Linggo ng Pentekostes at Pagsilang ng Simbahan

May 24, 2010 at 4:16 am (Commentary)

Isa sa mga dapat sana ay malaking pagdiriwang, hindi lamang sa mga parokya kundi sa puso mismo ng mga Cristiano, ay ang Pentekostes. Sa araw na ito  ginugunita ang pagsilang ng Simbahan. Maaaring iniisip ng iba, “Paanong naging ito ang araw ng pagsilang ng Simbahan e wala na si Jesus sa lupa noong panahong iyon?” Ang pagsilang ng Simbahan ay hindi katulad ng pagtatatag ng isang institusyon na tulad ng paaralan o pagpapalaya sa isang bayan. Sa madaling salita, hindi ito foundation day. Noong unang Pentekostes ay naging totoong isa ang lahat ng mga mananampalataya at sila ay naging mga bahagi ng iisang Katawan ni Cristo. Dahil sa pagbaba ng Espiritu Santo sa bawat mananampalataya, silang lahat bagamat marami, ay naging isang Katawan na may iisang Espiritu. Hindi lamang ito tumutukoy sa pagkakaisa ng kaisipan o mga prinsipyo; ito ay tumutukoy sa isang aktwal na pagiging isa. Ang katawan ng tao ay maraming bahagi, pero dahil iisa ang kaluluwa ng tao, ang bawat

The Pentecost

The Pentecost - Latter half of 18th c

bahaging ito ay bumubuo ng iisang tao lamang. Kahit ang puso o mata o kamay o paa ng isang tao ay nagmula sa iba at hindi likas sa nagtataglay nito, ito pa rin ay kaisa ng buong katawan dahil sa iisang espiritu. Ganito natin maihahambing ang relasyon ng Simbahan (katawan) sa Espiritu Santo (espiritu). Bagamat maaaring nagkakaisa ng layunin, paniniwala, at simulain ang mga taga-sunod ni Jesus noon, tanging sa Linggo ng Pentekostes lamang sila naging isang Katawan ni Cristo at ang Katawang ito ang tinatawag nating Simbahan.

Dahil sa hindi natin pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng Pentekostes kaya marami sa atin ang hindi ito maipagdiwang nang may kasiyahan at pasasalamat. Tulad din ng ibang kapistahan, pinapalampas lang din natin ito lalo pa’t walang komersyalismong sangkot sa araw na ito, di tulad ng Pasko. Ang bawat pagdiriwang ay magiging makahulugan lamang kung tunay nating nauunawaan ang dahilan nito. Kung mananatiling mababaw ang ating pagtingin tungkol sa mga kapistahang ito, hindi natin mapakikinabangan ang tunay na layunin ng pagunita dito.

