MALINAW NA MATA: MATUWID NA GABAY

“Ang mata ang pinakailaw ng katawan, kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Kaya’y kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan” (Mt 6:22-23).

Kapag malinaw ang mata ng isang tao, hindi niya mapagkakamaliang dagat ang hamog o hamog ang dagat. Nagunit ganito kalaking panganib ang nasa harapan ng may malabong mata. Kung mapagkamalan niyang hamog ang dagat, hindi niya mararanasan ang kasiyahan ng isang tao na nakaupo sa dalampasigan o naliligo sa dagat. Kung akalain naman niyang dagat ang makapal na hamog sa ibabaw ng malalim na bangin, maaaring buong kasiyahan niya itong takbuhin palapit, at sa gayon ay bumagsak siyang sugatan o patay sa isang bahagi ng bangin.

Ito ang babalang ipinahiwatig ni Jesus nang sabihin niya, “Kaya mag-ingat kayo, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala” (Lk 11:35). Kadalasan, ang mga nagsasabing alam nila ang tama at mali, at alam nila ang kanilang ginagawa, ay silang naglalakad sa kadiliman. Tulad ng sinasabi ni Jesus na ang mga nagsasabing sila’y hindi bulag ay mananatili sa kanilang kabulagan. Ang Ebanghelyo ni Cristo ay napakalinaw at mauunawaan ng sinumang mayroon nang sapat na pag-iisip. Ganunpaman, hindi maiikaila ang katotohanang kakaunti lamang sa mga tinatawag ng “Cristiano” ang nakauunawa as simpleng Balitang ito. Ang pag-aakala ng tao na alam niya na ang kailangan niyang malaman ay siyang dahilan kung bakit hindi maunawaan ang katotohanan. Ang ganitong mga tao ay tulad ng isa na buong kagalakan at pagmamalaki sa sarili na tinatakbo ang bangin na may hamog sa pag-aakala na iyon ay isang dagat na magbibigay sa kanya ng kasiyahan at kapahingahan.

Madali lang malaman kung sino ang may sirang paningin (ibig sabihin ay may maling pananaw): ang mga nag-aakalang malinaw ang kanilang mata ay siguradong bulag. Sa madaling salita, ang nagsasabing alam niya ang mabuti at masama, ngunit hindi naman nakabatay sa katotohanan ng Diyos, ay siyang may masama at maling pananaw.

3 Comments

  1. mitch said,

    Tanong lng po . . kasalanan po ba ng tao kung minsan ang inaakala niyang tama at totoo un po ung ginagawa niya, paano po ba malalaman kong nasa iyo po ang espirito santo saka po kung talagang gusto ng diyos yung gngawa mo? di ba po nobody’s perfect? nagagalit po ba siya agad sa mga pagkakamali pong di mo naman po inakala na magkakaganun at sobrang kaba di na po alam kung anong gagawin . . salamat po . .wanna know some things . . godbless always . .

    • vanillae said,

      Ang mahalaga sa Diyos ay ang matapat mong pagsunod sa iyong konsensya. Minsan tayo ay nagkakamali sa pagpapasya dahil hindi pa natin nahuhubog ang ating sarili sa tamang kaisipan at pamantayan, kaya nga kailangan natin ng matuwid na gabay. Kung sakali man na ang inakala nating mabuti ay masama pala, ang awa ng Diyos ay sapat para hindi tayo tuluyang mapahak sa ating pagkakamali. Sinasabi ni San Pablo na “anumang hindi sa pananampalataya ay kasalanan” (Roma 14:23). Ibig sabihin, kung ano ang pinaniniwalaan mo, ito dapat ang isabuhay mo dahil ang paglabag sa sariling budhi ay kasalanan.

      • mitch said,

        maraming salamat po!..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: