On Infant Baptism

June 3, 2016 at 10:52 pm (Apologetics) (, , )

Baptism is the washing of regeneration (Titus 3:5). It is where we were born of water and the Spirit (John 3:5), and became sons and daughters of God in Jesus Christ by receiving the Spirit of the Son.

Coming home to the Father’s embrace (conversion) requires repentance or turning away from sin, because light and darkness cannot coexist. We cannot truly convert and continue sinning deliberately. Since, most likely, we, adults have already committed sins in different ways with number of times that can no longer be counted, it is necessary to a real conversion that we confess our sinfulness, declare our will to turn away from it, and pledge our allegiance and loyalty to the Lord.

In the case of infants and small children, this is not necessary because they are still considered innocent. This, however, should not be a reason for them not to be baptized, since this spiritual washing has its effect even without the consent of the child. It is not the same with an adult who had been baptized with an unrepentant heart. The latter is like a beast washed with clean water while soaked in the mire. The former, on the other hand, have no mud that needs to be washed off from their soul; but like everyone else, they need to be born again from above since “unless one is born of water and the Spirit he cannot enter into the kingdom of God” (John 3:5). It is the moral obligation of the Christian parents or guardians to make sure that a child is baptized as soon as possible, just as it is the moral obligation of the Jewish parents to circumcise their male babies (Leviticus 12:3). We know that the Jewish circumcision is a type of the Christian baptism (Colossians 2:11-12), and that fact explains a very important point. A faithful Jewish father will not say, “Let the child decide for himself whether he wants to be circumcised;” and neither will a faithful Christian father say the same if he understands what baptism really is.

The water of the Great Flood is a type of the baptismal water. Noah and his family passed through the flood in order to be saved. Just because they were all adults in the ark doesn’t mean they would leave all children behind had it happened that they had younger members in the family. Salvation is for all who are willing to accept it, but not only for them; it is also for their children (Acts 2:39). And even though we have not seen small children among those who were saved through the flood, we know, through commonsense, that those who passed over the Red Sea were individuals coming from all ages. All of them were baptized into Moses in the cloud and in the sea (1 Corinthians 10:2).

We cannot say that babies don’t need to be baptized just because they have not sinned; or worse, that they should not be baptized because they cannot repent. “Death reigned from the time of Adam to the time of Moses, even over those who did not sin by breaking a command, as did Adam, who is a pattern of the one to come” (Romans 5:14). All of us are parts of the dead Adam. Unless we were reborn in the manner that God willed, we will remain dead and cannot approach God. We are to remain outside of Paradise like Adam.

As people of God, it is morally wrong for us to hinder the children from approaching the Father through Jesus Christ (Matthew 19:14). It is actually in them that God reigns since their hearts are still free from moral disobedience, and yet they need to be renewed because they were born with the flesh of the fallen Adam. We are to help the children grow in holiness, not only through mere words of instruction, inspiration, and discipline but with the help of real grace coming through the sacraments, starting with baptism.

The dead flesh that we inherited is real, the regeneration that we should undergo is real, and the elements that are involved in this washing are real. We are not speaking of symbols but of real things, and of real power coming from the treasure of merits which Christ gained for us on the cross, and we receive through the sacraments.

While adults need to decide that they will turn away from their old life before receiving the washing of rebirth, the infants don’t have this need since they have no old life to turn away from. Christian parents must ask baptism from the Church for their children and promise that they will guide them to a life that is worthy of God’s children.

Permalink Leave a Comment

Ang Kapurihan ng Tao

March 30, 2016 at 11:26 pm (Reflections)

Kung iisipin, ang kagandahan ng araw ay lalong nakikilala hindi dahil solong-solo niya ito kundi dahil ipinahahayag ito ng mga nakikibahagi sa kagandan ng kanyang liwanag tulad ng buwan, mga planeta, at maging ng lahat ng bagay sa mundo na nasisinagan nito. Ganun din naman, ang karangalan ng Diyos ay lalong tumitingkad kapag nakikibahagi dito ang kanyang mga nilikha. Kaya sa sulat ni San Pablo sa mga Romano ay sinasabi niyang ang mga katangian ng di-nakikitang Diyos ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa.

Ang lahat ng kagandahang pisikal at espiritwal ay nagpapahayag ng kagandahan ng Diyos. Sa kabila ng katotohanang ito, maraming mga Cristiano ang naiiskandalo sa konsepto ng pagbibigay-papuri sa mga espiritwal na katangian ng mga lingkod ng Diyos. Pakiramdam nila ay naaagawan ng karangalan ang Diyos kapag nabibigyan ng pagkilala ang kabanalan ng ibang tao. May ilan pang lumalampas na sa hangganan ng katwiran sa pagsasabing, “Walang banal at mabuti kundi ang Diyos,” kaya hindi daw dapat tawaging Santo ang sinuman. Mabilis nila itong nasasabi dahil alam nilang si Jesus mismo ang nagsabi na walang mabuti kundi ang Diyos, pero madalas ay nagagamit ito sa maling konteksto. Ang pagiging banal ay tumutukoy sa pagiging eklusibo o konsagrado para sa Diyos o tumutukoy sa pagtataglay ng mga katangiang maka-Diyos. Sa mga Kasulatan mismo ay mababasang ang mga alagad ng Diyos ay banal at tinatawag na banal; halimbawa ay ang “banal na bayan”, “mga banal na apostol” o “mga banal na propeta”. Sinasabi rin ng Panginoon, “Ituring ninyong banal ang pari sapagkat siya ang naghahandog ng pagkain sa akin” (Levitico 21:8). At kahit ang mga anghel ay itinuturing din na banal (Marcos 8:38). Ang pagkilala at pagpaparangal sa mga nilalang dahil sa kanilang kabanalan at mga katangian ay hindi umaagaw sa karangalan ng Diyos kundi lalong nagpapahayag sa kadakilaan nito. Hindi naman mahirap unawain ang katotohanang ito dahil alam natin na sa pangkaraniwang takbo ng mga bagay sa mundo, ang kahusayan ng isang pintor ay nakikita sa kagandahan ng kanyang mga obra; ang isang musikero sa kanyang musika; ang isang manlililok ay sa kanyang mga rebulto, at ang isang inhenyero sa kanyang mga disenyo. Malibang maparangalan ang kahusayan ng mga nilikha, hindi rin mabibigyang-pagkilala ang kahusayan ng lumikha. Tuwing pinupuri natin ang anumang mabuti sa tao, pinupuri natin ang pinagmulan ng kanyang mabubuting katangian. Nagiging inspirasyon din natin ang mga katangiang nakikita natin sa iba dahil ang mga iyon ay lalong nagbibigay-patunay sa isip at puso natin na ang kahusayan at pagiging mabuti ay talagang posible sa kabila ng lahat. Sa mga sulat sa mga Hebreo ay sinasabi, “Alalahanin ninyo ang mga dating namumuno sa inyo, ang mga nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya sa Diyos” (13:7). Ang tinutukoy dito ay ang mga myembro ng Simbahan na nauna sa atin na makakilala kay Cristo at nauna na rin sa pakikipagtagpo sa Diyos nang harapan. Dapat laging alalahanin at isaalang-alang ang kanilang mabubuting katangian dahil natapos na nila ang paligsahan at tinanggap na nila ang korona. Nararapat lang na ang buhay nila at mabubuting halimbawa ay ipagdiwang. Ang pagpaparangal sa kanila ay pagpaparangal kay Cristo, kung kaninong katawan sila ay mga bahagi.

Kung pagninilayang mabuti, ang dahilan ng pagbaba ng Diyos ay para maitaas ang tao. Ang Anak ng Diyos ay may likas nang dangal at luwalhati kahit sa umpisa pa lang. Wala siyang kailangang patunayan. Hindi rin kailangang ibalik sa kanya ang mga ito dahil wala naman makakakuha sa kanya nito. Sa kabilang banda, “ang Anak ng Tao’y dapat magdanas ng matinding hirap” (Lucas 9:22) para patunayang karapat-dapat siya sa karangalan at kapangyarihang ipagkakaloob sa kanya. Ang pagiging Panginoon ni Jesus habang nasa sinapupunan ni Maria (Lucas 1:43) ay nakaugnay sa kanyang kalikasang Diyos habang ang pagiging Panginoon niya sa muling pagkabuhay ay nakaugnay sa kanyang tagumpay bilang Anak ng Tao. Ang karangalang kinikilala natin sa kanya ay hindi na lang dahil siya ang Anak ng Diyos kundi dahil bagamat nasa laman, nagawa niyang lampasan ang mga kahinaang hindi natin napagtagumpayan. Siya ang kampyon ng mga anak ng tao. Siya ang nagligtas sa ating kalikasan at nagbigay-karangalan sa ating uri. Nararapat lang na tanggapin niya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan at kilalanin siya bilang Panginoon. Bagamat sinasamba natin siya bilang Anak ng Diyos, ang pagluhod at pagpupuri sa kanya ng lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay dahil sa kanyang tagumpay bilang Anak ng Tao. Sa ganitong paraan iniligtas at itinaas ng Diyos ang ating pagkatao, at ang kapurihan natin ang dito ay binibigyan niya ng diin. Kaya habang dumarami ang mga banal na kinikilala ng madla, lalong natutupad ang kalooban ng Diyos.

christ-898330_640

Permalink Leave a Comment

Holy Saturday

March 26, 2016 at 7:00 pm (Reflections)

Tonight, the Church proclaims in singing the true meaning of the Passover. She rejoices in the mystery of Christ’s death and resurrection, which freed us from the slavery of sin and death. This is the night that made it possible for us to enjoy life on earth and to reign with God in heaven. By dying, Christ destroyed our death, and by rising, He restored our life.

If only we understand the great gift that we are receiving tonight, we would want to stay awake, forgetting everything, and meditating on God’s wisdom and love, which He showed in his plan of salvation. God’s mind is not as simplistic as others might assume. Even before the foundation of the world — man have not yet committed the ancient fault — God already knew how He would save him.

God is love and, as Pope Francis said, Mercy is His name. His justice would not allow anything evil to go unpunished, but His love for man would also not allow Him to just let man be destroyed by sin. If this redemption would require God to be a man, so be it. Thus, the God-Man Jesus. He became part of Adam in order to accept the punishment for Adam. The Eternal One experienced death, the Author of the universal law was considered a criminal, the Source of life was murdered. Satan must have been celebrating when he saw Christ on the cross — dead. No one but God knew what was to happen next. Then, with glory, Jesus Christ rose from the dead, proclaiming victory against death, sin, and hell. With all authority and truth, He said, “I have overcome the world” (John 16:33), which means everything. Christ now is the Lord of all, the Master of all worlds. He did not use any supernatural power to avoid suffering, pain, and death; He experienced them all as human, maybe even with the physical sensitivity of a newborn, because His body was especially made for the purpose of suffering (read Hebrews 5:10); of going through hell for us. In fact, in the Gospel, it is said that while on the mount of Olives, an angel appeared to Jesus and strengthened Him (Luke 22:43), not to lessen his suffering but rather to enable Him to suffer more.

Jesus Christ is the Man. He was the only one who reached the unreachable star. And because of His courageous and life-giving love, He gave birth to us. We became children of God through Christ. Heaven is now open for us. We are no longer enemies of God. Death became a toothless wolf, a powerless monster. Instead of destroying us, pains and sufferings only help us become more Christ-like, perfect as the heavenly Father is perfect. With Christ, risen from the dead, we overcome the world.

Holy-Saturday

Image Credit: cardinalsblog.adw.org

Permalink Leave a Comment

Good Friday

March 25, 2016 at 10:39 pm (Commentary)

Three o’clock in the first Good Friday afternoon, the creatures destroyed the Creator, the author of life died, but that is in order to overcome death once and for all.

Today, in a special way, we commemorate and hope to experience the reality of this mystery. God love humanity so much that in order to save man, He, in the Person of the Son, assumed humanity for himself so that he may bear in his body and in his spirit the punishment for man’s sin. That is something we would not be able to grasp and appreciate fully until we see God face to face.

lamb cross

Image: Credit to the owner

Permalink Leave a Comment

Maundy Thursday

March 24, 2016 at 4:49 pm (Commentary)

It was on the first Maundy Thursday, the day before Christ died on the cross, that Jesus instituted the Sacrament of Holy Order (ministerial priesthood) and the Sacrament of the Eucharist. On that day, Christ gave, in the form of bread and wine, his real flesh to eat and his real blood to drink. He did not do this without first making it clear to his disciples that he is the true bread from heaven, declaring solemnly that “unless you eat the flesh of the Son of Man and drink His blood, you have no life in yourselves. He who eats My flesh and drinks My blood has eternal life, and I will raise him up on the last day” (John 6:53-54).

In that institution, Jesus replaced the Passover bread with the True Bread and the Passover lamb with the Lamb of God, who is not to be sacrificed daily or yearly but has rather been offered to the Father, eternally, at the Altar of the Cross.

Before the introduction of the Eucharistic Sacrifice, the Jews have been worshiping God in the Temple by offering two lambs every day, morning and evening, and by offering the Paschal Lamb on the eve of Passover every year. When Christ came, he said, “The hour is coming in which neither in this mountain nor in Jerusalem will you worship the Father” (John 4:21). Jesus was referring to the fulfillment of Malachi’s words through whom the Lord says, “From the rising of the sun even to its setting, My name will be great among the nations, and in every place incense is going to be offered to My name, and a grain offering that is pure; for My name will be great among the nations” (Malachi 1:11). There is no pure offering in the sight of God than that of Christ himself, and the only way to do it in every place on earth, from the rising of the sun to its setting, is through the Sacrament of the Eucharist where the eternal Sacrifice is being brought in time and in space.

This is a mystery that we will continually appreciate, meditate on, and benefit from, until we reach heaven.

 

433px-Ghent_Altarpiece_D_-_Adoration_of_the_Lamb_2

Permalink Leave a Comment

Ang Kalooban ng Diyos

February 10, 2015 at 12:49 am (Reflections) (, , , , )

Gaano man kakumplikado ang kasaysayan ng kaligtasan, gaano man kasalimuot ang buhay at karanasan ng Simbahan, gaano man karami ang magkakaibang katuruang Cristiano (Katoliko at di-Katoliko), hindi dapat makalimutan na ang tanging hangad ng Diyos ay ang ating pagbabalik-loob.

Nagkasala ang tao kaya nakapasok sa mundo ang kamatayan, at wala nang iba pang dapat gawin kundi magsisi at magbalik-loob sa Diyos. Kung magpapakalalim pa tayo sa pag-iisip, lalo lang natin hindi maiintindihan kung paano. Lahat ay nagsisimula sa kagustuhan o pahahangad. Hindi dapat lituhin ang isip tungkol sa kung anong relihiyon ba ang talagang kinalulugdan ng Diyos o kung anong mga ritwal ba ang kailangang gawin para maligtas. Ang totoong nagbabalik-loob ay hindi abala sa pagliligtas ng sarili kundi nananabik na muling makadaupang-palad ang Diyos na kanyang pinagkasalahan at tinalikuran. Ang anak na nagsisisi sa kanyang mga ginawa ay hindi nag-aalala kung paanong hindi siya mapaparusahan kundi nagmamadaling tumakbo pabalik sa yakap ng kanyang ama at ina.

Hindi dapat isipin ninuman na ang Diyos ay malayo sa mga nagkakasala. Kung nasaan ang makasalanang naghahangad na magbalik-loob, nandoon ang Diyos na patakbong sumasalubong sa kanya. Ang relihiyon ay lalong bumubulag sa mga taong hindi nakahandang makakita. Ito ang nangyari sa maraming mga Pariseo sa panahon ni Jesus, at patuloy na nangyayari sa mga taong mayroon kaalamang pangrelihiyon pero wala ang puso sa tunay na dahilan, layunin, at pinagmulan nito. Sa kabilang banda, ang pusong nakahandang tumanggap sa mga katotohanan ng Diyos ay ginagabayan niya patungo sa tunay na relihiyon, habang ang relihiyon naman ang gumagabay sa kanya patungo sa tunay na Diyos.

Kung ang hahanapin mo ay masarap na pakiramdam, magagandang salita at paliwanag, sense of belongingness, at mga pang-ibabaw na kasiyahan, mahihirapan kang hanapin ang Diyos. Pero kung kikilalanin mo ang presensya ng Diyos na nasa puso mo, nasa paligid mo, at nasa ibang mga tao, hindi mo mararamdamang malayo ka. Agad kang makakahingi ng tawad, gabay, pananampalataya, at karunungan.

Hindi na hinintay ni Noe na magpakilala sa kanya ang Diyos; hindi na hinintay ni Abraham na tawagin siya ng Diyos; hindi na hinintay ng mga matuwid na tao sa Lumang Tipan na dumating ang Mesiyas at magpakilala nang lubos ang Diyos bago sundin ang batas na nakasulat sa kanilang mga puso. Naging matapat sila sa kanilang kalikasan bilang tao at sa kung anumang itinuturing nilang totoo, mabuti, at kaaya-aya. Ang mga nabuhay sa ilalim ng batas ay hindi naging bilanggo ng batas, sa halip ay nakatagpo ng gabay sa pamamagitan nito.

Bago ka pa man humarap sa anumang sistema ng pagsamba, mga doktrina, at panuntunan, ang hindi dapat makalimutan ay ang mismong pakikipag-ugnayan sa Diyos sa oras na magpasya kang magbalik-loob at araw-araw; ang tapat at taimtim na panalangin na naghahangad ng mas malalim na relasyon. Nagsasalita ang Diyos sa pusong tahimik na nakikinig. Hinahayaan niyang matagpuan siya ng naghahanap, pinagbubuksan niya ang kumakatok, at binibigyan ang humihingi. Nagpapakilala siya sa pusong may totoong paghahangad sa kanya.

Una at higit sa lahat ang pagbabalik-loob ng puso sa Diyos. Ang mga paraan para higit siyang makilala at mahalin ay ipakikita ng Diyos.

Permalink Leave a Comment

Pananampalatayang Nagpahanga kay Jesus

February 7, 2015 at 11:45 am (Reflections) (, , , , , )

Ang Labindalawang alagad ang pinakamatagal na nakasama ni Jesus sa kanyang misyon pero noong kasama pa nila ang Panginoon, madalas ay masasabing mas maliit pa ang kanilang pananampalataya kaysa ibang nakakasalamuha nila sa daan.

Dalawa sa iilang mga tao na hinangaan ni Jesus ang pananampalataya ay ang Romanong kapitan na lumapit sa kanya tungkol sa katulong nitong may karamdaman, at ang Kananeang may anak na pinahihirapan ng demonyo. Ito ang kwento nila.

Ang Senturyon

Pagdating ni Jesus sa Caper­naum lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap…” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Paroroon ako at paga­galingin ko siya.”

Sumagot ang kapitan: “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. May nag-uutos sa akin at may inuutusan din ako, at pag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.”

Nang marinig ito ni Jesus, humanga siya at sinabi sa mga sumu­sunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaha­rian ng Langit. At itatapon naman sa kadiliman ang mga taga­pag­mana ng Kaha­rian; at doon ang iyakan at pag­nga­ngalit ng mga ngipin.”

At sinabi ni Jesus sa kapitan: “Umuwi ka at mangyayari ang pina­niniwalaan mo.” At gumaling ang katulong sa oras ding iyon.

Ang Babaeng Kananea

Pagkaalis sa lugar na iyon, pumun­ta si Jesus sa gawing Tiro at Sidon. May isang babaeng Kananea noon na nag­punta sa dakong iyon at sumigaw: “Pangi­noon, anak ni David, maawa ka sa akin! Pina­hihirapan ng isang demon­yo ang anak kong babae.” Ngunit hindi siya tinugon ni Jesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito: “Paalisin mo na siya’t sigaw siya nang sigaw sa likod natin.”

At sinabi sa kanya ni Jesus: “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” Ngunit lumapit ang babae at lumu­hod sa harap ni Jesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” Sumagot si Jesus: “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” Su­ma­got ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” Kaya nagsalita sa kanya si Jesus: “Babae, napakalaki ng iyong pana­­­­nalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.

Sa istorya ng dalawang taong ito ay makikita kung anong uri ng pananampalataya ang lubos na kinalulugdan ni Jesus. Salungat sa pagkaintindi ng ilan, ang pananampalataya ay hindi paniniwala sa di-naiintindihan kundi pagtitiwalang bunga ng pagkaunawa. Ang pagsang-ayon sa hindi nauunawaan ay isang kabulagan. Hindi tayo naniniwala lang at sumusunod dahil iyon ang sinabi sa atin. Ang pagtitiwala ay dapat na bunga ng sapat na pagkakilala sa pinagtitiwalaan, at ng malinaw na dahilan para gawin ito.

Ipinakikita sa Ebanghelyo na nauunawaan ng senturyon kung paano kumikilos ang kapangyarihan ng Diyos, dahil siya mismo ay may kapangyarihan sa kanyang mga tauhan, kaya alam niya kung paano tingnan at itrato si Jesus. Sa kanya lang natin narinig ang linyang, “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang…” Nakikita niya ang katotohanan ng mga bagay ng Diyos sa pamamagitan ng sariling estado sa buhay.

Ganito rin ang ipinakita ng Kananea. Sinabi ni Jesus, “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” Bagamat totoo ang sinabi ni Jesus, hindi nito napahina ang loob ng babae o nakasakit man sa kanyang damdamin. Ang mata niya ay hindi nakatutok sa sarili kundi sa malinaw na pagkaunawa niya kung sino si Jesus at kung paano tinitingnan ng Diyos ang puso ng tao.

Inaanyayahan tayo ng dalawang kwentong ito na suriin ang sarili nating pananampalataya. Tayo ba ay naniniwala, nagtitiwala, at sumusunod sa Diyos dahil malinaw ang pagkakilala natin sa kanya o dahil lang ito ang “dapat” nating gawin?

Permalink Leave a Comment

Maria, Ina ni Jesus

February 6, 2015 at 9:33 am (Reflections) (, , , , , , )

Maliit na papel ba ang ginampanan ni Maria bilang ina ni Jesus?

Para sa ibang mga di-Katolikong Cristiano, si Maria ay “ginamit lang” ng Diyos para isilang si Jesus. Madalas ay sinusundan pa nila ito ng pahayag na, “Bukod doon ay hindi na siya nabanggit sa Biblia.” Ang ganitong pahayag ay bunga ng pagiging ignorante sa mga Kasulatan, kawalan ng makatotohanang paraan ng pag-iisip, at pagkabulag sa mapanlinlang na pag-aakay ng mga kapwa bulag.

Sinumang patuloy na bumabasa ng Biblia (kahit na Bagong Tipan lang), at nag-iisip ng tama, ay nakakaalam na hindi lang isa o dalawa o tatlong beses binanggit si Maria dito; at nakauunawang hindi maliit na papel ang ginanapan niya sa buhay ni Jesus at sa kasaysayan ng kaligtasan. Ang pagiging ina ay hindi lang tungkol sa pagdadalantao at panganganak. Ito ay pagiging kamanlilikha ng Diyos at katiwala ng Diyos. Kusa rin itong pinipili, at hindi pinipilit. Si Maria ay hindi “ginamit lang” na parang kasangkapang walang buhay at sariling pasya. Hiningi ng Diyos ang kanyang kooperasyon, hindi sa pamamagitan ng pagtatanong, kundi sa pamamagitan ng inspirasyon. Ang anghel ng Panginoon mismo ang nagsabi na si Maria ay puno ng grasya.

Nangangahulugan itong hindi niya kailanman ipagkakait ang sarili kung nakasalalay sa kanyang pasya ang kaganapan ng mga plano ng Diyos. Ang buong pagkatao niya ay para sa Diyos. Kung susuriing mabuti, ang tanong ni Maria sa anghel ay hindi lalampas sa paningin ng bumabasa nang hindi magdudulot ng pagtataka. Matapos sabihin ng Anghel Gabriel na si Maria ay maglilihi at manganganak ng isang lalaking magiging dakila, na tatawaging Anak ng Diyos, magmamana sa trono ni David at maghahari sa angkan ni Jacob magpakailanman, ang tugon niya ay, “Paanong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” Tila hindi angkop ang reaksyon niyang ito.

Mababasa natin sa Ebanghelyo na si Maria ay naipagkasundo na kay Jose at, sa kustombre ng mga Judio sa panahon nila, sila ay itinuturing nang mag-asawa maliban sa hindi pa nila pagsasama sa isang bahay dahil kapwa sila binibigyan ng panahon para makapaghanda sa bagong estado sa buhay. Ganun pa man, anumang oras nila pagpasyahang magsama ay magagawa nila. Kaya nga noong nagpakita kay Jose ang Anghel ng Panginoon, ginawa niya agad ang sinabi nito at tinanggap niya si Maria sa kanyang tahanan bilang asawa. Dahil alam na alam ni Maria na siya ay may legal na asawa, nakakapagtaka ang reaksyon niya sa sinabi ng anghel.

Si Jose ay nagmula sa lahi ni David at siya ang asawa ni Maria. Kung ibang babae ang nakatanggap ng balitang iyon, baka ang itatanong niya ay, “Ibig bang sabihin ay ngayon na magaganap ang kasal namin ni Jose?” Pero tila hindi iyon sumagi sa isip ni Maria. Sa halip ay nalito siya na wari bang hindi ito umaayon sa isang katotohanang nasa likod ng isip niya. Anong katotohanan? Na siya ay nakatakdang maging birhen habambuhay sa bisa ng isang personal na panata. Ang ideya ng pagdadalantao ay salungat sa katotohanang ito. Alam nating ang mga nakasulat sa Biblia ay may kinalaman sa gawang pagliligtas ng Diyos, kaya sa tulong din ng mga nakasulat ay mauunawaan natin kung paanong naging posible na si Maria ay may asawa ngunit nanatiling birhen. Ang tuntunin tungkol sa panatang nabanggit ay mababasa natin sa aklat ng Mga Bilang:

Kung may ginawang panata o sinumpaang pangako ang isang babae bago mag-asawa at wala namang sinasabi sa kanya ang kanyang napangasawa matapos itong malaman, magkakabisa ang panata o pangako niya. Ngunit kung tutulan iyon ng kanyang asawa sa oras na malaman iyon, mawawalang-bisa ang panata o ang pangako niya, at patatawarin siya ni Yawe. (Bilang 30:7-9)

Hindi tayo sigurado kung kailan at paano nalaman ni Jose ang tungkol sa panatang ito ni Maria pero ang sigurado ay hindi niya ito tinutulan at sa gayon ay nanatiling may bisa habambuhay. Dahil kung hindi ito sinang-ayunan ni Jose, mangangahulugang hindi na birhen si Maria bago niya isilang si Jesus dahil para magkaroon ng aktwal na kaganapan o consummation ang isang kasal, kailangang magtalik ang mag-asawa. Alam nating hindi ito nangyari sa loob ng siyam na buwan, dahil sinabi ni Mateo: “Ngunit hindi sila nagtalik bago isilang ang sanggol” (Mateo 1:25). Hindi praktikal na isiping naghintay si Jose ng siyam na buwan bago siya nakipagtalik kay Maria dahil, ayon sa Batas, dapat na magpakita agad ng pagtutol ang lalaki kung hindi siya sang-ayon sa panata ng babae. Ang hindi niya pagganap sa kanilang kasal ay magpapahiwatig ng pagsang-ayon niya sa panatang iyon.

Anumang panata o sinumpaang pangako na mag-abstinensya ay pagtitibayin o pawawalang-bisa ng kanyang asawa. Ngunit kung walang sinasabi sa kanya ang kanyang asawa hanggang kinabukasan, binibigyang-bisa niya ang panata o pangako ng babae. Binibigyang-bisa niya ang mga iyon sa di niya pagsasabi ng anuman sa pagkaalam niya sa mga iyon. Pero kung malaman niya ang panata o pangako ng babae at [lumipas ang ilang araw] saka lamang niya pinawawalang-bisa ang mga iyon, siya ang mananagot sa pagkakasala ng babae” (Bilang 30:14-16).

Taglay ang kaalamang ito, masasabi nating hindi posibleng makipagtalik si Maria kay Jose pagkasilang kay Jesus dahil lampas na ang isang araw na palugit — siyam na buwan pa nga — para tutulan ni Jose ang panata ni Maria na manatiling birhen. Bagamat marami pang pruweba sa mga Kasulatan na nakatakda si Maria sa ganitong estado, hindi na natin iyon babanggitin, dahil ang layunin ng bahaging ito ay ipakita ang pagiging handa ni Maria na sumama sa Diyos saanman siya dalhin kahit pa mukhang imposible ang mga sitwasyong pinagdadalhan sa kanya.

Hindi rin biro ang magdalantao nang walang asawa, lalo na sa panahon ni Maria. Bago pa man tanggapin ni Maria ang regalo at misyon na maging ina ng Anak ng Diyos, malamang na nakita niya na agad ang malaking problemang maaaring idulot nito sa kanya. Ayon sa Batas:

Kung mag-asawa ang isang lalaki, at pagkasiping sa kanyang asawa ay umayaw na sa kanya, at pinaratangan niya ito nang masama at siniraan sa pagsasabing – Pinakasalan ko ang babaeng ito pero nang magtalik kami, hindi ko nakita ang kanyang pagkadalaga…kung totoo nga ang paratang na ito at walang makitang katibayan ng pagkadalaga ng babae, dalhin ang babae sa pintuan ng bahay ng kanyang ama at batuhin ng mga lalaki ng kanyang lunsod hanggang mamatay dahil sa kasamaang ginawa niya sa Israel – ang maging babaeng bayaran samantalang nasa bahay pa ng kanyang ama. At maaalis mo ang kasamaan sa iyong piling (Deutoronomio 22:13-14.20-21).

Hindi malayong mangyari na kapag nalaman ng kanyang asawa ang kanyang pagdadalantao, isumbong siya nito sa maykapangyarihan at sapitin ang sinasabi ng Batas. Kung hindi man ito ang iparatang at iparusa sa kanya, masasakop pa rin siya ng isa pang batas na nagsasabi:

Kung anak na dalaga ng pari ang maging babaeng bayaran at lapastanganin ang sarili, nilapastangan din ang kanyang ama, kaya susunugin siya (Levitico 21:9).

Ayon sa tradisyon, si Maria ay anak ni Joachim na isang pari mula sa linya ni Nathan.
Pinaniniwalaan rin ng mga eksperto na ang talaan ng angkan na isinulat ni Lucas ay kay Maria (ang kay Jose ay isinulat ni Mateo). Kaya ang batas na ito ay angkop kay Maria kung siya ay mapatutunayang nagdadalantao pero hindi sa kanyang asawa.

Ito ang sitwasyong pinaglagyan ng Diyos kay Maria sa umpisa pa lang. Bukod sa posibilidad ng kahihiyan o kamatayan sa harap ng publiko, siguradong inisip din ni Maria kung paano niya ito ipaaalam sa kanyang asawa na hindi pa niya kasama sa bahay; at ganun din sa kanyang mga magulang kung nabubuhay pa sila. Dapat nating maintindihan na si Maria ay tao rin na tulad natin, at ang ganitong mga sitwasyon ay nagbibigay-bagabag din sa kanyang puso at isip. Sa kabila noon, hindi natitinag ang kanyang pagtitiwala sa Panginoon.

Dito pa lang ay mababanaagan na ang karakter ni Maria. Lagi siyang bukas sa kung anuman ang loobin ng Diyos, kahit pa ang mga ito ay tila hindi magkakatugma. Maaalala natin dito ang kwento ni Abraham na pinangakuan at binigyan ng Panginoon ng tagapagmana — si Isaac — ang kaisa-isang anak na magpaparami sa lahi ng kanyang ama at bubuhay sa pangalan nito sa lahat ng panahon. Buo sa isip ni Abraham na si Isaac ang anak ng pangako, kaya ang paghingi ng Diyos kay Isaac sa Bundok Moriah ay isang kabalintunaan. Pero walang pag-aalinlangan na sinunod ni Abraham ang Panginoon kahit na siya mismo ay walang maisip na dahilan o lusot sa kanyang sitwasyon. Si Jesus ay linalarawan ni Isaac. Isang anghel pa naman ang nagbalita tungkol sa kanyang pagsilang, at sinabing siya ay tatawaging Anak ng Kataas-taasan, na maghahari siya magpakailanman, pero kahit isang disenteng kwarto man lang yata ay hindi siya kayang maipaghanda ng kanyang Ama para doon siya isilang ng kanyang ina. Sa halip, ang “hari” ay isinilang sa gitna ng mga hayop at ang naging higaan niya ay pakainan ng hayop.

Kung iisipin, may dahilan si Maria para magreklamo dahil alam niyang isang dakilang Hari ang nasa sinapupunan niya, at ito ay Anak ng Diyos mismo, pero tila kahirapan at panganib ang dala nito sa kanya. Dahil sa kautusan ng Emperador na magpatala ang lahat ng mamamayan ng emperyo, sa Betlehem na inabutan ng panganganak si Maria. Ibig sabihin ay naglakbay pa siya ng ilang araw, mula Nazareth hanggang Betlehem, kahit kabuwanan na niya. Kung hindi sumama ang pakiramdam ni Maria, tinatayang apat na araw lalakarin ang paglalakbay na iyon.

Pero kung hindi maganda ang pakiramdam niya, dahil ilang araw na lang ay mangangak na siya, maaaring inabot sila ng isang linggo. Humigit kumulang 130 kilometro ang kanilang lakbayin at hindi bababa sa 30 kilometro bawat araw ang lakarin. Kung saan abutan ng dilim ay doon sila makikipanuluyan. Sinasabing noong panahong iyon ay maraming mga bandido sa daraanan kaya maramihan sila kung maglakbay. Naroon din ang panganib ng mababangis na hayop. Malamang din na dumaan sila sa Samaria at dumagdag sa sakit ng ulo nila ang mga Samaritanong galit sa mga Judiong tulad nina Jose at Maria. Kung tayo kaya ang nasa sitwasyon ni Maria, hindi kaya tayo magrereklamo?

Hindi pa doon natatapos ang “kalbaryo” ni Maria. Pagkasilang kay Jesus, nakarating sa kaalaman nina Jose at Maria na may nagbabalak ng masama sa buhay ng kanilang anak kaya dali-dali silang tumakas papuntang Ehipto. Malamang na wala pang dalawang taong gulang si Jesus noon “batay sa panahon ng pagsikat ng tala ayon sa mga pantas” (Mateo 2:16)

Sa mga panahong iyon ay tiyak na laging laman ng isip ni Maria ang tungkol sa kinabukasan ng kanyang anak, pero hindi tulad ng kinabukasang inaalala natin gaya ng pagtatapos sa pag-aaral at pagkakaroon ng magandang hanapbuhay. Ang patuloy na pinagninilayan ni Maria ay ang mensahe ng anghel sa mga pastol:

Huwag kayong matakot, ipinahahayag ko nga sa inyo ang magandang balita na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng bansa. Ngayo’y isinilang sa inyo sa bayan ni David ang Tagapagligtas na si Kristong Panginoon (Lucas 2:10-11).

Ang Ebanghelyo din mismo ang nagsabing, “Iningatan naman ni Maria ang mga ito at pinagnilay-nilay sa kanyang puso” (Lucas 2:19). Pero bukod doon ay nagbigay din ng bukod na isipin para kay Maria ang mga salita ni Simeon tungkol sa sanggol na si Jesus nang makita niya ito sa Templo:

Dahil sa kanya, babagsak o babangon ang mga Israelita at magiging tanda siya sa harap nila at kanilang sasalungatin. Kaya mahahayag ang lihim na pag-iisip ng mga tao. Ngunit paglalagusan naman ng isang punyal ang puso mo (Lucas 2:34-35).

Kung ganito kakumplikado ang isang anak simula pa pagkabata, malayo yatang maging “normal” ang buhay ng kanyang magulang, lalo na ng isang inang puno ng pag-ibig para sa kanyang anak. Isipin man ni Maria araw-araw ang kasasapitan ng anak, at kahit pa matakot siya para sa buhay nito, wala pa rin siyang magagawa kundi maghintay kung ano ang nakalaan dito para bukas.

Nakita natin sa Ebanghelyo ang unang “eksena” na ginawa ni Jesus noong siya ay labindalawang taong gulang:

Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Jesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Jesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang (Lucas 2:41-43).

Tatlong araw hinanap nina Maria at Jose ang batang si Jesus, saka palang nila siya natagpuan sa Templo, “nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila” (Lucas 2:46). Alalang-alala ang kanyang mga magulang habang hinahanap siya. Sino bang hindi magdurusa nang husto habang naghahanap sa nawawalang anak? At hindi lang isang maghapon, kundi tatlong araw! Paano makakatulog at mapapayapa ang isang inang magdamag na nag-iisip at nag-aalala sa kanyang anak na hindi matagpuan? Alam nating ang pagkawalang ito ay hindi nagkataon lang o isang bahagi lang ng paglaki; nakatakda itong mangyari sa buhay ni Jesus at nakatakdang maranasan nina Maria at Jose at pagdurusang kasama nito.

Sa pagsisimula ng ministeryo ni Jesus, kung kailan niya ipinakita sa unang pagkakataon ang kanyang luwalhati sa pamamagitan ng isang himala, naroon si Mariang kanyang ina na siya mismong nanguna para maipakita ang unang tanda ni Jesus.

Sa ikatlong araw, may kasalan sa Kana ng Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Kumbidado rin sa kasalan si Jesus at ang kanyang mga alagad. Ngunit kinapos ang alak sa kasalan kaya wala na silang alak. Kaya sinabi ng ina ni Jesus sa kanya: “Wala silang alak.” Sinabi sa kanya ni Jesus: “Ano sa akin o sa iyo, O Babae? Hindi pa sumasapit ang oras ko.” Sinabi naman ng kanyang ina sa mga katulong: “Gawin n’yo ang anumang sasabihin niya sa inyo” (Juan 2:1-5).

Sa unang tingin ay parang hindi binigyang halaga ni Jesus ang sinabi ng kanyang ina dahil ang sagot niya ay, “Ano sa akin o sa iyo, O Babae? Hindi pa sumasapit ang oras ko.” May nag-aakala pa nga na ito ay pagpapakita na si Jesus ay mas mataas kay Maria. Ang ganitong konklusyon ay bunga ng di-aktwal na pagkarinig sa sinabi ni Jesus at ng di-makatotohanang pag-unawa sa konteksto. Ang totoong nakakakilala kay Jesus ay hindi mag-iisip na siya ay magpapakita ng kawalan ng tamang paggalang bilang anak sa kanyang mga magulang. Si Jesus ang unang-unang tumalima, sa isang ganap na paraan, sa utos ng Diyos na igalang at parangalan ang ama at ina. Siya ay totoong tao na may totoong magulang at may totoong pagtingin sa mga ito. Hindi kalabisang isipin na si Jesus ay malambing sa kanyang ina bilang ito ay mapagmahal sa kanya, at siya rin naman dito. Nakasentro ang buhay ni Maria sa pagiging ina at tagapangalaga ng Anak ng Diyos. Pero hindi niya siya itinuturing na kanyang “hari” na masusunod sa lahat ng bagay. Si Jesus ay anak ni Maria, at hindi ito mababago ng kanyang pagiging Diyos. Para magkaroon ng ideya kung gaano pangkaraniwan ang relasyon nina Maria at Jesus bilang mag-ina, balikan natin si Jesus sa Templo noong natagpuan siya nina Maria at Jose. Sinabi ni Maria sa batang si Jesus: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Pinapakita dito na ang ugnayan nilang mag-ina ay katulad din ng sa ibang magulang at anak na may pagmamahal at paggalang sa isa’t isa.

Sa pag-unawa sa mga salita ni Jesus ay dapat alalahanin na ang bawat kilos at salita ni Jesus na binibigyang-diin sa Ebanghelyo ay laging nakaugnay sa kanyang misyon; ito ay laging may teolohikal na kahulugan. Ang pagtatanong ni Jesus sa ina ng “ano sa akin o sa iyo” ay nagpapakitang mayroon silang pag-iintindihan tungkol sa kani-kanilang papel sa misyon ni Jesus. Hindi niya sinabing, “Ano ang kinalaman ko dyan,” kundi “Ano ang kinalaman natin dyan” o “Anong magagawa natin?” Ano pa man ang salin o interpretasyon sa bahaging ito ng Ebanghelyo, makikita natin dito ang direktang pakikisangkot ni Maria sa gawang pagliligtas ni Jesus.

At sa huling bahagi ay ginamit ni Jesus sa kanyang ina ang katawagang “Babae”. Muli, dapat unawain ng bumabasa na hindi angkop na katawagan para sa isang ina ang salitang “Babae”, at siguradong hindi ito ang pang-araw-araw na tawag ni Jesus kay Maria. Sa bahaging ito ay hindi lang ang karangalan ni Jesus bilang nagmula sa Diyos ang gustong ipakita ni Juan; ipinahahayag niya rin dito ang katotohanan na si Maria ang Babae — siya na kaaway ng sinaunang Ahas, at ang nagsilang sa Anak na dudurog sa ulo ng Manlilinlang:

Pagkakagalitin ko kayo, ikaw at ang babae, ang iyong supling at ang kanyang supling – dudurugin nito ang ulo mo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong (Genesis 3:15).

Sa pahayag na ito ay makikita natin na talagang magkasama ang Babae at ang kanyang Anak sa iisang misyon — durugin ang ulo ng Kaaway. Muli natin matutunghayan sa paanan ng krus na tatawagin ni Jesus ang kanyang ina sa ganitong paraan.

Narinig din natin sa kasalan na sinabi ni Jesus kay Maria, “Hindi pa sumasapit ang oras ko.” Alam ni Jesus ang sinasabi niya at totoong sa isip niya ay hindi pa iyon ang sandali para gawin ang kanyang unang himala. Pero dahil nakilala ng kanyang espiritu ang pagkilos ng Espiritu Santo kay Maria, naging hudyat ito kay Jesus para markahan ang simula ng kanyang ministeryo.

Alam din ni Maria ang nakatakdang mangyari kaya sinabi niya sa mga katulong, “Gawin n’yo ang anumang sasabihin niya sa inyo.” Hindi niya sana ito sinabi kung talagang walang gagawin si Jesus.

Inutusan nga ni Jesus ang mga katulong na punuin ang mga tapayan na ginagamit para sa sagradong paghuhugas ng mga Judio. At tulad ng bilin ni Maria, sinunod nga nila ang lahat ng sinabi ni Jesus. Pagkatapos nilang mapuno ang mga lalagyan, sinabi ni Jesus: “Kumadlo kayo ngayon at dalhin sa punong-abala” (Juan 2:8). Ganun nga ang ginawa nila.

Tinikman ng punong-abala ang tubig na naging alak pero hindi niya alam kung saan ito galing, pero alam ng mga katulong ng kumadlo ng tubig. Kaya tinawag ng punong-abala ang nobyo 10 at sinabi sa kanya: “Ang mainam na alak muna ang inihahain ng lahat at saka lamang ang mas mahinang uri kapag lasing na ang mga tao. Pero itinabi mo pala ang mainam na alak hanggang ngayon.” (Juan 2:9-10)

Dito nga unang ipinahayag ni Jesus kung sino siya sa pamamagitan ng himala, at dito rin niya ipinakilala ang papel ng kanyang ina sa kasaysayan ng kaligtasan; bagamat hindi pa iyon ang panahon para maunawaan ng mga alagad ang kahulugan ng mga salita ng Guro. Basta ang alam lang nila noon ay naging alak ang tubig.

Hindi man natin masyadong nakikita si Maria sa mga letra ng Ebanghelyo, ang pagkaunawa sa kanyang nakatakdang papel ang nagsasabi sa atin kung gaano kalaki ang partisipasyon niya sa mga gawain ng kanyang Anak.

Sa paanan ng krus, habang pinagmamasdan ni Maria ang Anak na pinag-ukulan niya ng buong buhay, at ngayon ay unti-unting namamatay, narating ng propetikong pahayag ni Simeon ang rurok ng kaganapan nito sa ina ni Jesus. Ang sibat na tumagos sa puso ni Jesus ay lumagos sa puso ni Maria. Isa pa itong patunay na magkasama sila sa pagapi sa Kaaway. Kay Maria unang natupad ang kasabihang ito:

Kung kasama niya tayong namatay, kasama niya tayong mabubuhay. Kung magtitiis tayo, kasama rin niya tayong maghahari. (2 Timoteo 2:11-12a)

Pero bago namatay si Jesus, sa kanyang mga huling sandali sa krus, ay muli siyang nag-iwan ng isang pahayag – ang huling pahayag: na si Maria ang bagong Eva na nagmula sa tagilirang inulos ng sibat (tingnan: Juan 19:34). Siya ang “ina ng lahat ng nabubuhay” (Genesis 3:20).

Kaya pagkakita ni Jesus sa ina at sa alagad na mahal niya na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa Ina: “Babae, hayan ang anak mo!” pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” (Juan 19:26-27a)

Ayon sa Ebanghelyo, alam ni Jesus na pagkatapos ng mga salita niyang iyon ay natupad na ang lahat. Nagsimula na ang bagong paglikha. Hinugot at hinubog na mula sa tagiliran ng bagong Adan ang bagong Eva; at sa pagising ng Adan sa ikatlong araw, gagawin niyang mga anak niya ang mga susunod sa kanya at ihaharap silang lahat sa Diyos.

May 40 araw pang nanatili si Jesus sa lupa, at pagkatapos noon ay nilisan na niya ang mundo kung saan naiwan ang kanyang ina at mga alagad. Ang susunod at huling pagkakataong maririnig natin na nasa lupa si Maria ay habang naghihintay ang mga alagad sa pagdating ng ipinangakong Espiritu Santo. Tinanggap nga nila ang ipinangako, at ang dating isang pangkaraniwang samahan lang ng mga taong nananalig kay Jesus ay naging isang Simbahan.

Kung napakadali lang para sa isang bumabasa ng Biblia ang mapalampas sa paningin ang kahalagahan ng papel ni Maria sa kasaysayan ng kaligtasan, hindi pa niya talaga naiintindihan kung paano kumikilos ang Diyos.

Permalink Leave a Comment

Mga Anti-Katoliko sa Pagbisita ng Santo Papa

January 25, 2015 at 12:29 am (Commentary) (, , )

Ang mga salita ng Diyos na nasa Biblia ay para sa lalong ikamumulat ng mata, at ikalalalim ng pananampalataya, ng mga tagasunod ni Cristo. Pero isa rin malungkot na katotohanan na ang parehong mga salita ng Diyos ay lalong bumubulag at nagpapatigas sa puso ng mga taong nag-aangkin ng pagkakilala sa Diyos pero hindi nakabukas ang puso sa katotohanan. Ganito ang sitwasyon ng mga Pariseo sa panahon ni Jesus, at ito rin kalagayan ng marami ngayon, na nag-aakalang hawak nila ang katotohanan dahil mayroon silang alam tungkol sa mga Kasulatan – mga kapitulo at mga bersikulo ng Biblia na madalas pa nga ay ipinagyayabang at ginagamit para hatulan ang kapwa. Katulad ng mga Pariseo, nananangan din sila sa mga “nasusulat” dahil naniniwala silang doon ay mayroon silang buhay na walang hanggan.

Wala silang pakialam kung mabuting tao ka o kung napakalaki ng ambag mo sa lipunan at sa Cristianong komunidad; basta hindi ka nila kapanalig, masamang tao ka. Sa kabila ng pagtawag nila sa sarili na mga Cristiano, tuwiran nilang pinasisinungalingan ang mga kabutihang hayagan nilang nakikita sa iba. At sa halip ay inaakusahan nila ng kasamaan ang mga taong nakikita nilang puno ng kabutihan. Tungkol sa kanila ang babala ni Jesus nang sabihin niya, “Patatawarin ang mga anak ng tao sa lahat – sa kani­lang mga kasalanan at pati sa kanilang mga paglait sa Diyos kahit na marami man ang mga paglait nila sa Diyos. Ngunit kung may magsalita laban sa Espiritu Santo, kailanma’y di siya mapa­patawad; kasalanang walang hanggan ang nasa kanya.” Ang tinutukoy ni Jesus ay ang mga taong mas pinipiling ipikit ang mga mata sa hayag na pagkilos ng Diyos sa isang mabuting tao, kaysa mapasinungalingan nito ang mga mali nilang paniniwala at asal.

Lumabas sa publiko ang mga katulad nila noong dumating si Pope Francis sa Pilipinas para sa kanyang pastoral visit. Sa kabila ng mainit na pagtanggap ng milyon-milyong mga Pilipino sa kanilang bisita, at pakikipagpalitan sa kaniya ng kabutihan at pagmamahal, may ilang mga indibidwal na nagsabing sila ay tunay na “Cristiano” kaya hindi sila makikiisa sa kaganapang iyon. Sa halip, ang hawak nila ay kabi-kabilang akusasyon at insulto na ibinabato sa Santo Papa at sa Simbahang Katoliko habang ang lahat ay inspirado sa presensya at mga salita ng itinuturing na Tatay at Lolo ng mga mananampalataya.

Sa susunod na bahagi ay makikita ang mga halimbawa ng kanilang mga sinasabi, at ang komento ko tungkol sa mga ito:

  1. “Siguradong pagdating ng Papa nila, yun ang sasambahin nila.”
    Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino kay Pope Francis, sinamantala ng mga taong galit sa Simbahan na gamitin ang pagkakataon para sabihing ang Simbahang Katoliko ay hindi kay Cristo dahil ito ay sumasamba sa mga diyos-diyosan at sa tao, hindi sa Diyos.Komento ko: Alam ng mga Katoliko na iisa lang ang Diyos, at siya lang ang dapat sambahin. Ang pagmamahal ng mga Katoliko sa Santo Papa ay bunga ng pagkakilala kung sino siya sa Simbahan. Siya ang kinatawan ni Cristo sa lupa, ang nasa luklukan ni Pedro, ang may hawak ng mga susi ng langit, ang tagapagkaisa ng buong Simbahan, ang tapagpalakas sa mga kapatid, ang tagapangalaga at tagapagpakain ng matatanda at mga batang tupa. Bukod doon, ang kasalukuyang Papa ay sadyang kaibig-ibig dahil sa kanyang kababaang-loob, malawak na karunungan, katapangan, pagkamaunawain at maawain, pagmamalasakit, pagkamasayahin, at kasigasigan sa gawain ng Paginoon, sa kabila ng edad at kondisyong medikal. Kung papansinin, ang pagiging apostol ni Pablo, ang kanyang kapangyarihan, ang karunungan at kababaang-loob, ang kanyang pagmamalasakit, at pagiging masigasig sa kanyang misyon ang siya rin dahilan kung bakit mataas ang pagtingin at malalim ang pagmamahal sa kanya ng mga mananampalataya.

    Posible din kaya na maakusahan ang mga taga-sunod ni Pablo ng pagsamba sa kanya? Pwede. Si Pablo mismo ang nagsabi tungkol sa kanila: “Talagang mapapatunayan ko sa inyo na kung maaari lamang ay dinukit na ninyo ang inyong mga mata at ibinigay sa akin” (Galasya 4:15b). Minasama ba ito ng Apostol? Hindi. Hindi niya sinabing, “Halos sinasamba nyo na ako, dapat ay kay Cristo nyo ituon ang paningin nyo.” Sa halip, ang tanong pa ni Pablo sa kanila ay, “Nasaan na ang kaligayahang ito?” (Galasya 4:15a). Hindi niya rin sinabing, “Huwag ako ang tularan nyo kundi si Cristo.” Sa halip ay sinabi niya, “Nagsusumamo ako sa inyo, tularan ninyo ako” (1 Corinto 4:16). Ito ay hindi pag-angkin sa karangalang para kay Cristo kundi pagbibigay ng halimbawa at lakas ng loob sa mga kapatid. Ito mismo ang tinanggap natin mula sa kasalukuyang Santo Papa.

  2. “Sabi nung ibang mga Katoliko, pag nagsasalita daw ang Papa, para na rin daw ang Diyos ang nakikipag-usap sa kanila. Ano yun, lokohan?”Komento ko: Sa halip na katapatan ay parang kapaitan ang nase-sense ko sa mga nariniggan ko nito. Ano bang big deal kung makita ng mga tao ang Diyos sa katauhan ng kapwa nila dahil sa pagiging banal nito at dahil sa katotohanang kanyang ipinapahayag? Bukod sa personal na kabanalan ni Pope Francis, ang binibigyang-paggalang natin ay ang kanyang posisyon bilang kahalili ni Apostol Pedro. At hindi lang naman siya, kundi lahat ng mga obispo. Dahil nauunawaan natin ang papel nila sa Simbahan. Si Apostol Pablo na mismo ang nagsabi: “Mga embahador kami sa ngalan ni Kristo na wari bang ang Diyos ay tumatawag sa inyo sa aming bibig” (1 Corinto 5:20). O sa ibang salita ay “parang ang Diyos na rin ang namamanhik sa inyo sa pamamagitan namin.”
  3. “Madaanan lang daw ng Papa nila, grasya na! Wala yan sa Biblia!”Komento ko: Nakakagulat ang lakas ng loob nilang magsabi na walang ganito o ganyan sa Biblia samantalang evident naman na kakapirasong bahagi ng Biblia ang alam nila, at malamang ay hindi pa malinis ang pagkakaunawa dahil una nilang narinig ang mga iyon sa iba pang mga anti-Katoliko din.Ang totoo, hindi naman talaga bago sa mga tao ang paniniwalang kahit madaanan lang sila ng isang banal na alagad ng Diyos ay tumatanggap na rin sila ng grasya. Natural ito sa tao, at hindi ito pamahiin.

    Ang pagpapakita ng paggalang at nararapat na pagtrato sa mga tao ng Diyos ay may gantimpala. Mababasa natin ang sinabi ni Jesus tungkol dito: “Kung may tumanggap sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang propeta; kung may tumanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. Kung may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sinasabi kong hindi siya mananatiling walang gantimpala” (Mateo 10:41-42).

    Kung totoo ito sa mga propeta, sa mabubuting tao, at sa iba pang mga alagad ni Jesus, lalo na sa kinatawan ni Cristo sa lupa. Ang paggalang at pagtitiwala ng mga nag-abang na makita si Pope Francis ay katulad ng sa mga taong nag-abang sa pagdaan ni Apostol Pedro sa kanilang harapan. Sinasabi sa Mga Gawa: “Kaya inilalabas ang mga maysakit sa mga lansangan, nakahiga sa mga katre at banig, sa pag-asang madaanan sana ng kahit anino man lang ni Pedro ang mga ito” (Mga Gawa 5:15). Sinasabi rin sa bahaging ito ng Kasulatan na dumayo pa ang maraming mga taong nagmula sa kalapit na mga bayan. Alam nating ang malapit noon ay hindi katulad ng malapit ngayon. Kinailangan nilang magpagod para lang makita si Pedro. Dahil alam nila na mapadaan man lang siya malapit sa kinatatayuan nila ay makakatanggap na sila ng grasya.

  4. “Bakit hindi napagaling ng Papa yung mga may sakit kahit na pinatungan niya ng kamay?”
    Komento ko: Ito ang lumalabas na bagong argumento kapag nagugulat at napapahiya ang mga anti-Katoliko sa patunay na ibinibigay ng Mga Gawa 5:15. Si Pedro daw ay nakakapagpagaling habang ang Papa ay hindi.

    Una sa lahat, ang milagro ay hindi utang ng Diyos kaninuman. Pagagalingin niya ang sinumang ibig niya, sa paraang pinili niya, at sa sarili niyang dahilan. Hindi basehan ang kabanalan ng tao para gumawa ng milagro ang Diyos sa pamamagitan niya. Hindi rin naman basehan ng pagiging banal ang kakayahang gumawa ng himala. Kahit ang kampon ng demonyo ay maaaring magpakita ng kapangyarihang hindi natural sa tao. Kaya sinasabi ni Jesus, “Huwag kayong humatol ayon sa panlabas na anyo kundi maging makatarungan ang inyong paghuhukom” (Juan 7:24).

    Pangalawa, ang mga himala ay hindi ipinagkakaloob ng Diyos para sa makalupang dahilan lamang. Kung talagang gusto niyang pagalingin ang lahat ng may sakit sa pamamagitan ng himala, magagawa niya iyon sa isang iglap lang. Pero hindi ito ginagawa ng Diyos dahil may mas mataas siyang layunin sa pagpili kung kailan at sa paanong paraan makikita ng tao ang mga gawa ng Diyos na lampas sa natural na kaayusan.

    Pangatlo, kung himala lang ang hinahanap ng mundo para magpatotoo sa pagkilos ng Diyos sa Simbahan, maraming-maraming kaso ng mga milagro ang maaari nilang makita. Nandyan ang mga himalang Eukaristiko, ang mga katawang di-nabubulok, ang paggaling ng mga may sakit sa pamamagitan ng pagluhog sa mga banal ng Diyos, at iba pa.

    Pang-apat, ang mga himala ay hindi para pagbigyan lang ang kababawan ng mga tao tulad ng ipinakita ni Herodes na matamang naghintay na magpakita ng mga tanda si Jesus. Tanging ang mga nasa kapangyarihan ang may dahilan para humingi ng mga tanda. Ang autoridad ng Simbahan ay nakikita rin sa paghingi ng ganitong mga tanda. Isang halimbawa ay ang paghingi ng obispo ni San Juan Diego ng tanda mula sa babaeng nagpapakita sa kanya. Pero ang pinakapangkaraniwang tanda na hinihingi ng Simbahan mula sa Diyos mismo ay ang mga milagrong magkukumpirma na ang isang pumanaw ay karapat-dapat sa titulong Beato o Santo.

    Panglima, hindi bumisita si Pope Francis sa Pilipinas para magpakita ng mga milagro ng paggaling ng mga may karamdamang pangkatawan. Ang pagdating niya ay para gawin ang kanyang tungkulin na pakanin ang mga kordero, “makigalak sa mga nagagalak, makitangis sa mga tumatangis” (Roma 12:15), at aliwin ang bayan ng Panginoon. Ang puso ng mga tao ang higit niyang gustong pagalingin, at ito ang himalang hinihingi niya sa Diyos.

  5. “Bakit hindi mapagaling ng Papa ang sarili niyang sakit kung talagang banal siya?”
    Komento ko: Ang ganitong klaseng tanong ay nag-uugat sa kamangmangan at kayabangan. Sa mga taong may ganitong estado ng puso ay sinabi ni Jesus, “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kasabihang: ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili!” (Lucas 4:23).Ang mga banal ng Diyos ay mga tao din na nagkakasakit tulad ng iba. Hindi sila nagiging Diyos o anghel. Kung ang kawalan ng pisikal na karamdaman o kapansanan ang basehan ng kabanalan, mangangahulugang si Apostol Pablo ay hindi banal dahil kahit tatlong beses niyang ipinagdasal ang iniinda niya sa katawan ay hindi siya napagbigyan. Sa halip, sinagot siya ng Panginoon: “Sapat na sa iyo ang biyaya ko; guma­ganap nga sa kahinaan ang bisa ng aking kapang­yarihan” (2 Corinto 12:9). Sa mga taga-Galasya ay sinabi rin ni Pablo, “Alam ninyo na may karam­daman ako sa katawan nang mag-ebang­helyo ako sa inyo noong una” (Galasya 4:13).

    Tao pa rin ang mga alagad ni Jesus, at anuman ang kondisyon nila, buong-puso nilang itong iniaalay sa Diyos.

  6. “’Do not call anyone on earth your father; for One is your Father, He who is in heaven,’ tapos Holy Father pa ang tawag sa Papa. Walang taong holy, Diyos lang ang holy.”
    Komento ko: Mahabang usapin ito na laging makikita sa mga forum, lalo na nung nasa Pilipinas si Pope Francis. Kahit mga atheist na hindi naniniwala sa Biblia ay gumagamit sa argumentong ito – may masabi lang.Sinasabi nilang MALINAW daw na nakasulat sa Biblia na hindi dapat tawaging “Father” ang SINUMAN SA LUPA, pero kapag sinabi mo sa kanila na ang literal na pagtrato dito ay mangangahulugan ng hindi pagtawag ng “Tatay” o “Ama” sa mga biological father, bigla silang magkakaroon ng EXEMPTION sa sinasabi nilang MALINAW, at sasabihing SPIRITUAL FATHER ang tinutukoy ni Jesus – hindi na SINUMAN SA LUPA. Doon pa lang ay tapos na dapat ang pagtatalo dahil sa inconsistency. Pero syempre, hindi sila magpapatalo.

    Unang tanong, mali nga bang ituring na spiritual father ang sinuman sa lupa? Syempre, hindi. Si Apostol Pablo mismo ay nagsasabi na siya ang ama ng mga Cristiano sa Corinto dahil isinilang niya sila sa pamamagitan ng Ebanghelyo: “Pagkat kahiman sampung-libo ang umaakay sa inyo kay Kristo, hindi naman marami ang ama. At ako ang nagsilang sa inyo kay Kristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo” (1 Corinto 4:15). Sa sulat niya kay Filemon ay sinabi ni Pablo: “Oo, si Pablo, na matandang tao, at ngayo’y isa ring bilanggo para kay Kristo Jesus ang nagsusumamo sa iyo para sa aking anak, na naging akin sa pagk­a­ka­­bilanggo ko, si One­simo” (Filemon 10). Sa sulat para sa mga taga-Galasya ay mababasa: “Mga anak, muli akong naghihirap na parang nanganganak hang­gang sa mahu­bog sa inyo si Kristo!” (Galasya 4:19).

    Pangalawang tanong, ang Diyos nga lang ba ang banal ayon sa Biblia? Magbukas tayo ng ilang pahina kahit sa Bagong Tipan lang. Sa awit ni Zacarias ay sinasabi, “…ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng mga banal niyang propeta…” (Lucas 1:70).Sa sulat ni Pablo sa mga taga-Efeso ay ganito ang pagbati niya: “Bati ni Pablo na apostol ni Jesucristo sa kagustuhan ng Diyos, sa mga banal at matapat kay Jesucristo na nasa Efeso…” Ganito bumabati si Pablo SA MGA BANAL.Isa pang halimbawa nito ay ang sulat sa mga taga-Colosas: “Bati ni Pablo – na apostol ni Kristo Jesus sa kagustuhan ng Diyos – at ni Kapatid Timoteo, sa mga banal at tapat na Kristiyanong kapatid sa Colosas…”Tinawag din ni Pablo na banal ang mga apostol, at kasama siya dun: “Hindi pa ito ipinahahayag sa mga tao sa lumipas na panahon, kundi sa espiritu ito ibinunyag ngayon sa banal niyang mga apostol at mga propeta” (Efeso 3:5).

    Bukod sa tao, may mga anghel din na banal. Isinalaysay ng mga tauhan ni Cornelius kay Pedro ang naging pangitain ng kapitan: “Sinabihan siya ng isang banal na anghel na papuntahin ka sa bahay niya para marinig ang iyong sasa­bihin” (Gawa 10:22).

    Ang Simbahang Katoliko ay di tulad ng ibang mga simbahan na tinangka lang itulad sa mga nababasa sa Kasulatan. Sa halip, ito mismo ang Simbahang inilalarawan sa mga Kasulatan, simula pa sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan. Ang pagtawag ng “Santo Papa” sa mga kahalili ni Apostol Pedro ay hindi isang pagtatangkang gayahin ang nasa Biblia kundi resulta ng natural na ebolusyon at pagkakilala ng Simbahan sa sarili. Ang tungkuling iniatang ng Panginoon kay Pedro at sa kanyang mga kahalili ay inilalarawan ni Propeta Isaias at itinuturo ng Espiritu Santo sa Simbahan.

    Daramtan ko siya ng iyong damit,
    isusuot sa kanya ang iyong pamigkis,
    isasalin sa kanya ang iyong kapangyarihan,
    at siya’y magiging isang ama
    para sa mga taga-Jerusalem at sa bayan ng Juda.

    Ilalagay ko sa kanyang balikat
    ang susi ng Bahay ni David:
    sa buksan niya’y walang makapagsasara,
    sa sarhan niya’y walang makapagbubukas.

    Sa bisa ng tungkuling ipinagkaloob kay Pedro, siya ay naging Ama ng mga Cristiano, at ang kanyang tungkulin ay banal dahil nagmula ito kay Cristo mismo. Bagamat hayag ang personal na kabanalan ng kasalukuyang Santo Papa, ang kanyang titulong “His Holiness” at “Holy Father” ay nakaugnay sa kanyang opisina, sa halip na sa sariling estado ng kabanalan. Hindi naman ito mahirap ma-realize para sa mga taong may malawak na kaalaman at kaisipan. Ang tawag sa mga titulong ito ay “honorific title”. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang titulo ng Presidente ng Pilipinas: “His Excellency” na hindi naman nangangahulugang excellent talaga ang taong tinutukoy. Marami din sa mga tinatawag nating “Honorable” ay hindi naman talaga honorable. Iba ang karangalan ng opisina kaysa sa personal na karangalan ng mga humahawak ng tungkuling iyon.

  7. “Tinatawag ninyong Vicar of Christ ang Papa nyo. Ang ibig sabihin ng vicar ay kapalit. Hindi pwedeng palitan si Cristo: “Hindi puwedeng mailagay ang isang naiibang pundasyon maliban sa nailagay na, si Jesucristo’ (1 Corinto 3:11).”
    Komento ko: Ito ang isa sa mga no-brainer na isyu. Ayon sa paggamit ng Simbahan, ang salitang vicar ay nangangahulugang “kinatawan”, hindi “kapalit” o “kahalili”. Pinaghalo ng mga anti-Katoliko ang pagkatawan ni Pedro kay Cristo at ang paghalili ng Santo Papa kay Pedro. Ipinipilit nila na ang Vicar of Christ ay nangangahulugang “kapalit ni Cristo”. Logically, dahil ang Simbahan ang gumagamit ng salita, ito rin ang nakakaunawa sa ibig nitong ipakahulugan. Alam ng mga Katoliko na hindi kailanman mapapalitan si Cristo bilang ulo ng kanyang Simbahan.

    Sa kabilang banda, ang pagkatawan ni Pedro kay Jesus ay nagmula sa utos ng Panginoon mismo noong sinabi niya sa kanya: “Pakanin mo ang aking mga kordero…Ipastol ang aking mga tupa…Pakanin mo ang aking mga tupa” (Juan 21:15-17). Alam nating si Jesus ang Mabuting Pastol, at ang mga gawaing ibinilin niya ay sarili niyang gawain. Katunayan, sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Ezekiel: “Ako mismo ang mag-aalaga sa aking mga tupa at pagpapahingahin ko sila” (Ezekiel 34:15). Ibig sabihin, kahit inihabilin ni Jesus kay Pedro ang pagiging Pastol ng lahat, ang Panginoon pa rin mismo ang nag-aalaga sa kanyang mga tupa sa pamamagitan ng kanyang pinagkatiwalaan.Ang unang tungkuling iniatang kay Apostol Pedro ay ang pagtuturo at pagpapaunlad sa buhay-pananampalataya ng lahat ng taga-sunod ni Jesus. Ang pangalawa ay ang pangangalaga sa kaisahan ng mga kapwa apostol at obispo. Ang pangatlo ay ang pagkakaloob rin ng para sa ikauunlad ng pananampalataya ng ibang mga apostol at mga obispo, na siyang mga kahalili nila. Sa unang tungkulin ay kabahagi ni Pedro ang lahat ng mga apostol. Ang ikalawa at ikatlo ay para sa kanya lamang. Binanggit rin ni Jesus sa kanya ang tungkol sa tungkuling ito sa ibang pagkakataon: “Simon, Simon, hiningi ni Satanas na salain kayong tulad ng trigo pero ipinagdasal kita nang di bumagsak ang iyong pananampalataya. At pagbabalik-loob mo naman, patatatagin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:31-32).

  8. “Bakit kailangan ng mga sundalo? Ibig sabihin ay walang pananampalataya sa Diyos o kaya ay hindi talaga ililigtas ng Diyos.”
    Komento ko: Ang Vatican City ay isang estado, hindi ito malaking simbahan. Tulad ng ibang mga estado sa mundo, kailangan nito ng seguridad laban sa mga nagbabalak na gumawa ng masama sa lugar at, lalo na, sa kasalukuyang Head of State – ang Santo Papa.Kung sinasabi ng mga anti-Katoliko na kawalan ng pananampalataya ang pangangailangan ng Papa sa proteksyon ng tao, mangangahulugang walang pananampalataya si Pablo dahil tumatakas siya sa mga gustong pumatay sa kanya, at sa tulong din ng mga tao. Noong siya ay nasa Damasco, nakarating sa kaalaman ni Pablo na pinagtangkaan ng mga Judio ang buhay niya kaya “inihugos siya ng mga alagad sa isang kaing sa kabila ng pader” (Mga Gawa 9:25). Pagkagaling doon ay nangaral naman siya sa Jerusalem. Nakipag-usap din siya at naki­pagtalo sa mga Helenista, ngunit tinangka ng mga iyon na patayin siya. Nang malaman ito ng mga kapatid, dinala nila siya sa Cesarea, at pinauwi sa Tarso” (Mga Gawa 9:29-30).

    Kung mapahamak ba ang isang tao, ito ay nangangahulugang hindi siya iniligtas ng Diyos? Kung ganun ang paniniwala ng mga “Cristiano daw” na walang-sawang bumabato sa Simbahan, kailangan din nilang tanggapin na pinabayaan ng Diyos ang mga apostol na naging martir, pati na rin si Cristo na hindi nakaligtas sa mga Judio at mga Romano.

Hindi titigil ang mga anti-Katoliko sa pagbabato ng mga akusasyon sa Simbahan, kahit na puro kababawan lang, pero kahit kailan ay hindi nila mapasisinungalingan ang katotohanan. Lalabas lang lagi silang katawa-tawa. Dapat silang makinig sa payo at babala ni Gamaliel: “Kung sa tao lamang galing ang balak at kilu­sang ito, tiyak na mawawala ito; ngunit kung mula ito sa Diyos, hindi ninyo sila mapaghihiwa-hiwalay; at baka kalabanin pa ninyo ang Diyos” (Mga Gawa 5:38-39) Dapat nilang ma-realize na masyado nang mahaba ang 2000 taon na paghihintay sa pagkawala ng “kilusang ito”.

Permalink 1 Comment

Maging handa kayong sumagot…

January 14, 2015 at 12:28 pm (Commentary) (, , , , , )

Mas malaki  ang populasyon ng mga binyagang Katoliko sa bansa kumpara sa ibang mga relihiyon at mga denominasyong Cristiano, pero napakaliit lang ng bilang ng mga mananampalatayang nakauunawa sa mga totoong turo ng Simbahan at nakahandang magsalita tungkol dito tuwing hinihingi ng pagkakataon. Maraming dahilan kung bakit ganoon ang sitwasyon ng ating pananampalataya, pero ang mahalaga ay matulungan natin ang isa’t isa na pag-alabin ang ating paghahangad na makaunawa, dahil ang pananampalatayang walang pagkaunawa ay isang bulag na pananampalataya, at hindi ito ang nais ng Diyos mula sa atin. Tungkulin natin bilang mga Cristiano na maging handang sumaksi sa ating pananampalataya.

“Maging handa nawa kayong sumagot sa sinumang nagtatanong tungkol sa inyong pag-asa, siyempre nang may kaunawaan at pitagan” (1 Pedro 3:15).

Kung iisipin kasi, paano natin masasabing tayo ay nananampalataya kung hindi naman natin naiintindihan ang ating naririnig; kung hindi naman tama ang pakahulugan natin sa ating mga ginagawa? At isa pang hindi mabuti ay dumarami ang bilang ng mga Katolikong madaling natatangay ng iba’t ibang mga doktrina dahil nga sa kawalan ng tama at sapat ng kaalaman.

Iisa ang Diyos at iisa ang katotohanan. Bilang mga Katoliko ay hindi tayo naniniwalang maaaring magkanya-kanya tayo ng pagbibigay-kahulugan sa mga nakasulat na salita ng Diyos. Nagbabala si Apostol Pedro laban sa kaisipan na ang mga Kasulatan ay pwedeng unawain sa pribadong paraan nang hindi isinasaalang-alang ang kabuuan ng mga aral ng Diyos na inihabilin niya sa kanyang Simbahan.

“Maha­lagang malaman ninyo ito: walang propesiya sa Kasulatan na maipaliliwanag sa sariling paraan. Sa­­pag­kat hindi nagmula sa kalooban ng tao ang prope­siya kundi nagsalita ang mga tao ng Diyos sa pagbunsod sa kanila ng Espiritu Santo” (2 Pedro 1:20-21).

Ang tapat at matalinong Katoliko ay hindi madadala ng mga argumentong tulad ng, “Hindi ka maililigtas ng relihiyon mo at simbahan, si Jesus lang ang makapagliligtas sayo.” Alam nating si Jesus lang ang Tagapagligtas ng sangnilikha pero ang katubusan ng tao ay sa pamamagitan ng Simbahan ng Diyos.

Dapat din maintindihan ng mga mananampalataya na iisa lang ang Panginoon, iisa ang Pananampalataya, at iisa ang Binyag (Efeso 4:5), kaya hindi ito dapat ituring na maaaring matagpuan sa lahat ng mga nag-aangkin ng pagiging simbahan. Iisa lang ang Simbahang itinatag kay Pedro, kaya kung nasaan ang kahalili ni Pedro ay naroon ang tunay na Simbahan ni Cristo. Hindi kailangang maligaw ninuman kung nakaharap na sa kanya ang Simbahan at talagang hinahanap niya ito. Nagbabala si Pablo na mag-ingat sa mga gumagawa ng sekta:

“Isinasamo ko sa inyo, mga kapatid, na mag-ingat kayo sa mga gumagawa ng mga pagkakawatak-watak at iskandalo sa pangangaral sa inyo ng mga bagay na taliwas sa inyong natutuhan. Iwasan ninyo sila.” (Roma 16:17)

Tungkulin nating mga Katoliko na kilalanin ang Pananampalataya ng Simbahan, dahil ang pagiging ignorante dito ay pagiging ignorante tungkol kay Cristo, at ito ay maituturing na hindi tamang paraan ng pamumuhay bilang Cristiano.

Permalink 1 Comment

Next page »

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 26 other followers