Divine Filipino Catholic Church

April 5, 2009 at 7:06 pm (Commentary)

Siguro ay narinig ko na ang pangalang ito noon pa pero ngayon ko lang nakita nang harapan ang simbahang ito. Kasama ako sa isang ginanap na kumpil nitong April 5, 2009, Linggo ng Palaspas. Habang nasa byahe ay napansin kong lumampas na ang sasakyan sa Catholic parish sa bandang Karuhatan, Valenzuela pero hindi pa rin tumigil ang sasakyan. Doon pa lang ay nagtaka na ako. Pumasok ang sasakyan sa isang makipot na daan hanggang sa nakarating na sa pupuntahang simbahan. Sa lokasyon pa lang ng simbahan ay nagduda na ako at hindi ako makumbinsi ng obserbasyon ko na Katolikong parokya ang makikita ko. Pagbaba ng jeep, tama ang hinala ko, bumungad agad ang pangalan: Divine Filipino Catholic Church. “Divine Filipino”? Weird! Siguradong ito ay Filipinismo ng relihiyon! “Catholic Church”? Sa dinami-dami ng nakita kong parokyang Katoliko sa Pilipinas, wala akong nakitang salitang “Catholic Church” sa pangalan ng mga ito, at halata naman agad ang dahilan. Lahat ng ibang sektang Cristiano ay may kanya-kanyang pangalan maliban sa mga Catholic parish dahil ito ang nag-iisang Simbahang itinatag ni Jesus at hindi rin ito itinatag makalipas ang panahon ng mga apostol, sa halip ay ang mga apostol mismo ang naging haligi nito. Ito ang dahilan kung bakit hindi nito kailangang magpakilala na tulad ng sa mga bagong sibol ng simbahan.

Nakita ko ang pisikal na istraktura ng Divine Catholic Filipino Church, ang paraan ng pagdiriwang ng Misa, binyag, at kumpil. Tulad ng Iglesia Aglipayano, ang mga pari nila ay maaari din mag-asawa. Kapansin-pansin ang ibang bersyon ng Credo na dinadasal sa salitang may tunog Latino pero hindi ako siguradong purong Latin nga ito; ang sigurado ay hindi ito Kredo ng mga Apostol. Ang “Lord’s Prayer” din ay hindi ang Ama Namin na nasa Bibliya at dinadasal ng mga Katoliko. Napansin kong hindi rin mula sa Kasulatan ang kanilang “unang pagbasa”, sa halip ay isang pagpapakilala sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Ang mga panalanging binibigkas ng pari ay halo-halong mga salita na halos hindi maintindihan at sinasapawan pa ng malakas na tugtog galing sa CD o tape. Sa pagdiriwang ng binyag at kumpil, sa pandinig ko ay Katoliko ang mga salita ng ritu; ang kapansin-pansin lang ay ang pagdadagdag ng katagang “espiritwal” tuwing binabanggit ang “Iglesya Katolika”.

Bukod sa mga salita ay makatawag pansin din ang mga rebulto at mga simbolo na makikita sa larawan.

6 Comments

  1. Karlitoz said,

    hindi bat ganito din ang makikita mo sa mga simbahang katoliko sa Pilipinas.ang kaibahan nga lng ay ang simbolong star of david ang nsa gitna ng altar sa halip na crucifix symbol.ang star of david ay simbolo ng mga hudyo,samantalang ang krus ang kinikilalalng simbolo ng kristianismo.e2 ang aking tanong: bakit my subtitle na “temple of the divine master lord god jesus christ”(redundant) ang simbahang ito na gumagamit ng symbolo ng judaismo na ang pangunahing doktrina ay hindi daw si kristo ang messiah..kakatwa diba?walang duda pinaghalo-halong relihiyon ang kinalabasan dahil ito’y likha lamang ng mga tao may ibang motibo.

  2. vanillae said,

    Tungkol sa itsura, hindi ito maiikumpara sa Simbahang Katoliko, sa Pilipinas man o sa ibang bansa dahil mahalaga sa Simbahan ang kahulugan ng “signs and symbols”. Bawat istraktura at palamuti ay nagpapahayag ng katotohanan at mga aral, walang lugar dito para sa hungkag na sentimentalidad at estético.

    Hindi lang ang subtitle ang redundant sa DFCC kundi ang buong sistema, kasama ang mga rebulto at paraan ng pagsamba.

  3. halo said,

    I’m one of the luckiest people to a member of this church. I was baptized in a Roman Catholic Church, but eventually decided to whole-heartedly convert into this religion. I am very happy and blessed that I found truth in this church.

    I respect the opinion being stated on this blog and I am not saying that you must hate everything about it. But if you have any problem or doubts about our family-group in this church, you better STOP visiting(well, if you still keep on going here every sunday) this house of prayer.

    Thanks!

  4. dfggsdfsdfds said,

    The great tribulation is almost coming, Israel is the epicenter of the world it’s God time clock. 6000years is given to us and the jewish calendar is 5770 but it lacks 200+ years we haved research that is about 5990+ years. Better be prepared people. Learn Torah for the Torah is God the Word. Read Mat 5:17 Think not that I am come to destroy the word/Torah, or the prophets: I am not come to destroy, but to fulfil.
    Mat 5:18 For verily I say unto you, Till heaven and earth pass, one jot or one tittle shall in no wise pass from the law, till all be fulfilled.

    Can’t you see? God will never change the Sabbath is Sabbath the right day to worship not sunday the day went you worship the sun.

    the fourth commandment of God. Exo 20:8 Remember the sabbath day, to keep it holy.
    Exo 20:9 Six days shalt thou labour, and do all thy work:
    Exo 20:10 But the seventh day is the sabbath of the LORD thy God: in it thou shalt not do any work, thou, nor thy son, nor thy daughter, thy manservant, nor thy maidservant, nor thy cattle, nor thy stranger that is within thy gates:
    Exo 20:11 For in six days the LORD made heaven and earth, the sea, and all that in them is, and rested the seventh day: wherefore the LORD blessed the sabbath day, and hallowed it.

    He didn’t change the day. Is there any proof in the Bible that the Sabbath has been changed to sunday?

    Torah is word literal from hebrew.

  5. Joy_kapusokaQ said,

    palagay ko, dahil sa dami ng rebulto dun sa church na yun, aakalain ko tuloy na…ano yun, sinasamba din ba nila ang mga image na yun…? parang…magiging idolatry na, kung halimbawang ang maraming image na yun ay sinasamba na rin…

    • vanillae said,

      Sa palagay ko hindi nila sinasamba ang mga rebultong iyon, pero opinyon ko lang yun. Isa pa, mas marami pang uri ng pagsamba ang ginagawa ng mga pangkaraniwang tao kaysa mga taong sumasamba sa rebulto (kung sakali man), at inaakala kong ang mayorya ng populasyon ay biktima nito. Isa sa mga porma ng idolatria, ayon kay San Pablo, ay ang kasakiman.

      Kung anuman ang pinaniniwalaan ng simbahang ito, sila lang ang nakakaalam, pero gusto ko lang bigyang diin na wala itong kinalaman sa Simbahang Katoliko sa anumang paraan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: