Mga Rebulto

Paano nga ba natin tinitingnan ang mga imahe o icon na nasa loob ng ating mga parokya o kapilya? Itinuturing ba natin itong anting-anting tulad ng mga taong walang alam tungkol sa tunay na Diyos? Iniisip ba natin na ang mga ito ay pampaswerte tulad ng mga taong nag-aakalang may kinalaman ang mga walang silbing pamahiin sa ating pagginhawa at paghihirap sa buhay? Ang mga estatwa sa loob ng mga simbahang Katoliko ay tulad din ng mga monumentong nakikita natin sa lahat ng bayan. Ilinalarawan nila at ipinaalala sa atin ang kabayanihan, kabanalan, at mabuting pamumuhay ng ilang mga taong naging taga-sunod ni Jesus dito sa lupa at ngayon ay nasa harapan na ng Diyos. Ang alaala ng mga taong ilinalarawan ng mga imaheng ito ay nagsisilbing inspirasyon at huwaran nating mga nandito pa sa lupa at patuloy na nakikibaka. Ang layunin ng ating buhay ay makasama ang Diyos sa habampanahon, at isa sa mga nagiging malaking tulong sa ating moral ay ang inspirasyon ng mga taong nagpatunay na posibleng matupad ang ating pinagsisikapan dahil narating na nila iyon. Bukod sa lakas ng loob, ang buhay ng mga taong ito ay nagbibigay din sa atin ng mga konkretong halimbawa at aral kung paano natin maisasagawa ang kalooban ng Diyos sa praktikal na paraan, at sa gayon ay hindi natin ililigaw sa pagkakamali at kapahamakan ang ating mga sarili.

Sana ay hindi tayo kasama ng mga taong walang naiintindihan at mabilis lang magturo ng mga pagkakamali sa ibang tao. Para sa kalinawan ng mga bumabasa, ang pagkakaroon ng mga larawan ng mga taga-sunod ni Jesus ay hindi porma ng idolitria o pagsamba sa maling mga diyos; sa halip, ito ay pagkilala sa kabutihan ng May-likha sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha. Hindi ba’t ang paghanga sa isang likha ng sining ay paghanga sa lumikha nito? Hindi ba’t ang simpleng pagtitipid ng tubig at hindi pagsira sa kalikasan ay isang paraan ng pag-appreciate sa mga regalo ng Diyos? Hindi ba’t ang pagtatayo ng bantayog para sa isang bayani ng bayan ay tumutulong sa kaisipan ng mga kabataan upang tularan ang pagiging mabuting mamamayanan ng taong iyon? Pagkilala sa kadakilaan ng Diyos, pasasalamat sa kanyang kabutihan, at paglalagay ng huwaran at inspirasyon ang pangunahing layunin ng pagkakaroon ng mga larawan ng mga taga-sunod ni Jesus. Ang idolatria ay nagmumula sa puso—ibig sabihi’y sa intensyon—hindi sa pagkakaroon ng mga larawan. Ilang larawan ba ng mga mahal natin sa buhay ang nasa ating tahanan? Ibig bang sabihi’y ganung kadami ang sinasamba nating mga diyos?

223 Comments

  1. roman said,

    Comment ko po !!

    Sabi po ng diyos ay wag kayong gumawa ng imahe ng nasa langit bat sisamba ng mga tao mg aimahe na gawa ng tao . Sabi ni God ay wag ninyong simbahin ang mga rebulto. NAsa Bibliya na marami ang sumasamba sa mga imahe na merong mata hindi nakakita , merong tainga pero di nakarinig. Sa Bibliya kung ano ang sinasabi ay hindi nababali at isa yun sa mg asisabi nya.At nasa 10 commandments ng panginoon na wag kayong magsamba ng ibang diyos maliban sa akin kasi God ay spirit kaya nga sabi dyan sa (jn 4:24 ) ay GOs is a Spirit he who worship him must worship him in spirit and in truth. HIndi yung mag lalagay ng rebulto.

    Kung hindi nyo sinasamba ang mga rebulto ay bat pa kayo naglalagay ng mga rebulto dyan? Akhit nga revelatuion ay nakasulat doon na nang dumating ang anghel ay lumuhod si pedro at sinabihan sya ng anghel wag kang lumuhod akoy tulad sayo na utusan lang dyos tanging ang diyos lang at wala ng iba ang sasambahin.

    Kung meron po kayong reaction ay mag e-mail lang kayo sa akin.
    sa jer_seares@yahoo.com

    • ngobzky said,

      yes!!! yun ang 22o nakasulat sa bible sa 2ndmcommandment na wag sasamba sa rebulto o imahen na gawa sa kahoy sapagkat galit ang Panginoon sa mga taong sumasamba sa diyos-diyusan!!!! gaya ng mga rebulto na gawa sa kahoy….

    • emmanuel said,

      BAWAL PABA ANG REBULTO NI JESUS? EH BAKIT IPAAGBAWAL ANG REBULTO NI RIZAL at MANALO! sabi naman ata na bawal ang rebulto! ….HINDI BAWAL ANG REBULTO NI JESUS SAPAGKAT SI JESUS ANG WANGIS NG DIYOS NA HINDI NAKIKITA – Mga Taga-Colosas 1:15-16
      15 Siya ang wangis ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay na pinakahigit sa buong sangnilikha. 16 Ito ay sapagkat sa pamamagitan niya, nilalang ang lahat ng mga bagay na nasa langit at mga bagay na nasa lupa, mga bagay na nakikita o hindi nakikita. Ito man ay mga luklukan, o mga paghahari, o mga pamunuan, o mga pamamahala. Ang lahat ng bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at para sa kaniya.

      • LeaveaReply said,

        Ang Rebulto ni Rizal ay hindi sinasamba subalit ang rebulto ni Jesus ay sinasamba paki tigna sa Exodo 20:3-5 ” Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit,

      • vanillae said,

        Sino po ang kilala ninyong sumasamba sa rebulto ni Jesus? Ang gagawa lang noon ay mga ignorante tungkol sa relihiyon at tungkol sa Diyos.

      • Willie Liray said,

        Levitico 26 “‘Huwag kayong gagawa ng walang-silbing mga diyos para sa inyong sarili,+ at huwag kayong magtatayo ng inukit na imahen+ o ng sagradong haligi para sa inyong sarili, at huwag kayong maglalagay ng isang bato bilang rebulto+ sa inyong lupain upang yukuran ito;+ sapagkat ako ay Ama na inyong Diyos

        Exodo 20: 4 “Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa.+ 5 Huwag mong yuyukuran ang mga iyon ni maganyak ka man na paglingkuran ang mga iyon,+ sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi, doon sa mga napopoot sa akin

        Isaias 42: 8 “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko;+ at sa kaninuman ay hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian,+ ni ang aking kapurihan+ man sa mga nililok na imahen.

      • ayrin1916 said,

        Dba po di nga nakikita san nyo nakuha ang itsura na pinaggayahan ng rebulto po tanong lang?

      • ayrin1916 said,

        Hindi po pala nakikita san kaya galing yung imahe at itsura at nakagawa ng mga rebulto ask lng po

      • vanillae said,

        Wala rin sa panahon ngayon ang nakakita kay Lapu-Lapu o sa mga sinaunang Raha, pero naiiprisinta natin ang mga imahe nila. Kapag nanonood tayo ng mga movie na hango sa mga kasaysayang galing sa Biblia, nailalarawan din ang mga karakter kahit na hindi nila alam ang itsura ng taong inilalarawan. Iyon ay dahil ang persona ang totoong mahalaga, hindi ang itsura.

      • J said,

        Wala pa po nakakaalam ng totoong itsura ng panginoong Jesus Kristo..ang pagsamba po sa mga bagay na di umaano ay itsura ni Jesus ay walang patunay na ito nga si Kristo..ito ay matagal nang paniniwala ng simbahang katoliko

      • vanillae said,

        Bro/Sis, kapag nagdadasal ka ba, purong kadiliman ba o kawalan ang nasa isip mo? Hindi ba ito bumubuo ng kahit anong imahe? Dahil kung hindi, baka may mali. Kahit hindi pa natin nakikita ang isang tao, kapag iniisip natin sila o anumang tungkol sa kanila, natural sa isip natin na bumuo ng imahe na maaaring lumalarawan sa kanilang karakter, ugali, pangangatawan o anumang katulad nito. Kung hindi ganun, meron kailangang ayusin sa sarili natin. Pero kung sasabihin mong may nabubuong imahe sa isip mo kapag nananalangin ka kay Jesus o sa Ama, ibig bang sabihin ay sumasamba ka sa imaheng nasa isip mo? Iyon ba ay itinuturing mong pagsamba sa diyos-diyosan? Syempre, hindi iisipin yun ng may matinong isip, di ba? Alam natin kung sino ang ating sinasamba, ano pa man ang itsura niya sa isip natin o sa mata natin. Ang mahalaga ay kung nasaan ang direksyon ng ating puso. Hindi komo di mo alam ang eksaktong itsura ng Panginoon ay hindi mo na siya pwedeng ilarawan sa sarili mong paraan. Sana nakikita mo ang simple at praktikal na lohika ng sinasabi ko. Reading the Bible is not meant to bring us out of the realities of this life. 🙂

      • recierdo richard said,

        Si Jesus mismo ang wangis ng Dios…Pero hndi nangaNgahuLuGan na ang rebulto ni Jesus ay ang wangis ng Dios…dahiL baWaL nga anG pagsamba. Sa mga rebulto…

      • vanillae said,

        Hindi pwedeng kahit sino lang ang dumampot ng Biblia at akalaing naiintindihan niyang lahat ang prinsipyo ng mga nakasulat dito. Walang masama sa anumang larawan o likhang sining. Sa kabilang banda, ang lahat ay masama kung ginagamit sa mali at masamang paraan. Lahat ng gumagamit ng social media ay gumagamit ng mga imahe nang hindi nababagabag ang budhi. Ang bulag na pagsunod sa mga nakasulat sa Biblia ay hindi totoong pagsunod sa Diyos. Kung walang gagamiting pagsusuri at pag-iisip sa paggawa ng mga sinasabi sa Biblia, kakailanganin din nating pumatay ng tao, lalo na yung mga lapastangan sa magulang, mga nangangalunya, at iba pang katulad noon na sinasabing dapat batuhin hanggang mamatay.

        Sa pagsunod sa Diyos, kailangan ng kababaang-loob.

        “Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman” (1 Corinto 8:2).

      • dam said,

        bkit sinabi ba ng dios na wag syang gawan ng larawan na kamukha ng dios? dios diosan oo. alam nmn ng dios kung sino sinasamba ng mga ibang tao di nmn un baka kabayo ibon o isda di nmn siguro bobo ang dios para di nya malaman kung sino ang sinasamba ng iba hndi ung imahe kung di ang dios na iisa at nasa langit.

      • vanillae said,

        Hindi naman talaga sinabi ng Diyos na huwag gumawa ng anumang imahe sa kung anumang dahilan. Tayo ay nasa visual world, at lahat ng kagandahang nakikita natin at naa-appreciate ay galing sa Diyos. Ang Diyos ay nagbibigay sa atin ng talento at kakayahan na gumuhit, lumilok, lumikha ng mga anyo, kathang-isip man o kinopya sa mga umiiral na bagay at mga may buhay. Ang ipinagbabawal ng Panginoon ay ang pagsamba sa anuman o sinuman maliban sa totoong Diyos. Sa iba-ibang pagkakataon ay nagpagawa ang Diyos ng mga larawan ng mga nilalang na nasa langit at sa lupa, at alam nating hindi niya linalabag ang sarili niyang kautusan. Mahalagang maunawaan kung ano ang kahulugan ng mga nakasulat sa Biblia.

      • roel said,

        Kapatid,

        Lihis po sa katuruan ng simbahang katoliko ang mga bagay na laging ibinabato sa amin sa tuwing napag uusapan ang tungkol sa rebulto o imahen, kino korek ko lang po sa inyo na hindi itinuturo sa aming mga katoliko, ang pagsamba sa mga rebulto o imahen kahit kalian HINDI PO itinuturo ng aming simbahan na sambahin at gawing Diyos ang mga Santo, marami na pong mga paliwanag ang ginawan ng Catholic para malaman ng mga bumabatikos sa amin kong ano nga ba ang aming stand para maglagay ng mga imahen o rebulto sa aming mga simbahan at tahanan, di naman naming ipinipilit sa inyong lahat na sangayunan nyo kami, lagi po kayong apektado sa usaping ito. Sa dami pong magagandang sitas sa bibliya iilan verse lang ang napupulot nyo para maibato sa aming mga katoliko, may sarili po kayong pananampalataya na alam namin na pawang mabubuti din naman at ganun di naman sa amin mabubuti din naman, Ngayon po magtatanong po ako para sa pangkalahatan at sa reyalidad sa araw araw na pamumuhay ng mga TAO, sa kabuhuan ba ng BIBLIYA na syang guide natin sa pananampalatayan, lahat bang iyon ay NAISABUHAY NINYONG LAHAT? At nasa alam nyo rin sa mga pahina ng BIBLIYA kong anong kaparusahan ang naghihintay sa atin sa tuwing di tayo nakasusunod sa ating mga binabasa, SINO PO ang makapagsasabing KAYO ANG TAMA AT BANAL SA PANANAMPALATAYA at KAMING MGA KATOLIKO ANG MALI??? Ngayon tanungin natin ang ating mga sarili sino sa atin ang makapagsasabi na TAMA ang isang nilalang ng DIYOS ang MANGHUSGA SA KAPWA NYA TAO???Bakit po lagi kayong apektado pag palaging napag uusapan ang pananampalatayong katoliko? Alalahin nyo ang pananampalatayang katoliko ay nauna pa sa kong anong GRUPONG sinasampalatayanan nyo ngayon, at kahit kalian hindi itinuturo n gaming simbahan na batikosin ang pananampalataya ng ibang relihiyon. Dahil labag iyon sa kautusan ng mga katokilko. Kaawaan po sana tayo ng PANGINOON sa lahat ng MABUBUTI nating mga GAWA sa ating KAPWA TAO.

    • jerame abucejo said,

      mag basa ka sa exodus 25: 18-22.. miron bawal ..miron naman hindi

  2. vanillae said,

    Una, gusto ko munang ipapansin sa’yo ang katotohanan na hindi mo talaga binasa ang isinulat ko kundi dinaanan mo lang ng paningin. Sa maikling bahagi lang ay maaari nang maunawaan ang kumpletong punto ng temang ito kung talagang babasahin ito nang may bukas na isip at may paghahangad sa katotohanan:

    Ang mga estatwa sa loob ng mga simbahang Katoliko ay tulad din ng mga monumentong nakikita natin sa lahat ng bayan. Ilinalarawan nila at ipinaalala sa atin ang kabayanihan, kabanalan, at mabuting pamumuhay ng ilang mga taong naging taga-sunod ni Jesus dito sa lupa at ngayon ay nasa harapan na ng Diyos. Ang alaala ng mga taong ilinalarawan ng mga imaheng ito ay nagsisilbing inspirasyon at huwaran nating mga nandito pa sa lupa at patuloy na nakikibaka.

    Kung ikaw ang tatanungin, at kung buong katapatan kang sasagot, masama ba sa palagay mo sa mata ng Diyos ang paggawa ng rebulto ng mga bayani ng ating bansa at paglalagay sa kanila sa mga lugar na nakikita ng halos lahat ng mamamayan? Ikalawang tanong, wala ka bang negatibong mararamdaman kung makikita mong may mga taong walang magawa na sisira ng rebulto ng isang bayani? Ikatlong tanong, wala ka bang mararamdamang kahit ano kung makita mong inaapak-apakan at linalapastangan ang larawan ng iyong ina, ama, mga kapatid, o ibang mahal sa buhay? Malungkot man sabihin, pero ang taong walang mararamdaman sa mga ganitong pangyayari [sa palagay ko] ay hindi maiituring na tao. Kung sasabihin mo naman na hindi maganda ang mararamdaman mo kung masasaksihan mo ang ganitong pangyayari, ito ay magpapatunay na sinasabi ng iyong kalikasang-tao (human nature) na ang paggalang na mayroon ka sa mga larawan ng mga mahal sa buhay, o sa rebulto ng mga bayani, ay hindi isang inutil na pagpapahalaga sa mga bagay na walang buhay, kundi ekstensyon ng malalim na paggalang mo sa mga taong ilinalarawan ng mga ito. Hatulan mo ang usaping ito: Tama ba na magbigay-galang ang isang Filipino sa watawat ng Pilipinas, o walang halaga kung makita man niyang nakakalat ito sa daanan at nababasahan ng mga paa? Ang pagbibigay-galang ba dito ay nangangahulugan ng maling pagpapahalaga sa isang piraso ng tela na kinulayan ng asul, pula, at dilaw; o pagpapakita ito ng paggalang sa bansang sinasagisag nito?

    Bitbit sa matapat na isip ang ganitong kamulatan, magagawa mo bang hatulan na ang paggawa ng mga rebulto at paglalagay nito sa simbahan ay masama sa paningin ng Diyos? Hindi kaya ang masama sa paningin ng isang rasonableng Diyos ay ang pagkukunwari, paghatol sa hindi nauunawaan, at ang pagpapawalang-halaga sa mga bagay na may tunay na halaga? Ang pagsasabi ng isang bagay at paniniwala naman sa iba ay pagsisinungaling sa sariling konsensya—ito ang kasalanan. Kung sinasabi mo na masama ang paggawa ng mga rebulto at pagbibigay-galang sa mga ito, pero nagbibigay-galang ka naman sa mga rebulto, sa mga larawan, at sa isang piraso ng tela na tinatawag nating bandila, linalabag mo ang sariling budhi—masama yan sa paningin ng Diyos. Kahit ang mga taong hindi nagbabasa ng Bibliya, maiisip na masama ang paglabag sa sariling paniniwala, pero alang-alang sa pagiging “Bible Christian” ng ilang mga nagbabasa, isasangkalan ko ang sulat ni Pablo sa mga Romano: “Anumang hindi ayon sa pananampalataya ay kasalanan” (R 14:23).

    Isinulat ang lahat ng bahagi ng Kasulatan para palayain tayo, hindi para ikulong tayo sa mga kaisipang hindi nakatuntong sa katotohanang pinatutunayan ng lohika at karanasan. Ang tunay na pananampalataya, bagamat mahiwaga, ay nakasalig sa tamang pangangatwiran at pagiging makatotohanan. Halimbawa, may ilang mga Filipinong nangangaral sa pangalan ni Jesus na hindi dapat kumain ng dugo, dahil sa bahagi ng Kautusan na nagsasabing huwag kakainin ang hayop na hindi tinanggalan ng dugo, pero makikita mo naman ang mga taong ito na kumakain ng balot—pagkain na may kasamang dugo.

    Balik sa isyu ng pagiging masama ng paggawa ng mga larawan at rebulto, silipin natin ang kasaysayan. Sa aklat ng mga Bilang (21:8), sino ba ang nag-utos kay Moises na gumawa ng isang ahas na tanso? Sa aklat ng Exodus, sino ba ang nag-utos kay Moises na gumawa ng isang arko kung saan ang lahat ng mga Israelita ay dapat magbigay-galang? At sino ang nagsabi na dapat gumawa si Moises ng rebulto ng dalawang kerubin na gawa sa ginto para ilagay sa magkabilang dulo ng arko? Sa pagkakaalala ko, si Yahweh ang nag-utos kay Moises ng lahat ng ito. Sinabi mo na sa Bibliya, “kung ano ang sinasabi ay hindi nababali”; ibig bang sabihin ay binali ng Diyos ang sinasabi sa Bibliya? Nagkasala ba si Yahweh dahil sa pagpapagawa niya ng mga rebulto—ng ahas at ng mga kerubin, at ng iba pang mga katulad nito? Ang Diyos din ang nagsabi na “huwag papatay”; nagkasala ba si Yahweh laban sa Biblia noong isinugo niya sa digmaan ang mga Israelita at sinabing patayin ang lahat ng makakasalubong nila? Nagkasala din ba ang Diyos noong sinabi niyang dapat patayin sa pamamagitan ng pagbato ang mga mahuhuling nagkasala? Ano ang gagawin mo ngayon sa gitna ng mga salungatang ito sa mga sinasabi ng Diyos? Pagbintangan ang Diyos na nagkasala laban sa kautusan tungkol sa paggawa ng mga rebulto at sa pagpatay? O hindi kaya mas tamang kilalanin muna natin ang esenya ng Diyos at ng kanyang kalooban? Si Jesus mismo, sa paningin ng ilan, ay ilang ulit na lumabag sa Sabbath pero tulad ng lagi niyang iminumulat sa lahat, ang kalooban ng Diyos ay nasa espiritu ng Kautusan, wala sa patay na titik nito.

    Ikalawang punto, para lang sa kalinawan ng mga bumabasa, walang pangyayaring isinalaysay sa aklat ng Mga Pahayag na lumuhod si Pedro sa isang anghel. Ang totoo, kasama na ng mga anghel si Pedro noong panahong iyon—wala na siya sa lupa dahil patay na ang kanyang katawang-lupa noon. Si Juan ang tinutukoy mong lumuhod at sumamba sa anghel. Hindi talaga tama ang “gesture” na ipinakita niya dahil ang intensyon niya ay sambahin ang anghel. [Pero kung ang tanong ay nagkasala ba si Juan sa ginawa niya, ang sagot ay hindi. Ang pagsamba niya sa anghel ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa tunay na Diyos o kay Jesus; nagpapakita ito ng hindi pa kumpletong pagkakilala ni Juan sa mga bagay na nagmula sa langit. It was an honest mistake, not an act of apostasy.] Kung ang pag-uusapan naman ay pagsamba, dapat maintindihan ng mga bumabasa na ang pagsamba, tulad ng paggalang, pagmamahal, at iba pang tulad nito ay nagmumula sa intensyon at nakikita sa gawa. Ano ba ang halaga ng magkatulad na gawain at magkaibang intensyon? Halimbawa, kumuha ako ng isang basong tubig at ininom ko ito lahat, masasabi mo ba agad na kaya ko ginawa iyon ay dahil nauuhaw ako at gusto kong maibsan ito? Kung oo ang sagot mo, masyado kang mabilis humatol. Hindi lahat ng umiinom ay nauuhaw. Kung uminom ka ng tubig dahil kasama ng gamot, ibig bang sabihin nito ay nagtatanggal ka ng uhaw? Kung uminom ka dahil may bumara sa lalamunan mo, ibig bang sabihin nito ay nagtatanggal ka rin ng uhaw? Maging sa ibang bagay tulad ng pagkain at pagtulog, hindi pare-pareho ang intensyon. Sa tatlong sukatan ng pagiging tama o mali ng isang aksyon, ang intensyon ang unang panukat. Anumang maling intensyon ay nangangahulugan ng maling gawain; pero kung ang intensyon ay mabuti, dadaan naman ito sa ikalawang panukat: ang paraan ng pagawa (means). Kung nauuhaw ka, ang karaniwan mong magiging intensyon ay ibsan ang iyong uhaw. Paano mo ito gagawin? Kung iinom ka gamit ang isang malinis na lalagyan at padadaanin mo ito sa bibig, tama ang iyong paraan; pero kung bubutasin mo ang iyong tiyan para doon ideretso ang tubig, hindi tama ang gagawin mo kahit na mabuti ang intensyon. Ang ikatlong panukat ay ang inaasahang kalalabasan o resulta. Dapat na mas matimbang ang mabuting resulta kaysa masama. Sa bahaging ito, lahat naman ng may sapat na pag-iisip ay makakapagdesisyon kung mabuti o hindi ang inaasahang kalalabasan ng isang aksyon.

    Ang mga panuntunang nabanggit ay aplikable sa lahat ng bagay na may kinalaman sa moralidad at praktikalidad. Sa paggawa ng mga rebulto at pagbibigay-galang sa mga ito, unang-unang dapat suriin ay ang intensyon. Ano ba ang intensyon ni Yahweh nang ipinagawa niya kay Moises ang ahas na tanso? Ano ba ang intensyon niya nang nag-utos siyang gumawa ng arko na may mga bantay na kerubin, na kung tutuusin ay “merong mata hindi nakakita , merong tainga pero di nakarinig”? Ano ba ang intensyon ng Simbahan sa pagkilala sa mga rebulto ng mga banal na tao bilang bahagi ng debosyong Cristiano? Ang sagot sa huling tanong ay nasabi ko na noon at inulit ko ulit sa umpisa nito. Pero bilang pagpapakita ng mas malaking larawan ng totoong sitwasyon, dadagdagan ko ang paliwanag: May mga taong likas na matalino at madaling makaunawa; sa kabaligtaran, may mga taong mahina ang kakayahan sa pag-unawa ng mga ideya, o yung mas kilala natin sa salitang “slow”. Bilang pagkilala sa katotohanang ito ng kalikasan ng ibang tao, gumawa ang mga lider ng sinaunang Cristianismo ng tinatawag nating “Credo”. Ito ay pagsasalahat ng pinakamahahalagang katotohanang hindi dapat makalimutan ng bawat nananalig kay Jesus. Kung ang pagiging Cristiano ay nangangailangan ng talino ng isang Pablo, o ng isang Agustin, o ng isang Tomas, malamang maluwag pa ang isang maliit na bansa para sa bilang ng lahat ng mga Cristiano sa buong mundo. Binuo ang credo para maging mas madali para sa lahat ang pag-unawa sa elementaryang bahagi ng Pananampalataya. Ang katulad na prinsipyo din ang nasa likod ng paggamit ng mga rebulto sa simbahan. May mga taong madaling mawala sa “focus”; ito yung mga taong sinasabing may “short span of attention”. Normal ang ganito sa mga bata, pero marami sa mga matatanda na ay ganito pa rin. Natutulungan ang kahinaan ng kanilang atensyon o pag-unawa kapag may mga bagay na magsisilbing tagalarawan ng kanilang isip tulad ng mga rebulto, larawan, beads, krus, etc. Hindi bagong sibol ang mga taong ito; hindi sila naglabasan noong dumating si Jesus. Libo-libong mga taon pa bago si Jesus, nahahati na talaga ang mga tao sa matatalino, nasa gitna, at mahihina. Kinikilala ni Pablo ang katotohanang ito, kaya sinasabi niya: “Kailangang pagtiisan nating malalakas ang mga mahihina pa sa pananampalataya” (R 14:1). Kahit noong mga unang panahon ng Cristianismo, may mga ebidensya ng mga iniukit na larawan sa pader ng mga katakumba, at bahagi ito ng tunay ng Cristianismo dahil binubuhay nito sa kanilang mga puso ang pag-asa sa kabila ng mga paniniil. Sa pamamagitan ng mga nakikitang bagay, ipinakikilala sa kanila ang mga bagay na hindi nakikita. Ganito mismo ang ginawa ni Jesus. Kilala na ng Israel si Yahweh, pero nagpakilala pa rin ang hindi nakikitang Diyos sa pamamagitan ng nakikitang Diyos—si Jesus.

    Ikatlong punto: kung naiiskandalo ang mga Protestante sa ginagawa ng maraming mga “katoliko”, kami mismong nakakakita sa mga gawaing ito ay naaalarma sa mga hindi tamang pagkilos na ipinapakita ng mga nagsasabing sila ay mga Katoliko. Hindi ko alam kung ilan ang eksaktong bilang pero siguradong hindi bababa sa 5% ng mga nakikita ko sa loob ng simbahan na kung ano-anong pinaggagagawa. Pinakanakakatawag ng pansin ay yung mga may hawak na panyo na magpapahid sa mga larawan at pagkatapos ay idadampi sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Pero higit pa dun ay ang mga magulang na pagkatapos ipunas ang kanilang kamay o panyo sa maalikabok na mga larawan sa simbahan ay ipapahid sa mukha ng anak nila. Ang totoo, may mga kagalingang tinanggap ang mga taong nanampalataya kay Jesus at nagpatunay na linoloob ng Diyos na gamitin ang mga materyal na bagay bilang daluyan ng espiritwal na biyaya niya. Ilan sa mga halimbawa ay ang babaeng dinudugo na gumaling noong humawak siya sa damit ni Jesus. Ganun din ang lalaking bulag na pinahiran ng putik na gawa sa lupa at sa laway ni Jesus. Pero ang pangunahing elemento dito ay ang pananampalataya ng mga taong ito sa persona ni Jesus, hindi dahil sa pananampalataya sa damit, sa putik, o sa tubig. Lalong hindi lumapit ang mga taong ito kay Jesus dahil lang nakasanayan na nila, o ni hindi na rin nila alam kung bakit; kundi dahil kilala nila si Jesus at naniniwala sila sa kaya niyang gawin at sa katotohanan ng kanyang mga salita. May dahilang maiskandalo ang mga Protestante sa mga nakikita nila pero higit naming kilalang mga Katoliko kung alin ang turo ng Simbahan at alin ang hindi. Kung paanong ang gawain ng isang Protestante ay hindi lumalarawan sa pinananampalatayanan ng buong Protestantismo, ganun din ang gawain ng isang nagsasabi na siya ay Katoliko ay hindi automatikong lumalarawan sa pinananampalatayanan ng Simbahan. Halimbawa ay ang tinatawag nilang “penitensya” tuwing Mahal na Araw; hindi komo mga katoliko ang gumagawa nito ay masasabi nang kasama ito sa tradisyon o turo ng Simbahan. Ganun din ang mga kung ano-anong gawaing relihiyoso sa mga probinsya na nagdadala sa pangalan ng Katolisismo kahit na ang totoo ay labag sa pananampalatayang Katoliko ang kanilang mga aktibidad. It will take a Catholic heart to really understand the depth of Catholicism.

    Ikaapat na punto: ang pagsamba ay iba sa pagbibigay-galang o pagkilala. Tulad ng nasabi ko na, ang pagsamba ay nag-uumpisa sa intensyon. Kung walang intensyong sumamba ang isang tao, kahit pa bigkasin niya ang katagang “Diyos ko” o “Panginoon ko”, hindi ito nangangahulugan ng pagsamba o pagdarasal man. Ang totoo pa nga, ito ay isang uri ng paglapastangan sa pangalan ng Diyos kung ginagamit lang para magpahayag ng pagkagulat, galit, o pagkadismaya. Kung ang lahat ng pagkakataon ng pagluhod o pagyukod ng isang tao ay nangangahulugan ng pagsamba, ibig sabihin ay sinasamba ng lahat ng mamamayan ang kanilang hari; sinasamba din ng mga anak na Israelita ang kanilang mga ama o ina; ibig sabihin din ay pitong beses na sinamba ni Jacob si Esau noong nagkasalubong sila sa daan at pitong beses siyang nagpatirapa palapit sa kanya. Tinawag pa niyang panginoon si Esau, at ganun din ang tawag ng mga babae sa kanilang asawa—monsignor—my lord. Ang lahat ba ng ito ay kasuklam-suklam sa Diyos? Malinaw ang aral ng Simbahan tungkol sa mga rebulto at tungkol sa mga banal na pumanaw na; ang maling intensyon, pagkaunawa, at mga gawain ng ilang mga Katoliko ay hindi larawan ng Simbahan kundi pagpapatunay na karamihan sa mga tao, Katoliko man o Protestante, Judio man o Muslim, ay ginagawa lang sangkalan ang relihiyon pero ang totoo ay sari-sarili nilang katauhan at mga kaisipan ang kanilang diyos.

    • Eric L Go said,

      Romano katoliko ako simula ng ipanganak. 40 years old na ako ngayon pag nababasa ko ang bibliya tungkol sa pagsamba sa rebulto nakokonsensya na ako maaring me mali na sa ginagawa natin. malinaw pa sa sikat ng araw na bawal sumamba ni kamukha sa langit o sa ilalim ng dagat. di ba na sa bibliya din po na malaki ang magiging kasalanan kapag nag dagdag ka o nag bawas ka sa bibliya sa sinasabi niyo po kasi lumalabas sarili niyong paliwanag ang binibigay ninyo. ganyan din po ang paliwanag ko dati tulong sa imahen. bigyan niyo po kami ng paliwanag ng ayon sa bibliya at hindi ayon po sa karunungan niyo… salamat po

      • vanillae said,

        Ang inyo pong isip ay nababagabag sa maling dahilan. Ang pagkabagabag na ito ay tulad ng tinutukoy ni Pablo tungkol sa mga Cristianong hindi kumakain ng karne. Ang sinasabi niya ay pwede kang kumain at pwede rin hindi, depende sa kung anong limitasyon ang itinakda mo sa sarili mo (Roma 14:2-3). Ito ay dahil walang kinalaman ang pagkain sa tunay na kabanalan (Mateo 15:11). Ganun din ang sinabi niya tungkol sa pagtatangi ng araw. Pwede mong italaga ang Miyerkules para sa Panginoon at pwede rin namang hindi. Sa pag-itan nyo na lang ng Diyos ang mga bagay na iyon (Roma 14:22).

        Ang pagdadasal sa harap ng isang imahe o larawan ay isang uri ng debosyon — tulad din ng pagtatalaga ng isang araw kada linggo na inihalimbawa ni Pablo. Pwede kang magdasal kaharap ng isang larawan at pwede rin hindi. Alam nyo man o hindi, ang isip ng tao ay madaling mawala sa konsentrasyon lalo na kung walang nakikita. Ang isang imahe ay tumutulong na malampasan ang kahinaang ito. Kailangan po ninyong maging totoo at kilalanin ang tunay na karanasan ng tao, at hindi magbasa ng Bibliya sa paraang malayo sa “human experience”. Ito po ang subukan ninyong gawin, at bumalik kayo sa akin dala ang isang matapat na sagot: tumawag kayo sa isang myembro ng pamilya gamit ang telepono at obserbahan ninyong mabuti kung ano ang nangyayari sa loob ng inyong isip. Posible po ba na habang nakikipag-usap kayo ay hindi ninyo binubuo sa isip ang imahe o larawan ng inyong kausap? Oo o hindi? Habang nakikipag-usap kayo sa telepono ay subukan ninyong mag-isip ng isang tao o pangyayari na malayo sa inyong pinag-uusapan; magagawa nyo bang mag-focus sa topic? Hindi po yan literal na nakalagay sa Biblia pero yan ay totoo at kayo mismo ang makapagpapatunay. Hindi ko alam kung naranasan nyo na ito, pero may mga tao na hindi pa kuntento sa imahinasyon, kaya kailangan pa nilang pagmasdan — nang may pagmamahal — ang larawan ng mahal sa buhay habang nakikipag-usap sa telepono. Sa ganyang paraan po gumagana ang isip ng tao sa lahat ng pagkakataon. Kapag nakikipag-usap tayo sa Diyos (vocal conversation), kahit ano pa ang sabihin, hindi natin maitatanggi na may mga bagay na nabubuo sa ating isip, at dalawang uri lang ito: nakakagulo o nakakatulong para maipako natin ang atensyon sa ating kausap. Sa madaling salita, may pisikal na larawan man sa harapan mo o wala, nakatingin ka pa rin sa larawan na binuo ng iyong isip habang ikaw ay nagdadasal. Ang hiling ko lang po ay maging tapat kayo sa sarili.

        Ikalawa pong kamalian ay ang pagkaunawa ninyo sa salitang “pagsamba”. Ang salitang ito ay nangangahulugan ng pagtataas (o pag-aalay) ng puso sa isang bagay o persona na itinuturing mong Diyos. May larawan man o wala, ang pinag-uusapan ay kung ano ang layunin ng iyong ginagawa. Tulad ng naipaliwanag ko na sa naunang komento, ang pagtingin ng mga Israelita sa ahas na tanso ay nagligtas sa kanila mula sa tiyak na kamatayan (Mga Bilang 21:9), pero ang parehong ahas din na yun ay winasak ni Haring Hezekiah dahil sinasamba ito ng mga tao (2 Hari 18:4). Sana ay nakuha ninyo ang punto. Ang ideya ng pagtingin sa ahas na tanso para maligtas ay mula sa Diyos, hindi ito inimbento ni Moises. Pero sinira ng alagad din ng Diyos ang parehong ahas dahil sa masamang ginagawa ng mga tao. Walang kinalaman sa kabanalan at pagkamakasalanan ng mga Israelita ang ahas na tanso. Ito ay instrumento lamang na maaaring tumulong para mailapit ang materyal (tao) sa hindi materyal (Diyos); bagamat pwede rin maging instrumento ng kasamaan. Ibig bang sabihin ay itinulak ng Diyos sa kapahamakan ang mga Israelita dahil sa pagpapagawa niya ng ahas na tanso? Hinding-hindi! Ang masamang puso ng tao ang nagpapasama sa lahat ng bagay. Noong una ay naligtas sila sa pamamagitan ng ahas, pero iyon ay dahil sa pagsunod nila sa Diyos, at hindi dahil sinamba nila ang ahas. Paglipas ng panahon, bumalik na naman sa likas na kasamaan ang mga tao kaya naisipan nilang sambahin ang ahas. Totoo din yan sa ibang mga larawan. Kung habang tinitingnan mo ang larawan ng iyong asawa o anak at naniniwala kang sila ay diyos, ito ay pagsamba; pero kung alam mo na larawan ng tao ang tinitingnan mo — kahit pa buong pagmamahal mo itong pagmasdan, at kahit halik-halikan pa — hindi ito pagsamba. Kahit pa larawan ni Jesus ang ating tinitingnan, hindi pa rin natin sinasamba ang larawan kundi ang nakalarawan dito — si Jesus, na alam nating nasa langit at nasa lahat din ng lugar.

        Ang ikatlo pong kamalian ay ang pagkakilala at pagkaunawa ninyo sa Salita ng Diyos. Ang pagdadagdag at pagbabawas na tinutukoy ninyo ay mga salita ni Juan sa Pahayag 22:18-19. Ang kanyang babala ay hindi tungkol sa buong Biblia dahil noong panahon niya ay wala pang Cristianong Kasulatan, sa halip ay ang tinatawag nilang Batas at mga Propeta, na ngayon naman ay tinatawag nating Lumang Tipan. Nagbibigay ng babala si Juan laban sa mga magdadagdag o magbabawas sa propesiyang kanyang ipinahayag. Ganun pa man, kahit hindi nakasulat sa bawat aklat ng Biblia ang kaparehong babala, alam natin na hindi dapat dagdagan o bawasan ng anuman ang kinikilala nating Salita ng Diyos. Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito? Simple lang. Huwag mong sabihing nasa Biblia kung wala naman, at huwag mong sabihing hindi nakasulat kung talaga namang nakasulat. Sa pagpapaliwanag ko ng tungkol sa Pananampalataya, hindi ko sinasabing “nasusulat” ang hindi naman, at hindi ko rin sinasabing “hindi nasusulat” kung talaga namang nandun. Pero kung ang tinutukoy po ninyo ay ang pagpapaliwanag ko sa praktikal na paraan, ito po ang masasabi ko: hindi lahat ng katotohanang may kinalaman sa Pananampalataya ay literal na nakasulat sa Biblia. Para makuha ang buong mensahe ng salita, kailangan itong ipaliwanag sa mas naiintindihang paraan, ayon sa intensyon ng sumulat. Nagbabala si Pedro na ang Kasulatan ay hindi para sa pribadong interpretasyon ng tao (2 Pedro 1:20). Hindi pwedeng sabihin ninuman, “Wala sa Biblia kaya sigurado akong hindi yan totoo.” Maraming katotohanan ang nasa Kasulatan pero kaunti lang ang mababasa gamit ang pisikal na mata. Pinatunayan ito ng isang opisyal na taga-Etiopia noong sinabi niya kay Felipe, “Paano ko maiintindihan kung walang magpapaliwanag sa akin?” (Gawa 8:31). Alam ng opisyal na ang kanyang binasa ay may mayamang kahulugan pero hindi niya iyon nakikita.

        Ang inyo pong paraan ng paniniwala ay tulad ng paglunok sa nginuya na ng iba. Sinabi ninyong, “ganyan din po ang paliwanag ko dati tulong tungkol sa imahen.” Sa paraan po ng inyong pagkakasabi ay lumalabas na ang inyong pagpapaliwanag “dati” ay bunga ng paniniwalang hindi ninyo lubos na nauunawan, sa halip ay narinig lang at ginaya. Dahil dito, hindi ito naging totoo at impormadong paniniwala kundi pag-uulit lamang o “parroting”, tulad ng ginagawa ng marami. Ganito pa rin ang inyong paraan hanggang ngayon, dahil ang mga argumento na binabanggit ninyo ay tunog Protestante, na para bang sa pangalawang pagkakataon ay lumunok kayo ng pagkain na hindi kayo ang ngumuya. Nababagabag ang inyong kalooban tungkol sa utos ng Diyos dahil ang inyong pananampalataya ay hindi dumaan sa paghihimay-himay. Napakagat kayo ng maling paniniwala na, “kung wala sa Biblia, hindi totoo.” Hindi tayo dapat mamuhay na may ganitong kaisipan, dahil bukod sa hindi ito totoo, itutulak pa natin ang maraming tao sa paniniwala na ang Biblia ay wala na sa panahon. Kahit anong hanap ang gawin natin, hindi natin literal na makikita ang kalooban ng Diyos tungkol sa human cloning, in vitro fertilization, embryonic stem cell research, contraception, social justice, at kahit na sa kinalolokohan ng maraming Filipino — boxing. Kung hindi natin makita ang mga ito sa Biblia, ibig bang sabihin ay walang pakialam ang Diyos tungkol sa mga bagay na iyan? Ang totoo, may pakialam ang Diyos at makakatulong ang Biblia para maunawan ang kaloobang ng Diyos tungkol sa mga nabanggit na usapin. Pero hindi ito literal na makikita ng mata — tulad ng pinatunayan ng taga-Etiopiang binautismuhan ni Felipe.

        Ang pagkakaibang binabanggit ng Biblia tungkol sa karunungan ng Diyos at karunungan ng tao ay hindi tumutukoy sa “kaalaman” kundi sa paraan ng pag-iisip (Isaias 55:8-9) — “my ways are not your ways.” Isa pa, ang mga salitang ito ay ipinaparating sa “lumang tao”; ibig sabihin ay sa mga hindi pa nakikipag-isa kay Cristo, at kasalukuyang inaanyayahang lumapit sa Diyos. Hindi ko po ipinangangaral dito ang aking sariling karunungan, sa halip ay ipinapaliwanag ko sa praktikal na paraan ang kalooban ng Diyos; at magiging posible lang iyon kung kikilalanin ko ang katotohanan ng karanasang pantao o human experience. Mali po ang inyong interpretasyon na ang hindi paggamit ng eksaktong mga talata mula sa Biblia ay paglayo sa tunay na kahulugan na naaayon sa karunungan ng Diyos. Ang Diyos ay hindi kasya sa kahit gaano karaming aklat, at ganun din ang kanyang mga salita (Juan 21:25). Ganun pa man, taglay ng kanyang mga tagasunod ang isip ni Cristo (1 Corinto 2:16). Kaya sinabi ni Jesus, “Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama” (Juan 15:15). Hindi man kasya sa Biblia ang Salita ng Diyos, taglay naman ito ng mga Cristiano na may sapat na pagkakilala at pakikipagkaibigan kay Jesus.

        Kung kayo po ay isa sa mga Katoliko na matapat na naghahanap ng katotohanan, iminumungkahi kong magsimula kayo sa loob ng ating sariling Tahanan sa halip na mangapitbahay at hayaang lasunin ng ibang tao ang inyong kaisipan, at sa huli ay layasan ang Bahay kung saan kayo isinilang para magpaampon sa kapitbahay. Maraming mga Katoliko ang naliligaw sa sariling Tahanan, pero sa halip na tuklasin ang malawak na Bahay at kilalanin ang yaman ng Pananampalataya, sila ay naglalayas. Ang ganitong kilos ay kakatwa. Hindi naman siguro natin ipagpapalit ang ating mga nanay sa ibang tao dahil lang napagod tayo sa maghapong paghahanap sa kanila at hindi natin sila makita. Ang totoong naghahanap ang siyang nakakatagpo (Mateo 7:8).

        Pakibasa na lang din po ito: http://acatholicsblog.blogspot.com/2008/02/idolatria.html

      • Joven said,

        ito idadag ko lang po ito paliwanag sabi po ninyo 40yrs old na kayo ibig sabihin po ay hindi pa matibay ang tungkod na daladala nyo, ang sabi po ay ganito magkaron kayo ng matibay na tungkod na hindi pwedeng masira o kunin ninoman, ibig sabihin po noon ay magpakatibay tayo, ang rebulto ang sabi sa bibliya may isang mangangahoy kumuha sya ng isang mahabang kahoy ang isa pinanggatong nya at ang isa naman ay inanyuan at sinamba ang sabi nya ay ganito ” pagalingin mo po ang sakit ko,” nagalit ang panginoon dahil mali ang pagkakaintindi ng taong ito tinawag sya na hangal, hindi masama lumuhod sa rebulto yan ay inirerespito lang natin sapagkat ang dasal natin ay ganito AMA NAMIN SUMASALANGIT KA hindi nasa dingding o nasa kahoy ka, isang patunay na kailngan may larawan nang pahiran ng mahal na veronica ang mukha ng panginoon natatak ang mukha ng panginoon jesus, isa pa yong virgen guadalupe hanggang ngayon di malaman ng mga xperto kung ano pintura ang ginamit dito yan ay mga milagro na kailngan igalang natin ang mga rebulto na iyan sapagkat kung wala din litrato ang lolo ng lolo mo di mo sya mapipicturise sa isip mo di po ba? kaya mahalaga lalo ng ang krus sa isang altar o isang tahanan. harinawa makatulong itong munting liwanag na ito sayo kapatid.

      • Bhaby Ann Macaraeg said,

        oo tama!!! napakasimpleng intindihin masyado nila pinahihirapan sarili nila biniyayaan tayu ng Diyos ng pangunawa..binibgyan pa nila ng malalim d kaya dahil jan lalu kayung nagkakasala bsta ako alam ko hnd dapat sumamba sa rebulto matakot kayu habang me buhay ayusin na naten wala na pag asa pag huli na ang lahat.

      • emmanuil said,

        kapatid magpadoctrina ka sa Katoliko, para maliwanagan ka din. sa CATECHISM wala itinuturo na sumamba sa rebulto sapagkat larawan lang. pero hindi pwede sabihin na bawal gumawa ng rebulto sapagkat kung may mga rebulto ng mga bayani. bakit ang rebulto ni Jesus at mga Santo na mas higit pa sa mga bayani ay ibabawal? napakalaking maling katuruan naman ng hindi Katoliko ang mga rebulto ng simbahan.

      • Simbahang totoo said,

        KAPATID ANG REBULTO PO NI JESUS AY HIGIT PA KAYSA SA MGA BAYANI NG BANSA. DAPAT PO GAWAN NG REBULTO ANG PANGINOONG JESUS SAPAGKAT SIYA ANG KAWANGIS NG DIYOS NA HINDI NAKIKITA -Colossians 1:1516. MARAMI PO NAKAKITA SA PANGINOONG JESUS SA UNANG SIGLO, ANG MGA SCUKPTOR NOONG UNANG PANAHON AY MAYROON NA SAPAGKAT ANG MGA HARI AY NAGPAPAGAWA NG KANI-KANILANG REBULTO. ANG MGA SANTO AY HIGIT PA RIN SA MGA BAYANI NG BANSA KAYA DAPAT PO DIN SILANG GAWAN NG REBULTO SAPAGKAT SILA DIN PO AY NAKIPAG-ISA SA DIYOS, SILA AY DAPAT IGALANG, PAHALAGAHAN, BIGYAN PAPURI.

      • Dennis said,

        Di nga nkikita at nkgawa ng kawangis nia,, bkit kailangan ntin sundin ang nkasulat kung di naman pla ntin nkita kung sino ang nagsulat,, sna mkuha nio.. Diba pag nagdadasal tyo nkapikit ang mata at taimtim na nagdadasal, so wla tayong nkikitang mga larawan kundi nag dadasal ka sa pusot isipan molang,,,

    • vladymier said,

      “Ang mga estatwa sa loob ng mga simbahang Katoliko ay tulad din ng mga monumentong nakikita natin sa lahat ng bayan. Ilinalarawan nila at ipinaalala sa atin ang kabayanihan, kabanalan, at mabuting pamumuhay ng ilang mga taong naging taga-sunod ni Jesus dito sa lupa at ngayon ay nasa harapan na ng Diyos. Ang alaala ng mga taong ilinalarawan ng mga imaheng ito ay nagsisilbing inspirasyon at huwaran nating mga nandito pa sa lupa at patuloy na nakikibaka.”

      tulad ng sinabi mo ang estatwa sa loob ng simbahang katoliko ay tulad ng monumento n nkikika sa lahat ng bayan, sinasamba mo b ang mga estatwa tulad ng ke rizal?niluluhuran mu b ito? hindi db kht anu sabihin mo mali talga ang pag samba sa mga rebulto. gagawa lng kayo ng image malayo p sa katotohanan at makakaiba p. si jesus ang salitang ngkatawang tao hindi ngkatawang rebulto

      • vanillae said,

        Kailangan mo munang maunawaan na ang pagluhod ay hindi katumbas ng pagsamba. Hindi mo na kailangang magsaliksik para mapatunayan yan sa iyong sarili. Balikan mo lang ang mga laman ng iyong isip at makikita mo ang katotohanang ito. Ngayon, kung mapagtanto mo na ito, masasabi mo na rin na posibleng hindi pagsamba ang ginagawang pagluhod ng mga tao sa mga rebulto. Kung magkagayon, kailangan mong magsaliksik (o mag-isip man lang) kung bakit nga ba lumuluhod sila gayong wala naman pala silang intensyon na sambahin ang mga ito.

        Tungkol sa paggawa ng mga imahe na hindi eksakto ang itsura sa kinakatawan nito, dapat mong maintindihan na ang espiritwalidad at karakter ng tao ang nais ipaalala ng mga larawan nila at hindi ang mismong itsura nila. Minsan, kahit ang regalong nagmula sa taong gusto mong alalahanin ay sapat nang tagapagpaala-ala sa kalahatan ng taong nagbigay. Pero sa kaso ng mga banal ng Diyos, ang imahe ng kanilang katawan ang unang maiisip at pinaka-epektibong tagapagpaalala — tulad din ng mga bayani. Hindi mahalaga kung hindi gaanong kamukha o malayo ang itsura, ang mahalaga ay ang nakikitang tagapagpaalala.

        Tama, hindi nga naging rebulto si Jesus, siya ay naging tao. Ang mga popular na tao noong unang panahon tulad ng mga tanyag na hari ay hindi rin mga rebulto kundi mga tao, pero napatutunayang sila ay totoong umiral at nabuhay sa mundong ito dahil sa mga makasaysayang tanda na iniwan nila o ng kanilang mga tagasunod. Ilan sa mga ito ay ang kanilang mga rebulto. Ito ay tumutulong sa mga historyador at mga arkeologo para patunayan sa henerasyon ng mga susunod na libong taon na ang mga taong ito ay totoong umiral.

        Hindi mo basta mapapasisinungalingan ang mga katotohanang ito nang hindi ka lumalabag sa mga batas at disiplina tulad ng art, history, humanities, archeology, science, etc.

      • Bhaby Ann Macaraeg said,

        yan pong sinasabe nyu wla pong BASEHAN SA BIBLE sa ganang opinyon nyu po yan…mas maganda sa bible anu ba naman ang panlaban ng opinion ng tao lng sa UTOS NG DIYOS 🙂

      • yuhan said,

        you are blinded by satan!!! the bible speaks that you shall not bow down to idols. like the satatue of saints because that is made of wood how can you be save by wood? in exodus states that the Lord hates who worship images like what catholics do!!! the pope is the false prophet who made that wicked practices to bring people to eternal torment in hell!!! the pope forbids cathloics to read about the truth because catholic relegion is a HUGE CULT!!!!!!!

      • Willie Liray said,

        Brod Question?? Siguro naman nakikita mo tuwing linggo na may mga debotong nagpupunas ng kanilang mga panyo sa isang rebulto o imahen na nasa loob ng simbahang katoliko na pinaniniwalaang nakagagaling daw ng ano mang karamdaman o sakit? hindi ba maituturing na pananampalataya sa isang nililok na imahen o rebulto ang ganitong gawain?

      • vanillae said,

        “Do not judge by appearances” (John 7:24).

        Hindi lahat ng interpretasyon ay totoo at tama. Maaaring makita mo ang isang maginoong lalaki na nakaluhod sa harapan ng sinusuyong babae, pero hindi ito agad na mangangahulugang siya ang sumasamba dito.

        Una sa lahat, may kanya-kanyang dahilan ang mga tao sa ginagawa nila. Ang pagpapahid ng panyo sa imahe ng mga banal na tao ay hindi automatikong nangangahulugan na ito (rebulto) ang pinagkakatiwalaan ng gumagawa. Ang katulad nito ay paghalik ng isang amang nasa ibang bansa sa larawan ng kanyang anak. Hindi niya hinahalikan ang larawan dahil sa larawan kundi dahil sa kanyang anak.

        Ikalawa, ang ganitong practice ay personal na debosyon at hindi bahagi ng pagsamba ng Simbahan. Anuman ang paniniwala ng isang tao tungkol dito ay sa pag-itan na lamang nila ng kanyang Diyos (Roma 14:22).

        Panghuli, kung naniniwala man ang isang tao na gagaling siya dahil sa kanyang debosyon sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga banal na alagad, hindi ito masama. Sa Gawa ng mga Apostol ay makikita nating ganito rin ang debosyon ng ilang mga Cristiano sa mga apostol, anupa’t napapagaling ang kanilang mga sakit sa pamamagitan lamang ng mga telang napapadikit sa balat ni Apostol Pablo o sa pamamagitan ng pagtapat sa anino ni Apostol Pedro.

        Kung may mali man sa paraan ng pag-iisip ng ibang mga Katoliko dahil itinuturing nilang anting-anting ang mga bagay sa halip na magtiwala sa talagang pinatutungkulan ng mga ito, ang Diyos na ang hahatol sa kanila, hindi tayo.

        Ang paggamit ng mga rebulto ay malaking tulong sa pananampalataya ng marami, kaya sila nandyan. Walang bagay na masama sa kanyang sarili, depende iyon sa pagamit ng tao dito. Ang pangkaraniwang portrait na nasa pader ng ating bahay ay nakakapagpaganda ng tahanan at nakatutulong sa relasyon ng pamilya, pero kung gagamitin ito para itaas ang isang tao o bagay sa estadong hindi para sa kanya, doon ito nagiging masama.

      • mark gerald reyes said,

        Sorry ah, pero sa mga hindi Kasapi ng SImbahang Katolika diyan, pwede igalang niyo nalang ang ginagawa namin? Sa katunayan hindi lang kami ang may rebulto anoh!!! Ang Buddhism nga meron, Hindu kaya meron din. Ikaw anong meron? At kung gusto mong alamin pag-aralan mo ang Pananampalatayang Universal Church ha.

    • Bhaby Ann Macaraeg said,

      ANG IMPORTANTE PO KC SAMEN UN SINABE NG DIYOS SA BIBLE.PINAGKALOOBAN PO KAME O TAYU NG PANGUNAWA ..NAPAKADALI PONG INTINDIHAN NA WAG TAYU GUMAWA NG IMAHE O NG REBULTO BAKIT NYU PINIPILIT YAN..DAHIL LNG BA SA NINUNU NYU SA NAKALAKIHAN NYU? BAKIT CNU BA CLA DIYOS BA CLA? TAO LNG CLA KAYA MAS MANINIWLA KAME SA NABABASA NAMEN SA BIBLE SANA KAYU DN TANGGAPIN NYU NA ANG KATOTOHANAN.

      • emmanuel said,

        kapatid ipinagbabawal ang rebulto kung ito ay gagawin diyos! bawal pala gumawa ang rebulto ni Rizal? sa CATECHISM hindi itinuro na sumamba sa rebulto. mga sinungaling na pastor lang ang nagsasabi niyan. hindi natin makikita makikita ang puso ng tao kundi Diyos lang. kaya wag maghusga sa nakikita ng mata!

      • alexandrinite said,

        kailangan mung unawain kasi kung binasa mu ng buong puso at naghahanap ka talaga ng tunay na katotohanan mauunawaan mu,at kung hindi naman nagbabasa ka sa mata hindi sa puso ito itanung mu sa pinuno nyo sino ang bumuo ng biblia? hindi ba ang katoliko ang bumuo nyan .

      • Fitz Bombio Cabuhat said,

        bawal ba ang mga imahe o rebulto?Hindi ipinagbawal ng Diyos ang paggawa at pagkakaroon ng mga imahen, larawan o rebulto. Ang Diyos mismo ay nagpagawa ng mga imahen o rebulto ng mga kerubim. (Exodus 25:18)At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa.Ang ipinagbawal Niya sa Deuteronomy 5:8 at Exodus 20:4 ay ang paggawa ng mga “diyus-diyosan” o “idols” na itinuturing na “diyos.” Sabi nga ng Panginoon sa Deuteronomy 5:7 at Exodus 20:3 ay “Huwag kayong makakaroon ng ibang diyos liban sa akin.”Ang mga imahen o rebulto sa Simbahan ay HINDI dinidiyos. Kung lumuluhod man ang isang Katoliko sa harap ng isang imahen, hindi rito ibinibigay o idinidirekta ang pagluhod kundi sa Diyos na naaalala niya sa pamamagitan ng bagay na iyon.

      • otep said,

        kapatid ang bible pinag-aaralang mabuti dahil binigyan tayo ng Diyos ng mayamang kaisipan. kung susunod ka sa bible na hindi ginagamit ang utak mo ay mapapahamaka… sapagkat sabi sa Mateo 5:29 ” Kung ang kanan mong mata ay maging sanhi ng iyong pagkakasala dukitin mo sapagkat mas makabubuti pang mapunta ka sa langit ng dukit ang mata kesa ang buong katawan mo’y mabulid sa impyerno” ahaha… literal mo bang ginagawa yun kung oo aba ay dapat bulag ka na marahil at ang mga iba mo pang kasamahan dahil likas na sa tao ang humusga sa nakikita ng kanyang mga mata. Ang katotohanang sinasabi mo ay pinag aaralan ng malalim dahil kung hindi ay di ka nakakamalay dukit na pala ang mga mata mo upang lalong hindi masaksihan nang mas marami pang magagandang bagay sa mundo na nangangailangan ng masusing pag-aaral.

      • Jay said,

        Tama po kayo…tayo po ay sama samang manalangin para sa kaliwanagan ng lahat…ang diyos ay matuwid.

        Sa mga kababayan nating katoliko…
        Ako po gumugihit din larawan at humahanga sa mga skultor subalit hindi ko po kayang maglagay nito sa altar kung saan ako nanalangin upang magpasalamat at magpuri sa Diyos na may likha ng lahat…pakiintindi na lang po nitong verse na isusulat ko sa ibaba. Ito po ay hindi galing sa aking sariling interpretasyon, subalit ito ay mababasa sa alin mang salin ng biblia.

        “Exodo 20:4-6”

        Pakibasa na lamang po sa inyong sariling bibliya. Wala po akong sariling paliwanag dahil ang Diyos na mismo ang nagsalita diyan.

        Napapansin ko po sa mga paliwanag ay puro pansariling pangangatwiran at wala sa sinasabi ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.

        Dalangin ko po ang pang unawa at karunungang mula sa Diyos na lumikha ng lahat para sa lahat ng nanampalataya sa kanya.

    • ZEUS said,

      brod, mapagpalang araw sa ‘yo,. maraming salamat sapagkat nadagdagan ang aking kaalaman ukol sa aking pananampalatayang katoliko. ako man din ay kinokontra ng ilan kong mga kaklase di umano tayong mga katoliko ay sumasamba sa mga rebulto. una, mahigpit kong pinag-aralan ang katisismo at inunawa ang mga aral ng simbahan kaya naman ang ilan sa kanila ay nasasagot ko naman.noon, ako ay nagdalawang isip sa aking pananampalataya pero hindi ko hinayaan na palitan ang aking pananampalataya na kung saan natagpuan ko ang aking sarili at kamalayan. kaya nga ako ay nag[papasalamat sa’yo.

    • hayashilez said,

      naku nasa bible ka nga pero mali ang katwiran mo?ang Diyos nga ang nagsugo kay moises na gumawa ng kerubin.ang tanong ko sayo Diyos rin ba nag utos na gumawa kayo ng rebulto.?ginawa yun ni moises kasi utos ng Diyos yung pagawa ba ng rebulto utos pa rin ba ng Diyos.?kung sinasabi mo sila yung nagbibigay inspirasyon sa mga tao natitiyak ka ba na nagbigay yun ng inspirasyon oh mas lalo lang naligaw sila sa paniniwala nila?kung ikaw yan ang paniniwala mo na nagbibigay inspirasyon natitiyak ka ba na ganun din ang paniniwala ng iba?kung ikaw ganun ang pag unawa mo,natitiyak mo ba na ganun din ang pang unawa ng iba?

      • vanillae said,

        Lahat ng bagay may dahilan. Lahat ng utos ng Diyos, may prinsipyong sinusundan. Ang pagiging Cristiano ay hindi kabulagan o pagsunod lang sa mga kapritso ng isang pag-iral na tinatawag na Diyos. Alam ng mga Cristiano kung paano mag-isip ang Diyos kaya nagagawa nilang magtiwala sa Kanya. May dahilan ang pagawa sa Kaban ng Tipan, may dahilan ang paggawa at pagtataas sa ahas na tanso. Hindi ito ginawa “kasi utos ng Diyos”. Walang kabuluhan ang isang bulag na pananampalataya. Kung babasahin mo ang tungkol sa mga taong pinuri ni Jesus dahil sa kanilang pananampalataya, makikita mo (kung handa kang makita) na alam nila kung saan sila nanggagaling. Nauunawaan nila ang pinagsasasabi nila. At yun mismo ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus na kahanga-hanga ang kanilang pananampalataya. Dahil ang tunay na pananampalataya ay nagbibigay ng kaliwanagan, hindi kabulagan.

        Kung sinsero ka sa mga tanong mo, mabibigyan kita ng sagot. Pero kung nandito ka para ipakitang punong-puno ka ng kaalaman, wala na akong maidadagdag. Humayo ka’t ipamalita ang alam mong tama.

    • gene said,

      siguro po huwag po natin paghaluin yung bagay na gingawa na ukol sa tao at mga bagay na ukol sa DIYOS,,kagaya ng sinabi ng Panginoong Hesus ibigay nyo kay Cesar ang kay Cesar at ang sa DIOS ay sa DIOS..pagdating po sa pagsamba sabi ng bibliya Juan 4:24,sambahin SYA sa Espiritu at Katotohanan..yan lamang po ang utos wag na po tau magbigay ng ibang interpretasyon dito .at tungkol po,sa bagay ukol sa tao kagaya ng bayani etc,,gawin din natin ito bilang tao, pero IBA ang sa PANGINOON!!..marami npo mga verses sa bible ang binigay bilang babala at panuntunan sa tunay at tamang pagsamba na hinihingi ng DIOS na ESPIRITU..sana makatulong po ito sa inyo…ma lalao potau magbasa ng Bibliya at manalangin pr mas maunanawaan nating lubos ang kalooban ng DIOS ukol sa dapat at tama nating gawin para sa KANYA.!!Bless you po!!

      • vanillae said,

        Gene, ang pagsamba ba sa Diyos sa espiritu ay nangangahulugang wala itong dapat na kinalaman sa katawan? Hindi ba tayo gagamit ng mata, bibig, kamay o paa para sambahin siya sa espiritu? Hindi rin ba tayo dapat gumamit ng mga pisikal na bagay kapag sumasamba sa Diyos? Wala ba dapat mga instrumento sa pagtugtog? Ano ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu?

        Kung titingnan mo ang konteksto ng passage na tinutukoy mo, ang pinag-uusapan nina Jesus at ng Samaritana ay ang lugar ng pagsamba. Sinasabi ng mga Judio na sa Jerusalem lang dapat sumamba (makibahagi sa sakripisyo) samantalang ang mga Samaritano ay sumasamba sa Diyos sa bundok kung saan nakausap ni Jesus ang babae. Sinabi ni Jesus: ““Maniwala ka sa akin, babae, na dumarating ang oras na sasamba kayo sa Ama at hindi na sasabihing sa bundok na ito ni sa Jerusalem.” Sa pagdating ni Jesus, hindi na lang magiging limitado sa isang lugar o panahon ang pagsamba (paghahandog ng sakripisyo) sa Diyos kundi sa lahat ng lugar, mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw. Iyon ang ibig sabihin ng pagsamba sa espiritu. Katunayan, bago pa man si Jesus ay inihula na ni Propeta Malakias ang panahong iyon: “At ngayon, mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, dinadakila ng mga bansa ang aking Pangalan. Kahit saa’y nasusunog ang insenso bilang dalisay na alay sa aking Pangalan. Dakila nga ang aking Pangalan sa mga bansa, sabi ni Yawe ng mga Hukbo.” (Malakias 1:11)

        Ang mga salita ng Diyos na nasa Biblia ay hindi kasing-simplistiko ng inaakala mo. Ito ay laging nakaugnay sa kabuuan ng rebelasyon ng Diyos.

  3. louie said,

    mga taong puro salita at pag aatake sa simbahang katoliko, ay mga bakla!!
    puro atake sa tago pero kung hahamunin ng personal na debate nagtatago na parang daga… kagaya ni ingkong na parang si kiboloy na kamag anak ni manalo na pinsan ni feriol…. hahahaha mga false prophet yan mga taong nanloloko dahil gusto magkapera… o diba???? tama ako bro??? wala tayong nagang mali sa ating aral…
    komonto lang nila yan….. mga anak ng demonyo,,,bakit??? mga sinungaling kasi at dahil jan nakakabiktima sila ng mga kawawang tao…!!!!!
    yang mga manalonians,soriano,kiboloy at soriano….. mga anak ng demonyo yannn!!!!!

    • vladymier said,

      kaw ang anak ng demonyo,pustahan tayo hindi mu p alam ang meaning nun. halatang hindi nyu alam ang sarili nyung history nuh. kaawa awang nilalang.aralin mu muna mga sinasabi mu . bk nga hindi mu p alam san ngstart ang catholic. pera? try mu tignan kung anu nanyayare dun sa pera n binibigay nyu sa simbahan nyu parang sinasabi mu din yan sa sarili mung religion

    • yuhan said,

      brother ikaw ay nabulag na sa katotohanan ng maling paniniwala dahil sa kagagawan ng pope!!! imagine ipinagbwal ng papa ang pagbabasa ng bible yun lang ang katotohanan sa atinmg kaligtasan!!!!!!!!! madameng maling paniniwala ang turo ng pope na magdadala sa kapahamakan patungo sa impyerno ang mga sumasamba sa imahen, santo mga idolo!!!! imagine gawa sa kahoy sinasamba nyo maipagtatanggol ba kayo nun? HINDI!!!!! ang Diyos ay buhay the living GOD our Lord Jesus Christ,, hiondi yung mga santo na gawa sa kahoy!!!! hindi kayo nyan maliligtas!!!!!!

    • emmanuel said,

      Luke 11:23
      23 He who is not with Me is against Me, and he who does not gather with Me scatters.
      KAYA NAGKAKALAT SILA! 33 THOUSAND PROTESTANT, CREATED THOUSAND OF TEACHINGS INSTEAD OF ONE TEACHINGS!

  4. vanillae said,

    Hindi naman talaga natin kailangan makipagtalo sa mga mahilig manuligsa tungkol sa mga bagay na hindi naman nila nauunawaan. Ang mahalaga ay naririnig ng mga taong may bukas na puso ang tinig ng katotohanan at nakikilala nila ito dahil tinawag sila ng Diyos para dito.

  5. oye said,

    Sabi po ng diyos wag daw po gumawa ng masama

  6. vanillae said,

    Tama yan, Oye, sinabi talaga ng Diyos na huwag gagawa ng kasamaan dahil paglabag sa kalikasan ng mabuting Diyos ang paggawa ng masama.

  7. Roland said,

    Magandang araw po mga kapatid kong Katoliko-Kristyano!Talaga pong ganyan ang pang-unawa ng mga anti-Katoliko dahil hindi nila tinanggap ang Espiritu Santo, ang espiritu ng katotohanan. Dahil nga po hindi tumanggap ng Espiritu Santo ang mga tagapangaral nila, natural po lamang na mali-mali ang kanilang aral.Ngayon po mga kapatid, itanong po natin sa mga INC, ADD at kung sinu-sino pang mga bulaang guro kung natanggap nila ang E.S., masasagot kaya nila ito?At kung totoong natanggap man, saan nila nakuha?

    • ariel said,

      bout aman sa rebulto o larawan bakit ba kailangang maglagay ng ganon? sinabe ba ng dyos un na magdagdag inperasyon para hindi maligaw sa landas ang tao? kung ano ang nababasa mo sa bibliya un na yun wag munang dagdagan ang turo ng bibliya… malinaw aman ang sabe sa bibilya db? na bawal sumamba sa rebulto o larawan? bakit my larawan pa rin o rebulto? bakit hindi ba sapat ang salita ng dyos na nakasulat sa bibibya???paki email nyo nlang po ang sagot nyo saken sa ariel_0555@yahoo.com

      • yuhan said,

        amen brother!!!!

      • hayashilez said,

        tama ariel said kasi ang hindi tumutupad sa kasulatan ng bibile ay yung mga anti-bible at anti-god kasi kung naniwala sila na ang bible ay salita ng Diyos dapat ginawagawa nila ang sinasabi ng DIyos

  8. PAUL said,

    para higit nyong maliwanagan ang isyu inererekomenda kong basahin nyo ang aklat ni bro. nonoy lopez ARALING PAMBIBLIA PARA SA MGA DINEDEBATENG KATOLIKO… available yan sa national bookstore cubao

    • ariel said,

      ano un bibliya? bakit my ibang aklat pa? nsa bibibliya na lahat ng nakasulat bakit kylangan pa ba ng ibang aklat?

      • vanillae said,

        Bakit kailangan pang magsulat ni Pastor at ni Pastora tungkol sa ganito o ganyan gayong nakasulat na pala lahat sa Bibliya ang lahat ng pwedeng masulat tungkol sa Diyos? Bakit milyon-milyong mga librong Cristiano pa rin ang nasa merkado gayung isang aklat lang pala ang kailangan?

        Saan nasusulat sa Bibliya ang nagsasabing ang lahat ng pwedeng masulat ay nakasulat na sa Biblia? Ang sagot ay wala. Pero may nagsasabi bang hindi lahat ng tungkol sa Diyos o kay Jesus ay nakasulat sa Bibliya? Meron. Sa huling bahagi ng Ebanghelyo ayon kay Apostol Juan ay sinasabing, “Marami pa ring ibang ginawa si Jesus, na kung isa-isang masusulat ang mga iyon, sa tantiya ko’y hindi magkakasya sa mundo ang isusulat na aklat.” Mga gawa pa lang yun ni Jesus, hindi na magkakasya sa mundo, paano pa kung bukod na isusulat ang tungkol sa Diyos Ama at sa Espiritu Santo? Ilang mundo ang kakailanganin? Ngayon, kung sa buong mundo ay hindi maaaring maisulat ang lahat ng tungkol kay Jesus, gaano lang kaya kaliit na bahagi ang nakasulat sa Bibliya?

  9. alexa said,

    Sa simpleng usapan saan po ba mababasa na ninais o iniutos ng Dios Ama na igawa Siya ng Kanyang rebulto bilang Kanyang representasyon para i-display sa Simbahan? Saan po ba mababasa na iniutos ng Dios na gumawa ng larawan ng Santisima Trinidad?

    • yuhan said,

      wala po!!!! malinaw po nakasulat sa bible sa Old Testament. sbe ng LORD wag kayong magkakaroon ng rebulto dito sa lupa at sa tubig sapagkat akong c Yahweh ay mapanibughuin!!!! malinaw po kapatid na wag luluhod o sasamba sa santo o imahen sapagkat ito ay kahoy lamang!!!! ang DIYOS po ay buhay the living God our Lord Jesus Christ… karumal dumal po ang sumanguni o luhuran ang santo o imahen….. pag hindi po nagsisi ang taong ganun ay itatapon ng Panginoon ang kaluluwa sa impyerno pag namatay an xa…. wat is important kapatid ay ang iyong kaligtasan kasama ang Panginoon doon sa langit pag ikaw po wla na sa mundong ito>… Godbless po sis… magbasa po kayou ng bible para sa inyoung kaligtasan…

  10. vanillae said,

    Ang magiging conflict sa tanong na iyan ay ang paniniwala ng Simbahan sa Deposito ng Pananampalataya na hindi limitado sa Banal na Kasulatan lamang kundi sa mga apostolikong aral na isinalin sa pamamagitan ng salita ng bibig (2 Thess 2:15). Alam naman nating lahat na ang pananampalataya ay nakakamit sa pamamagitan ng pakikinig, hindi pagbabasa. Tungkol sa rebulto ni Jesus, ang paglalagay nito sa mga simbahan ay pagbibigay diin lamang sa katotohanan na si Jesus ay naging tao at isinilang — salungat sa paniniwala ng mga erehe noong panahon na binigyang linaw ang doktrinang ito at ang pagiging valid ng pagamit ng mga larawan at rebulto. Tungkol sa mga larawan ng Trinidad, ito ay pagtulong lamang sa isip ng mananampalataya, yayamang ang tao ay mas nakakaunawa sa pamamagitan ng paglalarawan. Isipin mo na lang kung i-reenact ang mga yugto sa Ebanghelyo pero walang makikita ang nanonood! It will take a Catholic mind –whether one is Catholic or otherwise — to understand Catholic teachings.

    • frank said,

      isang kahanga hangang paliwanag ang ang tinalakay nyo sa usapin rebulto BRO. Vanilae at salamat at may mga taong tulad nyo na malawak ang kaalaman sa pagkilala sa matuwid naway marami pa ang makabasa nito…

    • vladymier said,

      ang pagamit ng larawan upang sumamba ay isang anyo ng kakulangan sa pananampalataya, kung alam nyu n buhay ang dyos sapat n ang kanyang presenya upang bigyan ito ng malinaw n larawan sa inyung puso. hindi man limitado sa kasulatan ang lahat dahil sa mga apostol peo kahit kelan hindi nla isinaad ang pagpratis ng ganung gawain.

      saang templo p b at anung templo ang itatayo nyu kung ang lahat ng ito ay itinayo n ng panginoon.

      sana hindi nyu lng binabasa ang bibliya at ginagamit upang panira ng tao bagkus gamitin ntin to sa ganang kagustohan ng dyos. atin itong tupadin

    • ariel said,

      Tungkol sa rebulto ni Jesus, ang paglalagay nito sa mga simbahan ay pagbibigay diin lamang sa katotohanan na si Jesus ay naging tao

      bakit po hindi po ba sapat or nagbibigay diin ang biblia para basahin ang katotohanan?

      • vanillae said,

        Mukhang simple nga lang ang buhay kung lahat tayo ay katulad mong mag-isip, kaya lang ay hindi yun ang katotohanan ng buhay sa mundo. Kumplikado ang isip ng tao. Bakit sa palagay mo may sining? Bakit may potograpiya? Ipinaparanas ng Diyos ang kanyang presensya sa lahat ng paraan maabot lang natin siya.

        Kung iisipin, sapat na ang mga bundok, dagat, ilog, puno, burol, halaman, ulap, bituin, araw, at lahat ng ating nakikita o ang nararanasan ng ating mga pandama para makilala natin ang Diyos bilang Diyos at pasalamatan siya. Sabi nga ni Apostol Pablo, “Nakikita sa nilikha niyang daigdig ang mga di-nakikita sa kanya, at matutuklasan sa pamamagitan ng kanyang gawa ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka-Diyos.” Pero hindi ito ang sitwasyon ng tao. Sa kabila ng mga bagay na nakikita at nararamdaman, hindi pa rin natin magawang makita ang Diyos sa ating kapaligiran. Ito ay dahil sa ating nabubulok na kalikasan (corruptible nature). Kailangan natin ang tulong ng paningin para mas maunawaan at maranasan ang mga bagay na hindi nakikita.

        Ito ang dahilan kung bakit sa eskwelahan ay gumagamit ang mga guro ng “tulong sa paningin” o yung tinatawag nating visual aid. Ito rin ang dahilan kung bakit kapag malayo tayo sa mga mahal sa buhay ay gusto nating mayroon tayong bitbit na mga larawan nila. Hindi pa ba sapat ang libro para pag-aralan natin? Hindi pa ba sapat na alam nating may mga kamag-anak tayo at kailangan pa natin ng mga larawan?

        Ang pagwawalang halaga sa mga larawan, ito man ay relihiyoso o sekular, ay hindi pagiging makatotohanan at hindi pagkilala sa mga karanasang pantao.

  11. jake said,

    kunti lang talaga ang nakaka alam kung anu ang nais ipahatid ng mga rebulto sa smbahan at ibat ibang simbulo nto,gayung para sa akin ai napakasmple lang malaman ang mga mensahe nto, para sa mga tao at katoliko, ito ang isa SA MGA nagbibigay daan sa atin upang d tau maligaw ng landas sa ating paniniwala,ito ang mga halimbawa na kung saan natin susundan o 22laran ang kanilang nagawang mabuti para sa dios amang nasa langit ,gayun din ang dios anak ,at sa mga spiritu santong mabubuti, MARAMING SIMBOLO ANG NAGBIBIGAY SA ATIN NG MGA MADADALING IDEA KUNG PANU NATIN MALALAMAN ,MASASAGUTAN, MAPUPUNA ,AT MAUUNAWAAN ANG MGA NAIS IPAHATID SA ATIN UPANG MALAMAN ANG KATOTOHANAN UPANG MARATING ANG TUNAY NA PAROROONAN,EX…KUNG PUPUNTA KA SA ISANG LUGAR NA NARIG MO LANG NA WALA KANG KAALAM ALAM KUNG ANUNG LUGAR ITO ,NA D MO ALAM ANG MGA SIMBOLO NA PWEDE MONG MAKITA PARA MALAMN MUNG NAKARATING KA NA TALAGA SA IYONG PAROROONAN AT KUNG D MO ALAM TYAK MALILIGAW KA NG LANDAS AT PARANG MABABALIW KA ,PERO KUNG MALIWANAG ANG IYONG ICPAN MAKAKAHANAP KA PARIN NG PARAAN KUNG UNG PARAAN NAUN AI NAKIKITA MONG TAMA PWEDE KANG MAG TANUNG, KUNG ALAM MO ANG KATAUHAN NG ISANG TAO O PANU MO MALALAMN SA PAMAMAGITAN NG SIMBOLO ANG ISANG TAO NA KUNG ANG IYONG PAGTATANUNGAN AI ISANG TAO TALAGA ,DAHIL MARAMING NILALANG SA SANLIBUTAN NA NAGBIBIGAY SIMBOLO KUNG ANU ANO ITO BUKOD ANG SIMBOLO NG TAO,HAYOP,HALAMAN, AT IBA PA PARA MASURI MO KUNG CNU ANG PAGTATANUNGAN MO PARA MAKAUWI KA O MAKARATING KA SA TAMANG PAROROONAN MO

    • vladymier said,

      iho magbasa k ng bibliya.dahil ang sinasabi mu ay ganang sa iyo lamang , kung anu ang iyong nririnig at nababalitaan.

      nakita ni jesus ang kanyang ama pero kahit kailan hindi sya gumawa ng emahe nito o d keya ay gumawa ng bagay n isisimbolo nya bagkus 2wing cx ay nananalangin “ngunit kapag ikaw ay mananalangin pumasok ka sa iyong silid at isara ang iyong pinto tsaka manalangin sa iyong AMA na HINDI MO NAKIKITA, at gagantihan k nyasa kabutihang ginawa mu ng lihim.mateo 6:6

      Matthew 5:18 (New International Version, ©2011)
      18 For truly I tell you, until heaven and earth disappear, not the smallest letter, not the least stroke of a pen, will by any means disappear from the Law until everything is accomplished.

    • ariel said,

      Isaiah 44:9-17 NAPAKALINAW NG SINABE…=)

      9) Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila’y mangapahiya. 10) Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anom…an? 11) Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila’y mangatatakot, sila’y mangahihiyang magkakasama.

      12) Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya’y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya’y hindi umiinom ng tubig, at pata. 13) Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay. 14) Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya’y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao’y kinakandili ng ulan. 15) Kung magkagayo’y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan. 16)Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya’y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya’y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako’y naiinitan, aking nakita ang apoy: 17) At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios….

      ang linaw linaw ng sinsbe ng dyos dito…. kung gmwa kayo ng simbolo para sa diyos siguraduhin mong ay un ay nakalagay tlaga sa biblya db? tama ba ako? tandaan mo salita ng dyos ang pinag uusapan dito…na naisalin sa aklat kya tntwag na banal na aklat… at un ang bibliya…..wag mo nang dagdagan ang nakasulat sa bibliya…. malinaw naman ang nakasulat eh..email mo ko sa para sa sagot mo ariel_0555@yahoo.com

      • lem said,

        nice.. eto yung iniintay ko.

        sa mathew 5..

        Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi natutupad ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit.

      • yuhan said,

        amen brother…

  12. R.C. said,

    Maraming Salamat sa inyo. Sa pagsabi ng katotohanan tungkol sa rebulto at imahe. Dahil dito marami akong natutunan tungkol sa aking relihiyon.
    At bilang katoliko ibabalita ko sa mga kapatid kong katoliko dito samin ang aking nalaman tungkol sa rebulto at imahe na makikita sa loob ng iglesia catholica.

  13. Bart said,

    Para madagdagan pa ang inyong kaalaman tungkol sa ating iglesia katolika basahin po natin ang aklat na may pinamagatang PAANO NINYO SASAGUTIN by Fr. Ben Carreon Book 1 at pati narin ang magazine na kn0w the truth – how to explain and defend the catholic faith,

  14. mitch said,

    napakagnda po ng topic na ito lubos po akong naliwanagan..
    tama na ang kakitidan ng utak lahat ng mabuting bagay ay nagmula sa mabuting Diyos.

  15. mitch said,

    kaya lang po isang tanong pa, bakit po yung buhok ni papa jesus e mahaba po di ba ang sabi po mahalay daw po ito sa mga kalalakihan, .salamat po!..

    • vanillae said,

      Ang totoo, hindi natin alam kung talaga ngang mahaba ang buhok niya. Ang kanyang mga larawan ay isang pagtantya lamang. Ganun pa man, ang pagkakaroon ng mahabang buhok ay isang “subjective issue”. Sinasabi ngang mahalay sa lalaki ang may mahabang buhok, pero hindi nito sinasabi kung gaano kahaba ang mahaba. Nakasanayan na lang nating mga Filipino na kapag hindi “barber’s cut” ay itinuturing na mahaba para sa lalaki, pero hindi ito ang totoong kaso. Ang pinakaligtas na pagtantya ay ganito: ang buhok ng babae na mas mataas pa sa balikat ay masyadong maikli, at ang buhok ng lalaki na mas mababa pa sa balikat ay masyadong mahaba. Bakit ba natin nasabing mahaba para sa lalaki ang buhok na umaabot sa leeg? Una, dahil sa male fashion na ginagaya natin. Pangalawa ay dahil sa female fashion na hindi natin pinupuna kahit hindi na tama. Ang buhok ay ang natural na belo ng babae na sumisimbulo sa kanyang pagpapasakop sa lalaki. Ito ay dapat na manatiling mahaba ayon na rin sa idinidikta ng kultura ng isang bansa. Hindi dapat maging mas maikli ang buhok ng babae kaysa lalaki. Pero dahil sa uso, ang mga lalaki ay nagiging mas mukhang babae dahil mas maikli na ang buhok ng mga babae kaysa sa kanila.

      Kung mahaba man ang buhok ni Jesus, hindi ito mahalay kung higit na mas mahaba ang buhok ng kanyang ina at mga kababayang babae.

      • mitch said,

        E bakit po ganun sa simbahan , minsan p nga po at madalas ang mga preacher po dun maiiksi pa po ang mga buhok ng babae, may isyu po ba sa bible ang pagpapahaba ng buhok ng mga babae or it doesn’t matter po kung mahaba o maikli ang buhok ng isang babae basta ang mahalaga totoo siya sa sarili niya kung ano po ba tlga siya? pano po ang mga bakla at tomboy matututring po bang masama sila dahil ganun po sila, may kaibigan din po kasi akong ganun, pano ba talaga makaclasify kung ang isang tao ay masama nakabatay ba ito sa nakikita mo sa knya o sa pakikisama niya sayo, kasi po kung minsan masasabi po natin na may gngwa siyang mali halimbawa po ang manigarilyo at uminom ng alak pero maayos nmn po siyang makitungo masasabi mo rin mabuti siya dahil wala naman siyang gngwang msama sau, kelangan po bng layuan ang taong ito dahil dun, di po ba pagkajudgmental un pag nagkagnun, sabi po layuan ang masama ni wag mkipagkaibigan sa knila pano kung gnun nga tapos di ba po minsan si nmn natin maiwasan mgksala, wla naman perpektong tao kundi si Jesus lng po db?..aun po.. very confusing po, i have read some verses of the bible lang po kasi.. salamat po..Godbless you always!..

      • vanillae said,

        Tungkol sa haba ng buhok at kabutihan ng tao, wala itong direktang kinalaman sa isa’t isa. Ang laman ng puso ang nagsasabi kung ang isang tao ay mabuti o masama. Ganun pa man, ang lahat ay dapat sumunod sa kalikasan. Ang babae ay dapat mukhang babae at ang lalaki ay mukhang lalaki. Sa iba-ibang mga dahilan, may mga babaeng manggagawa sa simbahan na maiksi ang buhok, pero hindi ito isang kasamaang moral, hindi nga lang akmang-akma. Ang solusyon ay magsuot ng mahabang belo sa pagsisimba para maipakita pa rin ang pagpapasakop.

        Tungkol sa mga bakla at mga tomboy, alam nating lahat na ang kanilang kalagayan ay hindi normal kung kalikasan ng tao ang pag-uusapan, dahil sabi ko nga, ang babae ay babae at ang lalaki ay lalaki. Ganun pa man, hindi tamang isipin na dahil sila ay nasa ganong sitwasyon ay masama na silang tao. Kung paanong may puso tayo, ganun din sila. Kung paanong hinahangad natin ang mabuti, ganun din sila. Nasa kanila na iyon kung mahahamon nila ang sarili na lumagay sa tuwid. Lahat naman tayo ay hindi “straight” kung tutuusin dahil may sari-sarili tayong kalikuan, pero hindi ito dahilan para hindi natin asamin ang pinakamabuti.

        Tungkol sa mga dapat lapitan at kaibiganin, tama lang na mamili tayo dahil sabi nga, kung ano ang iyong kaibigan ay ganun ka rin. May mga taong madaling mang-impluwensya at mayroong madaling maimpluwensyahan. Mabuti kung ikaw ang malakas makaimpluwensya at mabuti kang impluwensya, kaya lang ay kung kabaligtaran ka, dapat maging maingat sa pagpili ng kasama. “Bad company corrupts good morals” (1 Co 15:33). Hindi panghuhusga ang paglayo sa hindi mabuting kasama, ito ay pag-iingat sa sariling ugali at pagkatao. Minsan ay kailangan nating isuko ang matatagal nang kasama alang-alang sa pagsunod kay Jesus. Lagi kang magbasa ng Ebanghelyo at makikita mo ang totoong hinihingi ng pagiging Cristiano.

      • Norman said,

        Maidagdag ko lamang po tungkol sa pagkaroon ng mahabang buhok. Batid natin na si Jesus ay isang mabuti at masunurin sa batas ng mga Hudyo bilang tao. Isa sa mga batas na ito ay tinatawag na “Nazirite vow”. Ito ay ang pagaalay ng kanyang sarili sa Dios. Hindi siya iinom ng wine at anumang matapang na alak atbp (Numbers 6). may tinatawag na permanent at temporary vow. Ilan sa mga kilalang character ng Bibliya na nag-undergoe ng Nazirite vow ay sina San Pablo (Acts 21:23-26, Samson (Judge 13:5-7).
        Sa mga may temporary vow for certain times, sila’y mag-aahit ng buhok at magkaron ng offerings sa templo. Although hindi binanggit sa Bible na si Jesus ay nagkaron ng Nazirite vow, it’s understood already as being a good and obedient Jew. He did not changed the laws, but even raised its true meaning in a spiritual dimensions as what we Christian now are following and not the Old Testament laws given to the Jews. (e.g is the observance of the Sabbath day, love your enemy, divorce, thites, atbp)

        God bless you bro Vanillae. Continue to be the salt and light of this world filled with false beliefs and inordinate desires for self-satisfaction.

        We praise, to Jesus thru Mary

      • vanillae said,

        Salamat sa pag-iwan ng komento. Maging tapat nawa ang mga Katoliko sa ating Pananampalataya.

  16. mark said,

    ang masasabi ko lang ang sinulat ng Diyos ay hindi mababago.
    to the one who wrote this says the Lord:
    My thoughts are not your thoughts, nor are your ways My ways,’ says the Lord.
    ‘For as the heavens are higher than the earth, so are My ways higher than your ways,
    And My thoughts than your thoughts.” Isaiah 55:8-9
    Pilitin mo man yan nasa isip mo un ung sbi ng Panginoon nsa sampung utos pa yan and ilan beses din gumawa ng rebulto ang mga hudyo at ayaw na ayaw ng Dyos yan. And also ung ngyayaring event sa quiapo (nazareno) taon2x my namamatay. hindi sa Dyos nggling yan. The priest should preach kung pano pagpalain ang mga tao (But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well ) Matthew 6:33. hindi un sa pamamagitan ng pagmumunas.

  17. mark said,

    Bawal naman talaga ang rebulto sa bible kahit saan mo hanapin. Talagang ipinag bawal. Pero ang ginagawa ng mga katoliko, kahit itanggi nila na hindi daw nila sinasamba ang mga rebulto pero nakikita naman ng lahat na niyuyukuran, niluluhuran, kung adorno lang po ito dapat wag lukuran at huwag yukuran. Dahil ang pag luhod po at pag yukod ay tanda ng pag samba.

    Wag nyo din po idahilan yung mga work of art or mga rebulto na ginawa sa larangan ng sining pagkat ito po ay walang bahid ng relihiyon at hindi sinasamba. Ito po ay pinapalala sa kaniyang mga nagawa para sa bayan, sa tao, etc. Ang rebulto po sa simbahan ay may bahid ng relihiyon kaya nag lagay dun. Kung art po edi dapat mga iba ibang artistic images na lang wag na lang sabihin na imahe ito ni Cristo.

    Kasi kahit sabihin nyo na tutuo na hindi sinasamba ng mga katoliko ay ganun pa rin ang lumalabas na pag samaba sa mga rebulto.

    Sana mabuksan ang isipan ng mga kababayan nating katoliko patungkol sa pag samba sa mga rebulto.

    Salamat po

    • jlocute said,

      Mark, it is in the Bible. Hindi bawal ang pag gawa ng rebulto. Even God the Father instructed Moses to do this when he make a statue of two Cherubim.

      Read Exodus 25: 16-20

      “Thou shalt make also a propitiatory of the purest gold: the length thereof
      shall be two cubits and a half, and the breadth a cubit and a half. Thou shalt
      make also two cherubims of beaten gold, on the two sides of the oracle. Let
      one cherub be on the one side, and the other on the other. Let them cover
      both sides of the propitiatory, spreading their wings, and covering the oracle:
      and let them look one towards the other, their faces being turned towards
      the propitiatory wherewith the ark is to be covered.”

      Ibig ba sabihin nito na nilabag ng Diyos ang sarili nyang utos??

      Read Numbers 21:8-9, here Moses created a snake made of bronze.

      “And the Lord said to Moses, ‘Make a poisonous serpent, and set it on a pole; and everyone who is bitten shall look at it and live.’ So Moses made a serpent of bronze, and put it upon a pole; and whenever a serpent bit someone, that person would look at the serpent of bronze and live.”

      This serpent on a pole was symbolic, represent Jesus Christ on the Holy Cross. Equally, when Catholics look at a crucifix or a picture of Jesus on the Cross, they are reminded that the Lord Jesus is their Saviour. As the serpent on the pole was part of a Jewish religious ritual, the crucifix is part of the Catholic liturgy.

      John 3:14 “Just as Moses lifted up the snake in the desert, so the Son of Man must be lifted up”

      God also instructed Solomon with same things. Read 1 kings 6:23-28; 7:23-26

    • yuhan said,

      amen kapatid!!! we must just continue praying 4 our mga kapatid na katoliko na maliwangan cla sa katotohanan na mali at kasuklam suklam sa Panginoon ang sumasamba sa imahen idolo… dpat po ay continoue ang ating evangelization at mag share ng word of GOD!!! at dpat magbsa cla ng bible…. sa mga catholic dine_descourage ng pari o ng pope ang pagbsa ng bible ng mga members nla kasi mdame po ang aalis sa simbahang katoliko kasi malalaman nla katootohanan na mdme mali turo ang simabahang katoliko….

    • ngobzky said,

      praise the lord tama yan brother… only the living and true God in Jesus Christ shall be saved

  18. crossifixio said,

    para sakin ang biblya ay eksaktong kahulgan ng pagibig..bakit may mga taong nakakaalam ng nilalaman ng biblya pero di naman nila sinasapuso at kung magslita sila mas magaling pa sila sa gumawa?…di ba’t ang pagmamahal sa kapwa at sa dyos ang importante sa lhat..
    sa mata ng dyos wala syang kinikilalang relihiyon..at ang mga imahe o rebulto para sakin ay hindi masama.. hindi ba yan ang isa sa mga binigay na gift sa atin ng dyos..ang pagukit,pagpinta,pagkanta at kung anu anu pa.. na dapat nating pagyamanin sa kagustuhan nya..bkit di natin isipin sa sarili natin d kya ang sinasabing sumasamba sa rebulto at diyos diyosan ay ung mga diyos diyosan ng glit, puot, ingit at mga makamundong bagay..

  19. Charlize said,

    kung ganun po bakit niluluhuran, at doon po taimtim n nanalanging sa rebulto…yung iba nga po humahalik pa…db po hindi dpat yun…ibig sabihin gagawin din sa rebulto ng bayani un…rebulto nga po eh…pero hindi dpat sambahin.

    • vanillae said,

      Hindi ko gawaing lumuhod o humalik sa mga rebulto, wala akong ganung debosyon sa mga larawan. Ganun pa man, hindi ibig sabihin noon ay itinuturing ko itong mali o kaya ay hindi ko nauunawaan ang dahilan kung bakit ito ginagawa. Una, muli kong gustong linawin na hindi lahat ng nasa Simbahang Katoliko ay mga Katoliko. Maaaring nabinyagan sila sa Simbahan pero hindi lahat sila ay namumuhay o nakauunawa man lang sa Pananampalataya. Malalaman mo agad kung sino ang may mga maling kaisipan tungkol sa tamang pagtrato sa mga rebulto at mga larawan ng mga banal na tao. Unang-una, kung hahalik man sa imahe ang isang deboto, higit na mabuti kung ito ay personal nyang pag-aari dahil hindi magiging katanggap-tanggap para sa lahat na ang isang pampublikong pag-aari ay hahalikan ng iba-ibang tao, maliban kung ang paghalik na ito ay bahagi ng isang pampublikong panalangin tulad ng veneration of the cross tuwing Good Friday. Hindi ko masisisi ang ibang mga nagpapahid ng panyo sa mga imahe at rebulto sa personal nilang dahilan pero sa kalahatan ay hindi ko inaayunan ang pagpapahid-pahid sa mga ito lalo na kung para ipahid sa mukha at kung saan-saang bahagi ng katawan. Alam na agad natin kung bakit hindi ito dapat gawin. Una ay dahil hindi maaasahang malinis ang mga ito, at pangalawa ay dahil dapat ipako ang debosyon sa pananalangin sa halip na sa mga ganitong aksyon na para bang nagpapakitang ginagawang pabrika ng himala ang mga rebulto.

      Ang salitang debosyon, sa relihiyoso o sekular na paraan man, ay mas madalas na ginagamit sa mga taong minamahal kaysa sa Diyos, at halata naman ang dahilan. Ang debosyon ng lalaki sa kanyang asawa ay tumutukoy sa tapat at mapagkalingang pagmamahal nito. Ang debosyon ng ina sa kanyang anak ay ang mapag-alaga at mapagmahal na pagpapahalaga niya dito dahil sa kamulatan na ang kanyang anak ay mula sa Diyos. Ang debosyon ng anak sa kanyang mga magulang ay tumutukoy sa pagmamahal na nagmumula sa pagtanaw ng utang na loob, pasasalamat, at pagkakilala na ang mga magulang ay pinili ng Diyos para maging kanyang tagapangalaga. Hindi ko masisisi ang mga hindi nakauunawa ng halaga ng debosyon sa mga banal ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga larawan, marahil ay hindi talaga nila naranasan ang tunay na kahulugan ng salitang ito sa kanilang pamilya, kaibigan, at iba pang mga taong nakapaligid sa kanila. Ang magagawa ko lang ay magbigay ng mga paglalarawan at halimbawa.

      Ang salitang “panalangin” ay hindi lamang tumutukoy sa pakikipag-usap sa Diyos, ito rin ay maaaring gamitin sa pakikipag-usap sa tao. Kung titingnan mo sa diksyonaryo, ang panalangin ay nangangahulugan din ng taimtim na pakiusap. Kung nakikiusap ka sa isang kaibigan na pahiramin ka niya ng gamit o pera, nananalangin ka sa kaibigan mo. Kung humihingi ka ng panalangin sa mga kapatid sa pananampalataya, tulad ng ginagawa ng mga apostol, ikaw ay nananalangin sa iyong mga kapatid. Ganito din ang mga nananalangin sa mga kaibigan ng Diyos. Nakikiusap sila na ipamagitan ang kanilang panalangin dahil mas malapit na sila sa Diyos. Hindi ba’t pinapayuhan ni Santiago na hingin nating tayo ay ipanalangin?

      Ang pagluhod sa tao o sa larawan man ay hindi nangangahulugan ng pagsamba. Marahil ay nakakita ka na ng isang kabalyerong lumuluhod gamit ang isang tuhod? Kung tapat ka sa iyong sarili, hindi mo sasabihing sinasamba nito ang kanyang linuluhuran. Ang pagluhod sa imahe, maging ng santo man o ng mga magulang, ay simbolo at akto ng pagalang at debosyon (pagmamahal). Hindi ko pa nagawang lumuhod sa isang babae, pero alam kong hindi sinasamba ng mga lalaki ang linuluhuran nilang babae o kaya ay ang hinahalikan nilang larawan nito.

      Tungkol sa pagpapahid, nangangahulugan ba ito ng pagsamba o maling pagtrato? Maaari. Tulad ng naipaliwanag ko na sa ibang bahagi, ang pagsamba ay nagmumula sa puso, hindi sa nakikita ng mata. Ang simpleng kurap ng mata o palakpak o pagpito ay maaaring maging ekspresyon ng pagsamba; pero ang mga ito sa kanilang sarili ay hindi pagsamba. Depende ito sa taong gumagawa. Tulad ng sinasabi ni Pablo, ang pag-iimbot (gawaing hindi nakikita) ay isang uri ng pagsamba sa diyos-diyosan. Kung nabasa mo na ang Mga Gawa ng mga Apostol, alam mo na ang mga tao ay deboto nina Pablo at Pedro, anupa’t nagdudulot ng kagalingan ang kanilang mga personal na gamit at maging ang anino. Ito ba ay pagsamba sa kanila? Ayon kay Lukas at sa turo ng Biblia, hindi.

      Uulitin ko, ang idolatria ay nasa puso.

    • ngobzky said,

      tama!!! the bible speaks the truth… that we should not bow down to idols or images like the saints…. we should gave praise only to the living God Jesus Christ.. in truth and in spirit….

  20. jlocute said,

    Vanillae, first time to see your blogs. Nice job and God bless!!

  21. Larry said,

    Bro nabasa ko iyong blog mo about “kasiguruhan ng kaligtasan” at sang ayon ako sa iyong pananampalataya dito,

    pero tungkol sa rebulto…ay hindi ko inaasahan na ganito mo ito idedepensa,
    base on my experience dahil dati din akong katoliko, kung tama lahat ng mga sinabi nyo tungkol sa mga rebulto dapat ay magbunga ito ng wasto at mabuting gawang naaayon sa ating pananampalataya,

    pero nakakalungkot pag nakikita ko sila kung paano nag aantanda at nananalangin sa harap ng rebulto at yung iba ay may kasama pag pagluhod.

    tatanggapin na lamang ba natin ito sa kadahilanang may interes tayong iniingatan?

    kaya ako naniniwala na mali ang pananampalatayang katoliko ay dahil karamihan ng mga masasamang tao ay nasa iglesya katolika.

    wala po akong masamang intensyon, katotohanan lang po.

    God Bless!

    • vanillae said,

      [Salamat sa komento. Pakibasa din lahat ng mga karagdagang sagot tungkol dito para hindi ko na ulitin.]

      “…dapat ay magbunga ito ng wasto at mabuting gawang naaayon sa ating pananampalataya.”

      Ang lahat ng gawaing may kinalaman sa pananampalataya ay dapat na magbunga ng wasto at mabuting mga gawa. Tama ka doon. Pero mali ang direksyon na tinitingnan mo. Hindi ang paggamit ng mga rebulto ang nagdudulot ng maling kustombre sa mga tao kundi ang kanilang maling kaisipan. Pinagsasama nila ang mga gawaing relihiyoso at ang kanilang mga maling paniniwala. Isang halimbawa nito ang eksena ng “ahas na tanso”. Ipinagawa ni Yahweh kay Moises ang ahas para maging simbolo ng paparating na tagapagligtas.

      Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa disyerto, gayundin dapat itaas ang Anak ng Tao upang magkaroon ng buhay magpakailanman ang bawat nananalig sa kanya.

      Sa pamamagitan ng pagtingin sa ahas, maliligtas ang buhay ng mga Israelita. Ito ang paraan na ibinigay ng Diyos para iligtas ang mga tao. Ang ahas ang nagsilbing anino (foreshadow) ni Jesus. Nakita rin natin sa karanasan ng mga Israelita ang malungkot na katotohanan na ang mga idolo ng kanilang puso ay hindi humihiwalay sa kanila, kaya kahit ang mabuting bagay ay naging kapahamakan nila. Ganito rin ang sitwasyon ng marami sa mga Katoliko. Mayroon silang mga idolo bago ipinakilala sa kanila si Jesus. Nagpabautismo sila pero hindi nila maalis mula sa kanilang puso ang mga bagay na ito kaya pinagsama nila ang mga bagay ng Diyos at ang hilig nila sa pagsamba sa hindi tunay na Diyos. Ano ang mga idolong ito? Ang mga laman ng kanilang puso — ang tunay nilang sinasamba: takot, pamahiin, kasakiman, pagkamakasarili, selos, inggit, at kayabangan. Hindi masamang humarap sa isang rebulto o larawan; ang masama ay kung ginagawa mo ito dahil sa mga nabanggit. Ito rin ang dala ng mga Israelita sa kanilang puso kaya ang simbolo na mula sa Diyos ay naging larawan ng kanilang mga idolo. Ang totoo, humarap man sila o hindi sa harap ng isang larawan, ang pagsamba nila sa hindi tunay na Diyos ay isang tuloy-tuloy na gawain dahil naging bahagi na ito ng kanilang pagkatao. Ang tunay na pagsamba at ang tunay na idolatria ay parehong nagmumula at nagaganap sa loob ng puso, hindi sa loob ng simbahan o sa harap ng kung anuman.

      “Tatanggapin na lamang ba natin ito sa kadahilanang may interes tayong iniingatan?”

      Hindi ko alam kung saan nagmula ang iyong ideya tungkol sa “interes na iniingatan. Bukas ang thread na ito para sa iyong mas malinaw na pakahulugan.

      “Kaya ako naniniwala na mali ang pananampalatayang katoliko ay dahil karamihan ng mga masasamang tao ay nasa iglesya katolika.”

      Tama ka sa pagsasabing karamihan ng masasamang tao ay Katoliko, pero mali ka sa konklusyon mo tungkol sa kawastuhan ng pananampalatayang Katoliko. Magugulat ka ba kung sasabihin ko sa iyo na karamihan sa masasamang tao sa Pilipinas ay mga Filipino? Nakapagtataka ba kung halos lahat ng masasamang tao sa US ay Amerikano? Alam nating lahat ang sagot. Kung alin ang mas malaking populasyon, dun mas maraming bilang ng masasama. Ang nakakagulat ay kung mahihigitan pa ng mas maliit na populasyon ang dami ng masasamang tao sa mas malaking populasyon. Nakukuha mo siguro ang punto.

      Sa buong Pilipinas at sa buong mundo, pinakamalaki ang bilang ng mga Katoliko kung ikukumpara sa ibang mga relihiyon at mga sekta. Kung sa bawat “labindalawang apostol” ay may isang Hudas, sino ang maglalabas ng pinakamaraming Hudas? Natural lang na yung may pinakamaraming “labindalawa”. Kung may 1000 Cristiano at may 100 Judio, gamit ang argumentong ito, may lalabas na 83 Cristianong traydor sa pananampalataya, habang 8 naman mula sa mga Judio. Hindi ito nangangahulugan na mas masama ang mga Cristiano kaysa mga Judio; nangangahulugan lang na mas marami ang bilang ng mga Cristiano kaysa mga Judio.

      Sa umpisa ay sinabi kong mali ang direksyon na tinitingnan mo. Ito ay dahil pinili mong pitasin ang mga bulok na bunga, sa halip na ang mabubuti, at habang nakatingin ka sa kabulukan ay sinabi mo sa iyong sarili: “Sigurado akong masama ang punong ito.” Ang isang anak na masuwayin at ang isang anak na masunurin ay parehong anak at mananatiling anak ng kanilang mga magulang kahit ano pa ang mangyari. Kung ikaw ang ama ng dalawang batang ito, paano mo ilalarawan ang sarili mo bilang magulang — masama o mabuti? Syempre, depende. May mga batang lumalaking mabuti kahit masama ang magulang, at mayroon namang lumalaking masama kahit mabuti ang magulang. Maraming “contributing factors”. Pero hindi yun ang kaso sa Simbahang itinatag ni Cristo. Ang masasamang Katoliko ay masama hindi dahil sila ay Katoliko kundi dahil hindi sila namumuhay ayon sa kanilang pananampalataya. Sa kabilang banda, ang mabubuting Katoliko ay mabuti dahil sila ay Katoliko at namumuhay sila ayon sa kanilang pananampalataya. Subukan mong kilalanin ang ilan sa mahigit 10,000 tao na nakatala sa kalendaryo ng mga santo, at saka mo pag-isipan kung sila ba ay masama dahil sa pananampalatayang Katoliko o mabuti dahil dito. Paglaanan mo ng oras ang pag-aaral tungkol sa mga liham, aklat, pananalita, at buhay ni John Paul the Great. Ganun din ang buhay ni Teresa ng Calcutta. Alalahanin mo ang pangalan ng mga iskwelahan, mga kalye, mga barangay, mga bayan, mga probinsya, at mga bansa na nagsisimula sa “San”, “Santo” o “Saint”, at alamin mo ang buhay ng mga taong nasa likod ng mga pangalang ito. Pwede ka rin magsimula sa mga Filipino: Lorenzo Ruiz, Pedro Calungsod, Ignacia del Espiritu Santo (Mother Ignacia). O kaya sa mas tanyag: San Francisco ng Asisi, San Agustin ng Hippo, San Sebastian, Saint Dominic, Saint Joan of Arc. Ang mga taong ito ay naging tapat sa Panginoon hanggang sa kanilang huling hininga. Pero hindi lang sila nabuhay na banal sa kanilang sarili; sila ang ilan sa pinakamalalaking kontribusyon sa buong mundo, maging sa usaping relihiyoso o sekular; personal o pangkomunidad; pambansa o pangbuong mundo. Pero hindi dapat ipagkamali na sila lamang ang mga banal na anak ng Simbahan; sila lang ang mga pangalang nakatala, pero buhay man o yumao na, ang mga banal na Katoliko ay nasa lahat ng panig ng mundo. Ang iba ay may pangalan habang ang mas marami ay tahimik na namumuhay bilang mga alagad ni Jesus.

      Handa akong mag-aral kasama mo, ng lahat ng kapananampalataya mo, at ng lahat ng naghahanap ng katotohanan para tuklasin ang yaman ng pananampalatayang iniwan ni Jesus sa kanyang Iglesya.

    • yuhan said,

      brod my idagdag lng ako… hindi lng sa mga katoliko me mga masasamang tao kahit din sa ibang relehiyon like islam, buddhism, hinduism, etc… mdame lang tlagang maling paniniwala o katuruan ang pope na labag sa bibliya!!! 75% of roman catholic relegion is base on roots to pagan origin or beliefs!!! the salvation of mankind is the Lord Jesus Christ only… besides gawa ni satan na wag ipabsa ang bible sa simbahan ng katoliko,, ang tanging nagbabasa lang ay young pari yung mga tao wala naman hawak na bible…. binulag cla ng maling katuruan ng pope!!!!!!!!! thsi is a wake up call to catholics!!!!!!! UNLESS A MAN BE BORN-AGAIN HE CANNOT SEE THE KINGDOM OF GOD… John 3:3

      • Orland Sembrano said,

        WAG KANG MANGHUSGA WALANG SINO MAN SA ATIN ANG MATUWID LAHAT TAYO AY MAKASALAN WALA SATIN ANG PERFECTO SURIIN NYO MUNA ANG SARILI NYO MUNA ANG SARILI NYO KUNG WALA KAYONG GINAGAWA MASAMA BAGO KAYO MANGHUSGA

  22. Larry said,

    Salamat Bro sa napakagandang paliwanag, parang nararamdaman ko ang diwa ng ating apostol Pablo sa iyong pagsasalita, salamat sa Diyos at mayroon pang mga kagaya mo, Purihin ang Diyos!

    Tiga saan ka nga po pala Brother? at ikinagagalak kong mas makilala ka pa ng lubusan.

  23. rigor said,

    “…alinmang relihiyon ay hindi nararapat magbinhi sa mga tao ng pagiging magkakaaway kundi ng pagiging magkakapatid at mabuting magkakapatid… Nagpapalagayan silang parang dalawang tagapaglingkod ng iisang Diyos, at sa halip na sila’y magparaan ng panahon sa pagkakagalit, ay nagsisitupad ng kani-kanilang tungkulin, na anupa’t ipinauubaya sa kanilang panginoon ang pagpapasya, pagkatapos, kung sino sa kanila ang lalong mabuting magpakahulugan sa Kanyang kalooban.”

  24. Cardo said,

    Thou shalt not have strange gods before me
    Thou shalt not make for thyself any graven image
    (carved idol) or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth; thou shalt not bow down to them or serve them; for I the Lord thy God am a jealous God, punishing the iniquities of the fathers upon the children to the third and fourth generations of those that hate me; but showing mercy to thousands of generations of those that love me, and keep my commandments.

    una, sa pagkakaalam niyo ba kaming mga KATOLIKO ay may iba pang DIYOS na kinikilala maliban sa pinapaniwalaan niyo? maliban lang sa mga iba na di naniniwala sa espirito santo.kasi sa amin meron tatlong persona na kumakatawan sa ating DIYOS.

    pangalawa, intindihin mabuti ang nasusulat sa banal na kasulatan bago ito bigyan ng kahulugan at hanapan ang butas ng anumang relihiyon na pinapaniwalaan.”Thou shall not make thyself any graven image or any likeness of ANYTHING in heaven above, or that is in the earth beneath, or is that in the water under the earth; thou shall not bow down to them or serve them”.Its clear as stated in the scripture na ang ibinawal niya ay anumang bagay na nasa langit, nasa lupa o nasa tubig.Di niya pinagbawal ng gamawa ng kawangis niya na maaring makakapagpaalala sa atin ng may iisang Diyos na nagmamahal sa kanyang mga anak.

    pangatlo, meron tayong ibat ibang paraan ng pagsamba sa Poong Maykapal.At kung sinasabing niyong mga KATOLIKO base sa nakikitang niyong mga deboto ng ibat ibang santo ay sa rebulto sila sumasamba at hindi sa kinikilala naming Diyos.Lumabag ka na rin sa UTOS ng Diyos.”Thou shalt not bear false witness against thy neighbor.”Anumang pag-aalay kung itoy taos puso sa mata ng Diyos di ito masama.

    Ang Diyos ay nagkatawang tao di nagkatawang hayop o bagay.

    GOD BLESS US ALL

  25. aireen said,

    nalulungkot po ako sa aking ibang nababasa. hindi po ganun kabroad ang knowledge ko sa usaping ito. pero alam ko po ang totoo.. hindi po ba dapat ay matuto tayong rumespeto? isang pong paglabag sa kagustuhan ng Diyos ang kawalan ng respeto sa kahit kanino.. may sarili po tayong mga pag-iisip at puso. ang mahalaga di po tayo gumagawa ng masama. nasa bibliya nga po wag sambahin ang rebulto, pero ito po, hindi bat sinabi rin sa bibliya na arw ng pahinga ang ikapitong araw? kapag po ba araw ng pahinga at nakitang mong nasusunog ang bahay ng kapitbahay mo, hindi mo ba sya tutulungan? sa makatuwid po, may mga bagay di po na hindi na literal na nasulat sa bibliya pero ipinauunawa parin nito. kahit po hindi ka sumasamba sa rebulto, dahil sabi mo nga ito ay masama, pero ikaw naman ay gumagawa ng mali tulad ng pagnanakaw, pakikiapid, nagsasalita ng masama, hindi tumutulong sa iyong kapwa at maraming pang iba sa tingin mo ba, ikaw ay kaayaya sa paningin ng Diyos? ang mga sumasamba sa Diyos sa pamamagatin ng pagharap sa isang rebulto o imahe ng Diyos ngunit hindi gumagawa ng masama, mabuting tao, marunong magbigay respeto, sa tingin po ninyo sino ang pagpapalain ng Diyos? at sino po ang tunay na makasalanan?

    • ngobzky said,

      ang pagiging mabuti sa kapwa ay hindi paraan para ikaw ay maligtas!!!! hindi yun guaranty na ikaw ay maliligtas… lalo pat sumasang guni ka po sa rebulto na gawa sa kahoy!!!! ang tunay at totoong Diyos ay hindi natin nakikita subalit sya ay banalna espiritu… hindi po yung imahen na khoy!!! kinasusuklaman po yan ng Panginoon… magbsa po kayo sa Exodus sa OT.para po malaman nyo ang utos ng Diyos…

      • Elias Amorin said,

        Maari nga po siguro kapatid na nagbabasa kayo ng Biblia pero masasabi kung pinipili mo lang ang mga citas na pabor sa paniniwala nyo… Basahin mo rin kapatid ang (2 Cronica 3:1-17), (2 CRONICA 7:15-16), (EXODO 25:18), (Num. 7:89), (Ezekiel 11:22), (1 SAMUEL 4:4 ), (JOSUE 7:6-7)…. Huwag po sana tayong PICK & CHOOSE ng mga citas, tandaan po natin ang isang citas ng biblia ay hindi ang KABUOAN ng BIBLIA….. Ang pinagbabawal po ng Diyos na gawin ay ang mga diyos-diyosan at hindi lahat ng imahe ay diyus-diyosan… (ALL idols are IMAGES but NOT ALL images are idols…)…

    • otep said,

      ISANG MALAKING TAMA KAPATID….

  26. romel cruz said,

    wala po akong kinakampihan sa sagutan ninyong lahat iginagalang ko po ang mga opinion ninyo bakit hindi na lang po nating irespeto ang bawat isa sa atin kung ano ang kanilang paniniwala, tutal iisa lang naman po ang ating tinatawag na panginoon. nasa tao na rin po kung papano sila mag lingkod sa panginoon at alam ng panginoon kung sino talaga ang tapat na nag lilingkod sa kanya. malulungkot pa nga ang panginoon sa ginagawa ninyong pag dedebate dahil sigurado ni isa man sa inyo ay hindi mag papatalo igigiit pa rin nila ang kani kanilang opinion at paniniwala. Wala ring sino man ang dapat sisihin kung bakit nagkai-iba iba ang ating paniniwala dahil ito ang kinagisnan ng bawa’t isa sa atin. kung sakali mang mayroong nagbabago ng kanilang relihiyon dahil doon nila natagpuan ang tamang pananampalataya para sa kanila at doon naman sa kinamulatan at kigasinan nilang relihiyon hindi rin sila masisisi dahil doon sila nagkaroon ng kapanatagan sa pananampalataya. Bakit hindi na lang po natin gawin ang tama sa paningin ng panginoon. wala man isa sa atin ang makakapag sabing walang nagkasala lahat tayo ay may ginawang kasalanan. ang ating ginagawang debate sa tinggin ko ay hindi na po healthy dahil nag uumpisa na pong lumabas sa ating mga bibig ang hindi magandang salita at nauuwi lang sa pag di pagkakaunawaan. mag pakumababa na lang po tayo at ipag patuloy ang mabuti at tamang gawain mas masisiyahan pa ang Diyos. Lahat kayo ay may mga tamang punto at tamang pananaw sa panalangin.
    nawa’y pagpalain po tayo ng ating mahal na panginoon alam niya ang nasa puso ng bawa’t isa sa atin ginagawa lang natin ito para sa kanya. sa lahat po ng nag sulat nito mabuhay po kayo nakikita ko po ang katalinuhan sa inyo na bigay ng panginooon.

    • vanillae said,

      Ang sumulat po nito ay gumagalang sa lahat ng uri ng paniniwalang pangrelihiyon. Ganun din naman, hindi kinukundena ng mga Katoliko ang hindi naniniwala sa halaga ng mga imahe na tulad ng mga larawan sa ating tahanan. Ang talagang nagpapakita ng hindi paggalang ay ang ibang mga hindi nakakaunawa sa mga prinsipyo ng pananampalatayang Katoliko. Sabi nga, “Hinahamak nila ang hindi nila nauunawaan.” Pwede naman silang magpatuloy sa paniniwala nila nang hindi kailangang magsalita ng hindi maganda tungkol sa iba, pero hindi nila iyon kayang gawin.

      Sa palagay ko ay hindi naman malulungkot ang Panginoon kung ipinagtatanggol man natin ang ating pinaniniwalaan, lalo na kung ito ay bunga ng pag-ibig at pagmamalasakitan. “Laging maging handa na sumagot sa sinumang nagtatanong tungkol sa inyong pag-asa” (1 Pedro 3:15). Ipinahihiwatig din nito ang ating tungkuling ipagtanggol ang ating mga kapatid mula sa mga opinyon at katuruan na magbibigay sa kanila ng kalituhan. Ito ang ating ginagawa dito, kaya naniniwala tayong ito ay kalugod-lugod sa Diyos. Kaya maraming mga mananampalataya ang naliligaw ay dahil sa kawalan ng mga taong magpapaliwanag sa kanila tungkol sa mga usaping hindi nila lubos na maunawaan.

      Sa huli ay alam mo na agad kung sino ang hindi maaaring pagtiwalaan ang sinasabi, at iyon ay ang mga taong nagpapakita ng hindi mabuting pag-uugali. Nakikita ang estado ng puno sa kanyang mga bunga. Ang laman ng puso ng tao ay nakikita sa lumalabas sa bibig.

      Pagpalain tayo ng makapangyarihang Diyos na nag-aalok sa ating lahat ng talino at tapang upang ipagsanggalang ang katotohanan.

      • cecil mae pefanio said,

        I stand for you 🙂

  27. jlocute said,

    Alamin nyo po kung ano ang kasaysayan at ng inyo-inyong simbahan..
    Wala pang Bibliya, nandyan na ang Simbahang Katoliko. Sila ang gumawa, nagtipon at naglimbag ng Bibliya. Malinaw na ang ating Diyos ay nag iwan sa atin ng Simbahan at hindi ng isang Libro. Pakibasa po lamang ang mga sumusunod sa ibaba para sa kaalaman nating lahat.

    CATHOLIC, THE OLDEST CHRISTIAN CHURCH, THE ONE TRUE CHURCH

    – There were no other Christians even if you search the history (setting aside Greek Orthodox) for the first 15th centuries of the Church except Catholic Christians.
    – The Apostles are Catholic. See Apostles Creed “…I believe in the Holy Spirit, the HOLY CATHOLIC CHURCH, the Communion of Saints…”. Each of them proclaim these words about their faith when the Holy Spirit descend to them on the day of Pentecost, thus starts the birth of the Church.
    – The early Christians are Catholic.
    – The Church Fathers are Catholic. Their preaching came directly from the Apostles

    THE BIBLE CAME FROM CHURCH, AND NOT A CHURCH TO COME OR WILL COME BASED ON THE BIBLE

    – It is clear that Christ left us a “Church” and not a Book. The book came from the Church. So no other religion or sect can say my religion is founded based on the Bible.
    – The Church was established first before the Sacred Scripture.
    – There was no agreed upon Bible for the 1st 400 years of Christianity
    – Those who wrote the Sacred Scriptures are Catholic
    – Those who compiled the Bible are Catholic.
    – It is Catholic Church who has the sole authority to interpret the Bible.
    – The first book printed (thru the invention of Printing Press) by Gutenberg is Bible. Gutenberg is a Catholic.
    – Sacred Scripture came from the Church and not the Church to exist or will exist from the interpretation of the Scripture.

    II Peter 1:20
    “No prophecy of Scripture is a matter of private interpretation”

    Reasons for Christian Division:

    First Reason: Scripture Alone or Bible Alone is Sufficient
    A. Nowhere in Scripture that says Scripture is alone sufficient
    II Thes 2:15 “… stand firm and hold fast to the Traditions which you
    were taught by us, both oral and written”.
    –> means there is also other way which is not written. “Oral”, words from mouth
    Rom 10:17 “… faith comes by hearing”
    –> not reading

    Other will say, use only words that are in the Bible. Where in the Bible says that??

    B. There was no agreed upon Bible for the 1st 400 years of Christianity.
    How did those Christians be saved if they needed only Sacred Scripture??

    C. The majority of Christians during early years doesn’t know how to read.
    So even if they had access to the Bible, how can they be saved?

    D. A Bible would have cost well very expensive at that time since there is no
    printing press yet.

    Christ never taught that everything you wanted to know is in the Scripture.
    The Apostles never taught that.
    The first Christians did not believe that, the Church Fathers didn’t taught that.
    The first 15th year of Christianity didn’t heard any of that.

    – It is the Church who has the authority over the Bible and not the Bible over the Church.
    – There is no Bible when the Apostles and the early Christians are preaching the gospel. They rely on Sacred Tradition which are the preaching of words from mouth (oral) which passes on and preserved from Pope to Pope, bishop to bishop, from generation to generation.
    – Jesus never wrote a single word while He’s on earth nor He commanded His apostles to write a book. He did tell them go out teach, preach, convert, baptize, be fishers of men, save souls. Only a handful of the apostles did write anything down, just a few. What about all the others?? They don’t have any notes or writings. What was They preaching? Its directly from the mouths and words of Jesus.
    The things needed for Salvation is in the Deposit of Faith, both in Sacred Tradition and Sacred Scripture.

    For example, the word “Trinity” cannot be found in the Bible. In fact,
    the word “Trinity” was invented by Tertullian” a Church Father in
    the 2nd century. Neither was the concept of the Holy Trinity appear explicitly.
    Meaning clearly and needing no further explanation. Other teaching was clearly explicit such as the everlasting natures of Hell. That teaching of Hell is explicitly laid out and needing no explanation.
    But others are not explicit, such the Trinity. The truth of the Trinity was
    proclaim by the councils and Popes of the Catholic Church.

    So today, if you are a Catholic or non-Catholic Christian, your belief
    on the Holy Trinity came exclusively and solely from the interpretation of
    Scriptures of the Church Fathers of the Roman Catholic Church.

    Many truths and mysteries concerning the Holy Trinity, Mary, Saints, life after death, Angels, etc, etc. were revealed to this One True Church
    that people didn’t know, cannot accept or understand (I don’t know why because all of them profess that the Holy Spirit are with them)
    The Apostles know many of these mysteries and truths, the early Christians know them and were passed
    on via Sacred Traditions. Today, God still continues to communicate to us revealing more mysteries for us. He uses many
    different peoples within the Church: the prophets, saints, etc. so that we will not be left orphan.
    The Bible is not the end of God’s revelation. He continues it with the Church.

    1 Tim 3:15
    “.. the Church is the pillar of truth”

    Second Reason: Private Interpretation of the Sacred Scripture
    Its common sense when you asks a question on hundred people of what something means, you will
    have hundreds of different answers. There’s no way to arrive at the truth.
    II Peter 1:20
    “No prophecy of Scripture is a matter of private interpretation”
    This is the very reason why Jesus established a Church upon Peter to lead his flock. He appointed the Apostle Peter the first head bishop of His Church, saying: “Blessed art thou, Simon Bar-Jona . . . Thou art Peter, and upon this rock I will build my church.” (Matt. 16:17-19). “There shall be one fold and one shepherd.” (John 10:16). “Feed my lambs . . . feed my sheep.” (John 21:15-17).

    1 Tim 3:15
    “.. the Church is the pillar of truth”
     The Bible was written, developed and compiled by the Church.. and is from the Church; the Church on whom Peter as head bishop and all of its successor.
     The Church can alone interpret them correctly.
    Martin Luther one year before his break away from the Church said this beautiful words:
    “If Christ had not entrusted all power to one man, the Church would not have been perfect because there would have been no order and each one would have been able to say he was led by the Holy Spirit. This is what the heretics did, each one setting up his own principle. In this way as many Churches arose as there were heads. Christ therefore wills, in order that all may be assembled in one unity, that His power be exercised by one man to whom He Himself commits it. He has, however, made this power so strong that He looses all the powers of Hell (without injury) against it. He says: “The Gates of Hell shall not prevail against it” as though He said: “They will fight against it but never overcome it,” so it is in this way it is made manifest that this power is in reality from God and not from man. Wherefore, whoever breaks away from this unity and order of the power, let him not boast of great enlightenment and wonderful works, as our Picards and other heretics do, for much better is obedience than to be the victims of fools who know not what evil they do”

    – Ironically, there were no changes on the Bible until the Reformers (led by Martin Luther himself) change them and interprets them personally.
    Romans 3:28
    “… Man is justified by faith apart from the works of law”
    Luther’s version”
    “… Man is justified by faith ALONE apart from the works of law”

    This in turn is the beginning that anyone can interpret the Bible.
    This creates confusion on what really is necessary for salvation.
    Non-Catholic Christians are divided into thousands and thousands
    of different denominations. Each claiming to interpret the scripture
    the correct way. But each of them contradicts on their definition
    of every page of the Bible. Each of them claiming they interpret the
    Bible the correct way and holds the truth.

    For example on divorce, some says re-marriage is a sin, some it isn’t and
    some, it’s not essential. The same thing for homosexual marriage, some says
    its fine, others says it’s a sin, some says it doesn’t matter as long as you
    love Jesus.

    The Reformers removed 7 books from the Bible that contradicts their teachings:
    Tobit, Judith, Baruch, Wisdom, Sirach, 1 and 2 Maccabees, and parts of Esther and Daniel.
    If your Bible doesn’t have them, you’re having a Protestant based Bible.

    Ask yourself this, where do this men and women get their authority to
    tell you what the Bible means. Their preaching was nothing but their mean own
    opinion. Do you want to stake your eternal life on the opinion of fallible men
    who don’t even agree on each other on what the Bible means?

    The Catholic Church has the unbroken Tradition thru the Bishops going back to
    the early Apostolic Church.

    The Holy Spirit is given to us to teach the fullness of truth.
    Truth cannot contradict itself.

    II Peter 2:1-3
    “…there will be false teachers among you who will secretly bring in destructive heresies..”
    Matt 24:11
    “And many false prophets will arise and lead many astray”
    The Catholic Church is the oldest, the only one, and the true Christian Church. It is evident that other religions and sects arise after the Catholic Church was established. Nowhere in the history you can find a Christian Church older than the Catholic Church. This is the one rooted from the apostles and early Christians. If it’s the oldest (even not using the word “True Church”), those religions who come after it are “false”. A false Church doesn’t comes first then soon after hundreds or centuries will come the “True Church”.

    The Catholic Church has almost 2000 years capable of surviving:
    Roman persecutions, some not so good Popes (even Bishops and Priests), the Protestant Reformation, confusion, apostasy, sin, misunderstanding,
    lack of faith, mockery, so many people leaving the faith and many attacks and still the Holy Church still remains.

    “….that the gates of hell, will not prevail against it”

  28. Pope Benedict the XVI said,

    Ito po yung may mga rebulto sa bahay nila maski sa simbahan alam nyo ba na yang mukha ng sinasamba nyo o linalagay nyo sa bahay ay tunay na mukha nila ni wala nga sa biblia yung Sto. Ninyo nyo sinasabi nyo pa na parang munumento lang yung kay Jose Rizal ilan munumento niya isa e yung Sto. Nino nyo halos lahat ng bahay na mapuntahan kong katoliko meron eto pa ang diyos nyo ba buhay e bat nakapako pa rin yung cristo nyo tingnan po natin yung mga katuruang yan ng iglesia katolika eto pa maski pari ginagawan nyo ng rebulto. Isang beses ng akoy magpunta SA BAHAY NG ISANG KATOLIKO abay nakita ko binibihisan ng damit ni SUPERMAN. OH kung ikaw ba namay di mainis diyan biroin mo yung dios nyo binbihisan nyo eh ang tunay na dios sya ang nagbibigay ibibihis mo di po ba kasi po kung akoy tatanongin mali talaga yung paggawa at pagsamba sa mga rebulto o imahen ng nasalangit ni nasa lupa o ilalim man ng dagat tingnan nyo yung nangyari sa mga gumawa at sumamba dun sa gintong baka ang ginawa sa kanila ay pinagpapapatay ng Dios dahil galit nga ang Dios sa mga sumasamba sa . ito pa nakita nyo na ba yung mukha ni Jesus bat kayo nakagawa ng rebulto

    • vanillae said,

      Kung wala sa Biblia ang salitang “avocado” o “malunggay”, ibig bang sabihin ay hindi totoong may avocado at malunggay? Ni hindi nga lahat ng ginawa ni Jesus ay nakasulat sa Biblia, pero hindi ibig sabihin ay hindi niya ginawa ang mga iyon, di ba? Sinabi ni Juan, “Marami pa ring ibang ginawa si Jesus, na kung isa-isang masusulat ang mga iyon, sa tantiya ko’y hindi magkakasya sa mundo ang isusulat na mga aklat.”

      Kahit ipagpalagay na walang salitang “santo niño” sa Biblia (ang totoo ay meron), alam nating lahat na si Jesus, bilang bata, ay banal dahil siya ay Diyos. Ang santo niño ay salitang Español na lumalarawan kay Jesus bilang banal na bata o holy child. Masama bang sabihin na si Jesus ay naging isang banal na bata dahil lang walang nakasulat na “banal na bata” sa Biblia?

      Hindi natin alam kung ano ang itsura ni Lapu-Lapu pero may nakikita tayong mga larawan niya. Masama ba kung iguhit siya ng isang larawan na hindi eksakto sa totoo niyang itsura? Ang totoo, tuwing maririnig natin ang salitang mandirigma, agad na bumubuo ang ating isip ng larawan ng isang mandirigma. Masama ba kung ang larawan na ginawa ng ating imahinasyon ay hindi katulad na katulad sa itsura ng tinutukoy na tao? Ganun din kay Jesus. Hindi nga natin siya nakita pero alam natin na siya ay tao, Hebreo, lalaki, at namuhay humigit-kumulang 2000 taon na ang nakalilipas. Base sa paglalarawang ito, maaari tayong makabuo ng kanya-kanyang larawan ni Jesus sa ating isip, at hindi tayo magkakasala kung hindi man kamukha ng totoong Jesus ang nabuo sa ating diwa. Ang mahalaga ay tamang pagkakilala natin sa kanyang pagkatao — at pagka-Diyos.

      Ang susunod kong sasabihin ay hindi ganun kahalaga pero gusto ko lang itama ang idea na iisa lang ang monumento ni Jose Rizal. Kahit saang bayan sa Pilipinas, makakakita ka ng monumento o larawan ni Rizal; malayo ito sa pagiging iisa. Minsan, ang pagkakaroon ng mga maling paniniwalang pangrelihiyon ay kumakain sa buong pagkatao at naaapektuhan nito ang pananaw at pangangatwiran para maging mali rin ang pagtingin ng tao sa lahat ng iba pang mga bagay.

      Sinabi ni Pablo, “Talagang ipinasya kong walang malaman sa piling ninyo maliban kay Jesucristo na siyang ipinako sa krus.” Bakit kailangan pa niyang sabihin at ipaalala ang Cristong ipinako sa krus samantalang ilang taon na ang nakalipas mula noong umakyat siyang matagumpay sa langit? Dahil alam ni Pablo na ang nagligtas sa tao ay hindi ang makapangyarihang Diyos kundi ang Diyos na nakapako sa krus. Kung walang krus, walang kaligtasan. Ito ang dapat laging maalala ng mga mananampalataya, kaya tama lang na lagi nilang makita ang krus at ang Cristong nagligtas sa kanila sa pamamagitan nito. Kaya sinabi ni Pablo, “Sa ganang akin, huwag nawa akong magmalaki maliban sa krus ng ating Panginoong Jesucristo.” Alin daw ang dapat ipagmalaki? Ang krus ni Cristo. Kabaligtaran ito ng itinuturo ng marami na hindi dapat ipagmalaki ang krus. Ang katotohanan ng krus ay kapangyarihan ng Diyos para sa mga naliligtas — yan ang sabi ng Biblia.

      Hindi nila binibihisan ang Diyos, rebulto lang yung binibihisan nila. Mas mali naman siguro kung mag-display ka ng estatwang nakahubad tapos sasabihin mong iyon ay larawan ni Jesus. Di ba masagwa yun? Ngayon, kung may mga mali man na practice ang ilang may-ari ng mga rebulto, sa kanila yun, walang kinalaman dun ang Simbahan o ang pananampalatayang Katoliko. Kung myembro ako ng Boy Scouts of the Philippines at kabayo ang ginagamit ko sa leeg sa halip na kalabaw, tama bang isisisi mo sa pamunuan ng BSP ang ginawa ko? Tama rin bang sabihin mo na ang BSP ay hindi makabayan dahil kabayo ang ginagamit nila na para bang ito ang itinuro ng organisasyon? Mali, di ba?

      Tungkol sa pagsamba, kayo lang namang mga tagalabas ang nagpupumilit na mayroong dapat pagtalunan. Sinasabi nyong masamang sumamba sa idolo, sinasabi naming masamang sumamba sa idolo, pero ipinagpipilitan ninyong itinuturo namin ang hindi naman namin itinuturo. Hindi ba’t yun ang talagang masama? Malinaw sa mga turo ng Simbahan na iisa ang Diyos at hindi dapat sumamba sa mga hindi Diyos, pero ipinagpipilitan ninyo na itinuturo namin ang pagsamba sa hindi Diyos. Pagsisinungaling yan at paninirang-puri. Kasalanan yan.

      Ang pagsamba ng mga Israelita sa guyang ginto ang naging dahilan ng kanilang kamatayan, hindi ang mismong paggawa nito. Sa kabilang banda, ang pagtitiwala nila sa Diyos ang nagligtas sa kanila sa pamamagitan ng tansong ahas, hindi ang mismong pagtingin dito. Ang kalooban ng tao ang nagpapasya sa kanyang buhay at kamatayan. Walang kinalaman dito ang presensya ng gintong guya o ng tansong ahas. Ang mga ito ay walang kayang gawin sa kanilang sarili.

      Sa halip na magpalason sa turo ng ilang mga ignoranteng pastor at mangangaral dyan sa tabi-tabi, na lumitaw mula sa kawalan, dapat unawain ng mga gustong maging alagad ni Jesus kung ano talaga ang espiritu ng Kasulatan.

  29. michael said,

    Hindi po natin pedeng ihalintulad ang batas ng tao sa batas ng diyos,,kung ang utos ng pamahalaan natin nagawing bayani ang isang tao,,ibahin natin po ang batas at panukala ng ating panginoon diyos,,kung ihahalintulad nyo po ang kautusan ng tao sa diyos ,,isa po ung napakalaking kasalanan sa diyos,,sapagkat tao lang tau nahindi pedeng tumbasan o pantayan ang ating panginoon diyos,,marami pong talata sa bibliya na pinag babawal o mag isip palamang na gumawa ng rebulto,ang pinakamalaking katanungan sa mga tao na naniniwala ka ba sa bibliya o hindi?dapat po sa bawat pag bigkas o pangagaral tungkol sa ating pananampalataya ay dapat nakasalig sa banal na kasulatan,,ang isang tao na nangagaral at ang nasa puso nya ay ung maganda lang sa paningin ng tao,,mabuti nating alamin na mabuti ba rin un sa diyo sapagkat wala perpektong tao maliban lamang sa tao at maraming katangian na binigay ng diyos sa kanya na ating panginoong jesus,,….maraming salamat po sa bukas na pag iisip at dito ginamit ang binigay na talino ng ating diyos ama sa pag basa ng aking comento!!!!!at sana po masagot nyo po ito ng malinaw at nakasalig sa banal na kasulatan,,at hindi kung ano lang po ang nararamdaman mo po,salamat

    • vanillae said,

      “Hindi po natin pedeng ihalintulad ang batas ng tao sa batas ng diyos.”

      Sa umpisa pa lang ay mali ka na. Ang lahat ng gobyerno ay nagmumula sa Diyos (Roma 13:1), at ang tao ay dapat magpailalim sa kapangyarihan ng gobyerno. Paano mo nasasabing iba ang batas ng tao at ang batas ng Diyos? Ibig mong sabihin, labag sa batas ng Diyos ang mga batas ng tao? Mukhang malabo yata ang paggamit mo ng katwiran. Hindi mo ba alam na ang tao ay nilikhang kalarawan ng Diyos? Ayon yan sa Biblia, hindi ko yan damdamin. Ikaw, saan sa Biblia nanggaling ang ideya mo na kasalanan ang paghahalintulad ng batas ng tao sa batas ng Diyos? Hindi mo ba naisip na ang mga batas natin dito sa Pilipinas ay umaayon sa Sampung Utos? Paano mo nasabing hindi ito pwedeng ikumpara? Kung totoo na iba ang batas ng tao sa batas ng Diyos, ibig sabihin ay masama ang batas ng tao dahil kamo ay hindi ito pwedeng ihalintulad sa batas ng Diyos.

      • michael said,

        d mo po ako maunawaan!!!ang tao nag kakamali hindi perpekto,,ang diyos lahat ng bagay sa kanya perpekto!!!hindi lahat ng utos ng tao mataas man xa sa lipunan!!!parang sinabi mo po na nan d2 lang sa pilipinas ang diyos wala ka bang kapatid sa pananampalataya sa ibang lugar o bansa?ang kinaramihan batas ng tao ay lumalabag na sa utos ng diyos,,gaya na lang ng batas sa paghihiwalay ng mag asawa tanong?sa diyos pa ba un?doon na lang natin ihalimbawa,,kung gusto ng tao na mag ka rebulto dahil gusto nya un!!!ang diyos ay iba!!isipin pa lang ng tao na gumawa ng rebulto,malaking kasalanan na!!at un ay hindi nyo maunawaan!!!ayaw ng diyos ng rebulto!!!

  30. vanillae said,

    Michael: ang tao nag kakamali hindi perpekto

    Reply: Anong gagawin natin kung ang tao ay hindi perpekto, hindi na lang natin bibigyan ng pansin ang mga batas na gawa ng tao? Kung iyan ang idea mo, labag yan sa utos ng Diyos. Dahil sinabi niyang dapat sundin at igalang ang mga magulang. Ang mga magulang ay tao, at hindi sila perpekto, pero nagpapatupad sila ng kanilang batas sa loob ng tahanan at sa lahat ng mga anak. Ibig bang sabihin ay hindi dapat sundin ang kanilang mga patakaran? Ganun din sa eskwelahan at sa trabaho, ang mga panuntunan ay gawa lamang ng mga tao. Nangangahulugan bang hindi natin sila dapat sundin? Sa lahat ng lugar ay may mga batas at patakaran, at dapat natin itong sundin kahit pa hindi ang Diyos ang sumulat nito.

    Michael: parang sinabi mo po na nan d2 lang sa pilipinas ang diyos

    Reply: Hindi, ikaw lang ang nagsabi niyan.

    Michael: ang kinaramihan batas ng tao ay lumalabag na sa utos ng diyos

    Reply: Marami, pero hindi karamihan. At tulad nga ng sinabi ko, mayroon tayong tungkuling sundin ang mga batas na isinulat ng tao, maliban kung ito ay labag sa ating konsensya.

    Michael: kung gusto ng tao na mag ka rebulto dahil gusto nya un!!!ang diyos ay iba!!

    Reply: Hindi rin. Nagsasalita ka lang sa pangalan ng Diyos, pero hindi ka naman talaga niya pinagsasalita sa pangalan niya. Si Yahweh ay nagpagawa din ng mga rebulto. Kung nagbabasa ka ng Biblia, alam mo kung ano ang tinutukoy ko.

    Michael: isipin pa lang ng tao na gumawa ng rebulto,malaking kasalanan na!!

    Reply: Sige, ganito na lang; ipaliwanag mo ang prinsipyo sa likod ng pagbabawal ng Diyos ng paggawa ng mga rebulto.

    You are guilty of legalism just like the Pharisees. Nakatingin ka sa kautusang nasusulat pero hindi mo nasusunod ang espiritu nito dahil hindi mo ito tunay na nauunawaan. Sinasabi ni Pablo, “Ang tunay na Judio ay ang taong nabago sa puso’t kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat” (Roma 2:29). Kung mas mahalaga sa’yo ang tungkol sa mga batas — sa mga dapat at hindi dapat — kaysa sa pagbabago ng puso’t kalooban at pagkilala sa espiritu ng Kautusan, hindi ka rin magiging kalugod-lugod sa Diyos. Mananatili kang katulad ng mga Pariseo na gigil na gigil sa pagsasabi kung ano ang mga ipinagbabawal ng Diyos, pero si Cristo mismo ay hindi nila nakilalang nagmula sa Diyos dahil ang nakikita lang nila ay ang letra ng batas, sa halip na ang mga prinsipyo sa likod nito. Kaya tama lang na tawagin sila ni Jesus na mga mapagpaimbabaw.

    Michael: ayaw ng diyos ng rebulto!!!

    Reply: Hindi nga? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Talagang ang mismong rebulto ang ayaw niya? Kasi kung oo ang sagot mo, inaamin mo na rin na gumawa ang mga taga-sunod ni Felix Manalo ng ayaw ng Diyos noong iginawa nila siya ng rebulto. Dahil kahit anong sabihin, ito ay rebulto, at “ayaw ng diyos ng rebulto!!!”

    Pero sabi ko nga, mali ka pa rin sa claim mo. Dahil hindi galit ang Diyos sa rebulto. Ito ay mga bagay lamang tulad ng bato o metal. Wala itong moralidad o sariling pagpapasya. Hindi matuwid ang isip ng kahit sinong magagalit sa bato o sa bakal, hindi ba? Bukod doon, ang Diyos mismo ay nagpagawa ng mga rebultong gawa sa bato at metal. Isa pa, ang lahat ng talento ng tao, tulad ng pag-uukit o iskultura, ay mula sa Diyos.

  31. rhoda urabno said,

    Salamat po talaga at meronng usapang ganito. Sabi nga ng iba masama ang sumamba sa isang rebulto lamang pero sabi din ng iba walang masama dahil naging kawangis natin ang panginoon. Nagkatawang tao siya lalang ng espiritu santo. Kaya nga marapat lamang na irespeto po natin ang bawat isa sa kahit anung sekta po siya kasali. Hindi masama ang pagpapalaganap ng mga mabubuting salita ng ating panginoon kung ito’y ating isabuhay. Walang halaga ang puro salita kung tayo mismo sa sarili natin ay hindi naniniwala at nagtitiwala sa kanya. Sabi nga dito” (Mateo 13:16-17) mapalad kayo,sapagkat nakakikita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! Sinasabi ko sa inyo maraming propeta at matutuwid na tao ang nagnasang makakita sa inyong nakikita,ngunit hindi ito nakita,at makarinig sa inyong naririnig,ngunit hindi ito napakinggan. Talagang napakabuti ni Lord kaya ipagpasalamat na lang po na ang bawat tao na kanyang nilikha ay nakikilala po siya mapa rebulto man ito o sa isang bibliya. Dahil hindi namimili si Lord ng taong magsisilbi sa kanya.
    Sabi pa nga HUWAG NINYONG HATULAN ANG INYONG KAPWA,UPANG HINDI KAYO HATULAN NG DIYOS.. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa hatol na inihahatol ninyo sa iba. Ang panukat NINYo sa iba ay siya ring panukat sa inyo. BAKIT MO NAKIKITA ANG PUWING SA MATA NG IYONG KAPATID,NGUNIT HINDI MO PINAPANSIN ANG PUWING MONG GATAHILAN SA IYONG MATA? PAANO MONG MASASABI SA IYONG KAPATID. HALIKA’T aalisin ko ang puwing mo.,gayong gatahilan ang nasa mata mo? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang puwing na gatahilan at sa gayo’y makakikita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid… GOD BLESS US ALL

    • ngobzky said,

      basahin nyo po ang exodus sa OT ng bible.. at malinaw po ang sinabi ng Diyos sa 2nd commandment na wag sasamba sa rebulto oimahen na santo gawa pa sa kahoy!!!! ang tunay na Diyos ay banalna espiritu,, kaya karumal-dumal po sumangguni o sumamba sa rebulto…. ang parusa po nun pag namatay ang tao na hindi tinaggap c Jesus bilang Diyos at tagapagligtas at hindi nakapagsisis ng kasalanan xa po itatapon sa dagat-dagatang apoy ng impiyerno!!!!

  32. rhoda urabno said,

    SAY NO TO[ RH BILL····RH BILL IS A DEATH BILL·······

  33. elmer molina said,

    Hindi natin alam kung ano ang itsura ni Lapu-Lapu pero may nakikita tayong mga larawan niya. Masama ba kung iguhit siya ng isang larawan na hindi eksakto sa totoo niyang itsura? Ang totoo, tuwing maririnig natin ang salitang mandirigma, agad na bumubuo ang ating isip ng larawan ng isang mandirigma. Masama ba kung ang larawan na ginawa ng ating imahinasyon ay hindi katulad na katulad sa itsura ng tinutukoy na tao? Ganun din kay Jesus. Hindi nga natin siya nakita pero alam natin na siya ay tao, Hebreo, lalaki, at namuhay humigit-kumulang 2000 taon na ang nakalilipas. Base sa paglalarawang ito, maaari tayong makabuo ng kanya-kanyang larawan ni Jesus sa ating isip, at hindi tayo magkakasala kung hindi man kamukha ng totoong Jesus ang nabuo sa ating diwa. Ang mahalaga ay tamang pagkakilala natin sa kanyang pagkatao — at pagka-Diyos.

    Jesus said unto him, Thomas, because you have seen me, you have believed: blessed are they that have not seen, and yet have believed…John 20:29

    ang babaw naman ng faith nyo at kailangan mo pa ng picture para maremind duon sa ginawa ng mga saints at ni Jesus sa cross…

    Hebrews 13:15-16 “Therefore by Him let us continually offer the sacrifice of praise to God, that is, the fruit of our lips, giving thanks to His name. But do not forget to do good and to share, for with such sacrifices God is well pleased.” (NKJV)

    • vanillae said,

      Nagkakamali ka, Elmer. Ang pagamit ng mga larawan ay hindi tanda ng pagiging mababaw ng pananampalataya. Ibig bang sabihin ay negatibo ang kahulugan ng pagkakaroon natin ng mga larawan ng pamilya at mga mahal sa buhay? Ito ba ay nagpapakita na hindi natin magawang mahalin sila sa pamamagitan lang ng presensya nila sa ating isip at puso? Syempre, hindi! Tayo ay ginawang may pisikal na katawan, at hindi ito trip lang ng Diyos. Gusto niyang ma-appreciate natin ang kanyang pagka-Diyos at kadakilaan sa lahat ng aspeto ng ating pagkatao. Ito ang dahilan kung bakit may musika at sining. Hindi ito nagmula sa tao, ito ay mula sa Diyos. Ang kakayahang gumawa ng mga awit, umukit ng mga imahe, at gumuhit ng mga larawan ay galing sa Diyos; ibinigay niya ito sa tao para maging paraan ng pagdakila sa kanya at pagdanas sa kanyang presensya.

      Kung tutuusin, pwede tayong hindi gumawa ng larawan ng ating mga mahal sa buhay, pero dahil bahagi ito ng kalikasang ibinigay sa atin ng Diyos, kusang lumalabas ang talentong ito para i-appreciate natin ang kabuuan ng ating pagkatao. Siguro naman ay narinig mo na ang tungkol sa konsepto ng “left & right brain”. Napakalawak ng ating pagkatao, at higit namang napakalawak ng Diyos. Hindi mo ito pwedeng limitahan sa hindi nakikita. Gusto ng Diyos na maranasan natin siya sa bawat sense na mayroon tayo bilang tao. Napakalaki ng Diyos, at hanggat hindi mo iyon nari-realize, magiging limitado ang paghanga at pag-appreciate mo sa kanya. In other words, magiging mababaw ang iyong ugnayan at pananampalataya sa Diyos, dahil ang pananampalataya ay bunga ng pagkaunawa, at hindi ng bulag na paniniwala. Kung babasahin mo lang at uunawain ang iba ko pang mga tugon sa thread na ito, masasabi mong hindi ako nagkulang sa pagbibigay ng mga halimbawa at mga punto tungkol sa paksang ito.

      Pero para may mapag-isipan ka na agad, magtatanong ako sa’yo. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kailangan pang lumura ni Jesus sa lupa at gumawa ng putik para ipahid sa mata ng isang bulag, at pagkatapos ay paghugasin siya sa tubig ng Siloe? Hindi ba’t napakakumplikado pa nun? Pwede niya namang sabihing, “Makakita ka”? Tulad ng sinabi ko, ang Diyos ay isang malaking Diyos. Hindi mo siya pwedeng ikahon sa sarili mong interpretasyon at mga konsepto.

  34. ace said,

    Jesus says in John 4:24, “God is a Spirit and they that worship Him must worship Him in spirit and in truth.”

    • vanillae said,

      Worshiping in spirit does not require a person to be nonphysical. If we are in front of something, such as an altar, a chair, a table or another person while praying, we don’t stop being spiritual. These physical things cannot make us less spiritual.

      We appreciate arts and music with our spirit, although we all know that music has something to do with the physical ears, and the arts with our physical eyes. They are within a material world just like us but, at the same time, they communicate with us in spirit.

      God is spirit and we pray to him in spirit, we love him in spirit, we worship him in spirit; but to appreciate him, to feel his greatness, and to express awe in his creation is not something that opposes the concept of doing things “in spirit”.

  35. ace said,

    Ang paniwalaan ang Diyos sa spiritual nyang kaanyuan ay paniniwala sa pamamagitan ng pananampalataya. Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen”(Heb.11:1). we have to pray and worship God in spirit because that is faith.” And without faith it is impossible to please God, because anyone who comes to him must believe that he exists and that he rewards those who earnestly.” Hebrews 11:6

    • vanillae said,

      To have faith does not necessarily mean that we must not see the object of our faith. Real faith is not blind, it sees. If we have faith, we see through the eyes of faith. It does not hinder us from seeing; rather, it helps us to see with our spirit what the visible eyes cannot; but seeing with our physical eyes does not violate faith. Hindi magkasalungat ang pananampalataya at pagkakita. Ang mga apostol ay nananampalataya kay Jesus, at sa parehong pagkakataon ay nakikita nila siya. They see him and they also believe in him. Jesus didn’t have to disappear so just that the apostles may begin to have faith. They do have faith, of course, and being with Jesus, physically, does not contradict the concept of faith.

  36. ace said,

    “But without faith it is impossible to please Him, for he who comes to God must believe that He is, and that He is a rewarder of those who diligently seek Him.” Hebrew 11:6
    Bakit po sinabi dito na those diligently seek Him kung nakikita na Sya. Kung meron tayong nakikitang image ng Dyos sa harapan natin sa palagay ko di na natin sya hahanapin. Anjan na sya sa harap mo e.

    • vanillae said,

      “Kung meron tayong nakikitang image ng Dyos sa harapan natin sa palagay ko di na natin sya hahanapin. Anjan na sya sa harap mo e.”

      Your concept of faith is wrong. Ang pananampalataya ay hindi pagpikit sa presensya ng Diyos; sa halip, ito ay paniniwala sa kabila ng hindi pagkakita. To seek God does not mean to meet him face to face; it means, we must seek his will and live according to it. Ibig bang sabihin ay hindi na hinahanap ng mga apostol ang Diyos dahil sinabi ni Jesus na, “Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama”? Ibig sabihin, dahil nakita na nila ang Diyos, hindi na nila siya kailangang hanapin?

  37. james said,

    May tatlong sinabi ang panginoong Cristo un ay ang pag- asa,pnanampalataya at pagmamahal pero ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal sa palagay nyo ba maliligtas kayo ng relihiyon?lahat nman tayo iisang Dios lang ang pinaniniwalaan bakit pa tayo mag away-away eh iisang Dios lang nman ang pinaniniwalaan natin?mga kapatid ang gusto ng panginoong cristo ay magmahalan tayo, gusto nyang magkaisa tayo sa pagawa ng kabutihan hindi yong pag awayan natin sya.Ang totoong kristyano ay sumusunod sa utos ng panginoong Cristo,hindi yong nagdedebate tayo kung sino ang tama o mali,alam nman natin na lahat tayo may katwiran kung bakit ganun nalang ang ating paniniwala.sa tingin nyo ba may namomoong pagmamahalan sa ating ginagawa ngayon?pano natin magawang magmahalan eh nag aaway tayo?lam nyo mga kapatid kung gusto nating mapasadios dapat nating sundin ang nais ng Dios para sa ating lahat kung gusto nating maligtas hindi nman natin kailangan ang relihiyon eh dahil ang kaligtasan ay ayon sa nagawa ng tao hindi nman kumo nasa tamang relihiyon ka e maliligtas ka sa tamang relihiyon ka nga e puro kasamaan nman ang gnagawa mo?hindi ka parin totoong christiano nyan kc hindi m sinusonod si cristo?kaya mga kapatid wag n tayong mag away magulo n nga ang bansa natin pate b nman sa ispiritual n buhay at paniniwala magulo din?kaya magmahalan nlang tayo mga kapatid salamat poh

    • yuhan said,

      ang kaligtasan ng tao ay personal hahatulan ka ng LORD pag namatay kana.. pag tinaggap mu ang Lord at nagsisi ka sinunod mo ang kanyang utos habang nabubuhay kp at nagpaka banal ka gaya ng nasusulat sa bible ikaw ay maliligtas ang iyong kaluluwa ay mapupunta sa langit… pero pag wala ang Lord sa buhay mu at nireject mu xa at hindi ka nagsisi pag namatay young tao ang cguradong pupuntahan ng kaluluwa nya ay sa dagat dagatang apoy ng impyerno!!!!!!!!!!!!!! hindi pa po huli mga kapatid ang iyong kaligtasan… read the bible find true christian people na makakatulng saiyo na mabahaginan ng salita ng Diyos ang banal na BIBLIYA…

  38. joven said,

    tama ka james, hindi ka ililigtas ng relihiyon mo ang magliligtas sa iyo ay yong pagtupad o pagsunod sa kalooban ng dios, yan ang pinakamahalaga kc kung nasa matuwid ka mang relihiyon kung di mo sinusunod ang batas nyo di ka pa rin makakaligtas, ang tunay na relihiyon ay yong sumusunod sa batas at utos ng dios. kaya mga kapatid magkaisa tayo sa iisang layunin ang magmahalan ng naaayon sa panginoon, at magtutulong tulong tayo maging salbabida tayo ng mga nalulunod na kaluluwa.. sagipin naten itong mga natutulog na nilikha,

  39. jun loria said,

    hindi naman po talaga masama ang gumawa ng mga rebulto lalo ng mga bayani para mapaalala sa atin ang kanilang mga kabayanihan, pero aminin man natin at hindi ang mga rebulto sa simbahan ay hinahalikan at niluluhuran na hindi namn ginagawa sa mga munomento ng mga bayani diba?

  40. Mark Samson said,

    Kaya po pala halos mamatay ang mga tao sa pista ng nazareno . Maka punas lang . Ngunit wala sa bibliya ang pag punas sa puong gawa ng tao ay nkaka galing ngunit sa panalangin at pananampalataya.

    Pangalawa , Si mama Marry nyo . Pwede bang malaman bakit kailangan sakanya padaanin ang dasal samantalang libreng libre nkikinig satin ang panginoong Hesus. wala ba kayong tiwalang ndidinig nya kayo at kailangan pang pdaanin at lagyan ng kandila & sampaguita.

    Pangatlo mag ingat ka po sa mga sinasabi mo kasi baka nkaka ligaw k ng mga kaluluwa ng tao. Tandaan po natin maging si Juan Bautista ay ayaw na sambahin sya. Ung mga taong nag babasa ng bibliya at namulat, huwag mong sabihang mahina ang tungkod . ms maganda pong suriin nating ang bibliya wag nating pigilan ang tao. Naway pag palaain at imulat tayo ng nag iisang Diyos at panginoon ng buhay nten si Hesus.

    Isang mapagpalang araw ang karunungan ng panginoon ay sumaatin nawa.

  41. jovenblog said,

    mga kapatid hindi po talaga dapat sambahin yan rebulto na gawa ng tao, yan ay isang uri ng pag respeto kc kung tayo ay mananalangin at nakatayo ang sabi ng ng esperito dyn kapantay mo lang ang tinatawagan mo kaya binigyan tayo ng tuhod para gamitin sa kanya iluhod naten yan ang tamang pag samba sa tinatawagan itinuturing syang hari ng mga hari kaya ang turo ng mahal na san pablo pahirapan ninyo ang ang inyong sarili, supilin nyo ito pagtrabahuhan ninyo ang inyong kaligtasan ng may takot at panginginig, ngayon kung tayo mananalangin ng walang sakripisyo anong pakikiisa sa dios ang mararamdaman mo samantalang ang panginoon ni hindi nag reklamo hanggang sa huli ng kanyang buhay. at ang tinatawag ng dios diosan ay ito nasusulat kapag ang isang bagay ay inubos mo ang oras mo dito ang sa ng dios ito na ang dyinodios mo ito na pinapanginoon mo, tama sapagkat lahat ng oras mo ginugol muna halos hindi muna malabanan ang hilig ng laman dahil walang tayong sakripisyo kaya nga sabi pahirapan natin ang ating sarili. ang tanong ngayon matutulungan ba tayo nung pinapanginoon naten?

    saka hindi dapat pinaguusapan ang relihiyon dito dapat dugtungan lang kung may alam kayo ilatag nyo upang sa nakakabasa pagaaralan nila yon kung tama o hindi kunin lang ninyo yong sa tingin nyong pwede dahil napakalwak ng bukirin napakalawak ng aanihin iilan lang ang mga manggagawa, kaya maging salbabida tayo ng mga nalulunod na kaluluwa isalba natin sila

    kung papayagan ninyo akong ikwento bakit napahalaga ng papel ng mahal na ina: kung bubuksan natin ang ating isipan at wag natin ikahon dapat palawakin natin ang pangunawa sapagkat ang dios ay napaka lalim ang naghahanap ng katotohanan ay ipinagkakaloob subalit mag ingat at magsuri sa lahat.,

    paki basa ang kasaysayan ng virgin of guadalupe at fatima aparisyon yan nila kung bakit kasama sa 3 persona ang mahal na ina.

  42. serenity said,

    Bakit po lumuluhod ang mga kristiyano sa mga rebulto?

    • vanillae said,

      Iba-iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nila ito ginagawa, pero sa pangkalahatan, ito ay pagpapakita ng debosyon o pagmamahal sa linalarawan ng rebulto o imahe. Ito ay katulad ng paghalik sa “picture” ng mga anak, magulang o sinumang mahal sa buhay.

      • Acer said,

        Sabi nyo po iba iba ang dahilan ng mga tao kong bakit ginagawa nila ito?ibig po sabihin ang katoliko walang concrete na doctrine,ksi bakit ang mga myembro may kanya kanya silang paniniwala ukol dito.

      • vanillae said,

        Ang pagkakaiba-iba ng debosyon ay hindi nangangahulugan ng pagkakaiba-ibang ng doktrinal na paniniwala. Kahit saan Cristianong pagtitipon ay may makikita kang yumuyuko, lumuluhod o nagtataas ng kamay habang nagdadasal. Lahat ng ito ay katanggap-tanggap at walang pagsasalungatan. Maaaring ikaw ay nagdadasal na magkahawak ang dalawang kamay at nakayuko, habang ang iyong katabi ay nakataas ang kanang kamay at ang katabi niya naman ay nakatingala at nakataas ang dalawang kamay. Hindi ito ikagagalit ng Diyos.

  43. ariel said,

    tama kung ano ang nasusulat sa bible un lang wla na dapat dagdag na salita..

    • mike cariaga said,

      walang kwenta ang mga dahilan ng mga un beilever,,mga samba ng samba sa dios diosan,,ang taong hindi marunong tumanggap ng katotohanan ay wala sa sariling katinuan,,,walang ibang dios si jesus lamang,,magaling pa ang isang bulag kesa sa mga nakakakitang nagiging bulag,

      • ngobzky said,

        thats true brother!! praise the Lord.. cla ang binulag samaling katuruan.. in John 3:3 the bible says Unless a man be born-again he cannot seethe kingdom of God…

  44. stiff said,

    Magpasalamat tayo sa dios na nagbukas ng ating isipan na maunawaan at maintindihan ang mga bagay na hindi natin nalalaman. Dahil ang iba’y binulag niya ang kanilang kaisipan upang hindi sila makakilala at makaunawa ng mga katotohanan tungkol sa Diyos.

    “Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa;
    tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.’”

    JUAN 12:40
    Binulag ng Diyos ang kanilang mga mata
    at pinatigas ang kanilang mga puso,
    upang sila’y hindi makakita,
    ni makaunawa ang kanilang mga isip,
    baka pa sila’y manumbalik sa akin
    at sila’y pagalingin ko. (PROPHECY NI ISAIAH 6:9)

  45. gilbert said,

    MAGANDANG HAPON PO SA INYU sa totoo lang po hindi dapat naman pag awayan ang ganyang bagay may sariling pag iisip naman tayu mabuti pa basahin nyu nalang ang bibibliya para MALAMAN NYU KUNG ANU ANG TOTOO ang kaligtasan ng isang tao ay wala sa rilihiyun kundi na sa iyung saloobin basta may takot kalang sa dios at sundin ang yapak sa panginoon. kung gusto nyu malinawagan yung pag iisip nyu magbasa lang kayu maraming salamat

  46. gilbert said,

    DAPAT po ay laging nakabukas ang inyung puso para sa panginoong jesu kristo hindi naman dapat pagawayan ng ganyang bagay hindi gusto ng panginoon na na mag awaway ang mga tao ng walang dahilan iisa lang nam,an ang ating sinasamba ang panginoon pro dapat po natin sundin ang utos ng panginoon kung gusto po nenyung malaman kung anu ang utos ng panginoon basahin nyu ang bibliya para maka intindi kayu ng at hindi na kayu magtanung ng kanino pa binigyan naman tayu ng mata sa panginoon para bumasa at binigyan dn tayu ng pag iisip para tayu ay makaintindi… salamat po

  47. Thadeos said,

    1 Chr. 28:18–19, tungkul yan sa pinapagawang templo ng Dios na may mga rebulto ng chariots, cherubim, at rebulto ng Ark of the covenant. wel bilang Katoliko alam ko na may nakakita na kay Hesus kaya Katoliko lang sguro ang lantarang nagpapatunay na totoong nakita si Jesus dito sa munto na naisalarawan siya. hindi nman ata mga bulag ang tao noon ung mga nakakita sakanya sguro kung may camera lang noon sangdamak-mak na photo at imahe makikita nyo. yung nakikita nyo sa Katoliko na minsan lumuluhod sa imahe ni Jesus o minsan pumapahid sa rebulto nya ay ang mataas na level na kanilang pagrespeto yun.kase samin katoliko pwede namang hindi ka lumuhod depende sa level ng pagrespeto mo sa emahe nya. kagaya rin un sa mga born again jan na humahagolhol na sa iyak na naglilipasay na at rock in roll sa pagkanta ng pagsamba na kung hahanapin sa bibliya ay hindi naman nababasa.

  48. gilbert said,

    kung may nakakita kay jesu christo sinung tao yun may nakalagay sa bibliya na nagpapakita ang dyios sa tao pro hindi ang mukhuh kundi ang kanyang kamay at tagiliran, , kung sinasamba nyu ang mga rebulto dba ang dyos naman ang nagsabi na hindi tayu magsamba ng mga larawan oh mga inukit sa mga kahoy dahil ang panginoon ay seloso bakit hindi ba kayu naniniwala sa mga sinasabi ng ating panginoon.. but other wise walang rilihiyun can save but only your faith

    • vanillae said,

      I have to correct you, Gilbert. Ang tinutukoy mong Diyos na hindi nakikita ng tao nang mukhaan ay ang Ama — si Yahweh. Si Jesus, ang Salita, ay naging tao at nakipamuhay sa mga tao. Isinilang siya ng isang babae, kumain kasama ng kanyang mga alagad, at ipinako sa krus. Siya ay may pisikal na anyo na nakikita ng pisikal na mata. Pero hindi lang yun. Si Jesus mismo ang nagsabi na nakita na ng kanyang mga alagad ang Ama, dahil ayon sa kanya, “Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama.” Tama ka, kailangan magbasa ng Biblia, at basahin ito nang maayos.

  49. Mona said,

    Juan 4:24

    Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at katotohanan.

    Hebreo 11:1

    Tayo’y may pananalig kung nagtitiwala tayong mangyayari ang mga inaasahan natin, at naniniwala sa mga bagay na di nakikita.

    Isaias 2:8

    Puno ng diyus-diyusan ang kanilang lupain,
    Sila’y lumuluhod sa idolong sila na rin ang gumawa
    (Isaias 44:9-20 WALANG KABULUHANG PAGTITITIWALA)
    (Isaias 45:20-23 ANG DIYUS-DIYUSAN AT SI YAHWEH)
    (JEREMIAS 10:1-11 ANG PAGSAMBA SA DIYUS-DIYUSAN AT ANG TUNAY NA PAGSAMBA)

    Hello Ms. Vanillae,

    alam mo ba na ang images na niluluhuran at dinasalan ng ibang mananampalataya ay ginuhit lamang ni Da Vinci… hindi nag-iwan ng kahit anong mukha si Cristo ng sya ay magkatwang Tao, wla syang sinabi sa lahat ng pahina ng Bible na pwede tayo lumuhod at magpunas sa mga rebulto o santo at gawin itong simbulo ng Diyos. Hindi magiging katotohanan ang pagsamba o pagpupuri natin sa Diyos kung haharap tayo sa isang rebulto na gawa lang ng tao. Bakit kailangan natin ng isang simbulo para lang maalala natin n my Diyos pala na dapt nating sambahin? Kailangan nating isapuso ang pagmamahal sa Diyos… hindi natin pwede ihalintulad ang Diyos sa isang watawat o s mga rebulto natin din…. Iba ang batas ng Diyos sa batas ng tao. Hindi natin ito pwede ikumpara dahil ang Diyos ay Banal. Wla syang katulad. Ginawa nya lang tao.

    Juan 20:29

    Sinabi ni Jesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako?
    Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

    Ang templo ng Diyos ay ang katwan nating mga tao. Wala syang kinikilalang templo dito sa lupa (Gawa 17:23-27)

    Roma 1:22-23

    Sila’y nagmamarunong ngunit lumitaw na hangal nang talikdan nila ang kadakilaan ng Diyos na walang kamatayan at sambahin ang mga larawan ng taong may kamatayan (mga Santo), ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nilalang na nagsisigapang.

    Roma 1:25

    ….Sinamba nila at pinaglingkuran ang nilalang sa halip na ang Lumalang na siyang dapat papurihan magpakailanman. Amen.

    Roma 2:8

    Datapwat matinding galit at poot ang babagsak sa mga lumikha ng pagkakabaha-bahagi at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan.

    Matuwa nga dapat tayo, dahil tayong mga Hentil kung tutuusin ay hindi kasama s mga nabiyayaan ng Panginoon noong una ng kaligtasan kundi ang mga Israelitas lang. Pero dahil sa habag ng Diyos ipinadala nya ang kanyang Bugtong na Anak para sa kaligtasan ng lahat ng tao sa sanlibutan.
    Pero dahil may mga tao na hindi FULL GOSPEL at doktrina lamang ang pagbabasa ng Bible isinasantabi nila ang utos ng Diyos. Kung sasabihin mo na simbulo lamang ang paglalagay ng mga rebulto sa isang simbahan, dinadagdagan mo na ang Salita ng Diyos. Hindi kailanman magiging katotohanan ang mga bagay na nakikita.

    Roma 3:10

    Ayon sa nasusulat:
    “Walang matuwid, wala kahit isa;

    wla ni isa man sa atin ang matuwid s paningin ng Diyos kaya nga kailangan natin syang hanapin….

    Roma 8:14

    Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.

    espiritu ang dapat nating paganahin sa paghahanap sa Diyos at hindi sa harapn ng mga rebulto.

    tama ka, hindi nababatay sa pagkain o inumin ang pananalig sa Diyos. Kundi nasa puso… Sa pagiging isang Kristiyano, kailangan nating ipanganak muli (to be born again)…. una ang pagbabautismo sa tubig (fully acceptance of God) at ang bautismo ng Espiritu Santo… Wala namn talang bawal sa Diyos… tao n lang ang masyadong marami magbawal… dahil iisa lang ang bawal sa Diyos… ang paggawa ng masama. nakapaloob na lahat jan kung ano ba talga ang kalooban ng Diyos sa atin.

    2 Corinto 5:17

    Kaya’t nag sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; at siya’y bago na.

    Sa pagtanggap natin ng buong buo sa Diyos, isusuko natin ang lahat sa atin at aaminin natin na makasalanan tayo. Kya nga ang pagtanggap sa Diyos ay buong lakas, buong puso at buong kaluluwa. Dapt maramdaman nating mas mahal natin ang Diyos kesa s lahat ng bagay na nakikita natin. Kesa sa mga mahal natin sa buhay… maraming binabago ang Diyos sa isang tao kapg tumanggap na ito… mawwla ang pagkatao natin na nakahumalingan natin at iisa n lang ang makikita natin, kundi ang Diyos na hindi nakikita pero nararamdaman ng espiritu. Huwag tayong gumawa ng mga salita na ayon lang sa karunungan nating tao… kundi karunungan na mula sa Diyos. hindi lang sa sariling pang intindi lang natin sa mga bagay-bagay kundi kung ano talga ang tunay na kalooban ng Diyos.

    1 Corinto 2:14-16

    Sapagkat ang taong di nagtataglay ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng bawat bagay, ngunit walang nakauunawa sa kanya. Ganito ang nasasaad sa Kasulatan,

    “Sino ang nakaaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
    Sino ang makapagpapayo sa kanya?”
    Ngunit ang pag-iisip ni Cristo’y taglay natin.

    Ang Patnubay o ang Holy Spirit na iniwanan sa atin ni Jesu-Cristo ang magtuturo sa atin ng tama o mali… ang Diyos ay nagsimula sa Espiritu kaya dapat din tayong magtapos sa espiritu

    Galacia 3:3

    Napakahangal ninyo! Nagsimula kayo sa Espiritu at ngayo’y nagwawakas sa laman.

    Huwag tayong magtiwala sa mga bagay na nakikita natin, dahil ang lahat ng nakikita natin ay pwedeng madaya ng diyablo… lahat kayang gawin ng diyablo. pwede nyang gayahin ang Diyos at pinahihintulutan yon ng Diyos tulad ng naranasn sa Chapter ni Job, dahil tayong mga tao ay nasa ilalim ng sumpa ng Diyos

    Hebreo 6:18

    Hindi nagbabago at hindi man lang nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya’t tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya.

    isa lang ang hindi kayang gawin ng diyablo… ANG KALIGTASAN na ipinangako ng Diyos sa atin. Laht ng tao masama man o mabuti ay mahal ng Diyos, dahil tayo ay nilalang ng Diyos by His own pleasure…pero kapag umalis na tayo sa mundong ito at hindi natin nakilala ang Diyos na Buhay wala ng mgagawa ang Diyos para iligtas pa tayo… Maraming pagkakataon ang ibinibigay sa atin ang Diyos para magbalik loob tayo sa kanya. alamin natin ang totoong Diyos na paglilingkuran natin para makaalis tayo sa sumpa nya at makuha natin ang laht ng pangako nya… Merong 7000 promises ang Diyos, at ang iba jan ay natatanggap na natin…. kaya ang pagtititwala natin dapat ibigay lang natin sa Diyos at hindi sa mga taong mga tradisyunal ang tinuturo sa atin…
    Sana makatulong ito sa lahat ng naghahanap sa Diyos… kc ang Diyos ay buhay, andun lang sya sa taas at nakamasid sa atin kaya hindi natin kailangan ang mga simbulo ng gawa lang ng tao. Magtiwala tayo sa Diyos at hindi sa mga diyus-diyusan para lang maalala natin lagi ang nag-iisang Diyos…

    God Bless Everyone!!!
    To God be the Glory….

    • vanillae said,

      Una sa lahat, “Sir” po, hindi Ms. =)

      Tungkol sa mga iginuhit ni Da Vinci, kailangan mong malaman na hindi siya ang nag-iisang may talento sa paguhit ng mga larawan. At bago pa rin ang panahon ni Leonardo, marami nang mga tao ang nabiyayaan ng ganitong kakayahan. Sa panahon ng mga unang Cristiano, isa si San Lucas sa napakaraming bilang ng mga taong marunong magpinta. Kinikilala siya ng mga Katoliko na “patron saints of artists”. Hindi malayo na magkaroon siya ng inspirasyon na iguhit ang mukha ni Jesus. Pero kung hindi man yun nangyari, hindi nangangahulugan na masamang magkaroon ng representasyon ang Panginoon. Kung may camera noong panahong iyon, walang dahilan para pagbawalan ni Jesus na kunan siya ng litrato upang ang kanyang larawan ay tingnan ng kanyang mga alagad nang may pagmamahal tulad ng pagtingin namin (na mga nakaka-appreciate ng art at photography) sa larawan ng aming mga mahal sa buhay nang may damdamin. Sinasabi mong hindi makatotohanan ang pagsamba kung tayo ay sasamba sa harapan ng larawan na nag-uugnay sa atin at sa Diyos. Ang katulad nito ay ang pagsasabing hindi totoo ang pagmamahal natin sa ating mga mahal sa buhay kung minamahal natin sila sa kanilang larawan na gawa lang ng tao. Para yatang ang pahayag mong iyong ang lalong hindi makatotohanan. Kailangan natin i-recognize ang lahat ng aspeto ng ating pagkatao at kasama doon ang katawan. Dapat bang mahalin ang Diyos sa pamamagitan lamang ng ating espiritu o dapat natin siyang mahalin sa pamamagitan ng ating buong pagkatao? Hindi ba’t ang mga Cristiano, maging ang nasa ibang relihiyon ay nagtataas ng kamay, gumagamit ng salita, kung minsan ay yumuyukod o lumuluhod tuwing humaharap sa Diyos? Labag ba ito sa konsepto ng pagsamba sa Diyos sa espiritu?

      Sinasabi mo na iba ang batas ng Diyos sa batas ng tao. Ibig mo bang sabihin na ito ay magkasalungat? Na ang batas ng Diyos ay mabuti at ang batas ng tao ay masama? Hindi ba’t lahat ng mabuti ay mula sa Diyos dahil “iisa lang ang mabuti” (Mateo 19:17)? Kung ang batas ng tao ay iba sa batas ng Diyos, matuwid lang na hindi natin ito sundin. Sinasabi mo bang hindi natin dapat kilalanin ang batas ng tao? Sa tingin ko ay mali ang iyong pagkaunawa. Ang lahat ng autoridad ay mula sa Diyos (Roma 13:1), at dapat tayong magpasailalim dito, ayon na rin sa kalooban ng Diyos.

      Ang mga anghel ay espiritu at dapat ituring na espiritu pero ang Diyos mismo ang nag-utos na gawan sila ng imaheng nakikita at nahahawakan. Kung ang espiritu ay pinagawan ng Diyos ng larawan, bakit niya ipagbabawal ang pagkakaroon ni Jesus ng larawan, gayung siya ay may pisikal na katawan? Iniisip mo ba na ang Diyos ay utos lang nang utos nang walang kapararakan at dahilan? Ang labag sa kanyang kalooban ay ang pagsamba sa mga hindi Diyos. Ang pagsamba ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay o pag-iral sa estadong nakahihigit sa lahat. Ito ay gawang espiritwal na maaaring irepresenta sa pamamagitan ng pisikal na aksyon tulad ng pagtaas ng kamay, pagluhod o pagyukod. Pero hindi nangangahulugan na ang lahat ng pagtataas ng kamay, pagluhod at pagyukod ay pagsamba. Ang pagpapatirapa ni Jacob sa harap ni Esau ay hindi pagsamba sa kanyang kapatid. Ang pagtaas ng kamay sa harap ng guro ay hindi pagsamba. Ang pagluhod sa isang nililigawan o sa harapan ng asawa ay hindi pagsamba. Ang pagsamba ay ang intensyon ng puso na ilagay ang sinasamba sa pinakamataas na karangalan, at tanging ang puso ng taong gumagawa nito ang nakaaalam kung sino ang kanyang sinasamba. Ang pagdarasal sa harap ng isang rebulto ay hindi pagsamba sa rebulto kundi sa kung sinumang nasa puso ng taong nagdarasal. Hindi ito basta makikita ng mata. Ang paghatol sa pamamagitan lamang ng nakikita ay isang masamang paghusga. Ang pagsaludo sa watawat ng Pilipinas ay hindi pagbibigay-galang sa isang piraso ng tela, kundi pagpaparangal sa kung ano ang nasa puso ng taong sumasaludo dito. Ang pagsamba sa harapan ng Kaban ng Tipan ay hindi pagsamba sa Kaban kundi sa Diyos. Kakailanganin mong pasinungalingan ang Biblia para maitanggi mo ang katotohanang ito.

      “Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”
      Ibig bang sabihin nito ay malas at walang pananampalataya ang mga nakakita sa kanya. Hindi ba sila nabibilang sa mga mapalad? Muli, ang pagsamba ay nagmumula sa puso at tanging puso lamang ang nakaaalam kung sino ang sinasamba nito.

      Hindi mo maikukulong ang Diyos sa pagkaunawa mo sa kanyang mga salita. Kakailanganin mong angkinin ang pagiging mensahero ng Diyos–isang tao na kanyang isinugo–para magsalita sa opisyal na paraan para sa Diyos.

      At wala rin masyadong maitutulong ang pag-quote mo ng mga passage sa Biblia dahil halos lahat ng nandito ay nakabasa na sa mga bahaging iyan pero hindi lahat ay may pare-parehong pakahulugan. Kung gusto mong gamitin ang mga ito sa iyong pangangatwiran, mas mabuting ideretso mo na sa iyong paliwanag kaysa gumawa ka ng pitas-pitas na mga pahayag at magbakasakali na uunawain ito ng lahat ayon sa sarili mong pakahulugan.

      Muli, nabasa na nating lahat ang Biblia, hindi na ito kailangang ilista dito.

  50. Mona said,

    Hello Mr. Vanillae,

    Ang paghatol ay iba sa pagsasalita ng katotohanan… ang hatol ay sinabi ko na sanang masusunog ka sa impyerno kc sumamba k sa diyus-diyusan… Naging katoliko din ako for 30years… Devoted kami sa isang simbahan ng Katoliko. Madals kami mag rosary every 6pm. laht ng family ko… ang brother ko ay pinagsakristan p namin dahil sa palagay namin ay makaktulong un para mas lalo kaming mapalapit sa Diyos. Kung pagiging devoted lang ang pag-uuspan ay isa na kami ng buong family ko dun. binibigyan lng kita ng konting info kaya alam ko ang katuruan ng katoliko.

    Ang paggamit natin ng sariling karunungan at kaalaman base lang sa naiisip mo ay hindi makatwiran lalo kung tungkol sa Diyos ang topic natin. Hindi ko kinukundena ang Catholic dahil wala akong karaptan. Diyos lang ang pwedeng humatol at sya ang nakakakita ng puso natin.

    Ibabalik ko ang tanong mo. Tingin mo nga ba ay hindi masama ang nagiging batas ng tao? tingin mo nga ba malinis ang batas ng tao sa mga nangyyri ngayon sa bansa natin? hindi tayo bulag sa mga batas ng tao. at alam n alam mo yan kung updated ka sa mga balita s mundong ito…
    tingin mo ba ang batas ng tao at ang batas ng Diyos ay iisa? mukhang yun ang malaking pagkakamali. Kung sasabihin mo sa akin na walang malaking maitutulong ang pag quote ko ng Bible passages. dahil ang Diyos ay gumawa ng Kasulatan para maging guidelines natin sa pagsunod sa mabuti…. pero ang batas diba ng tao ay unfair, kung sino ang mayaman sya ang kikilalanin, at kung sino ang dukha sya pa ang inaapi. at kung sino ang nasa posisyon, sya ang makpangyarihan… Siguro namn napakalinaw n nyan sau na ang Batas ng Diyos ay pra sa kaligtasan ng lahat ng tao at hindi lang pra sa mayayaman, hindi lang para s mga nasa posisyon, hindi lang para sau at para sa akin.. Kundi para sa lahat ng nilikha nya.

    Juan 8:51

    Tandaan ninyo: ang namumuhay ayon sa aking aral, kailanma’y di makararanas ng kamatayan.

    Bakit hindi ko gagamitin ang Bible sa pagsasabi ng katotohanan kung ito ang makakatulong sa isang tao na dapat tayo mamuhay ayon sa salita ng Diyos, dahil ang Salita ng Diyos ay puro kabutihan at hindi tulad ng sinasabi mo na prang ang batas ng tao ay ang Diyos din ang gumawa.
    Ang gawa ng tao ay gawa ng tao, at ang gawa ng Diyos ay gawa ng Diyos.
    Bilang tao, kailangan mo sundin ang batas na ipinapatupad ng tao,
    OO, iba ang batas ng tao sa batas ng Diyos… 100% sure ako dun, at sana ganun din ang pananaw mo. Dahil ang Diyos ay consistent sa laht ng ginagawa nya… Hindi sya tulad ng tao na INCONSISTENT… ganun ba ang pagkakilala mo sa Diyos, tulad lang sya ng tao n napakababaw… Ganun b ang akala mo n kung nagsisimba ka, nananmplataya ka base sa sarili mo lang kaalaman ay ligtas kana. Ang pagiging mensahero ng Diyos ay hindi base lang sa karunungan ng tao… kundi magiging mensahero ka dahil pinaramdam sayo ng Diyos na kailangan mo mag Share ng Gospel para sa kaligtasan ng lahat. Hindi lang dahil gusto mo, kundi un ang gusto ng Diyos. Huwag mong ilinya ang Diyos na tulad ng tao.. Ngayon kung gagamitan kita ng Bible, dapt lang kc hindi tao ang pinaguuspan natin, at napkalaking kasalanan sa Diyos kung magbibitaw ako ng isang salita na hindi nman un ang naayon… dahil ang pagsi-share ntin ng Gospel o ang pagpapaunawa ng totoong kaligtasn dpat ay tama, at hindi dahil un ang sinasabi ng isip natin. Dahil laht ng lumalabas sa ating bibig lalo at mali ay pagsusulitan natin sa Diyos…

    Juan 20:29

    Sinabi ni Jesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako?
    Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

    hindi ko ito salita, Salita ito ng Diyos. bakit parang ang pagttanong mo ay kathang isip ko lang yan?

    Bkit mo din nasasabing ang lahat na nandito ay nakabasa n ng Bible, sigurado ka ba? kc kung nabasa mo na ang buong Bibliya sna naramdaman mo din na na-born again kana. Sna naramdaman mo ng na-baptized kana ng Holy Spirit at natanggap mo n ang karunungan at kaalaman na mula sa Diyos…

    Gawa 2:38-39

    Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at mapabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin; at ipagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”

    Naniniwala ka ba sa pagkilos ng HOLY SPIRIT sa buhay ng tao?

    Juan 15:7

    Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo.

    Roma 8:26-27

    Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin ng wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang din magagawa ng pananalita. At nauunawaan ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng tao, ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.

    1 Corinto 2:10-12

    Subalit ito’y inihahayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos. Walang nakaaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayon din naman, walang nakaaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. Hindi ang “espiritu ng sanlibutan” kundi ang Espiritu ng Diyos ang tinanggap natin upang ating maunawaan ang mga kaloob niya sa atin.

    1 Corinto 2:15

    Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng bawat bagay, ngunit walang nakakaunawa sa kanya.

    Dahil kung tumanggap kana sa Espiritu ng Diyos, maiintindihan mo ang mga sinasabi ko sa paraang espirituwal.

    1 Corinto 3:16

    Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu?

    (Pakibasa mo din ang 1 Corinto 8:1-13. Makakatulong ito sa lahat para malaman natin ang kalooban ng Diyos)

    sasabihin mo n kung may camera lang noong unang panahon ay hindi para pagbawlan ni Jesus na kuhanan sya ng litrato…. alam mo ang pagdadagdag ng Salita ng Diyos ay sobrang malaking pagkakasala. Hindi ka pwede mag kuro kuro na kung may camera lang dati eh papayagan ni Jesus un. tingin mo ba ganun si Jesus, nilikha nya ang mundo pero ni ang camera ay hindi nya maisip gawin para magkaroon ng picture taking para marami makakita ng mukha nya hanggang sa panahon natin ngayon?
    Ibig mo sabihin kung wla kang larawan ng mahal mo s buhay hindi mo na sya mamahalin kc pwede mong makalimutan ang mukha nya? kc hindi mo cia nakikita? ganun ang isip ng tao.. ang pagmamahal sa mahal natin sa buhay may picture o wala… kahit s mga kaibigan. kc ang importante ung kahit di natin sila nakikita pero nasa puso natin sila…. ganun din ang Diyos, ipamuhay natin sya s puso natin at hindi dahil s mga rebulto o larawan bilang representasyon nya. Wla namn sinabi ang Diyos sa Bible na taung mga tao ay gumawa din ng rebulto nya ngayon para luhuran at dasalan. Kung magtaas ng kamay ang isang kristiyano o umiyak ito dahil s pagsamba nya sa Diyos dahil iyon ang nasa puso nya… kaya nga madaming sinunod ang mga tao na ginawa noon eh dahil s maling pag-intindi ng Salita ng Diyos… dahil sa maling interprestasyon sa Bible…ginawang literal ang lahat ng bagay kaya ginagaya..

    (1 Corinto 12:1-11 Mga Kaloob ng Espiritu Santo) pakibasa mo ito at baka malaman mo kung isa ka ba sa tumanggap ng Kaloob ng Diyos.

    2 Corinto 6:7

    tapat na pananalita at kapangyarihan ng Diyos. Ang katuwiran ang siya kong sandatang panlaban sa pananggalang.

    maging ganito tayo, mamuhay tayo sa aral ng Diyos… Ang pagsasabi ng katotohanan, inuulit ko hindi ko binabatikos ang Katoliko, pero kung ang salita na ito ang magpapalaya sa isang tao ng totoong kalooban ng Diyos bakit nman hindi ko gagawin. Kya more on Bible passages ako, dahil ayoko manangan sa sarili ko lng na pang-unawa o sa sarili kong karunungan.. hindi magiging makatotohanan ang sinasabi ko kung hindi sa Bible ako magbabase. dahil madalas itong ibato ng tao sa isang tao pero hindi namn nya nauunawaan ang talinghaga sa mga verses ng Bible. Hindi lang sya basta salita…. ang lahat ng nakasulat sa Bibliya ay may kapangyarihan dahil ito ang Salita ng Diyos. Hindi ang papel n pinagsulatan nito ang may kapangyarihan, kundi ung nakasulat doon… at ang pananalig natin kay Jesus Christ ng buong puso, buong lakas at buong kaluluwa.
    Ang pinapakilala ko din dito ay hindi ang karunungan ko kundi ang pagtanggap sa nag-iisang Diyos na buhay, na nananahanan sa atin….

    2 Corinto 13:5

    Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nadaramang sumasainyo si Cristo Jesus? Maliban na lang kung kayo’y mga itinakwil.

    totoo, pwede natin i-test ang sarili natin, una ayon sa pamumuhay natin… kung nabubuhay ba tayo s mundong ito na hindi balisa, ng may pagmamahal kahit s mga kaaway natin o nakaalitan natin, kung payapa ba ang kalooban natin khit may pagsubok tayo sa buhay, kung sa pagtulog at paggising natin ay ang Diyos ba ang nasa puso natin. Kung mas mahal ba natin ang Diyos kesa sa asawa, anak at lahat ng mahal natin sa buhay. sino ba ang inspirasyon natin? ang mga tao lang ba na nakikita natin o ang Diyos na hindi man natin makita eh napapangiti tayo kapag nararamdaman natin sya sa puso natin. alin ba ang mas mahal natin? ang Diyos ba o ang buhay natin n binigay lang ng Diyos.? kung sakaling dumating ngayong oras na ito ang Diyos, malaya kaya nating masasabi na “Panginoon, eto po ang aking sarili handang handa ng sumama sayo dahil sobra kitang mahal at pakinabang sa akin ang mamatay kung ikaw ang kasama ko magpakailanman.”… maya’t maya ba natin kinakausap ang Diyos sa isip at puso natin? ilang beses sa isang araw? 2 beses lang ba, kpag tutulog ka lang at gigising at ang sasabihin mo pa ay “salamat Lord”… Nabubuhay ba tayo ng may galak at na-aapreciate natin ang lahat ng bagay magnda man o pangit dahil alam natin n likha ito ng Diyos kaya ito ay perpekto sa paningin natin dhil gawa ito ng Diyos. Naipagdadasal ba natin ang buong mundo o ung mga kilala lang natin? nagagwa b natin isumpa ang mga kaaway natin? dahil kung ang Diyos ang nananahan sa atin, ultimo kaaway mo iiiyak mo s Diyos na iligtas cia s lawa ng apoy pagdating ng paghuhukom o kaya namn ay ipagddasal mo sya s Diyos na hipuin ang puso nya at sana’y makakilala din sya sa Panginoon…. Nasabi ba natin sa Diyos na baguhin nya tau, ng buong buo, bigyan ng dalisay na puso at taniman ng purong pagmamahal. o ang alam lang nating dasal ay ang paulit ulit na Our Father… napakraming bagay ang dapt nating malaman bago natin masabing sumasaatin ang Diyos… napakahirap magbago pero napakadaling magpakasama… ang daming tanong sa buhay bago mo sabihing mensahero ka nga ng Diyos para ipalaganap ang tunay na pagmamahalan at pagsamba o baka naman pinapasunod mo lang ang tao sa isang doktrina kaya wlang ma-encounter na Diyos na Buhay sa buhay nila. dahil kung totoo ang pananampalataya natin marami kang testimony personally kung paano ka binago ng Diyos. kung ano ang tingin mo sa Diyos.

    Galacia 3:26-27

    Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Sapagkat ang lahat ng nabautismuhan kay Cristo ay pinananahanan ni Cristo.

    Galacia 5:19-25

    Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman:
    -pangangalunya
    -karima-rimarim na pamumuhay
    -kahalayan
    -pagsamba sa diyus-diyusan
    -pangkukulam
    -pagkapoot
    -pagkagalit
    -paninibugho
    -kasakiman
    -pagkakabaha-bahagi (isa na dyan sa pananampalataya)
    -pagkampi-kampi
    -pagkainggit
    -paglalasing
    -walang taros na pagsasaya
    -at iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tulad noong una; hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong mga bagay.

    Subalit ang bunga ng Espiritu (Fruit of Spirit) ay;

    -pag-ibig
    -kagalakan
    -kapayapaan
    -katiyagaan
    -kabaitan
    -kabutihan
    -katapatan
    -kahinahunan
    -at pagpipigil sa sarili
    – Walang utos laban sa ganitong mga bagay. At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang likas nilang pagkatao, kasama ang masasamang pita nito. Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating buhay. Huwag tayong maging palalo, pala-away at mainggitin.

    Efeso 2:18

    Dahil kay Cristo, tayo’y kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu.

    Efes0 2:12

    Dahil sa ating pagkikipag-isa kat pananalig sa kanya, makalalapit tayo sa Diyos nang panatag ang loob.

    nagagawa ba natin yan, kung hindi nating lubusang kilala ang Diyos na lumikha sa atin. magagawa ba natin ang lahat ng pagbabagong yan kung tayo lang ang magsasabi na magbabago na ko. Wlang taong nagbago dahil lang s gusto nya ng hindi nya inilapit sa Diyos.

    Efeso 4:23
    Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat Makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan.

    Efeso 6:12
    Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito – ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.
    Dahil lahat ng ginagawa ng tao na hindi pinananahanan ng Espiritu ng Diyos ay madaling malinlang. May mga gingawa ang tao na akala nya ay normal pa, un pala pinapasamba na sya ng diyablo sa kanya. Kc hindi namn pra humarap sa atin ang diyablo at sabihin n sambahin natin sya, dahil alam nya na kung alam natin n sya ang sasampalatayain natin hindi natin gagawin. Kaya gagamit sya ng mga bagay na nakikita natin. Na kinahuhumalingan natin. Akala kc ng tao ang pagpatay, pagnanakaw at kung ano ano pang masamang gawain ay dun lang nagsasaya ang demonyo. Sa lahat ng oras, sa lahat ng panahon, sa lahat ng ginagwa natin, may mga taong pinasasampalataya n ng demonyo dahil kulang at walng malalim n relasyon sa Diyos kaya sa pagkanta, pagsayaw or kahit s simpleng ginagwa natin nalilinlang na tayo. May 2 espiritu na pwede maghari sa atin. Ang espiritu ng kamalian at Espiritu ng Kabutihan.

    Colosas 2:8
    Mag-ingat kayo upang hindi mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at magdarayang aral at hindi nasasalig kay Cristo kundi sa sabi-sabi ng matatanda at sa mga tuntunin ng sanlibutan.

    1 Timoteo 4:7
    Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang kabuluhan; sa halip, magsanay ka sa kabanalan.
    Diba ang tao, mahilig sa mga pamahiin, tradisyon, haka-haka, paniniwalang wlang basehan, mga katuruan ng matatanda, mga katuruang hindi itinuro ng Diyos pero ginagawa ng tao, pero kung ano pa ung tinuturo ng Diyos un ang hindi ginagaw ng tao.

    1 Tesalonica 4:7
    Tayo’y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kalinisan, hindi sa kahalayan. Kaya, ang sinumang humamak sa aral na ito ay humahamak, hindi sa tao, kundi sa Diyos na siyang nagkakaloob sa atin ng kanyang Espiritu Santo…
    Kaya paano mo nasabi sakin n wag akong gumamit ng Bible passages. Dapt ang isang mensahero ay handa sa lath ng pwede itanong sa knya. Kung isa kang mensahero para sa ikaliligtas ng kaluluwa alam mo ang sinasabi ko sa paraang espirituwal.

    2 Pedro 1:20
    HIGIT SA LAHAT, TANDAAN NINYO NA WALANG MAKAPAGPAPALIWANAG NG ALINMANG HULA SA KASULATAN (BIBLE) SA BISA NG KANYANG SARILING KAKAYAHAN. SAPAGKAT HINDI NAGBUHAT SA KALOOBAN NG TAO ANG HULA NG MGA PROPETA; ITO’Y GALING SA DIYOS AT IPINAHAYAG NG MGA TAONG KINASIHAN NG ESPIRITU SANTO…

    Kaya sinong magsasabi n ganun lang kadaling makalapit sa Diyos kung hindi natin alam ang kalooban nya o ang nais nya. Pano mo masasabi n alam n ng lahat ang nasa Bible kung ikaw mismo ay hindi mo mapgsama sama ang mga Salita ng Diyos para ipaalam sa lahat n dapt tayong magkroon ng relasyon sa Diyos at hindi s mga sinasabi mo na pawang personal mo lang na kaalaman. Mapipitas-pitas ko ba yang mga verses n yan kung sariling isip ko lang ang gagamitin ko jan? nagagawa ko yan dahil sa tulong ng Espiritu Santo, ang Patnubay na iniwanan sa atin ni Jesu-Cristo ng maluklok sya sa kanan ng Ama… kaya nga sa pagsi-share ng Gospel hindi pwedeng isip mo lang ang gumana, kundi puso… pagmamahal sa Diyos na Buhay… FAITH + HOLY SPIRIT = NEW MIND AND NEW HEART… kaya nga maraming hindi makaintindi ng Salita ng Diyos kc ayw natin umalam n may gift pala ang Diyos na binibigay s atin, kso dahil haling na haling ang lahat sa nararansan natin dito s mundo, s mga bagay na nakikita, hindi alam ng tao kung paano makikilala ang Diyos gamit ang espiritu natin.
    Napakahba n nitong ginawa ko, at kung isi-share ko pa ang mas maraming kabutihan sa atin ng Diyos ay hindi na ako mattapos pa. Hindi ko natutunan kailanman ito sa pagiging katoliko ko… ang personal attachment sa Diyos na Buhay…a ng pagpapahalaga sa Kaloobang Espirituwal. At kung mapapnsin mo, wla akong sinasabi dito kundi ang pagtanggap sa Jesus Christ na buhay… ang Diyos na lumalang sa atin… ang Holy Spirit na nananahan sa atin pero hindi alam gamitin ng mga taong lulong sa mga bagay sa sanlibutan.
    Ramdamin natin ang Diyos sa espiritu natin, magkakaron tayo ng kakaibang pagmamahal s knya, malinis na puso at wlang hanggang kapayapaan kahit pa yata subukin k ng panahon. Kahit p yata padalhan k ng isang katerbang pagsubok. Dahil alam mong ang Diyos na Buhay ang nananahan sayo, mag-alala ka man, pero hindi tulad ng pag-aalala ng taong walng alam kapitan kundi ang pera lalo sa oras ng kagipitan…. Kung nananangan tayo sa Diyos, alam natin na ang kaligtasan ay maibibigay lang ni Cristo Jesus…. Wag tayo umsa sa pananampalatayng mababw, hindi ito kailanman kinalugdan ng Diyos…. At inuulit ko, hindi ko masasabi ang mga bagay na to sa sarili ko lang, dahil hindi ako matalino, simpleng tao lang ako… hindi ako ganun kadalubhasa sa Bible, pero lahat ng ginagawa ko, pinapasa Diyos ko dahil ayoko magkaroon ng mortal sin na ikpapamahak ko s bandang huli… Hindi ako nanangan sa sarili kong alam, kundi palagi akong nanghihingi ng guidance sa Diyos sa lahat ng sasabihin at iisipin ko. Napakabuti ng Diyos dahil binibigyan nya ng kaalaman ang tao na malaman kung ligtas ba sya o hindi… ganun ka-makapangyarihan ang Diyos kapag sinuko natin ang lahat lahat sa knya…

    God Bless Everyone…

    • vanillae said,

      //ang hatol ay sinabi ko na sanang masusunog ka sa impyerno kc sumamba k sa diyus-diyusan//

      Magkaiba tayo ng pinagkukunan ng kahulugan. Ang paghatol ay isang mabuting gawa kung ito ay tapat, maingat, at may sapat ng basehan. Ang tinutukoy mong konsepto ay hindi paghatol kundi pagkundena. Kapag sinabi mo sa tao na, “Masusunog ka sa impyerno,” siya ay kinukundena mo.

      //Naging katoliko din ako for 30years… Devoted kami sa isang simbahan ng Katoliko. Madals kami mag rosary every 6pm. laht ng family ko… ang brother ko ay pinagsakristan p namin dahil sa palagay namin ay makaktulong un para mas lalo kaming mapalapit sa Diyos. Kung pagiging devoted lang ang pag-uuspan ay isa na kami ng buong family ko dun. binibigyan lng kita ng konting info kaya alam ko ang katuruan ng katoliko.//

      Ang pagiging Katoliko mo sa loob ng 30 taon ay hindi sapat na credential para ma-claim na naiintindihan mo ang Pananampalatayang Katoliko. May mga taong namamatay na na hindi naiintindihan ang kanilang pinaniniwalaan. Ang pagpapasok nyo sa iyong kapatid bilang sakristan para mapalapit kayo sa Diyos ay nagpapakita ng mali ninyong perception bilang Katoliko. Ang pagiging relihiyoso at deboto sa mga gawaing pangrelihiyon ay hindi nagde-define sa pagiging Katoliko. Natural religiosity is prevalent among Catholics, and it is not the Faith of the Church.

      //Ibabalik ko ang tanong mo. Tingin mo nga ba ay hindi masama ang nagiging batas ng tao?//

      Ang isang batas ay hindi nagiging masama dahil lang sa ito ay nagmula sa tao. Ito ay masama kung hindi ito ayon sa kalooban ng Diyos, pero hindi nangangahulugan na kapag ang tao ang gumawa ng batas ay automatikong lumalabag ito sa kalooban ng Diyos. May masamang batas at may mabuting batas, at ang mga batas na ito ay kapwa gawa ng mga tao. At ang mga halimbawang ibinigay mo ay hindi tumutukoy sa masasamang batas kundi sa maling sistema. Sa pangkalahatan, ang Konstitusyon ng Pilipinas ay mabuti, pero dahil sa kasamaan ng tao, nagiging masama ang sistema kahit na may mga batas na nagtatanggol para sa ikabubuti ng lahat. Hindi mo pwedeng pagbintangan na masama ang isang batas dahil lang sa ito ay gawa ng tao. Muli, ang batas ng tao ay mabuti kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos.

      //Bakit hindi ko gagamitin ang Bible sa pagsasabi ng katotohanan kung ito ang makakatulong sa isang tao na dapat tayo mamuhay ayon sa salita ng Diyos, dahil ang Salita ng Diyos ay puro kabutihan at hindi tulad ng sinasabi mo na prang ang batas ng tao ay ang Diyos din ang gumawa.//

      Hindi ko sinabing hindi dapat gamitin ang Bible, yan lang ang paraan mo ng pag-intindi. Ang sinasabi ko ay hindi makakatulong na sipiin mo lang ang mga salita sa Biblia nang hindi sinasabi kung sa paanong paraan mo ito gustong iparating. Huwag mong kalimutan na sa iisang Biblia ay may libo-libong pakahulugan ang libo-libong denominasyon at mga grupo ng tao. Kung sisipiin mo lang ito, verbatim, hindi mo maipararating ang gusto mo at hindi rin babasahin ng mga mambabasa ang comment mo dahil alam na nila yan. Nabasa na nila ang lahat ng iyan nang maraming-maraming beses. Wala na itong maitutulong maliban kung maging espesipiko ka sa gusto mong iparating.

      Muli, hindi mo pwedeng pagbintangan ang batas ng tao. Mabubuting tao, at malamang ay maka-Diyos, ang ilan sa mga gumawa ng batas ng ating bansa. Hindi mo sila pwedeng hatulan ng pagbalangkas ng mga batas na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Sa katunayan, una sa isip nila ang Diyos kung kaya hiningi nila ang patnubay niya.

      “Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito.”

      Masyadong malaki ang espasyong nagagamit ng iyong komento, pero halos karamihan nito (kung hindi man karamihan) ay quotations na may iba-ibang kahulugan para sa iba-ibang tao, kaya hindi ito lubos na nakakatulong. Babalikan natin ang iba mong punto sa susunod na magkaroon ng sapat na panahon.

      • mona_hcpi@yahoo.com said,

        Good Day,

        Mr. Vanillae,

        Ginagalang ko ang paniniwala mo. Kc bse s nababasa ko naka focus ka sa gawaing panlupa, i mean more on life in this earth, hnd s buhay n pinapangako ng Diyos about Salvation. Binibgyn kta ng mga Bible Verses for u to make ur own reflection, kc READING BIBLE WITHOUT REFLECTING IS LIKE EATING WITHOUT CHEWING…. Ang sinishare m kc d2 ay hnd ang gawain para sa Diyos, it’s more of regarding faith and beliefs. Kaya nga sb ko sau maiintindhan m ang cnasb ko kung meron taung iisang espiritu. Ang pagpasok sa kahiraan ng Diyos ay napakahirap, hnd lng bsta s salitang my pananampalataya ka. Masydo ng malalim ang sinasbi m s pagkilala s Diyos. Masydo mong ipagsama ang gawaing pangtao at gwaing pang-Diyos. Listen to the Holy Spirit, dhl ang Diyos ay nahahbg sa gus2 nya kahbgan, pero kung more on pang lupa lagi ang pagbbasehan m hnd m nga maiiintindhan ang kaloobn ng Diyos. Naniniwla kb na ang lahat ng gnagawa ng tao ay kbligtaran sa kaloobn ng Diyos? Kc ako sure ako dun.

        Kawikaan 8:17

        Mahal ko silang lahat na sa akin ay nagmamahal, kapag hinanap ako ng masikap, tiyak na masusumpungan….

        Wag k sna maoofend, at alm ng Diyos ang nasa puso ko. Nagsikap k b s paghahnap s Diyos? O bka nagagamit m lang ang pananamplataya m s pakikipag debate. Kung nbsa m n ang lahat s Bible, bkt puro mkalupa ang madalas m nasasbi? Gnun kb kasigurado n ang lahat ay nakbsa n? Sure n sure k? Kc ang pagkakaintindi ko s karamihan ng tao ay wlng tym magbsa ng Bible, mas nbi2gyn p ng atensyn ang gawaing panlupa… more on Biblical ang cnasb ko sau at uulitn ko pagdting s pagsi_share ng Gospel hnd ako nagbbse s sarili kong karunungan…. this will be my last comment here. Ito ang pinaka sure s sagot ko sau, kung nbasa mo n ang buong Bible, hnd s ganito ang inaabot ng mga kumento m. My iisa taung Diyos db? Kc ang pagsunod ko s batas ng Diyos ay mas makapangyarihan kesa s pagsunod ko s batas ng tao. Diyos at ako, Diyos at ikaw, un lng dapat ang topic d2 kung tungkol s Diyos ang purpose m at hnd m kailanman pwd pagsamahin ang btas ng tao at Batas ng Diyos. Tama k sobrng laki ng space ang nkukuha ko d2 pero hnd para i-share ang sarili kong idea kundi para i-share ang Gospel 2ngkol s pagmamahal at pagsunod ntin s Diyos. Kung sasmahan m ito ng pagi2ng makbyan at maka demokrasya hnd m dapt isinasali ang Diyos d2. Napakalaki ng pagsusulitan ntin s Diyos kpag mali ang pagsi_share ntin ng Salita nya… alamin ntin ang kasalanan at kung paano tau magsisisi. Un dapat ang gnagawa ntin para mailapit ang mga kapos p s kaalaman 2ngkol s Diyos. I hope and pray that Jesus Christ our Lord will open the eyes of your heart. Kc marami tlga ang nkring ng Salita ng Diyos pero marami dn ang di umintndi. Kya marami pa ang hnd nboborn again… isa yn s requirements ni God ang ma-born again tau(it’s nt religion)… the new you and the new me…. Wala n akong magi2ng sagutin p s Diyos dhl nagawa ko n ang pnapagawa nya sa akn d2 s site n 2… kung uulit ulitn m bsahn ang mga post ko, sharing of Gospel at pagpaparealize s tao kung nsa tama b taung pananampalataya. Ang lahat ng tao ay my pananamplataya, pero ang tanong lagi jan, kung nsa tamang pananamplataya at pananlig b tau s Diyos… db ang sb nga ng Diyos, place your trust only to Him…hnd s iyo o sa akin,o s btas ng tao, kundi sa nag-iisang Diyos lang at hnd tau maliligaw kaht kailan… God will judge us accordingly in His own time. At makikita ntin uli itong conversation ntin… ipapakita uli ito s atin ng Diyos:) nawa’y hipuin ng Diyos ang puso m para mas marami png makakilala sa Diyos n Buhay…

        Thanks and God Bless… Sent from Huawei Mobile

  51. jovelyn pan said,

    bakit bawal luhuran ang rebulto

    • Toto said,

      Mga kapatid sana maunawaan ninyong mabuti na ang pagkaroon ng mga rebulto sa loob ng simbahang katoliko ay hindi nangangahulugan na sila ang aming sinasamba. Ang mga rebulto ay nkalagay lamang bilang simbulo upang palagi nating maalala ang kabanalan ginawa nila noong silay namumuhay pa sa katawang lupa. Kami ay nagdadasal sa panginoong Diyos na may likha ng lahat sa pamamagitan ng kanyang anak na si Jesus at hnd sa kung sino mang santo.

  52. Willie Liray said,

    “Hindi lahat ng interpretasyon ay totoo at tama” tama nga etong sinabi na hindi lahat ng interpretasyon ay tama.. ngunit ang nakikita ng ibang relihiyon sa ginagawa ng relihiyon mo ay hindi nyo nakikita sapagkat yun ang pinaniniwalan mo…para ganito lang yan oh!! “Hindi mo nakikita sa sarili ang sarili mong pag-kakamali dahil sa tingin mo ikaw ay tama, ngunit sa mata ng ibang tayo ikaw ang may maling ginagawa”

    –> Lahat ba ng mga katoliko ay gaya ng paniniwala na sinasabi mo? kung “oo” ang sagot mo bakit maraming katoliko ang naniniwala na si Jesus ang sinasabing diyos? kung “hindi” naman ang sagot mo bakit hindi tinuturo ng mga pari ang nasa bibliya sa syang katotohan nang sagayon maging magkakapareho kayo ng paniniwala dahil nasa iisang relihiyon lang kayo.

    –>Apostol Pablo o sa pamamagitan ng pagtapat sa anino ni Apostol Pedro ay nakakagaling.. “Sapagkat sila ay binigyan ng banal na ispiritu kaya sila ay nakakapagpagaling at sila ay mga tao na may buhay, ngunit ang pinag-uusapan natin dito ay rebulto na gawa sa bato at kahoy na walang buhay at hindi tao kundi bagay.

    –>Ang paggamit ng mga rebulto ay malaking tulong sa pananampalataya ng marami. “Ano ang naitutulong ng rebulto sa pagsamaba sa tunay na diyos?

  53. LESTER said,

    ang mga icon o rebulto ay unang ginamit upang ikalat ang mabuting balita lalo sa mga lugar na hindi marurunong ang mga tao noong unang siglo., nauna pa ang mga icons kaysa sa BIBLIYA na ginagamit ng mga BURN-Again, dapat magpasalamat ang mga PROTYESTANTE sa mga PARING KATOLIKO na siyang nagtranslate ng bible kabilang dito si SAN HERONIMO na KATOLIKONG PARI AT SANTO!

  54. Trey said,

    Napaka simple lang naman ng 10 utos ng Diyos, hindi naman kailangan ipaliwanag. Malinaw na nakasaad sa Bibliya, mismong ang ating Panginoon ang nagsabi na wag tayo gagawa ng imahe na ihahalintulad sa kanya. Nakakainis yun ibang paliwanag, pati mga bayani, watawat ng Pilipinas pati larawan ng ina kailangan isali? Isa lang naman ang topic dito, wag tayo sumamba sa mga rebulto! May magsasabi na naman diyan na isang pag alala lang naman pero para ano? Isang Idolatriya ang ginagawa ng iba, in short, paghanga, pag IDOLO! Mali, napakalaking pagkakamali ang pagsamba, pagluhod, o yung sinasabi ng iba dyan na paghanga o pag alala sa mga rebulto ng mga Santo o Santa! Kahit pa yan ay rebulto ni Jesus Christ, isang malaking pag lapastangan yan sa utos ng Diyos! Hindi naman kailangan maging matalino ka para hindi maintindihan ang isang napakasimpleng utos at hindi naman kailangan ipaliwanag! Paghaba ng at pagdami ng paliwanag, pagdami at paglaki ng mali!

  55. jovenblog said,

    subukan din natin ibukas ang isip natin at subukan palawakin ang pang unawa, sapagkat sinlawak ng karagatan ang pagibig ng dios satin nakapalalim ng panginoon kaya ang wika nya sa inyong katalinuhan doon nyo ako matatagpuan,, ang isang gawa ng kamay o rebulto noong unang panahon ito ay bawal dahil ang dios ay hindi pa nagpapakita subalit sa pagdating ni jesus nagpakita sya naging tao nagpakababa at wika nya ako kapangyarihan, larawan ng dios na hindi nakikita, ibig sabihin wala ng natira dun sa dios na hindi nakikita kayat nagkaroon ng larawan, katulad sa tatay mo may picture yan ngayon namatay ng maaga syempre ang hahanapin mo picture nya para malaman mo kung ano hitsura nya kaya itinatabi yan para maalala.. gayon din ang panginoon bakit kailangan maging tatlo ang mukha nya ng pahiran ng puting panyo ang panginoon jesus itatapon ba yon o itatago, ang pagsamba sa rebulto ay napakalaking kasalanan sa dios kaya hindi mo dapat sambahin irespeto / igalang dahil yong pinag mulan nyan rebulto na yan yon ang mahalaga at yon ang sinasamba mo dios espereto santo, subukan mo pumikit at kung ano ano papasok sa isip mo ngayon kung may larawan ka sa harap ma vivision mo ito pala nag panginoon hindi man yan eksakto mukha importante yan sya sa paniniwala at pananampalataya natin, napakahalaga ng may larawan lalo na makikipag usap ka dios dahil ang isip ng tao sobrang malikot,

  56. jovenblog said,

    Ang sabi nga ng banal na esperito iisang buto pinagaawayan ng buong mundo “bible” kaya ang kailangan satin lahat ng may alam sa kanya kanyang pananaw mag iingat din tayo sapagkat pwede tayong dalin ng ating sariling paniniwala sa mataas na paguugali o yong tinatawag na pride , ang sobrang maraming nalalaman pwedeng maging impostor din yan kc ayaw na nya makinig sa idea ng iba pare pareho naman dios ang hinahanap diba? sabi nga ng panginoon ” ang sino mang nagaakalang syay tama subalit hindi naman mapigilan ang sarili o masamang pananalita ay nanatiling kaaway ng dios, at ang sinomang magisip na para sa kanyang sarili lang ay di nya masisilayan ang panginoon, kaya ok lang mag sabi ng sa loobin bawat isa wag lang mag banatan dahil ang binigay satin ng dios ay power of choice bwt isa ay may kalayaan wag natin ikulong ang ating isip na tayo lang ang tama irespeto ang opinion ng bawat isa ang kababaan ang mahirap labanan ng bawat isa gusto nyan sya lagi ang tama always remember the nature of satan is pride, kayat ipagdasal natin lagi na harinawa ay itanim sa atin puso at isipan ang kababaan ng loob, malawak na pangunawa lalot higit ang pagibig…

  57. jovenblog said,

    maganda yan nababasa mo kapatid, pero Nasasa atin yan kapatid kung papano natin isasabuhay ang ating pananampalataya kung san ang puso mo sundin mo yon at walang pwedeng sumira dito….dahil tayo ang hari ng sarili natin, ang importante yong faith natin sa kanya ay totoo hindi yong nakikita nababasa lang paniniwalaan na pagaralan mabuti dahil dadaloy ang esperitu sa isip ng bawat isa kung may sakripisyo at pagpapahirap sa sarili at sinusunod ang kautusan o kalooban ng dios nasasayo ang dios, ngayon tayo mismo ang makakaramdam kung tama o mali ito pero wala tayong karapatan hatulan ang iba dahil isa lang pwedeng humatol yong gumawa ng batas at ang dios yon, importante alam natin kung ano ang obligasyon natin sa kanya sapagkat hahatulan tayo ayon sa ating ginawa, kailangan lang natin maging totoo tayo sa ating ginagawa wag yong pakitang tao dahil ang masama sa paningin ng dios ay yong mapagkunwari sa labas maganda pero sa loob di naman kayang iaply, kailngan kc makita satin na maging mabuting halimbawa sa kapwa para makita nila kung nasaan ang dios, salamat

  58. Relwin said,

    Sa sinomang makakabasa nito,,,kung ikaw ay naniniwala sa Diyos ay kailangang maniwala ka rin sa Kanyang salita at ito ang Bibliya.Ang Salita ng Diyos ay katotohanan at kailangan nating lakaran ang mga ito.Matagal ng isyu ang rebulto sa mga katoliko.Subalit ang alam nila ay tama lang ang ginagawa nila dahil sa rason na pagrespeto at representasyon lang ito.Ang rebulto po ay gawa lang ng tao na galing sa kahoy kaya ang kaisipang ito ay of course galing sa tao.Maliwanag na sinabi ng Diyos na wag tayong maniniwala sa sabi’t sabi ng mga tao. Kaya tayo nabubulag sa katotohanan dahil ang aral na ipinaaabot sa atin ay galing sa karunungan ng tao at hindi sa Salita ng Diyos. Walang sinabi si God na gumawa tayo ng rebulto at sambahin natin ang rebultong ito bilang representasyon Niya bagkus galit Siya at mahigpit Niyang pinagbawalan ang mga tao at dahil sa katigasan ay pinarusahan NIya sila. Kaya sa mga sumasamba sa rebulto,itigil na ninyo dahil may naghihintay na kaparusahan sa inyo,sayang din ang panalangin ninyo dahil hindi rin Niya pakikinggan, Yan ang sinabi Niya.Kaya magbasa tayo ng Bible para alam natin ang pinaguutos Niya,Kaya tayo napapahamak dahil kulang tayo sa kaalaman at ang kaalaman na yan ay nagmumula lamang sa Salita ng Diyos,Ang pasuway natin sa Kanyang mga salita ay kasalanan,Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan(spiritual,physical at eternal death). OO maganda ang rason na pagrespeto kay God pero ito ay good motive in a wrong way at ganun din ang rason na representasyon,kailangan talaga ang representasyon ni God dito sa lupa pero hindi kahoy, kailangan tayo mismo ang magrepresent kay God.Kaya nga nagkatawang tao si God through Jesus Christ para tanggapin Siya bilang taga pagligtas at para mamuhay gaya Niya, Sabi nga sa banal na kasulatan na we should walk like Christ,.para sa mga tunay na tumanggap kay Kristo makikita mo talga na silay namumuhay na gaya ni Kristo.

    • vanillae said,

      Mahaba na ang comment thread na ito dahil nasagot na sa iba’t ibang paraan ang pare-parehong comment ng mga hindi nakauunawa sa kahalagahan ng pisikal na mata sa espiritwalidad ng isang tao. Susubukan kong sagutin ang komento mo nang hindi inuulit ang mga nasabi ko na (kung talagang posible ba yun).

      Sinabi mong hindi tayo inutusan ng Diyos na gumawa ng rebulto at sambahin ito. Una, tulad ng naipaliwanag ko na, ang pagbabawal ng Diyos tungkol sa paggawa ng mga imahe at larawan ay nakadugtong sa pagsamba sa mga ito, at hindi dahil masama ang mismong paggawa ng mga larawan. Obviously, we’re not sinning for using cameras and printing photos. Hindi rin kasalanan ang pagiging iskultor. Ito ay kakayahang nagmumula sa Diyos. Hindi kasalanan ang paggawa ng mga movie at ang pananood sa mga ito. Ang lahat ng mga ito ay imahe na nagrerepresenta sa mga totoong tao. Malamang na ginagamit ang isa man lang sa mga ito, at hindi ka nagkakasala maliban kung sasambahin mo sila (tulad ng gingawa ng marami ngayon kahit hindi nila namamalayan). Ang Diyos mismo ay nag-utos na gumawa ng sari-saring imahe at mga palamuti. Ito ay dahil tayo’y mga tao na nangangailangan ng “aid” o tulong para sa ating isip na siya namang magtataas sa ating espiritu sa mundong hindi nakikita. Ang totoong kagandahan ay espiritwal na katotohanan, pero sa tulong ng mga bagay na nakikita ng mata ay natutulungan tayong maitaas ang espiritu sa konsepto ng kagandahan.

      Pangalawa, ang pagsamba ay nagmumula sa puso at nakikita sa kilos. Pero ang isang uri ng kilos ay maaaring magmula sa iba’t ibang hangarin ng puso. Isang halimbawa na ang paggawa ng mga rebulto. Maraming pwedeng dahilan sa paggawa nito. Ganun din sa paggamit. Ilan pang halimbawa ay ang pagluhod, pagyukod, paghalik sa kamay, pag-ngiti, pagtawa, pag-iyak, at kahit na ang paglakad at pagtakbo, at kung ano-ano pa. Tayo ang magiging mga hangal kung hahatulan natin ang ibang tao ayon sa nakikita lang ng mata. Hindi rin tayo pwedeng magmarunong sa mga bagay na hindi natin nauunawaan. Ang aksyon ay hindi sapat para maipakita ang motibo ng gumagawa, at dahil doon, maling-mali na akusahan natin ang ibang tao ng pagsamba sa mga kahoy at mga larawan dahil lang humaharap sila o lumuluhod sa mga iyon.

      Masyadong general ang argument mo kaya hindi ko tatangkaing ipaliwanag nang husto o magbigay ng mga biblical passage tungkol dito. Kung gusto mo ng detalye, pwede mong basahin ang mga nauna nang sagot. Kung talagang mahal mo ang katotohanan, kailangang maging bukas ang isip at puso mo sa posibilidad na baka marami ka pang hindi nauunawaan. Kung isasara mo ito, magiging katulad ka ng mga Pariseo sa panahon ni Jesus na nagmamalaki at nagsasabing, “Hindi kami bulag.” Hindi natin gustong mangyari yun dahil ayaw nating marinig sa Panginoon na, “Dahil sinasabi nyong hindi kayo bulag, nananatili kayo sa inyong kasalanan.”

    • Mona said,

      Isaias 44:9-20

      9 Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila’y mapapahiya. 10 Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin. 11 Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang mga gumagawa nito’y tao lamang, kaya’t magsama-sama man sila at ako’y harapin, sila’y matatakot at mapapahiya rin.

      12 Ang panday ay kumukuha ng isang pirasong bakal at inilalagay ito sa apoy. Pagkatapos ay pinupukpok niya ito sa pamamagitan ng kanyang malakas na bisig hanggang sa magkahugis. Sa paggawa nito, siya ay nauuhaw, nagugutom at napapagod.

      13 Ang karpintero naman ay kumukuha ng isang pirasong kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyong tao, saka inuukit hanggang sa mayari ang isang magandang imahen. Pagkatapos, ilalagay niya ito sa kanyang bahay. 14 Pumipili siya at pumuputol ng isang matigas na kahoy sa gubat tulad ng sedar, ensina at sipres. Maaari din siyang magtanim ng laurel at ito ay hintaying lumaki habang dinidilig ng ulan. 15 Ang kaputol na kahoy nito ay ginagawang panggatong at ang kaputol naman ay ginagawang diyus-diyosan. Ang isang piraso ay iginagatong para magbigay ng init sa kanya at para igatong sa pagluluto. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin. 16 Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong. Dito siya nag-iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumain nito. Kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: “Salamat at hindi na ako giniginaw!” 17 Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos!”

      18 Ang mga taong gayon ay mga mangmang at hindi inuunawa ang kanilang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mga mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan. 19 Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na panggatong sa pagluluto ng tinapay at karneng kanilang kinain. Hindi man lamang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy.

      20 Ang mga gumagawa nito’y parang kumakain ng abo. a Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap nang ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi mga diyos.

      ***saka mo sabihin na hindi ito karumal-dumal sa harapan ng Diyos***

      • vanillae said,

        Hindi mo kailangang i-paste ang buong text sa thread dahil mahihirapan ang mga bumabasa at naghahanap ng mga partikular na komento. Sapat nang ibigay ang reperensya kung masyado itong mahaba. Bukod doon, wala na rin bago sa ipinapakita mong teksto, alam na yan ng mga nagbabasa.

        Ngayon, bumalik na tayo sa totoong buhay at iwan natin ang magkakaibang interpretasyon na maaaring maging resulta ng pagbabasa ng iisang Biblia. Ang praktikal na tanong ay, naniniwala ka ba talagang walang kwentang tao ang mga iskultor at mga karpintero? Hindi mo naman siguro pagbibintangan ang Diyos at sasabihin, “Yan ang sabi ng Diyos e…walang kwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto.” Masasabi mo ba yan sa buong mundo, nang walang pagdadalawang-isip kung tama ba talaga ang pagkaunawa at paniniwala mo? This is a challenge from me. Kung totoong naniniwala ka sa interpretasyon mo, ipahayag mo ang “katotohanang” iyan gamit ang social media at sabihin mo: WALANG KWENTANG TAO ANG MGA KARPINTERO, MGA ISKULTOR, MGA PINTOR, AT LAHAT NG GUMAGAWA NG MGA LARAWAN AT REBULTO.

        Ipahayag mo ang pananampalataya mo.

    • Mona said,

      Amen to this Mr. Relwin. Ang topic kc s blog na ito ay ang paniniwala hindi ang pananampalataya.

      • vanillae said,

        Let me correct you there, Mona. Ang pananampalataya ay paniniwala sa kapahayagang tinanggap mo, at pagtitiwala sa nagpahayag nito. Mas maganda kung magbasa ka pa ng marami para mapayaman ang iyong bokabularyo at hindi ka magkaroon ng mahabaang diskusyon tungkol lamang sa kahulugan ng mga kataga. Uubos yun ng napakaraming oras.

      • Mona said,

        Vanillae, magkaiba ang pananampalataya sa paniniwala. FAITH is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see while ang paniniwala ay isa lang beliefs, meaning walang pinagkukunan ng tamang sagot. Maraming tao ang naniniwala na my Diyos, kahit ang mamamatay tao, alam nya na my Diyos, dhil un ang paniniwala nya, dahil simula pagkabata un ang naririnig nya. pero mraming tao ang hindi kilala si Lord dahil maraming tao ang hindi nagbabasa ng Bible at ginagawa lamang itong history book. At obviously, isa ka s mga hindi nagbabasa ng Bible kundi pakuha kuha ka lng nga mga verses dun… basahin mo ang buong Bible. Tama ka, dapat talga magbasa ang isang tao ng Bible at isapamuhay ito. Tanggapin mo sya na ito ay Love Letter sayo ni God at hindi lang prang comics na kung kailn mo lang gusto i-open ay dun mo lang bubuksan. Ang Bible ang pagbasehan mo ng o ng iyong pananampalataya since nagsi-share ka ng tungkol sa Diyos. Siguraduhin mong tama ang pinagbabatayan mo dahil alam mo din sna na kapag may mga kaluluwa kang nailigaw sa mga sinasabi mo eh napaka laking sagutin mo yan s Diyos. Make sure na nasa right direction ka sa mga sinasagot mo sa mga nagtatanong sau. Vanillae, kung iniincourage mo ako magbasa ng Bible, obviously din na nagbabasa ako kaya nga puro Biblical Text ang sinasagot ko sa mga sinasabi mo. Huwag mong paiksiin ang diskusyon tungkol sa Diyos, alalahanin mo Diyos ang pinaguusapan natin dito at ang tinatopic mo dito, Diyos ng mga diyos at Hari ng mga hari. Kaya make it sure na tama ang pinupunto at tinuturo mo sa lahat ng readers mo. Kung wasting of time sayo ang mga Bible Passages na sinasabi ko, mukhang ibang espiritu yata ang gumagana sayo, kc ang alam ko s isang mananampalataya ay LAGING EXCITED makabasa ng WORD of GOD kahit gaano pa ito kahaba. At alam mo din n mas marami sa tao ang hindi mag eefort ng pagbubukas ng mga Bible nila para lang mag check ng Book of Testament na ilalagay ko dito. Saka di mo pwede sabihin sa Book of Isaiah or something, kc maraming chapter yan. Khit ikaw siguro hindi ka para mag effort mag open ng Bible mo para mag check ng verse unless you are a Christian.

      • vanillae said,

        Sorry, Mona, but I cannot further discuss things with you because apparently you are full of yourself. Ginagamit mo lang ang pangalan ng Diyos pero ang kaalaman mo talaga ang gusto mong i-exhibit. Nasagot na lahat sa itaas ang mga punto mo dahil hindi rin naman yan bago. Wala pa man si Martin Luther ay may mga iconoclast na, at madalas sila ay mga bayolente, sa kilos man o sa salita. Tulad ng sinabi ko, sapat na ang mga naunang mga reply para i-address ang mga punto mo. Nasa bumabasa na lang iyon kung titingnan nila o pipikit na lang dahil hindi iyon ang nakagisnan nila.

      • Mona said,

        Yes, kung mapapnsin mo si LORD lang ang nili-lift up ko sayo hindi ang sarili ko. Tama, para sa iyo wla ng bago kc you are not focus sa Salita ng Diyos kundi dun lang sa nalalaman mo, dun ka naka-focus sa isip mo at sa paniniwala mo. Vanillae, si LORD ang may sabi na kung may DAPAT KANG IPAGMALAKI wlang iba kundi Sya lang. Wlang dapt lumbas sa bibig mo kundi ang kabutihan lang ng Diyos. Kaya nga LOVE THE LORD with “ALL YOUR HEART” eh… meaning si LORD ang buhay mo… Sya ang lahat sau… Mas mahal mo sya kesa sa Family mo. diba pag inlove ang tao at nakareciv ito ng love letter kahit magpaulit ulit pa nya basahin ung love letter na un eh kilig na kilig p din cia. Madalas nga pati ung sulat na un eh yayakapin pa nya at itatapat sa dibdib nya na may kasama pang ngiti at kilig. Dapat mas lalo na sa pagbabasa ng Word of God. Kahit paulit ulit mo na tong nababsa wag mo sabihin na “ALAM KO NA YAN” kc laging mga bagong message si LORD s mga messages na un, sa umpisa wla lang, sa pangalawang basa medyo lumilinaw hanggang sa lumalim n ang pagkaunawa mo dun. at uulitin ko dpat EXCITED KA LAGI kahit sa pinaka maiksing verse lang na mbabasa mo dahil un ay Salita nya at hindi ng tao. Kya Sya lang dapt ang itaas natin. Tama ka, gagamitin ko talga si LORD sa pagpaphyag ng Salita nya, kc Salita nya nga eh at di ko salita. So, wla talgang ibang lalabas s comment ko kundi si LORD lang at ang pamumuhay CRISTIANO na kinalulugdan nya. Vanillae, ang sabi sa Bible ay FIX YOUR EYES ON JESUS, Focus on Him. Meaning, mag focus tayo sa Salita nya para hindi tayo magkamali sa pagpapahyag ng katotohanan tungkol sa pagkilala sa Diyos… Diyos yon Vanillae, tandaan mo lagi Diyos un at Banal, hindi sya basta tulad lang ng pagkilala ng mga tao na ginagawa lamang syang isang diyos…

  59. Mona said,

    Jeremias 10: 1-11

    Ang Pagsamba sa Diyus-diyosan at ang Tunay na Pagsamba

    1 Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh.

    2 Ang sabi niya, “Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa; o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan,na labis nilang kinatatakutan.

    3 Ang dinidiyos nila’y hindi maaasahan.
    Isang punongkahoy na pinutol sa gubat,
    inanyuan ng mga dalubhasang kamay,

    4 at pinalamutian ng ginto at pilak.
    Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.

    5 Ang mga diyus-diyosang ito’y
    tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid, hindi nakakapagsalita;
    pinapasan pa sila sapagkat hindi nakakalakad.
    Huwag kayong matakot sa kanila
    sapagkat hindi sila makakagawa ng masama,
    at wala ring magagawang mabuti.”

    6 Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh;
    ikaw ay makapangyarihan,
    walang kasindakila ang iyong pangalan.

    7 Sino ang hindi matatakot sa iyo,
    ikaw na Hari ng lahat ng bansa?
    Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan.
    Kahit na piliin ang lahat ng matatalino
    mula sa lahat ng bansa at mga kaharian,
    wala pa ring makakatulad sa iyo.

    8 Silang lahat ay pawang hangal at mangmang.
    Ano ang maituturo sa kanila ng mga diyus-diyosang kahoy?

    9 Ang kanilang diyus-diyosa’y
    binalutan ng pilak na galing sa Tarsis,
    at ng gintong mula sa Upaz,
    ginawang lahat ng mahuhusay na kamay;
    pagkatapos ay binihisan ng kulay ube at pula
    na hinabi naman ng manghahabing sanay.

    10 Ngunit ikaw, Yahweh, ang tunay na Diyos,
    ikaw ang Diyos na buhay,
    at ang Haring walang hanggan.
    Nayayanig ang daigdig kapag ikaw ay nagagalit,
    at walang bansang makakatagal sa tindi ng iyong poot.

    11 Sabihin ninyo sa mga diyus-diyosan: ang sinumang hindi makalikha ng langit at lupa ay dudurugin at lubusang mawawala sa ibabaw ng daigdig.

  60. Mona said,

    Awit 115: 1-8

    Awit para sa Iisa at Tunay na Diyos

    ***Ito ang tunay na Diyos, ang lumalang ng langit at lupa***

    1 Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan,
    hindi namin maaangkin, pagkat ito’y iyo lamang;
    walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.

    2 Ganito ang laging tanong sa amin ng mga bansa:
    “Nasaan ba ang inyong Diyos?” ang palaging winiwika.

    3 Ang Diyos nami’y nasa langit, naroroon ang Diyos namin,
    at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.

    ***ngunit ang diyos na dinidiyos mo at ipinagtatanggol mo ay ito****

    4 Ginawa sa ginto’t pilak ang kanilang mga diyos,
    sa kanila’y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

    5 Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita,
    at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;

    6 di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga,
    ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

    7 Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam,
    mga paa’y mayroon din ngunit hindi maihakbang,
    ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang.

    8 Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala,
    lahat sila ay katulad ng gayong diyos na ginawa.

    **Nawa’y ma-open ang Spiritual Eyes mo para hindi ka makapag share ng mali at pwang opinyon mo lamang. Iba ang PANINIWALA sa PANANAMPALATAYA. At makukuha mo ang tamang PANANAMPALATAYA kung totoo ngang nakikinig ka ng Salita ng Diyos at nagbabasa ng Bible.. Nakaktakot ang magiging parusa ng mga taong gumagawa lang sa sarili nilang kaisipan para bumihag ng isipan ng mga tao. Malaking bagay ang pagsusulitan mo sa Diyos. Kung magsi-share ka sana ng isang pananampalataya siguraduhin mo na Biblical ito. Sa mata ng tao pwede ang OPINYON. pero sa mata ng Diyos, isang karumal-dumal ang gawaing ito. Nakkaramdam ako ng pagka-awa sa iyo. Matalino ka ngang tao pero lahat ng sinasabi mo at sini-share mo sa blog mo ay pawang sarili mong kaisipan. Bakit hindi ka magbase sa Bible at kailangan mong ipagsigawan ang paniniwala mo. Kung tunay ngang kilala mo ang Panginoong Jesus alam mo din sna na sa Tatlong Persona sya ay ang SALITA NG DIYOS, kaya marapat lang na maging Biblical ka sa lahat ng sini-share mo tungkol sa TUNAY at NAG-IISANG DIYOS***

  61. Mona said,

    Yes! Kaya kong ipahayag ang Salita ng Diyos na walang pag-aalinlangan…. Kung BINABASA mo sana ang Bible gamit ang Espiritu ng Katotohanan hindi sana ganyan ang naging pagtanggap mo sa Salita ng Diyos. Obviously, gumagawa ka ng sarili mong pangalan at hindi ang Pangalan ng Diyos ang itinataas mo. Diba sabi ni Lord, trust the Lord with all your heart and DO NOT LEAN with your own understanding. At kung sabihin ko man sayo n ang pagsamba, pagyukod, pagkilala, paniniwala sa isang rebulto ay isang klase ng pagsamba sa Diyablo panigurado hindi ka din maniniwala. Kung nagbabasa ka ng Book of Revelation alam mo din sana yan. Saka bakit mo ako kukwestyunin sa isang Salita na hindi sa akin nanggaling? Salita yan ng Diyos hindi ng tao. Sna naiintindihan mo ang tanong mo. Kung nanampalataya ka n ang Salita ng Diyos ay ang Salita ng Diyos bakit ang mga tanong mo ay parang salita ko yan. Sabi ni Lord, wag mong ipangahas ang mga nalalaman mo ng wala kang batayan, bagkus magtiwala ka sa Diyos, Again, kung nagbabasa ka ng Bible nasa Kawikaan yan. Mas mganda mag babad ka magbasa ng Bible, dahil ang lahat ng tao at lahat ng bagay ay mawawala dito sa mundo pero ang Salita ng Diyos ng Diyos ay hindi KUKUPAS KAILANMAN. Be a Bible Believer, saka mo lng makikilala ang tunay at ang nag-iisang Diyos, at hindi ang diyos na kailangan pang buhatin para lang makapglakad.

  62. Mona said,

    Kung totoong naghahnp k ng totoong Diyos, bakit ka mababagot o mapapagod o mahihirapan sa pagbabasa ng Salita ng Diyos? Contradicted pala ang paniniwala mo sa Bible. Lahat ng bagay dapat naka align sya sa Salita ng Diyos at dun ka lang mapaplaya. Ang Salita ng Diyos ay katotohanan. Bakit mo ipangangalandakan ang alam mo ng walang basehan. Hindi un karunungan n mula sa Diyos, mula lang yan sa pang-unawa at pang-intindi mo. Napakdami mong pagsusulitan ky Lord dahil sa mga komento mong baliktad sa sinasabi ng Bible. Nkapagtataka ka lang at wala kang conviction. Alam mo lahat ng may Espiritu ng Diyos (Holy Spirit) pag sinabing Bible na or Word of God, isa lang ang pang-unawa ng mga yan. Pero ikaw, parang ginagawa mong katatawanan lang ang Salita ng Diyos, walang pagrespeto. Diyos at kahoy ang pinaguusapan natin dito db? Banal ang Diyos, wag natin syang gawing laruan na pwedeng ibenta at pag fiestahan sa lansangan. Hindi mo kayang buhatin ang Diyos, pero ikaw at ako kayang kaya nyang buhatin. Tanungin mo sarili mo, sa paniniwala mo bang iyan eh sigurado kang pag iniwanan mo itong mundong ito ay sa Diyos ang punta ng kaluluwa mo? Sigurado ka bang tama ang ipinapahayag mo? Sigurado ka bang yang pang unawa mo ay may malaking maitutulong para ma-born again ang mga taong nakakabasa ng blog mo. John 3:3 “UNLESS a man be BORN AGAIN (in spirit), he cannot see the kingdom of God”.Alam mo ba ang purpose ng buhay kung bakit tayo binuhay ng Panginoon? Marami kang dapt tanungin sa sarili mo…. bago ka mag share ng alam mo, siguraduhin mo muna sana na TAMA at TUMPAK sa Salita ng Diyos ang mga sinasabi mo. Lahat ng lumbas sa bibig natin, in time pagsusulitan natin un sa Panginoon. Bago ka humamon sa akin, unahin mo munang hamunin ang sarili mo, tanungin mo ang sarili mo kc napaka taliwas ito sa Salita ng Diyos. Nawa’y makilala mo ang Diyos na Banal na lumalang ng langit at lupa… ang Diyos na bumuhay sayo at sa akin at hindi ang dinidiyos ng mga tao na nakikita lang sa bangketa.

    • vanillae said,

      Mona: Saka bakit mo ako kukwestyunin sa isang Salita na hindi sa akin nanggaling? Salita yan ng Diyos hindi ng tao.

      Me: Hindi ko kinukwestyon ang Salita ng Diyos, ang sinasabi ko ay hindi makatotohanan ang pagkaunawa mo dito. Kung talagang ito ang paniniwala mo, at kung sinasabi mo rin na, “Yes! Kaya kong ipahayag ang Salita ng Diyos na walang pag-aalinlangan,” nagawa mo na ba? Saan ko makikita ang post mo na nagsasabing walang kwentang tao ang mga karpintero, mga iskultor, at mga pintor?

      Mona: Kung totoong naghahnp k ng totoong Diyos, bakit ka mababagot o mapapagod o mahihirapan sa pagbabasa ng Salita ng Diyos?

      Me: No wonder you don’t understand the principles behind the words of God. Kahit mga salita lang sa thread na ito, nami-misinterpret mo pa. You don’t need to paste the whole Bible in a comment thread like this just to drive a point. Anong silbi ng pagko-comment na puro quotations, lalo na kung ang mga ito ay alam na alam na ng mga nagbabasa. Hindi nadadaan sa maraming letra ang paghahayag ng katotohanan. Ang maikling paliwanag na may sense ay sapat na. Ang totoo, walang naiitulong ang pagpo-post ng walang katapusang biblical text dahil unang-una, nasa Bible na yan, no need to replicate here. If you want to refer to the book of Isaiah, just simply say Isaiah; no need to paste here the whole book. Marunong din naman maghanap ang mga bumabasa dito.

      Me: You are operating from the mindset of “mali ka, tama ako” that is why it reflects on the way you speak. Hindi mo pa rin ba nabasa ang sinasabing, “Mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya’y nakatayo, at baka siya matisod”? No one should be too sure about himself.

      Mona: Bago ka humamon sa akin, unahin mo munang hamunin ang sarili mo, tanungin mo ang sarili mo kc napaka taliwas ito sa Salita ng Diyos.

      Me: Ikaw ang napakasigurado sa mga sinasabi mo kahit na salungat sa common sense (no offense meant), kaya alang-alang sa pagkamakatotohanan, hihintayin ko ulit ang pagpapahayag mo sa mundo tungkol sa paniniwala mo tungkol sa mga karpintero at sa mga katulad nila.

      Me: Masyadong generic ang mga argumento mo, daan-daang taon nang paulit-ulit ang mga format na ginagamit mo. Ito ang tanong ko na humihingi ng tapat na kasagutan. Mukha kasing hindi ka man lang nag-effort na basahin ang mga kasagutan simula sa umpisa para makita ang paliwanag ng sumusulat dito; tama ba ako na hindi mo nga ito binasa at inunawang lahat?

      Me: Pangalawang tanong: hindi ba talaga nag-utos ang Diyos na gumawa ng kahit anong rebulto o imahe? Paano kung nag-utos pala siya, ano ang masasabi mo? Sinasalungat ng Diyos ang kanyang sarili? Wala siyang isang salita? Paano mo ililigtas ang sarili mo sa kahihiyan kung ang Biblia mismo ang magpapatunay sa iyo na nag-utos ang Diyos na gumawa ng mga rebulto?

      Me: Paalalang kapatid lang. Huwag kang masyadong maging sigurado sa sarili mong kaalaman dahil marami ka pang hindi alam. Di ba nga’t kasasabi mo lang na, “Do not rely on your own understanding”? Save yourself from humiliation. Remember, you haven’t read the whole Bible yet. That is very obvious on the way you reason out. Kaya hinay-hinay lang sa pagmamalaki.

  63. Mona said,

    2 Timothy 3:16-17
    All Scripture is God-breathed and is useful for TEACHING, REBUKING, CORRECTING and training in righteousness, so that the servant of God may be thoroughly equipped for every good work…

    Vanillae, paano mong masasabi na hindi tama ang pagkakaunawa ko sa Bible verses na un? So ano palang pagkakaintindi mo sa Salita ng Diyos na un. Obviously, may lambong ang mga mata mo sa Salita ng Diyos. Nakaktawa isipin na di mo matanggap ang Salita ng Diyos n un dahil isa ka din s mga tinatamaan ng verse na un. The truth really hurts. Alam mo ang kung binabasa mo ang Salita ng Diyos sa praang kinakausap mo ang Diyos ay hindi ganyan ang sasabihin mo sa akin.

    Vanillae, hindi ko paniniwala ang nababasa ko sa Bible, ito ay pananamplataya… We cannot please God without FAITH and FAITH comes from hearing the Gospel. Kung Diyos ang pag-uusapan natin, make it sure na ito ay galing sa BIBLE at hindi galing sa sarili mong pag-iisip.. Don’t change the Word with your own perceptions and opinions. Kailangan mo talagang i-copy paste ang buong Salita ng Diyos dahil kaya nga maraming nagkakamali sa interpretation nila sa Salita ng Diyos dahil nagiging USO ang Bible Cutting.

    Nababasa mo ba ang sarili mong ktanungan sa akin… Ito ang sabi mo…

    Vanillae: Pangalawang tanong: hindi ba talaga nag-utos ang Diyos na gumawa ng kahit anong rebulto o imahe? Paano kung nag-utos pala siya, ano ang masasabi mo? Sinasalungat ng Diyos ang kanyang sarili? Wala siyang isang salita? Paano mo ililigtas ang sarili mo sa kahihiyan kung ang Biblia mismo ang magpapatunay sa iyo na nag-utos ang Diyos na gumawa ng mga rebulto?

    Sige, maghanap k s Bible na ipinaguutos ng Diyos n gumawa ka ng imahe dito sa lupa o rebulto para sambahin, luhuran, pahiran ng pahiran pra sa kagalingan, o gawing SIMBULO ng Diyos.

    Vanillae, kung ang pananampalatya mo ay binabase mo sa Word of God hindi ganyan ang magiging pagtanggap mo sa post ko.

    John 8:31-32
    To the Jews who had believed him, Jesus said, “If you hold to my teaching, you are really my disciples. Then you will KNOW the truth, and the TRUTH will set you free.”

    Ephesians 1:13-14
    And you also were included in Christ when you heard the MESSAGE of TRUTH, the GOSPEL of your SALVATION. When you believed, you were marked in him with a seal, the promised Holy Spirit, who is a deposit guaranteeing our inheritance until the redemption of those who are God’s possession—to the praise of his glory.

    Vanillae, ibase mo lahat sa Bible ang pananampalataya mo pra hindi ka maligaw ng pang-unawa lalo na sa usaping SALVATION. Walang ibang Libro na magsasabi sau ng tama at mali kundi ang Bible lang. Walang ibang libro na magsasabi sayo kung tama ang pananaw mo kundi ang Bible lang. Tungkol sa usaping Diyos, wala kang ibang pagbabasehan kundi ang Bible lang. Hindi sa sarili mong pang-unawa. Kaya, tama ka, bakit kailangan ko magpost ng mga Biblical Text at hindi ang isipan ko gingamit ko, dahil kung gagawin ko ito magiging mangmang ako sa harapan ng Diyos. Hindi ko kinatatakutan na kutyain ako ng tao dahil sa mga sinasabi ko, bakit maililigtas ba ako ng mga taong un? Hindi ako kumukuha ng atensyon ng tao, hindi ako nagpapa impress sa tao. Tulad mo hindi ka naiimpress sa akin dahil puro Biblical Text ang nilalagay ko dito. Dahil hindi rin ako naghahanap ng pagpupuri mo. Ang kinukuha ko ay ang ATENSYON NG DIYOS. Si Lord na din ang may sabi “Tayuan mo na ang Salita mo ay katotohanan” (Juan 17:17).

    Nagmalaki ba ako sayo Vanillae? nakita mo ba s post ko ang sarili kong karunungan jan? Diba ikaw n nga may sabi n wag akong puro Biblical Text kundi kung ano ang interpretasyon sa topic dito. Kung mapapansin mo hindi kana CONSISTENT sa mga salitang binibitawan mo. Kung umubos man ako ng maraming letra dito puro BIBLICAL un lahat pati itong content ng messages ko.

    Vanillae, hindi ako magkakaron ng lakas ng loob pumasok ng mga blog sites at i-post ang sinasabi ng Holy Bible kung ang pananamplataya ko sa Diyos ay kakapiranggot lang. Wala akong ibang pinagmamalaki dito sa mga post ko kundi ang Diyos na nakilala ko. Wag kang mairita sa mga Bible passages na puro copy paste ko dito dahil aminin man natin o hindi, iilang tao lang ang nakakapgbasa ng Bible. Kya nga isa sa pinaka- malaking sekta sa buong mundo ang naniniwala sa isang kapirasong kahoy.

    Always remember, in Matthew 7:13-14, Jesus said, “Enter through the narrow gate. For wide is the gate and broad is the road that leads to destruction, and many enter through it. But small is the gate and narrow the road that leads to life, and only a few find it.”

    Tama ka, kaiingat nga talaga ang nagsasabing nakatayo at baka matisod ka… ang sinasabi jan ay ang pagsubok, minsan akala natin ay kayang kaya na natin ang lahat ng pagsubok sa ating buhay dahil sinasabi nating may pananampalatya tayo sa Diyos, pero pag anjan n ang matinding pagsubok pwede pa din pala tayong bumigay dahil sa kakulangan natin ng pananampalatya sa Diyos.

    Joshua 1:8
    “Keep this Book of the Law always on your lips; meditate on it day and night, so that you may be careful to do everything written in it. Then you will be prosperous and successful.”

    YAN LANG VANILLAE (ang Bible) ang kailangan ng lahat ng tao para mapagtagumpayan natin ang lahat ng bgay dito sa mundo kahit ang pagkilala sa mga TUNAY NA MANANAMPALATAYA NG DIYOS… yan lang ang pagbasehan mo, ang WORD OF GOD lang…. Hope it will help you to find the Truth.

  64. Mona said,

    Sa Bible verses ka din magbase ng ipopost mo, since si LORD ang tina-topic mo dito. Maging FULL GOSPEL ka… Kc kahit sinong makabasa ng post mo lalo at nagmemeditate ng Word of God makikita na puro pang-unawa mo lang ang ginagamit mo dito at sariling isipan mo lang ang pinagana mo. Kung tingin mo na kalugod-lugod yun sa harapan ng Diyos, baka magulat kana lang isang araw na pag humarap ka sa Diyos ay hindi mo alam ang tamang isasagot mo sa Kanya dahil hindi ka namuhay AYON SA SALITA NYA. Hindi tayo banal, hindi tayo santo at ni isa ay walang naging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos… Magiging matuwid lang tayo sa paningin ng Diyos kung sinusunod mo ang mga utos nya meaning pinag-aaralan mo ang kabanalan kasi un ay utos nya. Sabi ko nga sayo MAGBASA KA NG BIBLE at wag ka tumulad sa iba na Bible Cutting ang alam gawin. Para maintindhan mo ang Salita ng Diyos, magpray ka muna na bigyan ka ng karunungan na nagmumula sa Diyos, ipaunawa sa iyo ng mas malalim ang Salita nya. Mauunawaan mo lang kc ang isang bagay n espiritwal kung ang Espiritu ni Cristo ang nasa sayo.

    GOD BLESS YOU.

  65. jovenblog said,

    ito lang ma share ko: subukan nyo din gawin kung ano ang mararamdaman kapag ikaw ay may kaharap na rebulto, dahil kung sasabihin nyo na sinasamba ng mga katoliko ang rebulto napaka baba ng pagkakilala nyo sa mga katoliko tandaan nyo mga kapatid ang tinawag namin diyos ANG LUKLUKAN NYA AY KALANGITAN ANG TUNGTUNGAN NYA AY KALUPAAN tapos sasabihin lang nila na sinasamba ang larawan iba ang pagsamba sa rispeto kaya nga panalangin AMA NAMIN NASA LANGIT KA hindi yong nasa dingding ka, ITO ang tinatawag na diyosdyosan ayon sa bibliya ang sinomang nilikha na inuubos ang oras sa mga bagay na pang materyal yon ang ang kanyang pinapanginoon ( i’ll give you ex: araw ng linggo imbes na mag simba andun ka sa trabaho o kinahihiligan mo nalilimutan na ang obligation sa dios ibig sabihin yon na ang dyinodios mo! mahalaga ang larawan bakit: halimbawa yong lolo mo namatay hindi mo nakita hindi bat tinatanong mo ano kaya ang hitsura ng lolo ko panu kung larawan di mo sya makikita kaya ang sabi ng panginoon jesus AKO ANG LARAWAN, KAPANGYARIHAN ng dios na hindi nakikita natala ang lahat nyang ginawa kaya nagkaron ng larawan subalit ang bilin na mahigpit wag nyong sasambahin yan sapagkat kayang sunugin yan walang magagawa yan kc nga rebulto yan, tandaan natin tayo ay iwinangis ng dios sa kanya kaya tayo ang hari ng sarili natin tayo ay dios din ng sarili natin, ngayon sasabihin nyo na sperito dun lang mag focus ang isip ng tao ay sobrang malikot madaling mawala sa focus kung ano ano ang papasok dyan baka nga nananalangin ka yong isip mo andun sa trabaho dba? kaya malaki ang tulong ng larawan para hindi muna problimahin ano ba ang hitsura ng dios, mahirap naman kung icoconcentrate mo sa kambing o baka, hindi masama ang lumuhod sa rebulto wag mo lang sasambahin yan kc nga kahoy yan… sana maunawaan ng mga makaka basa bigyan nawa ang bawag isa ng liwanag sa isipan para maunawaan kung bakit nag karon ng larawan. god bless us

    • Mona said,

      jovenblog,

      ang masasabi ko lang sayo, just read the Bible coz the Bible says in John 4:23-24
      “Yet a time is coming and has now come when the TRUE WORSHIPERS will worship the Father in the Spirit and in truth, for they are the kind of worshipers the Father seeks. God is spirit, and his worshipers must worship in the Spirit and in truth.”

      Kindly check also in the BIBLE (Old/New) kung may sinabi ba ang Diyos tulad ng mga sinasabi mo sa post mo. We cannot change the “FACT” God’s Word is the Word of Truth…. Anothing thing, just to give the FULL RESPECT to God, kindly write His name started with the big letter…. Kung ang name nga ng tao sa “sentence” binibigyan ntin ng diin ung first name nila (malaking titik) bilang pag respeto, how much more si LORD na gumawa ng langit at lupa….. Hope nakatulong ito sau para makapag build ka ng TRUE RELATIONSHIP kay LORD. Kilalanin mo Sya through His Word with the help of the Holy Spirit.

      • jovenblog said,

        yes, we cant change i agree, but you must understand deeply what your reading from the bible..lagi nyong tandaan na mga bumabasa ng biblia, hindi lahat ay nasulat sapagkat nasusulat ipunin man lahat ng papel sa buong mundo hindi pa magkakasya ang ginawa ng dios, kaya maghanap ka sapagkat maraming katotohanan na karugtong ng bible, just open your mind in your heart and listen use your heart, hindi yan sariling imbento yan ay may pinagkukunan di pwedeng walang basehan mga sinasabi kapag katotohanan ang sinasabi, hindi yong basa ka ng basa bible pero di muna man naiintindihan tapos gagawa ka ng sariling opinion na malayo sa sinasabi nito yon ang tinatawag na nag rurunong runungan.. kaya pagaralan bawat makikita at maririnig wag yong huhusga agad tayo sa isat isa, kapag hinusgahan muna ang isang tao isa ka narin sa gumagawa ng batas isa lang pwede humatol yong gumawa ng batas.

  66. john tomato said,

    Deuteronomio 17: 1-5 “ sinoman sa inyo ang sa inyo ang gumawa ng di nararapat sa kalooban ni Yahweh o sumira sa kanyang tipan, maglingkod at sumamba sa mga diyus-diyusan, Sa ARAW, sa BUWAN o mga BIUTIN ay babatuhin hanggang sa mamatay. (question sa mga bumatikos sa imahen san po dito nakalagay na ang ipinagawa ng diyos sa exodo na kerubin ay naging diyos diyusan at dsapat ito basagin o sirain, san po sa biblia ito mababasa?)

  67. jovenblog said,

    yes totoo yan agree ako sayo,, pero naniniwala kaba sa holy trinity? kung naniniwala ka tapos ang kwento natin dahil yan ay iisa.

    • monarivera said,

      To jovenblog…

      I think you better ask yourself.

      1 John 5:7-8
      For there are three that bear witness in heaven: the Father, the Word, and the Holy Spirit; and these three are “ONE”. And there are three that bear witness on earth: the Spirit, the water, and the blood; and these three agree as “ONE”.

      That’s why I’m telling to you, to PLEASE READ THE BIBLE. God Bless You.

      • jovenblog said,

        very good, just continue your reading to enhance your knowledge coz that’s our key to enter the kingdom of god.. godbless

  68. Carl Ernest Javier said,

    Basta ang pagdarasalo pagluhod or kahit anu man sa harapan ng rebulto ay hindi maituturing na pagsamba o kahit na isang DEBOSYON. (devotions : prayer, worship, or other religious activities that are done in private rather than in a religious service) *pakahulugan ng WEBSTER Dictionary. nawa malinaw na. *sabi PRIVATE daw.

  69. Emil Reprado said,

    Nagpapasalamat ako sa iyo Diyos Ama sapagkat higit ang pag-ibig mo sa amin mga Katoliko. Maraming ala ala ng iyong paglingap ang naiwan mo sa amin. Larawan ng batang Hesus – upang matularan namin ang kanyang kababaang loob. Larawan ng Senyor Nazareno na nagpapaalala ng kanyang Pasyon – ( Dakilang Pag-ibig ). Larawan ng aming mairoging Inang Birheng Maria – ang tunay at ganap na Lingkod.

    Sambahin ka o Ama ngayon at magpakailanman….

    Anomang bagay , o kahit anumang larawan kapag ito’y pinabanal ng Diyos i’toy nagiging banal. Hindi sa paghawak ng anumang larawan maaaring hatulan ang isang tao. kung hindi sa kanyang pananampaltaya at pagtitiwala sa Diyos. Wag humatol ng di mahatulan. Diyos lang ang nakababatid ng laman ng puso ng tao.

    Magkitakita na lang tayo sa finals ( sa Muling Pagbabalik ni Hesus ).

    • monarivera said,

      To Emil Reprado…

      Ang paghatol ay ung wala sa KASULATAN.Yung salitang gawa gawa mo lang or sarili mo lng na pang-unawa. Ung bang ang lumalabas lang sa bibig mo ay ung nasa isip mo lang at wala naman sa puso. Pero kung sinishare mo lang ang sinasabi sa Salita ng Diyos hindi paghatol un…ginagamit mo lang ito para sa pagtuturo ng tama, pagre-rebuke at pagpapaalam ng katotohanan (2 Timoteo 3:16-17). Mahirap nga lang tanggapin lalo n sa mga taong sarap n sarap gumawa ng mga bagay n hindi namn kalugod lugod sa Diyos. Ung bang ang akala mong tama un pala mali sa paningin ng Diyos.
      Ang Word of God, bago pa mabuo ang mundo ay Salita na. Walang humahatol sa Katoliko o sa kahit anong relihiyon. Tandaan mo, WALANG RELIHIYONG NAMATAY PARA SAYO….
      Kung namumuhay ka n ksama si Cristo (1 Juan 5:12-13) magkikita kita tayo s finals. pero kung un lang ang akala mo malabo tayong magkita s finals. Ang payo ko sayo, magbasa ka ng Bible, at nawa’y maunawaan mo ito.. Basahin mo ito na kasama ng Holy Spirit. Nawa’y maopen ang spiritual eyes mo. God Bless You.

      • Emil Reprado said,

        Nagkataong magkaiba ang pagkakilala natin kay Kristo.

        Kapayapaan!

        Hayaan na ntin Diyos kumilatis ng buhay natin , kung inaakala mong mas banal ka sa akin at kilalang kilala mo na Hesus, higit ang paglilingkod na nagawa, nakakatuwang makitang napakalaki ng Pag-Ibig mo hindi lamang sa Diyos kung gayon din sa kanyang mga nilikha.

        Inaamin kung ako’y makasalan , ang magpahanggang ngayon hindi man lamang karapat dapat sa pag-ibig ng Diyos ( sa lahat ng hirap at sakit, at Kanyang kamatayan sa Krus ), kahabagan nawa ako ni Kristo at patuloy na gabayan ng banal na Espiritu hangan tamuhin ko ang Kaganapan ng Buhay pagdating ng takdang panahon…

  70. Roberto Santos said,

    Hindi po ako sang ayon sa mahaba ninyong paliwanag sapagkat ang inyo pong paliwanag ay base lamang sa inyong damdamin. Alin po ba ang dapat nating sundin ang ating damdamin o ang mga utos sa atin ng Diyos na nakasulat sa Banal Na Kasulatan o Biblia.

    • vanillae said,

      Ang kailangan nating kilalanin at sundin ay ang katotohanan. Ang Salita ng Diyos na nasa Kasulatan ay bukas sa napakaraming pakahulugan tulad ng lahat ng salita. Kahit ang mga batas ng bansa ay nangangailangan ng official interpretation ng Supreme Court dahil kahit ano pa man ang pakahulugan dito ng sinumang abogado, iisa lang ang maaaring tanggapin bilang totoo.

      Libo-libo na ang mga relihiyon at mga denominasyong nag-aangkin ng pagiging Cristiano, at marami sa kanila ang matapat na naniniwalang tama ang kanilang pagkaunawa sa iisang Kasulatan. Pero alam nating imposibleng magkaroon ng maraming katotohanan. Iisa lang ang Simbahan na siyang saligan ng katotohanan at may karapatan at kapangyarihan para bigyang-liwanag ang kahulugan at ipahayag ang mga salita ng Diyos na nasa Biblia. Hindi makapananaig sa kanya ang kamatayan o ang kapangyarihan ng impyerno.

    • Emil Reprado said,

      ok lang na di ka sumang ayon.

      kami na ng Diyos bahalang mag-usap. puso sa puso. nagkakaintindihan na kami.

      maraming paraan ang Diyos upang ipadama ang pag-ibig nya hindi lang sa biblia.

      • Emil Reprado said,

        Ang tao’y nilikha ng Diyos ng dahil sa “Pag-ibig”. Kaya maraming pagkakataon sa Biblia na ang ating Panginoong Hesukristo’y hindi tumupad sa batas upang manaig ang kanyang paglingap.

        Marami pang pagkilos ng Pag-ibig ang Diyos na hindi naitala sa Biblia na kung isusulat lahat ay hindi magkakasya kahit sa buong sanlibutan.

        Napakadaling kausap ng “Aking Diyos” – Siya’y mababang loob at punong puno ng pag-ibig, at nais Niyang tularan natin Siya.

        Iba iba ang interpretasyon natin sa kanyang Love Letter ( Biblia ),
        ngunit dapat tayong magtagpo sa isang landas, ang landas ng Pag-ibig. Kung mangyayari ito ay magkakaroon ng kagalakan sa langit.
        Sapagkat napakahalaga ng bawat isa sa atin sa paninign ng Diyos at ni isa man ay ayaw Niyang may mapahamak.

        Ang Pag-ibig na ito ng Diyos sa Tao ang siyang kinaiinggitan ng Demonyo na punong puno ng Pride – Kayabangan at kawalan ng Damdamin.

        Mabuti na lamng at binigyan ako ng “Aking Diyos” ng isang damdaming marunong umunawa at magmahal . ( Sa gabay ng Banal na Espiritu )

        Sumaatin nawa ang Pag-ibig ng Diyos!

  71. lctaastakta said,

    sinasabi ng iba na di nila sinasamba ang rebulto pero bakit kaya nila dinadasalan, ipinuprusisyon at niluluhuran?na ang katotohanan ay itoy kasuklam suklam sa mata ng Diyos…sanay totoo nga po nating maunawaan ang salita ng Diyos para di tayo mailigaw ninuman o ng nakagisnang maling tradisyon…. 😦

    • vanillae said,

      Sinasamba ng mga Israelita si Yahweh sa harap ng Kaban at ipinuprusisyon nila ito. Kalugod-lugod iyon sa Diyos, hindi iyon itinuring na pagsamba sa diyus-diyusan. Ang idolatria ay nagmumula sa puso, hindi sa nakikita lang ng mata. Kaya sinasabi ni Jesus, “Ang masasamang layunin ay nagmumula sa puso.”

    • Emil Reprado said,

      Hindi mo yan mauunawaan ,kug bakit naming yun ginagawa. It’s a matter of faith. At walang sinumang tao ang kayang sumukat ng Pananampalataya, ipaubaya na natin yan sa Diyos.

  72. joe said,

    Exodo 20:3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
    Exodo 20:4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.
    Exodo 20:5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.

  73. jho said,

    To all,

    Maganda pong pakinggan ang usapin tungkol sa dios lalo sa ikakabuti ng tao. Kung ang lahat ay aayon na ang dios ang pinagmulan ng lahat, ito man ay nakikita o hindi sa mundong ibabaw since creation ayon sa bible di dapat nagtatalo ang tao sa usapin ng rebulto. Maging ang bibliya ay gawang kamay ng tao para basahin. San galing ang tao? sa dios diba Ang rebulto gawang kamay ng tao. san galing ang tao sa dios din diba? Dahil nga ang lahat ng ito ay buhat sa kanya(dios). Isabuhay, isapuso ang magandang aral ng bibliya sa ikakabuti ng tao at kapamayanan nito iwasan po ding humusga sa tao sa kapamaraanang pagsamba sa rebulto, dahil tanging dios lang ang may karapatang humusga. Di man natin minsan maunawaan ang pamamaraan ng dios magtiwala po tayo sa kanya. Dahil iba cya sa tin, Iginagalang ko po ang kuro kuro at pananampalataya ng iba dahil ang dios ay binigyan tayo ng kalayaan sa pag iisip, sa salita at gawa. Ang bibliya ay matalinhaga at di literal kaya mapalad ang makakaunawa nito…

    To Mr Vanillae,

    Maganda ang goal mo po na sa pamamagitan ng social media na isang instrumento din na masasabi na gawa ng tao buhat sa dios na pinagmulan ng lahat para makatulong sa tao na suriin, timbangin ang nilalaman ng bibliya. More power at para sakin makatwiran ang pakahulugan mo nito at nauunawaan ko.Tama po kayo komplikado ang isipan ng tao iba iba ang liwanag sa isip para makaunawa …

  74. hidemidnightfantom said,

    sa (.’Exo. 20:3-5).ang ipinagbabawal ng Dios ay gumawa ka ng Rebulto at gawing mo itong Dios.. pero di sya nagbabawal gumawa gn rebulto sa mga banal na tao. tulad ng mga larawan ng Keruben, larawan ng Ahas na tanso at ibang pang larawan ng mga banal.(Exo. 25:18-22, Eze. 41:17-20).

  75. hidemidnightfantom said,

    kung sasabihing ang pagluhod namin sa mga larawan ng mga banal ay pagsamba.. nagkakamali kau.. basa: PAGLUHOD
    .
    (pag lilinaw sa pagluhod nating mga Catholico sa harap ng mga rebulto at imhen na ayon sa ibang sekta ito daw ay pagsamba na?)
    .
    .
    OBJECTION # 1
    .
    [ BAKIT NILULUHURAN? NIYUYUKURAN? KUNG HINDI NYO SINASAMBA ? EDI PAGSAMBA NA YAN !
    .
    2 KINGS 17:35 (NIV) “ When the LORD made a covenant with the Israelites, he commanded them: “DO NOT WORSHIP any other gods or BOW DOWN TO them, serve them or sacrifice to them.” ]
    .
    LEVITICUS 26:1 (NIV) “Do not make idols or set up an image or a sacred stone for yourselves, and do not place a carved stone in your land TO BOW DOWN BEFORE IT. I am the LORD your God.”
    .
    CATHOLIC ANSWER
    ang sabi jan , wag lumuhod para sambahin ang IBANG DIOS , eh wala naman tayong ibang Dios kundi ang dios ama , anak at espirito santo sa tatlong persona bilang iisang dios eh , HINDI naman dios mga santo at si Maria bakit pag pipilitang DIos sila ? pero , basahin muna natin ang . .
    .
    PSALMS 95:6 (NIV) “Come, LET US BOW DOWN in worship, LET US KNEEL before the LORD our Maker;”
    .
    PSALMS 138:1-2 (NASB) “[1] A Psalm of David. I will give You thanks with all my heart; I will sing praises to You before the gods. [2] I WILL BOW DOWN TOWARD YOUR HOLY TEMPLE And give thanks to Your name for Your lovingkindness and Your truth; For You have magnified Your word according to all Your name.”
    .
    malinaw at sa templo ay may nagaganap na pag luhod pag yukod, eh ano ang makikita sa loob ng Templo nuon ? basa..
    .
    EZEKIEL 41:17-19 (BMBB) “[17] Ang LOOB NAMAN NG TEMPLO ay balot ng tablang kasintaas ng pinto at MAY UKIT NA LARAWAN NG PALMERA AT KERUBIN; [18] salitan ang larawan ng palmera at kerubin. Bawat kerubin ay MAY DALAWANG MUKHA: [19] ISA AY MUKHA NG TAO, MUKHA naman ng LEON ang isa. Ang mga ito’y magkatalikod at parehong nakatingin sa puno ng palmera. Ganito ang LARAWANG NAKAUKIT sa lahat ng dingding ng templo.”
    .
    1 KINGS 6:29 “at kaniyang INUKITAN ANG LAHAT NA PANIG NG BAHAY sa palibot ng mga ukit na LARAWAN NG MGA QUERUBIN, at ng mga puno ng palma, at ng mga bukang bulaklak, sa loob at sa labas.”
    .
    SA ENGLISH .
    .
    EZEKIEL 41:17-19 (NIV) “[17] In the space above the outside of the entrance to the inner sanctuary and on the walls at regular intervals ALL AROUND THE INNER AND OUTER sanctuary [18] WERE CARVED CHERUBIM and palm trees. Palm trees alternated with cherubim. EACH CHERUB HAD TWO FACES: [19] THE FACE OF A MAN toward the palm tree on one side and THE FACE OF A LION toward the palm tree on the other. They WERE CARVED ALL AROUND THE WHOLE TEMPLE.
    .
    1 KINGS 6:29 (NIV) “On the WALLS ALL AROUND THE TEMPLE, in both the INNER and outer rooms, he CARVED CHERUBIM, palm trees and open flowers.”
    .
    napakalinaw , mga inukitan at mga inanyuang rebulto’t imahen na makikita sa lahat ng panig ng Templo , loob at labas, eh ano ang ginawa ng mga tao sa loob ng templo ?, habang nanalangin ? . . .
    .
    1 KINGS 8:54 (NASB) “ When SOLOMON HAD FINISHED PRAYING THIS ENTIRE PRAYER and supplication to the LORD, he arose from before the altar of the LORD, FROM KNEELING ON HIS KNEES with his hands spread toward heaven.”
    .
    JOSHUA 7:6 (KJV) “And JOSHUA rent his clothes, and FELL TO THE EARTH UPON HIS FACE BEFORE THE ARK OF THE LORD until the eventide, he and the elders of Israel, and put dust upon their heads.”
    .
    Ayan, si haring Solomon lumuhod habang nanalangin sa harap ng kaban ng tipan (ark of covenant) na may inanyuang rebulto ng kerubin , ganun din si Joshua nag taripapa pa habang nanalangin sa harap nito , ibig sabhin sinasamba na nila ang mga inanyuang querubin na nasa Kaban ng tipan? natural hindi , tulad din ng mga Catholico lumuluhod habang nanalangin sa harap ng inayuan PERO HINDI sinasamba.
    .
    kaya pala kahit pati mga apostol ni Jesus ay nananlangin din sa loob ng Templo na may inanyuan sa loob .
    .
    ACTS 3:1 (NASB) “Now peter and john were going up to the TEMPLE at the ninth hour, the hour of PRAYER.”
    .
    GAWA 3:1 (BMBB) “Minsan, nagpunta sina Pedro at Juan sa TEMPLO; alas tres ng hapon noon, ang oras ng PANANALANGIN.”
    TANONG ? SAN MABABASA SA BILIA NA NAGKASALA SILA O PINARUSAHAN ?
    .
    .
    .
    OBJECTION # 2
    .
    [ ANG PAGYUKOD AY PAGSAMBA NA DIN SA (MATEO 2:11), EDI SINASAMBA NYO NGA .
    .
    Matthew 2:11 (NIV) “On coming to the house, they saw the child with his mother Mary, and THEY BOWED DOWN AND WORSHIPED HIM. Then they opened their treasures and presented him with gifts of gold and of incense and of myrrh.”
    .
    Malinaw na niluhuran nga ng tao nuon at ang BATANG Jesus at sinamba , katulad ng pag luhod ninyo sa mga Rebulto ni Jesus . edi sinasamba nyo nga ? ]
    .
    CATHOLIC RESPONSE
    Tinutukoy sa talatang (MATEO 2:11) ay lumuhod nga at sinamba ang batang Jesus ng totohanan . PERO ? hanggang jan nalang ba ? PERO hindi lahat ng pag luhod ay pag samba .
    .
    Mateo 15:25 Ngunit lumapit sa kanya ang babae, LUMUHOD ito at nagmakaawa, “Tulungan po ninyo ako, Panginoon.”
    .
    malinaw nung lumuhod ang babae, sumamba ba sya sa taong niluhuran niya? natural HINDI , bagkus may hinihinging bagay o tulong samakatuwid nag MAMAKAAWA sya sa pamamagitang ng pag luhod niya. HETO PAH .
    .
    Mateo 2:8 Lumapit sa kanya ang isang taong may ketong, a LUMUHOD sa harapan niya, at sinabi, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako’y inyong mapapagaling at magagawang malinis.”
    .
    malinaw na lumuhod sya at may hinihinging bagay at yun ay pagalingin sya sa sakit , samakatuwid nag mamakaawa siya sa pamamagitan ng pag luhod niya sa kanyang kahilingan , walang pinag kaiba sa mga Catholic pag lumuluhod sa mga Santo , Maria sa pag hiling sa panalangin .
    .
    Genesis 19:1 (NIV) The TWO ANGELS arrived at Sodom in the evening, and LOT was sitting in the gateway of the city. WHEN HE SAW THEM, HE GOT UP to meet them AND BOWED DOWN with his face to the ground.
    .
    Genesis 19:1 (BMBB) “Nang gabing dumating sa Sodoma ang DALAWANG ANGHEL, nakaupo si LOT sa may pintuan ng lunsod. Pagkakita sa kanila’y TUMAYO SI LOT at sinalubong sila. NAGPATIRAPA SIYA SA HARAPAN NG MGA ANGHEL.”
    .
    Yumukod si LOT sa dalawang Angel , sinasamba ba niya ang mga ITO ? natural HINDI , at ganun din kami hindi sinasamba pag yumuyukod .
    .
    Genesis 42:6 (NIV) “Now Joseph was the governor of the land, the one who sold grain to all its people. So WHEN JOSEPH’S BROTHERS ARRIVED, THEY BOWED DOWN TO HIM with their faces to the ground.”
    .
    Genesis 42:6 (BMBB) “Bilang gobernador ng Egipto, si JOSE ang nagbebenta ng pagkain sa mga tao, kaya’t sa kanya pumunta ang kanyang mga kapatid. PAGLAPIT NG MGA ITO, SILA’Y YUMUKOD SA KANYANG HARAPAN.”
    .
    Ayan , yumukod ang mga kapatid ni Joseph sa kanya , sinasamba ba nila si Joseph? Natural hindi ,
    .
    .
    .
    OBJECTION # 3
    .
    [ ANG PAGLUHOD AY PAG SAMBA NA DIN SA (REVELATION 22:8-9) , (ACTS 10:25-26)
    .
    REVELATION 22:8-9 (NASB) “[8] I, John, am the one who heard and saw these things. And when I heard and saw, I FELL DOWN TO WORSHIP AT THE FEET OF THE ANGEL who showed me these things. [9] But he said to me, “Do not do that. I am a fellow servant of yours and of your brethren the prophets and of those who heed the words of this book. Worship God.”
    .
    ACTS 10:25-26 (NASB) “[25] When Peter entered, Cornelius met him, and FELL AT HIS FEET AND WORSHIPED HIM. [26] But Peter raised him up, saying, ‘Stand up; I too am just a man.’ “ ]
    .
    .
    CATHOLIC RESPONSE
    Malinaw , dalawa ang binabanggit jan , pagluhod (fell at his feet) at pag samba , at malinaw din na ang intention ni Juan na sambahin ang anghel sa (Revelation 22:8-9) at si Cornelius na sambahin si apostol Pedro (Acts 10:25-26)
    .
    Dahil ang intention nila ay sambahin sila kaya sinabi ng anghel pati ni apostol Pedro , “huwag mong gawin yan” , “tumayo ka “
    .
    pero ? hindi ito ibigsabhin ay pag luhod ay katumbas pag samba (worship). Tulad ng mga Catholico lumuluhod sa Pope , lumuluhod sa Pari pag na oordinahan , Lumuluhod din sa mga Fiancee ng kanilang pakakasalang babae ay hindi nangangahulugang pag samba .
    .
    Kaya Kung pagpipilitan natin ang katwiran na ang pagluhod ay katumbas ng pagsamba ? lalabas sinasamba na din ng mga membro ng ibang sekta ang nasa harap nila , mga inoordinahang ministro ni Manalo lumuluhod sa kanya n lalabas sinasamba na nila si Manalo , at iba pang mga sekta protestante na gumagawa din nito tuwing Sunday worship service nila , at lalong lalabas din na kahit mga tao sa biblia na gumagawa din nito ay sinasamba nila ang mga nasaharap nila . hindi po ganun , hito ang mga talata sa pagluhod nuon ng mga tao sa kasulatan .
    .
    JUDITH 14:7 (BMBB) “ Itinayo nila siya at SIYA’Y NAGPATIRAPA SA PAANAN NI JUDITH BILANG PAGBIBIGAY-GALANG. “Ang papuri sa iyo ay aawitin sa lahat ng kampo sa Juda at sa gitna ng mga bansa. Manginginig sila kapag narinig ang iyong pangalan.”
    .
    JUDITH 14:7 (KJV Apocrypha) But when they had recovered him, HE FELL AT JUDITH’S FEET, AND REVERENCED HER, and said, Blessed art thou in all the tabernacles of Juda, and in all nations, which hearing thy name shall be astonished.
    .
    Nagtaripapa ay pag bibigay galang to honor , at HINDI pagsamba , kaya nagtaripapa pero HINDI sinasamba si Judith .
    ESTHER 3:2 (NIV) “All the royal officials at the king’s gate KNELT DOWN AND PAID HONOR to Haman, for the king had commanded this concerning him. But Mordecai would not kneel DOWN OR PAY HIM HONOR.”
    .
    ESTHER 3:2 (BMBB) “LAHAT NG TAUHAN sa bulwagan ng palasyo ay YUMUYUKOD AT LUMULUHOD SA HARAP NI HAMAN bilang pagsunod sa utos ng hari. Ngunit si Mordecai ay hindi yumuyukod at lumuluhod.”
    .
    Ayan napakalinaw, ang pagyukod (bowing down) ay pagbibigay GALANG (Honor) , at HINDI naman sinasabing pag samba jan eh . .
    .
    1 SAMUEL 28:14 (NASB) He said to her, “What is his form?” And she said, “An old man is coming up, and he is wrapped with a robe.” And Saul knew that it was Samuel, and HE BOWED WITH HIS FACE TO THE GROUND AND DID HOMAGE.
    .
    1 SAMUEL 28:14 (BMBB) “Itinanong ni Saul, “Ano ang hitsura?” “Isa siyang matandang lalaking nakabalabal,” sagot ng babae. Natiyak ni Saul na si Samuel ang tinutukoy ng babae, KAYA SIYA’Y NAGPATIRAPA AT NAGBIGAY-GALANG.
    .
    Napakalinaw ng (1 Samuel 28:14) , na ang pagtataripapa ay pag bibigay galang .
    .
    THEREFORE , Huwag humusga agad agad sa kung ano ang nakikita ng ating mga mata na un na nga agad . bagkus suriin kung bakit ito’y ginagawa , dahil Dios lang ang nakaka alam ang nasa isip ng tao kung intention ba talagang sambahin mga ito o pag bigay mataas na galang at respeto (veneration) lang para sa mga ito .
    .
    JOHN 7:24 (NASB) “Do not judge according to appearance, but judge with righteous judgment.”
    .
    .

  76. Angelica chloe P. herreros said,

    Patunayan nyo muna ang lahat ng sinasabi nyo. Mag bgy kayo ng verse na angkop sa pinaglalaban nyo na hnd nga masama ang mgtayo o gumawa ng imahe ng DIYOS.

    • vanillae said,

      Angelica, talaga bang makukuntento ka at maniniwala kapag may nakita kang pruweba na hindi galit ang Diyos sa mga bagay na naglalarawan o sumisimbolo sa Diyos? O lalo lang mawawalan ng katapusan ang mga tanong mo dahil hindi mo magawang mapagkasundo ang mga katotohanang tila magkakasalungat sa isip mo?

  77. Angelica chloe P. herreros said,

    Diba nga sa kwento ni Moises hbang nsa gtna sila ng paglalakbay papunta sa lupang ipinangako gumawa sila ng sarili nilang Diyos kya nman nagalit si LORD sa mga istraelita noon. Kailangan nating sambahn sya sa espirito santo. Hnd natn kailangan lumkha ng gawa sa bato, papel, o kahoy para lng masbi mo na may sinasamba knga. At my Diyos nga. Manampalataya ka o manalig kht hnd mo nkkta. Antawag don is by FAITH. Wag tayo tumulad sa mga Israelita. Wg dn tayo bumase ayun sa atng mga nkkta. Ang mga gnamt sa pglikha ng imahe ng DIYOS ay sya dn nyang nlikha kya bkt natn iyun sasambahn. Kya nga natanaw nlang nila ang promse land at hnd napuntahan dhl sa katigasan ng atng ulo. Mg basa tayo ng biblia. Wg tayong magng pilosopo. Mag DASAL, BASAHN, at INTINDIHIN ng mbuti.

    • vanillae said,

      May mali sa narinig mo, Angelica. Nakarating sa Lupang Pangako ang mga Israelita sa pangunguna ni Joshua. Ang hindi nakarating ay yung mas matatanda na lumabas sa Ehipto. Pero ang bagong henerasyon ay nakapasok sa Lupa.

      Salungat sa ipinahahayag ng kasaysayan ang sinasabi mong hindi kailangang lumikha ng mga tanda at mga simbolo na gagamitin sa pagsamba. Ang tanda ay tanda, hindi ito ang mismong bagay na tinutukoy at hindi rin ito ang sinasamba. Kapag may nakita kang sign na nagsasabing, “Jollibee – 500 meters”, iyon ay nagtuturo sa lokasyon at distansya ng Jollibee, hindi iyon mismo ang Jollibee. Hindi ka kakain doon kundi sa lugar na itinuturo noon. Sa mga bus ay makikita mong ang sign na “Cubao” pero hindi yun mismo ang Cubao. Sinasabi lang nun na kapag sumakay ka sa bus na may ganung tanda ay makakarating ka sa Cubao. Hindi yun kumplikadong katotohanan.

      Tungkol sa pagsamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan, masasabi mo ba ang eksaktong kahulugan ng sinabi ni Jesus tungkol doon ayon sa konteksto ng pinag-uusapan nila ng babaeng Samaritana?

      Ibibigay ko sa’yo ang mga pruwebang hinahanap mo kung matapat mong masasabi sa akin na makukuntento ka at maniniwala sa mababasa mo.

  78. name said,

    Ano pa silbi ng faith mo kung kailangan pa ng mga imahe na ganyan? Ano ba ibigsabihinng faith? Faith is believing without seeing it. Walk by faith not by sight. Dahil sa relihiyon nabubulag na ang mga tao. Kung ang relihiyon nga ang makakapagligtas sa atin. Bakit ganito parin kagulo ang bansa? God is not an image. read acts 17:29, exodus 20:4, acts 7, romans 1:25.

    • vanillae said,

      Ang paggamit ng mga imahe ay hindi salungat sa pananampalataya. We live in a visual world. Lahat ng nasa paligid natin ay nagagawa nating ma-sense at ma-appreciate dahil sa images. Kahit ang kausap mo sa telepono, hindi mo man kilala at wala ka man larawan sa harapan mo, pero ang isip mo ay kusang gumagawa ng larawan niya dahil sa ganitong paraan ka magkakaroon ng sense of connection sa kanya. Ganyan nakadisenyo ang utak natin, at ang Diyos ang gumawa niyan.

      Ang pagpapaganda ng Templo ng Jerusalem ay hindi para sa Diyos kundi para sa mata ng tao, dahil tumutulong ito sa kanyang pananampalataya. Kung babasahin ang plano ng Templo na nakasulat sa Biblia, makikita doon na napakaraming mga imahe at mga palamuti ang ipinalagay ng Diyos. Dahil ba salungat ito sa pananampalataya? Syempre, hindi! Sa halip, ito ay tumutulong sa pananampalataya. Kung papansinin, tinutulungan ni Jesus ang pananampalataya ng mga alagad sa pamamagitan ng mga talinghaga. Ang talinghaga ay isang paglalarawan sa pamamagitan ng paghahambing. Mas maraming talinghaga, mas maraming kaunawaan o kaliwanagan ang naghihintay sa mga alagad na nakahandang tumanggap ng pananampalataya.

      Makikita rin na ang pagpapagawa ng Panginoon kay Moises ng ahas na tanso ay tungkol sa pananampalataya. Kailangang maniwala ng mga Israelita na ililigtas sila ng Diyos mula sa kamandag ng mga ahas kung titingin sila sa ahas na tanso. Muli, ang Diyos ang nagpagawa nito at ito ay tungkol sa pananampalataya.

      Kung maituturing na mas may pananampalataya ang mga di nakakita kay Jesus, mangangahulugan na mas malaki pa ang pananampalataya ng mga tao ngayon kaysa mga apostol ni Jesus dahil namuhay silang kasama siya.

      God is an image. In fact, we were created in his image as the accounts of creation tells us. Christ also, who is God, is the visible image of the invisible God (Colossians 1:15).

  79. Belle said,

    ANG KATOTOHANAN NA AYAW PANIWALAAN AT TANGGAPIN NG MGA KATOLIKO

    ANG TOTOONG HITSURA O MUKHA NI HESUS AYON SA BIBLIYA

    Ang imahe o larawan na makikita o pinasasamba Ng simbahang katolika sA kanilang mga miyembro ay isang ilusyon lamang Ng mga pintor na Isinunod lamang nila AYON sA mga katangian o hitsura Ng taga Europa Ng pagtibayin Ng Catholic Church ang Pagsamba as mga imahen at mga larawan noong 787 A.D. sA Kapulungan Ng Nicea na siya namang ipinagbabawal Ng Dios (Exodus 20:4-5 at Deutronomy 27:15).

    May mga katibayan din na ang imahe na Ito ay ang anak ni pope Leonardo IV na si Cesar Borgia na ipininta ni Leonardo da Vinci.

    Si Hesus ay Hindi Maputi, Sapagkat Hindi syA European. Si Hesus ay Hudyo (Jew). Si Hesus ay nakatira sA Lupain Ng Israel sA gitnang silangan. Sinasabi sA Biblia na si Hesus ay lakad Ng lakad kahit saang dako Siya Magawi sA pangangaral Ng salita Ng Dios Kung kaya’t ang ang kanyang KuLay OLIBONG BALAT ay lalo pang mas pinaitim Ng sikat Ng Araw.

    Si Hesus ay May Malago at mahabang balbas dahil Ito ay isang KAUTUSAN sA mga Hudyo sA ilalim Ng Batas ni Moses na “Hindi dapat putulin ang buhok Sa tagiliran Ng kanyang ulo o ipitan ang ang dulo Ng balbas ( Leviticus 19:27). Maikli ang kanyang buhok Sapagkat ito’y KAUTUSAN sA mga hudyo (1 Corinthians 11:14, Ezekiel 44:20, Numbers 6:5, Leviticus 21:5)

    Subalit ano nga ba ang tunay na MUKHA ni Hesus? Ang tanging Bible verse na Nagsasabi Kung ano ang tunay na MUKHA ni Hesus ay nasa ISAIAH 53:2 “HE HAD NO BEAUTY OR MAJESTY TO ATTRACT US TO HIM, NOTHING IN HIS APPEARANCE THAT WE SHOULD DESIRE HIM.”

    Sa Madaling salita, ang tanging deskripsyon Ng bibliya nung kapanahunan ni Hesus nung SyA ay nabubuhay pa dito sA lupa, SYA AY PANGIT o WALA KANG MAKIKITANG KATANGIAN O KAGANDAHAN SA KANYA.

    Sa kabilang Banda, sino ang sinasabi Ng Bibliya na gustong gustong tingnan Ng mga Tao at sinasamba pa nga! ITO AY SI SATANAS! sabi sA Bibliya si Satanas ay Guwapo at perfect in beauty ( Ezekiel 28:14-17) at ipinapakilala Nya ang kanyang sarili na punong puno Ng kabutihan ( Corinthians 11:14-15).

    • vanillae said,

      Belle, nakikita kong ligaw ang pinagmumulan mo ng mga impormasyon, pangkasaysayan man o pang-Biblia.

      Unang kamalian, walang anumang larawan ang sinasamba ng mga Katoliko. Sa loob ng simbahan, ang tanging sinasamba na nakikita ng mata ay ang Banal na Sakramento — si Jesus sa anyo ng Tinapay.

      Pangalawang kamalian, hindi kailangang maging eksakto ang itsurang lumalarawan sa taong inaalala para lang maalala nang tama. May mga simbolo at mga larawan na ginagamit ang mga sinaunang Cristiano na hindi naman tumpak na tumpak sa itsura ng gusto nilang ilarawan dahil ang paggamit ng mga ito ay hindi para malaman kung ano ang totoong itsura ng isang tao kundi para panatilihing buhay ang kanilang kasaysayan. Ginamit din ng mga unang Cristiano ang iginuhit na isda o IKTYS para sumimbolo kay Cristo, pero hindi ibig sabihin noon ay naniniwala silang isda si Jesus o kaya ay sinasamba nila ang larawan ng isda. Kahit hindi na tayo lumayo, may mga larawan tayo ni Lapu-Lapu dahil itinuturing natin siyang bayani ng bayan pero ang totoo, walang buhay na tao ngayon ang nakakaalam ng totoong itsura ni Lapu-Lapu. Mahalaga ba talagang malaman pa natin kung ano talaga ang itsura niya o gumagamit lang tayo ng larawan para tulungan ang isip natin na maranasan ang katotohanan ng pag-iral niya sa kasaysayan?

      Pangatlong kamalian, ang pagkaugnay kay Caesar Borgia ng mga larawang tumutukoy kay Jesus ay palagay lamang ng isang manunulat na si Alexandre Dumas, pero siya din mismo ang nagsabi na hindi nagkakasundo ang mga manunulat sa totoong itsura ni Caesar Borgia. Kung ganun, paanong mapatutunayan na may pagkakahawig nga ang totoong Caesar Borgia at ang mga larawang patungkol kay Jesus? (Hindi totoo ang sinasabi mong katibayan.) O para mas malinaw ang konteksto: walang sinumang buhay ngayon ang makakapagsabi kung ano talaga ang itsura ni Jesus at kung ano din talaga ang itsura ni Borgia. Sa madaling salita, ang opi-opinyong ito ay walang kabuluhan at hindi dapat pagkaabalhan. Isa pa, kung totoo man na mayroong pagkahawig ang totoong Caesar at ang mga nasabing larawan, wala din itong kahulugan. Kahit sino ay maaaring makahawig ng larawan na kilala natin bilang si Lapu-Lapu pero walang magiging epekto yun sa kasaysayan niya at mga katangian bilang tao. Lalo lang nagiging mababaw mag-isip ang mga nag-aaksaya ng panahon sa mga ganyang usapin.

      Pang-apat na kamalian, si Caesar Borgia ay anak ni Cardinal Roderic Llançol i de Borja na kinalaunan ay naging Pope Alexander VI, hindi Leonardo IV.

      Panglimang kamalian, ang maikling buhok na sinasabi mo ay assumption lang dahil ang maikli o mahabang buhok sa paningin natin ay maaaring di tulad ng sa paningin nila. Ang modelo natin ng “panlalaking buhok” ay ang maka-modernong Kanluranin na ipinagugupit ang buhok hanggang sa taas ng tenga. Noong lumang panahon, sa Kanluran man o sa Silangan, may kahulugan ang pagkakaroon ng mahabang buhok ng mga lalaki (ang tinutukoy ko ay “mahaba” sa standard natin ngayon), at madalas, iyon ay may kinalaman sa estado sa lipunan. Ang tinutukoy sa Ezekiel 44:20 ay mga paring Levita, hindi lahat ng mga Judio. At muli, hindi natin alam kung ano ang ibig sabihin nila ng “katamtamang haba”. Pwede lang tayong mag-assume pero hindi tayo makasisiguro. Sa Bilang 6:5 naman, ang tinutukoy ay mga Nazareo, hindi rin lahat ng Judio. Bukod doon, ang sinasabi doon ay, “huwag magpaputol ng buhok sa buong panahon ng kanyang panata; hahayaan niya itong humaba.” Kabaligtaran ito ng sinasabi mo na ayon sa Kautusan ay dapat na maikli ang buhok. Sa Levitico 21:5, ang tinutukoy ay ang mga karaniwang ginagawa ng mga kapanahon nila kapag nagluluksa, tulad ng pagputol ng balbas, paghihiwa ng katawan, at pagpapakalbo. Sinasabi sa kanila ng Diyos na hindi ito dapat gawin para lang ipakitang nagluluksa sila. (Mukhang hindi mo yata binasa o naintindihan ang mga biblical reference na ibinigay mo.)

      Pang-anim na kamalian, si Jesus ay hindi pangit. Ang inilalarawan sa Isaias 53 ay ang naghihirap na Lingkod ni Yahweh. Hindi ito ang totoong larawan ng mukha ni Jesus kundi ito ang larawan niya sa paningin ng mga tao noong siya ay nasa kanyang pasyon o oras ng pagpapakasakit. Makikita sa parehong kabanata kung bakit naging ganun ang pisikal na itsura niya: “Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.” “Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man.” Kung si Vhong Navarro nga, halos wala nang mukha noong pinagtulungan, si Jesus pa kaya na inabuso ng halos lahat ng nakalapit sa kanya. Pinagsusuntok siya, pinagsisipa, dinuraan, hinampas ng matatalas na pangparusa, sinaksakan ng tinik ng puno sa ulo, binunutan ng balbas, at kung ano-ano pa. Sa kalagayan iyon, wala talagang anumang kagandahan ang matatagpuan sa kanya. Pero hindi ibig sabihin ay iyon talaga ang normal na itsura niya. Ang totoo niyan, may mga dokumento noong panahon ng mga unang Cristiano na naglalarawan kay Jesus bilang makatawag-pansin. Kung hindi makarisma ang dating ni Jesus, walang papansin at susunod sa kanya.

      Pangpitong kamalian, ang kagandahan ng dating tinatawag na “Lucifer” ay hindi bunga ng kanyang pagiging Satanas o Kaaway kundi dahil dala niya ang liwanag ng Diyos. Ang ibig sabihin ng lucifer ay “light-bearer” o “morning star”. Sa Diyos lang nagmumula ang lahat ng kagandahan. Si Satanas ay wala nang tunay na kagandahan dahil ang kapangitan ng lahat ng kasalanan ang nalalarawan sa kanya. Sa kabilang banda, si Jesus ay sumasalamin sa kagandahan ng Diyos. Siya ang nakikitang larawan ng di-nakikitang Diyos (Colosas 1:15).

      Pangwalong kamalian, hindi lang sa Isaias 53 inilarawan ang anyo ni Jesus. Sa Psalm 45:2 ay ganito inilarawan ang Cristo: “You are the most handsome of the sons of men; grace is poured upon your lips.” Sa Awit ni Solomon 5 ay sa ganitong paraan inilarawan ang Mangingibig na walang iba kundi ang Mesias:

      Ang irog ko ay makisig, matipuno ang katawan,
      sa sanlibo ay siya lang ang may gayong katangian.

      Alun-alon ang buhok niya, mahaba at nangingintab
      mahal pa iyon kaysa ginto, kulay uwak ang katulad.

      Mata niya’y mapupungay parang ibon sa may batis,
      kalapati ang katulad at gatas pa ang panlinis.

      Ang kanyang mga pisngi’y simbango ng isang hardin,
      mga labi’y parang liryo, nakasasabik na simsimin.

      Kamay niya ay maganda, O kay inam na pagmasdan,
      suot niyang mga singsing, bato nito’y ubod mahal.
      Wari’y garing ang katulad ng buo niyang katawan,
      naliligid ng pahiyas na safirong makikinang.

      Sa Pahayag 1:14-16 ay inilarawan din si Jesus.

      Pero kahit ano pa ang pisikal na itsura niya, hindi iyon ang mahalaga kundi ang pag-alala natin sa kanya at pagninilay sa kanyang mga katangian, mga utos, at mga pangako; at kung paano natin siya mabibigyang-parangal sa harap man ng ibang tao o sa pribado nating lugar. Anuman ang makakatulong sa atin para magawa ang mga ito, iyon ay katanggap-tanggap at iminumungkahi. May mga gumagamit ng bracelet na may nakasulat na WWJD o anumang katulad noon. May mga nagsusuot din ng damit na nagpapaalala sa mga aral ni Jesus. Ang lahat ng bagay ay sa Panginoon at dapat lang na gamitin para sa lalong ikaluluwalhati niya.

      Madali lang maniwala na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman, pero tanging ang mga umaamin lang na marami pa silang matututunan ang talagang nagiging maalam. Madali lang din maniwala sa mga sabi-sabi, lalo na kung tungkol ito sa ikasisira ng iba, pero tanging ang katotohanan lang ang mahalaga kahit na mahirap itong makamtan at isabuhay.

  80. Nojram said,

    That is stupid,, hindi ako naniniwala na ang mga larawan o statwa na tinatawag ninyong diyos,, ay isang inspirasyon lang….. isang malaking kalokohan. Bakit sa tuwing kapaskuhan ng poong nasarino ay hinahalikan,, halos mamatay na nga yong iba maipahid lang ang dala nilang tawil.. yan ba ang hindi sinasamba? Pandaraya yan sa mga tao..

    • vanillae said,

      //mga larawan o statwa na tinatawag ninyong diyos//

      Walang mga larawan o estatwa sa simbahan na tinatawag na diyos. Ang mga larawan ay representasyon ng mga taong nasa isip ng mga mananampalataya tulad ng pangkaraniwang mga larawan na nasa wallet o nasa Facebook. Ang larawan ng asawa o anak ay hindi espesyal dahil sa papel nito o sa tinta o dahil sa sarili nitong mga katangian kundi dahil sa pagmamahal na nasa puso at isip ng gumagamit nito patungkol sa mga taong inilalarawan dito. Hindi ang larawan ang pinag-uukulan ng pagmamahal o pagpapahalaga kundi ang taong tinutukoy nito.

  81. jovenblog said,

    para saken walang masama sa paghalik sa poon o rebulto, ang masama dyan ay yong nagisip ng hindi maganda o humusga sa taong gumawa nito.. walang nakakaalam sa damdamin ng taong gumagawa nito, wala tayong karapatan sila ay husgahan at sabihin mali ang kanilang ginagawa.. lahat tayo ay pinalaya ng dios kaya lahat tayo ay nabubuhay ayon sa kalayaan binigay ng dios sa atin… malay mo hindi naman talaga nya sinasamba hinalikan lang nya dahil trip nya o natuwa lang sya… ang problemahin natin ay ang ating sarili hindi ang mga nasa paligid natin, tingnan natin yong ating sarili oo ngat punong puno tayo ng kaalaman sa bibliya pero bakit puno puno din tayo kataasan o kasinungalingan… yan ang dapat natin inaalis hindi ang pansinin ang ginagawa ng iba….

  82. SABBATH KEEPER said,

    EPALAGAY NALANG NATIN DI SINASAMBA ANG MGA SANTO PERO MAY UTAK NAMAN TAYO NA GINAGAMIT PARA MAG-ISIP TUNGKOL SA TAMA SABI SA BIBLIYA BAWAL MAGDAGDAG O KUNAN ANG NAKASULAT DITO, NAPAKALINAW NA SINABI WAG KAYONG GUMAWA???????? EBIG SABIHAN PAG GUMAWA KA LUBHANG MATIGAS ANG ULO MO… . VERY SIMPLE UNDERSTANDING,,, , WAG NA NGA EH TAPOS GAGAWA KAPA?

  83. SABBATH KEEPER said,

    AT ISA PA NA MALING TURO AY ANG SA ARAW NG PAMAMAHINGA DATI AKALA KO LINGGO YUNG TAMA PERO SABADO[7TH DAY] PALA TALAGA YUNG TAMA [SABBATH DAY],Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng sanlinggo, lumakad si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan ni Jesus.,, [MATEO28:1]

  84. John Rhem Reyes said,

    Bakit po ba natin ito pinagbabatihan ito. hindi ba sabi ng Diyos sa 1thesalonians 5 9 for God hath not apointed to wrath, but to obtain salvation through Jesus our lord. Basta maniwala po tau sa Diyos na Buhay at magbasa lang sa bibliya masasagutan po ng tunay hindi lang po ang ating sariling kaunawaan . kung alam po natin na mali ito bakit po ba nati n pananatilihin itong gawin……

  85. Hanap Katotohan said,

    Hindi daw sinasamba??? isang pagpapa-alala???

    eh bakit kailangan pang iparada kung saan ang mga rebulto nyo???

    at bakit kailangan pang punasan sila ng mga panyo? luhuran? dasalan?

    bakit kailangan pang makipag siksikan, makipag tulakan at makipag sakitan sa kapwa nyo mga mananampalataya sa tuwing ipinaparada ang ITIM NA REBULTO NG NAZARENO???

    halos makipag patayan kau dahil lang sa rebulto…tapos sasabihin nyo na hindi nyo sila SINASAMBA???!!!

    KAYO BANG MGA KATOLIKO EH AWARE SA NILALAMAN NG BIBLIA? ANG MGA PARI, MGA OBISPO NYO BA EH ITINUTURO BA SA INYO ANG KATOTOHANAN NA NILALAMAN NG BIBLIA PATUNGKOL SA TOTOONG PAGSAMBA SA DIOS??? BAKIT HINDI NYO BASAHIN SA SARILI NYONG PAGSISIKAP ANG BIBLIA??? AT SINISIGURO KO SA INYONG MGA KATOLIKO, NA WALA KAYONG MABABASA SA BIBLIA, NA NAGSASABI NA GUMAWA KAYO NG MGA REBULTO UPANG INYONG SAMBAHIN, LUHURAN AT DASALAN…KAHIT PA SA BIBLIA NA GINAGAMIT NG INYONG MGA PARI AT MGA OBISPO.

    HUWAG KAYONG MAGPAKA-BULAG!!!
    HUWAG KAYONG MAGPAKA-BINGI!!!
    HUWAG KAYONG MAGPAKA-TANGA!!!

    • vanillae said,

      Kapatid, kung nandito ka sana para makipagtalakayan; kung nagtatanong ka sana para makatanggap ng sagot, mapagbibigyan kita at matutulungan. Pero sa paraan mo ng pagsasalita, ipinapakita mong alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman at mas bihasa ka pa tungkol sa mga aral ng Simbahan. Kung ganun nga, wala na akong maiaambag pa. Salamat sa pagbisita.

      “Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman.” – 1 Corinto 8:2

  86. michael campo said,

    Pero maliwanag ang sinasabi sa Bibliya,.”wag sambahin ang mga rebulto at mga imahe,.sapagkat ang diyos ay mapanibugho,.”

    • vanillae said,

      Tama ka, hindi dapat sambahin ang anumang hindi Diyos. Ang pagsamba ay pagkilala sa isang bagay o persona bilang Diyos. “Ang nagpapahalaga…nang higit sa akin, ay hindi karapat-dapat sa akin.” Anuman o sinuman na pinahahalagahan ng tao nang higit sa Diyos ay siya nitong sinasamba. Maaaring iyon ay pera, relasyon, kapangyarihan, pangalan, kagamitan, etc. Hindi ito limitado sa mga rebulto. Sa kabilang banda, ang mga rebulto, tulad din ng pera, relasyon, kapangyarihan, pangalan, kagamitan, at iba pa ay hindi diyos-diyosan maliban kung ang mga ito ay sinasamba ng tao.

  87. Lovely said,

    Thanks po sa inyong mensahi.. Masyado po akong nasasaktan kc ang tingin ng ibang relihiyon sa mga katoliko ay sinasamba ang mga rebulto.. Para sa akin kong isa kang tunay na katoliko at alam mo ang tama at mali alam dapat ano ang ibig sabihin ng mga imahe nila Jesus hndi para sambahin kundi para ipaalala lahat ng ginawa niya para isalba ang sanlibutan. Tulad ng imahe na Mama Mary para paalalahanan tayo na may isang Ina na mabuti at malinis na nag silang kay Jesus .Isang babae na ginamit ng ating Mahal na Yaweh para ipag kaloob ang nag iisa niyang anak na c Jesus para iligtas tayong mga makasalanan at dalhin sa kanyang paraiso. Pero nagagamit ng ibang tao ang imahe ng mga santo para batikosin ang mga katoliko . Hindi man lahat ng katoliko ay pari parihas ng paniniwala tungkol sa imahe ng mga Santo pero sana malamn ng ibang relihiyon na hindi pagsamba ang hangarin ng mga katoliko pag dating sa mga imahe ng mga Santo. Maraming salaman at may mga taong gumagawa ng ganitong minsahe at pinahahatid sa ibang relihiyon ang mga katotohanan tungkol sa mga katoliko..

  88. Remelito said,

    Tanong q lng no? Kng di sinasamba ng katoliko ang rebulto o imahen ano pong gngwa sa nazareno?

    • vanillae said,

      Para masagot yan nang malinaw, kailangan munang ma-establish kung ano ang kahulugan ng salitang “pagsamba”. Generally, ang pagsamba ay tumutukoy sa anumang akto o attitude na nagpapahayag ng pagkilala sa pagkadiyos ng sinuman o ng alinmang sinasamba. Halimbawa, ang pagyukod sa harapan ng hari ay laging itinuturing na pagpapakita ng mataas na paggalang at pagkilala sa karangalan nya bilang hari, pero kung kinikilala ng buong kaharian na ang pagyukod sa hari ay pag-acknowledge din sa kanyang deity o pagkadiyos, o ng kanyang kahigtan sa mga tao, masasabing ang yumuyukod sa kanya ay sumasamba. Sa madaling salita, ang pagsamba ay intensyon o akto na kilalanin ang isa bilang diyos. Kung walang ganung intensyon, walang pagsamba. Well, basically, that’s the idea. Pero hindi rin sya talaga ganun kasimple dahil kailangan pa rin i-establish kung ano ang ibig sabihin ng salitang “diyos” at ng phrase na “pagkilala bilang diyos”. Sa ngayon, ang mas mahalaga ay sundin natin ang salita ni Jesus na nagsasabing, “Huwag na kayong humatol ayon sa nakikita.” Ang Diyos ang hahatol sa puso ng bawat isa. Kababawan ng isip yung pagsasabi na ang isang tao ay sumasamba sa anuman o sa kaninuman dahil lang yumuyukod sya sa harapan nito. Kung ang intensyon ng mga deboto ng Itim na Nazareno ay kilalanin ito bilang Diyos, malinaw na pagsamba yun; ang kaso, hindi natin nababasa ang intensyon ng iba. Malalaman lang natin ang intensyon ng tao kung deretsahan niyang sasabihin.

  89. Cheryl Jayco said,

    Malas po ba ang Santo na may putol o may kulang sa parte ng katawan nila.

    • vanillae said,

      Ang pagpapala o blessing na dala ng paggamit ng mga larawan ay nakadepende sa puso ng gumagamit, hindi sa itsura ng larawan o imahe. Ang tanong ay kung bakit may naka-display na sirang rebulto? May acceptable at may unacceptable reasons.

  90. Jerry Debista said,

    Eh bakit niyo po niluluhuran? Pinupunusan ang mga larawan o rebulto? Na sa paniniwala nymiyo sy nakakapagpagaling? Kung pareho lang po ang inyong paniniwala na walang ipinagkaiba ang mga larawan ng mshal natin sa buhay na nakasabit sa ating mga tahanan at sa mga rebulto na nasa loob ng inyong parokya at simbahan di sana ay pinupunasan nyo rin at niluluharan ang mga larawan ng inyong mahal sa buhay. Ang sabi po sa Isa. 42:8, hindi ibibigay ng tunay na Diyos ang kaniyang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

    • vanillae said,

      Nasagot ko na nang maraming beses dito ang mga katulad na tanong, pero bilang pasasalamat sa pag-engage mo, ia-address ko ang mga concern mo.

      Dapat mong i-consider na ang Simbahan ay institusyong itinatag sa panahon ng mga apostol. Ang pagluhod sa panahong iyon ay pangkaraniwang paraan ng pagbibigay-galang sa mga itinuturing na “mahal” o maharlika. Pero hindi lang doon, dahil kahit sa mga magulang o sa iba pang nararapat sa ganung paggalang ay ginagawa ang pagluhod, pagyukod, at pagpapatirapa. Hindi yun uncommon sa kulturang Judio at sa mga kaharian.

      Ang pagluhod ko, halimbawa, sa harap ng lolo o lola ko para tumanggap ng blessing o bilang pagbibigay-galang, ay hindi pagpapahayag na sila ay mga diyos.

      Noong si Jose ang namahala sa buong Egipto, lumuluhod sa kanya ang lahat ng nasasakupan ng kaharian, at hindi niya yun minasama o tinanggihan, dahil alam niyang alam ng mga tao na hindi siya ang Faraon, at hindi siya itinuturing na diyos. Sa madaling salita, nasa tamang lugar ang paggalang ng mga tao sa kanya.

      Ang isang opisyal ni Haring Ahazias ay lumuhod sa paanan ni Elias at nagsumamo. Alam nila pareho na hindi siya itinuturing na diyos kundi pinagpapakitaan ng wastong paggalang ayon sa kanyang karangalan bilang lingkod ng Diyos.

      Masyadong maraming halimbawa para ilagay ko dito. Siguro naman ay sapat na ito para ipakita ang punto. Ang pagluhod ay isang gesture na walang inherent purpose or meaning. Depende ito sa kulutra at sa intensyon.

      Hindi ko personal na practice ang pagpunas sa mga larawan o rebulto ni Jesua at ng mga banal. Pero tulad ng pagluhod, ang kahulugan nito ay nakadepende rin sa intensyon at pagkaunawa ng gumagawa. Ang paglilinis ng mga gamit, kasama na ang mga larawannat mga rebulto ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpupunas. Obviously, ang purposebay linisin ang mga ito. Pwede rin naman na ginagawa ito bilang pag-express ng affection o ng pananalig sa mga inilalarawan ng mga ito. Is this unnatural or idolatrous for that matter? It is completely natural (not against nature) and consistent with the will of God. Ang mga damit at panyo na ginamit ni Pablo ay dinadala sa mga may karamdaman, at gumagaling sila dahil sa pananampalataya. Maging ang masasamang espiritu ay umaalis sa katawan ng tao.

      Kulang ang oras ko sa ngayon, pero kung may dagdag na tanong ka pa, iwan mo lang dito.

  91. Alamin mo ang tama para maligtas ka said,

    Sana malaman mo ang tunay na relihiyon ng Dios, ‘wag mong iligtas ang relihiyon mo ang kaluluwa mo ang iligtas mo at ipag tanggol, ipinanganak tayong dala ang relihiyon at walang masama kung alamin mo ang totoo ‘wag kang papabulag, sinasabi ng Bible na ‘wag kang mangaral tungkol sa bibliya kung hindi galing sa bibliya, kaya wala ‘yan sa bible ‘wag mong sundin ‘yan kapatid, sana maunawaan mo.

    • vanillae said,

      Hindi tayo isinilang na may relihiyon. Diyan pa lang ay mali na ang paniniwala mo. One is initiated to a religion or faith tradition, it’s not part of our birth.

      Wala rin sinasabi sa Biblia na “wag kang mangaral tungkol sa bibliya kung hindi galing sa bibliya,” because it doesn’t make sense. Kung gusto mo ng discussion, explain your points clearly.

  92. na said,

    Ako poy isang catholic , sa mga coment ng mga hindi naniniwala sa mga rebulto ng “Roman Catholic ” o simbahan , ang dami nang nasabi ni vanillae , na hindi maintindihan ng iba, lagi nilang ginigiit na bakit maraming nag pupunas, na luhod sa mga rebulto ? sa tutoo lang dinaman niluluhoran ang mga rebulto. dahil mataas ang tayo nila , sa simpling salita di ninyo maintin dihan , buksan po ninyo ang inyong kaisipan .Simple lang ang paliwanag ko , ang emahin ng mga santo ay isang pamamaraan ng mga ” Roman catholic” upang ipahatid kay Jesus ang mga panalangin ng mga taong nalapit sa mga santo sa pagkat noong panahong kasama nila si Jesus ay sila ang mga alagad nya, katolad ni Simon Pedro , Juan ,Mother Marry, sila yong malalapit kay Jesus , yong mga pinagaling ni Jesus diba ang mga appostol ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakalapit ang mga may sakit ? so sa paniniwala , bilang isang ” Catholic ” ngayong silay kasamasa na ni Jesus sa ” Kingdom of Heaven”,silay malapit kay Jesus kaya isang paraan upang ipahatid ng mga santo ang mga panalangin nang bawat “Catholic” minsan siguro mag tanong kayo sa nakita ninyong nag punas sa isang santo kung bakit nila gingawa ito? hindi yong kayo ang nag iisip na ginagawang Diyos ang mga rebulto.

    Minsan mag observe kayo sa Simbahan ng ( Roman Catholic ) binabanggit ng mga Pari Mahal na Maria ipanalangin mo kami ganundin sa ibang mga santo .
    hindi sina sabing ” Mahal na inang Maria aming Diyos ” walang ganyan,, mahirap bang unawain ang mga bagay na ito ? kayo sa mga hindi ” ( Catholic ) , pag may problema kayo ? sa tunay na buhay ninyo papa ano kayo manalangin ? diba may tinuro din ang ating Diyos na ” Our Father ”
    huwag nyo sabihing hindi ganyan ang inyong ginagawa , sa “Roman Catholic ” , yan ang isa sa panalangin namin , sasabihin ninyo pwedi namang direct ang panalangin, pwedi naman, ginagawa din ng mga ” Catholic ” yan, tanong lang po kayo bay nalapit din sa mga ka Bro & Sis ninyo nahingi kayo ng panalangin ,diba ? gumagamit din kayo ng mga taong pweding ipanalangin kayo, sasabihin ninyo buhay naman sila ., sa aking pananaw huwag kayong magagalit napaka babaw pa ng mga nalalaman ninyo sa Bible, yong ibang mga kaibigan kung ibang religion hindi naman sila ganyan, Sa Bible sino ba ang sumulat ng mga bibasa ninyo ? mga dalubhasang “Roman Catholic ” nakarating nabakayo sa Israel ? kung sakaling makarating kayo mauunawan ninyong lahat na ang mga bagay na hindi niyo maintindihan, yong binanggit ni Vanillae na rebultong ahas makikita ninyo sa Bundok ng Tabur,, magugulat kayo ? lahat ng nasa Bible makikita ninyo, Yong mga nasusulat sa Bible laging matalinhaga , kaya pag dimo maiitindihan , isa lang ang pananaw mo sarado ang isip mo? kasi siguro ang nasa isip ninyo ng bumaba si Moses galing Bundok ng Sinai, gumawa sila ng rebultong baka yari sa ginto, yan ang mga bawal . na mis enterpret ninyo mga kapatid huwag ninyong hamakin ang paniniwala ng mga ” Roman Catholic ” sa pagkat lalo kayong nagkakasala sa mga paratang ninyo .,kung talagang naniniwala kayo kay Jesus , naniniwala rin kayo sa mga appostol, na mga santo ng ” Roman Catholic ” kung hindi kayo naniniwala bakit binabasa ninyo ang mga sinulat nila sa Bible ? Ang ” Roman Catholic ” , Marami nang nag patunay, yong Pope ng ‘ Roman Catholic ” . kaya naging santo dahil may mga himalang nangyari ,Ang tanong sa religion ba ninyo ilang taon na ba ? May mga nag patunay naba ? Marami nang napatunayan ang ” Roman Catholic Church ” Yong iba sa inyo dati namang kayong ” Catholic ” hindi lang kayo naging ganap na ” Catholic ” kasi kung kailan lang ninyo maisipan saka lang kayo mag si Simba , sory sa word pero ganyan din ako dati, kung yan ang panininiwala ninyo at dyan kayo tinawag , e dyan kayo ., igalang ninyo ang paniniwala namin bilang ” Roman Catholic ” .,
    at ganun din ang mga ” Catholic ” ginaglang namin kayo .

    May Kuwento ako sa inyo , may isang madalas mag Simba ( Roman Catholic ) lumapti sa Pari, nag tanong siya, Ito ang tanong Father bakit po yong ibang nakikita kung nag si Simba may mga nakatingin sa labas may nag si Cellphone at kung ano- ano pang ginagawa., hindi nalang po ako mag si Simba , tanong ni Father bakit naman lalo lang po akong nagkakasala ganun ba ? Pero may ipapagawa muna ako sa iyo bagu mo sabihing di kana mag Simba ano puyon Father ? bibigyan kita ng isang basong tubig , anung gagawin ko Father ? ang sabi ng maninimba , Ito ang gagawin mo umikot ka ng Tatlong bises buhat sa Altar hanggang doon sa entrance, pag katapos pumunta ka sa akin.

    Natapos na ang pinagagawa ng Pari sa Maninimba, at lumapit sa Pari,
    Father tapos napo tiningnan ng pari ang Basong may tubig halos di nabawasan , nag tanong ang Pari. anong ginawa mo bakit halos di nabawasan ang tubig ng baso ? Sagut niya dahan dahan po ang lakad ko at nakatingin ako sa aking nilalakaran upang di ako matalisod para dipo matapon ang tubig sa baso. ang sabi ng Pari magaling mahusay,

    Ito ang sabi ng Pari. kapag mag si Simba ka ganyan din ang gagawin mo tumingin ka sa Altar at e ” Focus” mo kay Lord ang iyong isip upang maging karapat dapat ka sa ating panginoong Diyos.hindi yong pagkakamali ng iba ang iyong nakikita., ngayon mag si simba kanaba uli o hindi na ? Mag si Simba napo ako lagi salamat po Father.

    Sa ating mga sarili papa-ano ba tayo manalig sa ating Diyos ? bakit nakikita natin ang pagkakamali ng iba ?

    Matthew 7:3. At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid ,Ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata?

    Matthew 7:4.O papaanong sasabihin mo sa iyong kapatid , Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo ; at narito , ang tahilan sa iyong sariling mata ?

    Matthew 7: 5. Ikaw na mapagpaimbabaw , alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata ; at kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pag aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid.

    Kadalasan , madali tayong nakapagbibigay ng puna o komento sa mga bagay-bagay madalas ang ipinupuna ay may kahalong pamimintas o kritisismo.

    Dalawang klase ang maaring maipuna sa kapuwa , maaaring pag kritiko
    ( pamimintas ) at pagpuri . Sa dalawang ito madalas nating bitiwan ang pamimintas sa halip na pagpupuri.

    Ang ikaliligtas ng ating mga sarili ay ang ” Faith ” kay Lord wala nang iba pa……………. ( Kapag namatay ang bawat isa sa Roman Catholic CEMETERY naman ang punta ng mga katawang lupa ng lahat ) Tanong yong Religion ba ninyo may sariling Cemetery ???? so kung wala Catholic din kayo pag namatay na . Sorry sa Word .. midyo nasaktan lang ako sa mga nabasa ko tungkol sa mga coment ninyo sa mga Santo ng Roman Catholic . ” GOD BLESS ”

    ” Hindi po ako nanghuhusga nag pakatutoo lang ako , sa reality yan ang
    buong katutuhan. ang katawang lupa natinglahat sa Roman Catholic
    Cemetery ang punta ng lahat maliban kung mirong kayong sariling
    Cemetery. so kung wala po itanong ninyo sa inyong Relihiyon bakit ngaba
    walakayong sariling cemetery . (GOD BLESS )…..

  93. Ang katotohanan said,

    Nabasa at nakita ko po ang mga comments nyo po tungkol sa paggamit ng relihiyong Katoliko ng mga imahe upang bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos .Ngunit ano po ba talaga ang katotohanan ,kalugod – lugod po ba sa Panginoon ang ganitong uri ng pagsamba?Marami pong nagsasabi na oo at marami din namang hindi ngunit kung tayo po ay babase sa bibliya malalaman po natin na ito ay di kalugod lugod para sa Kataas-taasang Diyos.Wala po sa mga propeta ang gumamit ng imahe sa pagsamba sa Panginoon,maging si Moises at ang Panginoong Jesus po ay di nagutos kailanman sa mga tao at sa mga apostol na gumamit ng imahe sa pagsamba.Sinasabi nga po sa Deuteronomio 5:8 “ Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga inukit na imahen o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig.Huwag kang yuyukod sa mga iyon o matutuksong maglingkod sa mga iyon ,dahil ako si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon ,nagpaparusa sa mga anak dahil sa kasalanan ng mga ama hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin”.Ang history po ksi ng pagsamba sa imahen ni Jesus ay noong panahon ng mga romano.Ang mga romano nga po ay ang mga taong kaaway ni Jesus ,ito rin po ang mga nagpahirap at nagpako kay Jesus at mga nangbintang din po sa kanya na sya po ay nagpapanggap na anak ng Diyos.Sa kagustuhan po ng mga romano na guluhin ang Kristyanismo dahil nga po dumadami na po ang mga tagasunod ng Panginoong Jesus ,gumawa po sila ng sarili po nilang relihiyon.Pinaghalo po nila ang pagsambang pagano (pagsamba sa diyos-diyusan) at pagsambang Kristyanismo(pagsamba sa diyos at sa kanyang anak) dito na po nagkaroon ng imahe ni Jesus at nabuo po ang relihiyong ginawa ng mga romano ang Roman Catholic.Isa pa po mababasa po natin sa bibliya sa Isaias 42:8 “Ako si Jehova.Iyan ang pangalan ko;Hindi ko ibibigay kahit kanino ang kaluwalhatian ko,At hindi ko ibibigay sa mga inukit na imahen ang papuri para sa akin.”Kaya nalaman po natin na hindi po sangayon ang Panginoon sa pagsamba sa mga inukit na imahen lalo na po sa imahe po ni Maria at ni St.Peter dahil tao lamang po sila ngunit bakit po sila dinadasalan at ipinaparada pa sa kalsada.Bakit po natin sasambahin ang taong matagal ng namayapa.Tandaan po natin na si Maria ay di isang Diyos ,siya po ay isang tao lamang at sa pamamagitan po niya ay ipinanganak si Jesus bilang tao ,Si Jesus nga po ay tinawag din minsan si Maria na “babae” sino ba naman pong ina ang tatawagin ng kanyang anak na babae dahil nga po si Jesus ay isang Diyos at si Maria po ay tao lamang.

    • vanillae said,

      Dahil iprinisinta sa iyo ang Deuteronomio 5:8 sa maling konteksto kaya nakapag-assume ka na hindi gumamit ng mga imahe ang mga lingkod ng Diyos. Just because Yahweh prohibited certain kinds of images doesn’t mean he prohibited all kinds of images. Una, ang hindi dapat gawin ay kumilala ng ibang Diyos maliban kay Yahweh. Iyon ang main point ng unang bahagi ng kautusan. Ang ibig sabihin ng paggawa ng imahe “para sa iyong sarili” ay pagkilala sa ibang diyos. Ang hint doon ay yung qualifier na “para sa iyo” o “para sa iyong sarili”. Naiintindihan iyon ng mga Israelita sa paraang hindi basta maiintindihan ng kultura at panahon natin sa unang tingin lang.

      Pangalawa, mali ang assumption mo. Si Yahweh mismo ang nag-utos kay Moises na gumawa ng ahas na tanso para maging channel of salvation ng mga Israelita mula sa kagat ng ahas. Iniutos rin niya ang paggawa ng Kaban ng Tipan kung saan may dalawang ginintuang kerubin. Sa bigger scale, ibinigay ni Yahweh ang disenyo ng Templo na nakatakdang ipatayo ni Somon, at punong-puno ng mga inukit na imahe ang loob at labas ng templo. So, my point is that your conclusion about the use of images is a result of an assumption instead of education.

      Mali ka rin tungkol sa kasaysayan ng Simbahan Nagbanggit ka ng salitang “history” pero wala namang historical sa mga binanggit mong kwento. Sinabi mo pa na ang mga Romano “ay ang mga taong kaaway ni Jesus,”etc. Ang mga kaaway ni Jesus ay mga kababayan niya mismo; ilang mga leader ng sarili niyang relihiyon. Mga Judio — hindi mga Romano — ang bumato sa kanya ng sari-saring akusasyon at nagpumilit na ipako siya sa krus. Isang Romano pa nga ang nagtangkang magligtas sa kanya — si Poncio Pilato — bagamat bigo. Noong nagkaroon na ng Christian community sa Roma, tanging sa kanila — sa mga Romano — lang sinabi ni Pablo, “Malapit na niyang pasukuin sa inyo si Satanas” (Roma 16:20).

      Masyadong marami ang topic mo sa iisang comment lang, so it’s not practical for me address each of them in one sitting. Isa pa, nasagot ko na rin halos lahat ng posibleng misconceptions. You may read them somewhere in the commend threads.

  94. vanillae said,

    Kailangan mo munang ma-realize na ang kabuuan ng katotohanang inihayag ng Diyos tungkol sa kanyang sarili ay hindi nakakulong sa isang koleksyon ng mga libro na tinatawag na Biblia. Maliit na bahagi lamang ng katotohanang iyon ang nasa mga Kasulatan. Inaakala mo ba talaga na ang katotohanan ng Diyos ay mapagkakasya sa isang libro at maikukulong sa mga letra? Ang Kasulatan mismo ang nagsasabi na napakaliit na bahagi lang ng mga ginawa at sinabi ni Jesus ang nasusulat: “Marami pang ginawa si Jesus na kung isusulat lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na maisusulat tungkol dito” (Juan 21:25). Walang sinumang Cristiano sa loob ng 1,500 taon ng Cristanismo ang naniniwalang nasa Biblia “lang” ang katotohanan ng pananampalataya. Ang doktrinang Sola Scriptura ay inimbento lang sa panahon ng tinatawag na Protestant Reformation. Noong unang mga dekada ng Cristianismo ay wala pa ang tinatawag na mga Ebanghelyo at mga sulat ng mga Apostol, at lumipas pa ang humigit-kumulang 400 na taon bago nagkaroon ng kumpletong listahan ng mga maituturing na inspiradong kasulatan. Ibig sabihin ay maraming Cristiano na ang naglakbay at lumisan sa buhay na ito bago pa nagkaroon ng matatawag na Biblia. Iyon ay dahil ang katotohanan ay inihayag sa Simbahan, hindi sa libro. Si Jesus ay nagtatag ng Simbahan, hindi nagsulat ng libro. Ibinigay nya ang kanyang kapangyarihan at autoridad sa kanyang Simbahan, hindi sa libro na walang buhay. Ito ay “ipinagkaloob minsan at magpakailanman sa mga banal” (Judas 1:3) — sa mga myembro at haligi ng Simbahan. Ang Kasulatan din mismo ang nagsasabi kung ano ang saligan ng katotohanan, at malamang na masosorpresa ka sa sinasabi nito, dahil hindi nito sinasabing ang saligan ng katotohanan ay ang Biblia. “Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon, ngunit isinulat ko ang mga ito upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buháy, sa IGLESYA NA HALIGI AT SALIGAN NG KATOTOHANAN.

    Why does it matter? Dahil maling-mali ang kalalabasan ng mga paniniwala ng isang tao na naniniwalang ang katotohanan ay kung ano lang ang mababasa sa Biblia. Una, ang nakasulat ay mga letra lang at dahil iba-iba ang background at mindset ng mga bumabasa, nagkakaroon ito ng libo-libong iba-ibang kahulugan, pero ang katotohanan ay iisa. Iki-claim mo at ng lahat ang tamang pagkaunawa sa mga nakasulat, pero walang sinuman ang tatanggap sa pagkaunawang iba kaysa sa inaakala niyang tama. Dahil doon kaya may libo-libong mga Protestanteng denominasyon na nagsasabing nasa kanila ang katotohanan at nakabase sa Biblia ang kanilang mga paniniwala. Commonsense cannot allow such a contradiction.

    “Tayo’y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat” (Mga Taga-Efeso 4:5). Anumang nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak at pagkakampi-kampi ay hindi mula sa Diyos. At ano iyon na nagdudulot ng ganito? Ano ang dahilan ng pagkakawatak-watak ng Cristianismo sa libo-libong magkakaibang mga bahagi? Ang hindi pagkilala sa autoridad ng Simbahan: “Kahit na sila’y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila’y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya’t maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na atin” (1 Juan 2:19).

    Ang Biblia ay isang bahagi ng pananampalatayang Cristiano, hindi ito ang nag-iisang pinagmumulan ng katotohanan. Magkakaroon ka ng maling pakahulugan sa napakaraming mga bagay kung mali ang paniniwala mo tungkol sa Biblia at sa relasyon nito sa inihayag na katotohanan.

Leave a reply to jho Cancel reply