1 Comment

  1. molina29 said,

    Nagsalita na ang taong-bayan. Matapos ang pagtutungayaw, pagpapalitan ng mga maaanghang na salita, mga patutsada at mga paratang, nagwakas na ang maingay at masalimuot – at – mahal na halalan. Hindi nanalo ang siyang may pinakamalaking salaping ginastos … hindi rin ang siyang pinakamagaling at pinakamatalino … at lalong hindi ang siyang pinaka-popular at iniidolo ng masa. Hindi man ako sang-ayon sa kung sino ang nagwagi, ang katotohanan ay ito … nagsalita na ang taong-bayan.
    Sa mga pagkakataong ito, panghihina ang aking nararamdaman, panlulumo, at panghihinayang. Sa aking makatao at makamundong pagtingin sa mga bagay-bagay, mahirap tanggapin na ang kalooban ng Diyos ay tunay na nagdadaan sa tinig ng mga mamamayan, subali’t sa mata ng pananampalataya, ay wala akong ibang masasabi liban dito. Hindi man ako sang-ayon sa mga nanalo at mamamayagpag na taon, batid kong ang kalooban ng Diyos ang siyang dapat maghari hanggang sa wakas ng mundo.
    Dito ngayon papasok ang magandang balitang taglay ng mga pagbasa natin. Ang tatlong pagbasa ay tumutumbok sa iisang paksang komun – ang kapangyarihan. Ito ang katagang hindi makatkat sa aking isipan sa mga araw na ito … kapangyarihan. Kung titingnan natin ang makamundong mga pangyayari, ang kapangyarihang hawak ng marami ay galing sa iba’t ibang uri ng pandaraya, panlalamang, paniniil, at pansisikil. Ito ang kapangyarihang galing sa dahas, sa bunong braso, sa pagsasamantala sa kapwa.
    Hindi ito ang magandang balita na pinapaksa sa kapistahan natin ngayon – ang pag-akyat ng Panginoong Jesucristo sa langit. Para sa Banal na Kasulatan, ang kapangyarihan ay galing mula sa itaas. Ayon sa Gawa ng mga apostol, ito ay kaakibat ng “pagbaba ng Espiritu Santo.” Ang kapangyarihang ito ay hindi lamang galing sa itaas. Ito ay kaakibat rin at karugtong at kasama ng “karunungan at ng tunay na pagkakilala sa Kanya,” ayon sa sulat ni Pablo sa mga taga-Efeso. Ang tunan na pagkakilalang ito ay may kinalaman sa ngalan ng Diyos na hindi lamang isang pangalan … “higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan.”
    Sa hanay ng mga kandidato sa pagka-Senador, nagsipagbalikan ang mga pangalang palasak at kilala na noon pang araw … mga pangalan ng kani-kanilang ama o tiyo, o nanay o lolo. Ewan ko ba kung bakit, pero sa Pinas, ang “name recall” ang pinakasiguradong pasaporte sa “paglilingkod sa bayan.” At hindi na natin dapat ilista ang mga ngalang ito …
    Sa araw na ito, ang ngalang higit sa lahat ng ngalan ay nagpakita ng patunay na hindi maipagkakaila – ang luwalhating sumakob sa kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao, nagpakasakit, namatay, at muling nabuhay! Siya ay hindi nagapi ng kasamaan, kasalanan, at katiwalian. Hindi lamang siya muling nabuhay, bagkus umakyat sa langit at naluklok sa kanan ng Ama.
    Aking mungkahi sa bayang Pilipino na tingnan natin ang liksyong nagtatago sa sa tila isang pagkabigo at pagkatalo ng ilan sa atin, kasama ako. Hindi lumabas ang ngalan ng inaasahan kong mag-aangat sa bayan nang tunay at nararapat. Hindi nanalo ang aking inaasahang dapat manalo at mamuno.
    At habang ako ay nakakaramdam ng panlulumo, ang magandang balita ng kaligtasan ay muling sumasagi sa daloy ng aking kamalayan. Hindi tao ang siyang mag-aahon sa atin. Hindi sinumang ngalang makatao ang siyang hahatak sa atin, bagkus ang ngalan na higit sa anumang ngalan sa mundong ibabaw.
    Ito ang diwa ng kapistahan ng pag-akyat ni Jesus sa langit … tagumpay at kapangyarihan … kapangyarihang hindi ayon sa pamamaraang makamundo at makatao, kundi kapangyarihan mula sa itaas, na kaakibat ng karunungan.
    Marahil ay karunungan ang siyang dapat bigyang-pansin at diin sa ating lipunan. Masyadong malakas ang pokus sa kapangyarihan – mga posisyon ng pamumuno. Subalit hindi posisyon ang pokus ng Panginoon, kundi paglilingkod. Ang kanyang kapangyarihan ay hindi pinangunahan ng anuman liban sa karunungan mula sa itaas.
    Sa darating na Junio 30, bago na ang Presidente natin. Hindi man natin gusto o gusto man natin siya, pareho at iisa ang dapat nating pagtuunan ng pansin – ang magkamit ng karunungan mula sa itaas, ang kaalamang may kinalaman sa pagkilala sa tunay at dakilang ngalan ng Panginoon. Siya, tayong lahat ay dapat matuto sa kanya.
    At alam natin ang unang liksiyon na dapat nating matutunan. Hindi nagsisimula at natatapos ang korupsyon sa Malakanyang o sa Congreso o Senado o pamahalaang bayan – o barangay! Nagsisimula ito sa puso ng bawa’t isa sa atin. At sinumang mamuno sa bayan, libang kung tanggapin natin at kilalalanin natin lahat ang katotohanang ito, ay hindi tayo paghaharian ng karunungan mula sa itaas.
    Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Panginoon! Mabuhay ang mga namumunong pinamumugaran ng karunungang mula sa Diyos!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: