muna tayo ng Diyos bago niya tayo likhain. Sa halip na pag-ubusan natin ng panahon ang walang silbi at walang katapusang mga reklamo sa buhay; at sa halip na isipin nating mas mabuti pang hindi tayo isinilang, ang totoong mabuting gawin ay kilalanin natin ang kalooban ng Diyos para sa atin dahil dito lang tayo magiging tunay na masaya at magkakaroon ng kahulugan sa buhay.
Pasko na naman! Huwag na nating palampasin ang panibagong Pasko nang hindi natin nauunawaan ang halaga nito. Dumating ang Anak ng Diyos para magkaroon tayo ng makabuluhang buhay. Kalimutan na natin ang tungkol sa paghingi, sa halip ay isipin natin kung paano maibabahagi sa iba ang ating sarili. Lagi lang sasama ang loob natin kapag hindi nangyari ang gusto natin o hindi natin natanggap ang inaasahan natin, pero kung ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ang magiging pang-araw-araw nating buhay, matututunan nating lampasan ang ating sarili, ang mga makamundong paghahangad, at ang mga materyal na bagay. Sabi nga ng isang awit: “Sapat nang si Jesus ang kasama mo, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko.” Hindi na sanggol si Jesus, at wala siyang children’s party na pwede nating daluhan. Dalawang-libong taon na ang lumipas mula noong siya ay isilang, huwag nating hayaang ang dalawang-libong taon na kasaysayan ng ating kaligtasan ay hindi natin mapakinabangan. Kung talagang mahilig tayo sa mga regalo at mga handaan, ito ang hangarin natin: ang makasalo si Jesus sa malaking bangkete na inihanda niya para sa tagumpay ng mga tapat sa Diyos.
Kontrasepsyon: Moralidad at Praktikalidad
Bakit itinuturing na masama ang kontrasepsyon sa kanyang sarili? Ang kasagutan sa tanong na ito ay humihingi ng talino, malinaw na paghatol, katapatan sa sarili, at bukas na kaisipan. Mawawalang halaga lang ang anumang pagtatangkang makarating sa katotohanan kung walang kahandaan na iwanan ang nakasanayang mga paniniwala. Sa maling paraan at dahilan ay inaakala at ipinamamalita ng maraming tao, kasama na ang media, na ang Simbahan ay tutol sa kontrasepsyon dahil ito ay walang pinagkaiba sa aborsyon. Ito ay isang burarang pamamahayag. Walang matino at impormadong tao ang magsasabing ang kontrasepsyon at aborsyon ay pareho lang. Ang Simbahang Katoliko ay hindi kulang sa bilang ng mga dalubhasa sa larangan ng panggagamot, parmasyotika, biyolohiya, at iba pang mga disiplinang may kinalaman sa usapin ng kontrasepsyon.
Sa anumang usaping moral, ang nag-iisa at laging tamang tanong ay, “Linalabag ba nito ang batas ng kalikasan?” Dito magmumula ang mas malawak na mga pagsasaliksik at pagsusuri. Pagkatapos ng masusing pag-aaral, hinahatulan ang usapin ayon sa prinsipyo at pananampalatayang Katoliko. Ang pagkilala at pagrespetong ito ng mga tao ang dahilan kung bakit tinatangka ng industriya ng kontrasepsyon na alisin sa isip ng karamihan ang salitang “artipisyal”. Tuwing ikinukumpara nila ang dalawang uri ng family planning, tinatawag nila itong natural at modern, na kung iisipin ay dalawang salitang hindi maaaring ikumpara. Sa halip na ipahiwatig na ang pamamaraang artipisyal ay salungat sa paraan ng kalikasan, ginagamit nila ang salitang “modern” para alisin sa malalim na bahagi ng kamalayan ng tao ang implikasyon ng salitang “artificial” sa kalusugan ng isang babae. Isa pang layunin sa likod ng katagang ito ay ipahiwatig na ang natural na paraan ng pamamahala ng panganganak, bagamat maaaring gamitin at maging epektibo, ay nararapat sa mas malaking pag-aalinlangan dahil sa pagiging “luma” nito, habang ang artipisyal ay “moderno”. Ito ay isang malaking panlilinlang. Ang artipisyal na kontrasepsyon ay hindi isang makabagong konsepto; mas matanda pa ito sa Cristianismo. Kaya naman, hindi na rin bago ang usaping ito sa buhay ng Simbahan. Ang ideya ng IUD, halimbawa, ay ginagamit para sa mga kamelyo, libong mga taon na ang nakakaraan. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paglalagay ng graba sa loob ng bahay-bata ng hayop para hindi nito tanggapin ang bilig (embryo). Ang spermicide ay ginagamit kapwa ng hayop at ng mga babaeng bayaran. Madalas ay gawa ito sa pinaghalo-halong mga katas at kemikal na kinabibilangan din ng dumi ng buwaya o ihi ng mga hayop. Hindi rin bago ang mga iniinom na mga kontraseptibo, at ito ay ginagawa ng mga mangkukulam o mga tagahalo ng kemikal. Ang mga apostol mismo ay namuhay sa gitna ng mga taong lulong sa ganitong mga gawain. Noong AD 225 ay binanggit ni Hippolytus ang tungkol sa kemikal na pampabaog (drugs of sterility) na ginagamit ng mga babae dahil ayaw nilang magkaanak sa mga alipin o sa mga pangkaraniwan. Kinondena din ni Juan Chrysostomo noong AD 391 ang paggamit nito, at inilarawan niya ito bilang “worse than murder”, dahil pinagtatangkaan nito at pinapatay ang hindi pa man isinisilang. Ang pagtawag sa mga bagong kayarian o sangkap ng kontraseptibo bilang “moderno” ay isang pagtatangkang iligaw ang kamalayan ng marami tungkol sa pagiging luma at artipisyal nito. Ang mapanlinlang na paraan ng pagpapakilala sa mga kontraseptibo ay nagpapahiwatig ng masamang kaisipan ng mga tagapagtaguyod nito.
Paano matutukoy kung ang kontrasepsyon ay lubos na masama o maaaring isaalang-alang? Para masagot ito, kailangang bumalik sa simula: para saan ba ang pagtatalik? Kung gagamitin ang bait, madaling makikita na ang katawan ng babae at lalaki ay sadyang dinisenyo (hindi aksidente lang) para sa pagpapalaganap ng sangkatauhan. Ang pamumunga ng sinapupunan ay hindi opsyonal. Simple lang ang batas ng kalikasan: kung makikipagtalik ka, asahan mong mamumunga ito. Hindi ito nangangahulugan na sinasadya mong magdalantao, sa halip ay kinikilala mo at iginagalang ang takbo ng kalikasan. Maraming mga ignorante ang nagsasabing itinataguyod ng Simbahan ang pagpaparami ng anak, pero kung imumulat ang mata at gagamitin ang isip, madaling mahalata na ang Simbahan ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga lalaki at babaeng walang asawa at mga anak, bagamat ito ay kanilang sarili at malayang pasya. Ganun din, ang Simbahan ang nagbibigay ng pinakasiguradong paraan para mag-agwat sa panganganak. May mas sigurado pa ba sa “sexual abstinence”? Higit na mas malaki sana ang populasyon ng tao ngayon kung hindi dahil sa iba’t ibang mga disiplina ng Simbahan. Ang pagiging bukas sa buhay (open to life) ay hindi katumbas ng pagkakaroon ng maraming anak. Ito ay disposisyon ng isip kung saan ang kalikasan ng pagtatalik ay rinirespeto sa kabuuan nito. Taglay ang lubos na pagkakilala sa layunin ng pag-aasawa, sekswalidad, at pakikipagtalik, dapat suriin kung ang konsepto at pagsasagawa ng kontrasepsyon ay sumasalungat dito.
Unang-una, nagpapakita ba ng paggalang ang kontrasepsyon sa relasyon ng mag-asawa? Sa harap ng komunidad at sa harap ng Diyos ay nangako ang mag-asawa na ipagkakaloob ang buong sarili sa isa’t isa, at kasama dito, higit sa lahat ang pag-ibig na nagbibigay buhay (life-giving love), kung paanong ang pagbibigay ni Jesus sa atin ng kanyang buong sarili ay nagsilang sa atin sa isang bagong buhay. Ang kontrasepsyon ay isang kasinungalingan kung saan ihinaharap natin ang sarili bilang mangingibig na walang ipinagkakait, sa halip ay ibinibigay nang buong-buo ang pagkatao, habang ang totoo ay gusto lang natin kunin ang pansariling pakinabang sa pagtatalik nang walang intensyon na ibahagi ang ating buhay. Sa paraan natin ng pag-iisip ngayon, mahirap para sa marami ang unawain ang kahulugan nito, pero ano ang magiging kahulugan sa iyo ng isang Cristo na dumating sa lupa at ipinahayag sa atin ang kanyang pag-ibig pero ipinagkait sa atin ang isang bagong buhay; hindi ba ito ay isang kasinungalingan? Ang anumang pakikipagtalik (simbolo at akto ng pag-ibig) na may hangaring ipagkait ang posibilidad ng bagong buhay ay isang akto ng pagsisinungaling at panggagamit. Halos wala itong pinagkaiba sa pakikipagtalik sa isang masamang babae (o lalaki), kung saan ang pangunahing layunin ay palayawin ang katawan.
Pangalawa, ano ang konsekwensyang moral ng kontrasepsyon sa mag-asawa? Dahil sa mababaw na pananaw na dulot ng kontraseptibong kaisipan, mahirap para sa maraming mga lalaki (at mga babae) ang tingnan ang kabiyak nang higit sa pisikal na antas. Bilang konsekwensya, nagiging mahirap din hanapan ng kahulugan ang pagiging matapat, ang pagbibigay ng sarili, at ang pagtatanggol sa samahan at pamilya tuwing nagkakaroon ng mabigat na salungatan ang mag-asawa. Sa huli ay nagdudulot ito sa marami ng pakikiapid, sa isip man o sa gawa.
Pangatlo, ano ang epekto ng kontrasepsyon sa relasyon ng pamilya? Dahil ang kontraseptibong mentalidad ay humuhubog ng isang mababaw na pagtingin sa halaga ng buhay, maraming mga anak ang nagiging “unwelcome” sa mga magulang at sa buong pamilya. Nagiging basehan ng halaga ng tao ang nakikitang pakinabang nito. Ang walang silbi ay walang halaga. Hindi nito nakikita ang likas na halaga ng bawat indibidwal. Dahil dito, ang “walang pakinabang” ay hindi magawang mahalin, at ang hindi inaasahang pagdadalantao ay sapilitan lang na tinatanggap.
Kung iisipin, ang ekspresyon na “unexpected pregnancy” ay nagpapakita ng pagiging ignorante at iresponsable. Ang taong marunong ay nakakakilala sa resulta ng kanyang ginagawa, dahil kung hindi, tatalon siya sa bangin nang walang kamalay-malay na mamamatay siya. Ang mag-akala ng kabaligtaran ay isang mangmang. Hindi ka gagaling sa anumang karamdaman o kaya ay hahaba ang buhay kapag tumalon ka sa mas mataas pa sa kaya mo. Gumagamit man o hindi ng anumang uri ng kontraseptibo, ang paniniwalang ang babae ay hindi magdadalantao ay isang kahangalan. Una, ang posibilidad ng pagdadalantao ay likas sa babaeng nakikipagtalik. Pangalawa, alam na alam ng mga tagapagsulong ng kontrasepsyon na hindi buong-buong maaasahan na hindi magdadalantao ang babaeng gumagamit ng kontraseptibo. Bakit naman kamo iresponsable? Simple. Dahil ang mga nakikipagtalik ngunit hindi nag-iisip ng tungkol sa posibilidad ng pagdadalantao ay bumabalewala sa katotohanan, at dahil dito ay walang pinaghahandaan – walang pakialam. Mas simple pang lohika: kung may gusto kang gawin pero iniiwasan mo ang konsikwensya nito, ibig sabihin ay ayaw mo ng responsibilidad, wala kang sense of responsibility, o sa mas maikling salita: iresponsable ka.
Intrauterine Device
Pang-apat, praktikal ba ang kontrasepsyon? Tulad ng nabanggit na, hindi mapagkakatiwalaan nang sandaang porsyento ang kakayahan ng mga kontraseptibo na pigilan ang pagdadalantao. Dahil dito, hindi maaaring ilagay ang buong tiwala sa paggamit nito. Para sa mga taong may respeto sa Diyos, sa kalikasan, sa sariling katawan, at sa katawan ng kabiyak, ang “unexpected pregnancy” ay hindi bahagi ng kanilang bokabularyo. Marunong silang kumilala sa katotohanan at tumanggap ng pananagutan. Sa kanilang pagtatalik ay hindi laging hinahangad ang pagdadalantao pero lagi itong inaasahan. Bukod sa hindi kumpleto ang pagiging epektibo ng kontrasepsyon, ang paggamit ng mga artipisyal na pamamaraan ay paglalagay ng buhay ng babae sa panganib. May mga magsasabi, “Hindi naman lahat ay nakakaranas ng side effects o nagkakaroon ng komplikasyon.” Ang tanong ay bakit mo isasapalaran ang kalusugan ng isang babae para sa isang makasariling dahilan? Palalanguyin mo ba ang asawa mo sa isang ilog na pinamamahayan ng mga buwaya para ipanghuli ka ng hipon? Sasabihin mo ba sa kanya, “Hindi naman lahat ay natityempuhan ng mga buwaya dyan; mas madalas wala sila”? At papayag kaya siya kung naiintindihan niya ang konsekwensya?
Panglima, totoo bang may kinalaman ang kontrasepsyon sa aborsyon? Kung naunawaan ng bumabasa ang mga nabanggit na sa itaas, madali niya itong masasagot. Ang kontrasepsyon ay hindi lamang isang paraan ng pagpipigil sa panganganak, ito ay isang mentalidad. Humuhubog ito ng pagkatao at kultura. Halimbawa, ang Amerika ay malayo na nang libo-libong milya sa kultura nito noong itinatag ito ng mga tinatawag nilang “Founding Fathers”. Ganun din, ang Pilipinas ay lumulubog na sa kultura ng kamatayan kung saan ang pagdadalantao ay kinatatakutan sa halip na ipinamamalita; ang pagkakaroon ng anak ay isang pasanin sa halip na kagalakan; ang pag-aasawa ng mga kapos-palad ay itinuturing na salot sa halip na pagkakataon para iangat ang isa’t isa; at ang pagdidisiplina ay katumbas ng pagganti o pakikipag-away sa mga anak dahil hindi na nakikilala ng mga magulang kung ano at sino ang kanilang mga isinilang. Ang kulturang ito ang simula ng dahan-dahang pagtanggap ng mga Filipino sa katwiran ng aborsyon. Maaaring malayo pa sa pagiging pangkalahatan ang pagtanggap na ito, pero ang parami nang paraming mga indibidwal na nagkakaroon ng pagsasaisip (ideation) ng aborsyon bilang pagpipilian ay nagpapakita ng unti-unting paglubog natin sa ganitong mentalidad. May mga nagsasabi, “Dala ng kahirapan at kalituhan kaya nagagawa nilang magpalaglag.” Ang dahilang ito ay totoo sa marami, pero ang hindi totoo ay ang kaisipan na nagtutulak sa ganitong pagdadahilan. Bakit nagagawang patayin ng isang ina o ama ang nasa sinapupunan pa, pero hindi nagagawang patayin ng anak ang isang ina o ama dahil sa kahirapan? Dahil kahit sinasabi ng sarili nating bait na ang nasa sinapupunan ay tao, mas kumbinsido pa rin ang ilan sa atin na ang buhay na ito ay may mas maliit na halaga kaysa sa matanda na. Ito rin ay dahil mas madaling gawan ng masama ang hindi mo nakikita kaysa nakikita mo. Mas malakas ang epekto ng konsensya kapag tinutulungan ito ng mata. Maaaring magawa mong ipapatay sa ibang tao ang iyong anak, pero hindi mo makakayang panoorin habang ginagawa nila ito. Ang unang pandaraya dito ay ang pagpapaniwala sa atin na ang nasa labas ng sinapupunan ay “mas tao” kaysa sa nasa loob. Ito lamang ay sapat na para magawa ng magulang na patayin ang sarili niyang anak. Isa pang kasinungalingan ay ang pag-aakalang mas kaunting pagkabagabag ng budhi ay katumbas ng mas kaunting bigat ng kasalanan. Mas madaling patayin ang nasa sinapupunan dahil hindi mo makikita kung paano ito ginagawa, sa gayon ay mas kaunting masamang alaala ang maiiwan sa iyo. Isa sa pinakakaraniwang halimbawa ng konklusyon na ito ay ang paggamit ng “pills” at IUD. Marami na sa mga ina ang nakauunawa (lalo na ang mga doktor) na ang pill at IUD ay maaaring kumitil ng buhay na nasa sinapupunan pero halos hindi sila apektado ng katotohanang ito. Hindi dahil hindi nila alam kundi dahil hindi nila nakikita. Mas madali para sa kanila na balewalain ito. Isa pa, kung ang pill at IUD ay tanggap ng lipunan, paano nga naman ito magiging masama! Basta magkaroon lang tayo ng maraming kakampi sa desisyon natin, okay na tayo. Ang ugaling ito ay unang nakikita sa pagiging bata o estudyante kung saan ang pandaraya o pagsisinungaling ay nagiging pangkaraniwan lang kung marami namang gumagawa. Ang pill at IUD, bagamat mga abortifacient ay maaaring tawaging contraceptive dahil kinikilala naman ng marami. At kahit pa kumikitil ito ng hindi nakikitang buhay, okay lang, dahil bukod sa hindi naman ito nakikita, pangkaraniwan na rin ito. Para lang itong pagsusuot ng malaswang damit: sa una ka lang maiilang; pagtagal-tagal, hindi ka na sanay na hindi malaswa ang isuot. Gaano mo man kaalam na buhay ang nasa sinapupunan mo, kung isa o dalawang taon ka nang gumagamit ng kontraseptibo, wala ka nang pakialam kahit pa isa o dalawang buwang gulang na ang iyong papatayin. Bakit? Dahil sa umpisa pa lang ay alam mo nang kumikitil ka ng buhay, ano pang magiging pagkakaiba kung mas matanda man ito ng isang buwan? Hanggat hindi mo ito nakikita o nararamdaman, okay lang. Ito ang sikolohiya ng kontrasepsyon.
Isipin mo, bakit legal ang aborsyon sa mga bansang nangunguna sa pagtataguyod ng paggamit ng kontrasepsyon. Dahil ba kulang sila sa mga kontraseptibong paraan at mga gamit? Ang totoo, sila pa nga ang nag-uubos ng pera (buwis ng mga mamamayan) para mamigay ng mga kontraseptibo sa ibang mga bansa. Legal ang aborsyon sa mga bansang tagapagsulong ng kontrasepsyon dahil ang totoo, ang aborsyon ay bunga ng kontraseptibong mentalidad. Unti-unting ibinababa ng kontrasepsyon ang pagtingin ng tao sa kanyang sariling dignidad hanggang sa maging handa na siyang tanggapin na ang tao ay isa lamang materyal na linikha, tulad ng mga hayop, at kung minsan ay may katanggap-tanggap na katwiran para tanggihan ang pagsilang ng isang anak, lalo na kung ito ay dahil ayaw ng magulang na maghirap ang kanyang iluluwal. Tuso, di ba? Marami sa mga Filipino ang hindi na nga naghintay ng mas matagal pang panahon, dahil ngayon pa lang ay ganito na ang kanilang kaisipan.
Linggo ng Pentekostes at Pagsilang ng Simbahan
Isa sa mga dapat sana ay malaking pagdiriwang, hindi lamang sa mga parokya kundi sa puso mismo ng mga Cristiano, ay ang Pentekostes. Sa araw na ito  ginugunita ang pagsilang ng Simbahan. Maaaring iniisip ng iba, “Paanong naging ito ang araw ng pagsilang ng Simbahan e wala na si Jesus sa lupa noong panahong iyon?” Ang pagsilang ng Simbahan ay hindi katulad ng pagtatatag ng isang institusyon na tulad ng paaralan o pagpapalaya sa isang bayan. Sa madaling salita, hindi ito foundation day. Noong unang Pentekostes ay naging totoong isa ang lahat ng mga mananampalataya at sila ay naging mga bahagi ng iisang Katawan ni Cristo. Dahil sa pagbaba ng Espiritu Santo sa bawat mananampalataya, silang lahat bagamat marami, ay naging isang Katawan na may iisang Espiritu. Hindi lamang ito tumutukoy sa pagkakaisa ng kaisipan o mga prinsipyo; ito ay tumutukoy sa isang aktwal na pagiging isa. Ang katawan ng tao ay maraming bahagi, pero dahil iisa ang kaluluwa ng tao, ang bawat
The Pentecost - Latter half of 18th c
bahaging ito ay bumubuo ng iisang tao lamang. Kahit ang puso o mata o kamay o paa ng isang tao ay nagmula sa iba at hindi likas sa nagtataglay nito, ito pa rin ay kaisa ng buong katawan dahil sa iisang espiritu. Ganito natin maihahambing ang relasyon ng Simbahan (katawan) sa Espiritu Santo (espiritu). Bagamat maaaring nagkakaisa ng layunin, paniniwala, at simulain ang mga taga-sunod ni Jesus noon, tanging sa Linggo ng Pentekostes lamang sila naging isang Katawan ni Cristo at ang Katawang ito ang tinatawag nating Simbahan.
Dahil sa hindi natin pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng Pentekostes kaya marami sa atin ang hindi ito maipagdiwang nang may kasiyahan at pasasalamat. Tulad din ng ibang kapistahan, pinapalampas lang din natin ito lalo pa’t walang komersyalismong sangkot sa araw na ito, di tulad ng Pasko. Ang bawat pagdiriwang ay magiging makahulugan lamang kung tunay nating nauunawaan ang dahilan nito. Kung mananatiling mababaw ang ating pagtingin tungkol sa mga kapistahang ito, hindi natin mapakikinabangan ang tunay na layunin ng pagunita dito.