About

All posts in this blogsite should be read as my personal knowledge and beliefs as a Catholic and not as official statements unless directly quoted from official Church documents. I decided to keep each post as short as possible, so feel free to ask questions if you are not satisfied with the details.

Most of the titles will be in Tagalog because I believe that one of the factors why many of the Filipino Catholics don’t even bother to explore the mystical depth of the Faith is because of the scarce sources of clear and simple Tagalog explanations of it. I hope this site may contribute to them.

10 Comments

  1. Luisito Sheng said,

    Sir?

    Maari ko po bang malaman kung layman , seminarista, o pari? O kaya kung anong mga organisasyon kayo kasapi? Sa ganon, ako ay makapagkomento ng wasto sa iyong mga isnusulat dito.
    Salamat.

    luisito

    • vanillae said,

      Magandang araw, Luisito!

      Salamat sa pagtatanong. Sa ngayon ay hindi ako myembro ng anumang organisasyong pamparokya. Ang aking aktibidad sa aking parokya ay tulad lamang ng mga pangkaraniwang mananampalataya. Naging bahagi ako ng isang komunidad na pamparokya sa Biñan, Laguna pero nasa Tarlac na ako ngayon. Ako yung uri ng tao na mas mapayapa sa pag-iisa kaysa may kasama, bagamat walang usapin para sa akin ang pagkakaroon ng kasama sa anumang oras. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako kasapi ng anumang samahan ngayon, sibil man o eklesyastiko. Bago ko pala malimutan, pumasok din ako sa paghahanda para sa pagiging seminarista pero hindi yun natapos. Ngayon ay may pamilya na ako dahil dito talaga ako tinawag ng Diyos.

      Kung anuman ang gustong malaman ng mga mambabasa, ipaabot lamang ninyo sa akin sa mas partikular na paraan para madali kong matugunan. Salamat.

  2. mia mae veszoza said,

    ask ko lng po sana kung may madreng nagaasawa?

    • vanillae said,

      May panata ang mga madre na hindi sila mag-aasawa alang-alang sa Kaharian ng Langit. Sila ay mga babaeng “kusang” nag-alay ng kanilang sarili kay Jesus bilang kanyang esposa. Ibig sabihin, itinuturing silang “kasal” at hindi na maaaring magpakasal sa iba. Kaya kung ang tanong ay pinapayagan bang mag-asawa ang isang madre, ang sagot ay hindi dahil nga siya ay kasal na.

      Pero kung ang tanong ay may mga babae bang lumalabag sa kanilang panata, malamang ay mayroon. May mga mag-asawang hindi tumutupad sa kanilang mga pangako, at may mga ordinado at relihiyosong lalaki na hindi rin nakakatupad sa kanilang mga panata; kaya hindi inihihiwalay ng katotohanang ito ang mga babaeng relihiyoso o mga madre.

      Kaya anuman ang estado sa buhay — binata, dalaga, may asawa, pari, madre, o kung anuman — si Jesus ang dapat maging sentro ng ating sarili para magkaroon tayo ng sapat ng lakas at kabanalan para tuparin ang ating mga pangako at ang kalooban ng Diyos.

  3. Larry said,

    Magandang araw kapatid! kapatid po ang tawag ko sayo kahit akoy kasapi sa samahan ng mga born again dahil nararamdaman ko na totoo ka sa iyong layunin na ikalat ang katotohanan at hindi dahil gusto lang mag pahanga,

    wala ka po bang topic about ikapu kung itoy utos pa din sa ating mga Kristiyano?

    • vanillae said,

      Sang-ayon ako, may article din ako tungkol sa pagiging magkakapatid ng mga mananampalataya kahit na hindi ganap ang kanilang kaisahan. Hindi pa nga lang naka-post dahil hindi ko pa matapos.

      Tungkol sa ikapu o “tithes”, ito lang muna ang masasabi ko: hindi kailanman magbabago ang salita ng Diyos tungkol sa halaga at biyaya ng pagbabalik sa kanya ng ilang bahagi ng tinatanggap natin. Sa pamamagitan nito ay binibigyan tayo ng pagkakataon na tanggapin ang kasaganaan ng yaman ng Diyos. Pero ang utos tungkol sa ikapu ay tulad ng utos ng magulang sa isang batang anak tungkol sa pagiging mapagbigay. Habang lumalaki ang bata, mas naiintindihan nya sa pamamagitan ng karanasan ang tunay na halaga ng pagbibigay kaya ginagawa na niya ito ayon sa kanyang pagkaunawa at hindi dahil sa utos ng magulang. Hindi na inuutos ng mga apostol ang pagbibigay ng ikapu dahil ang mga Cristiano ay itinuturing na matatandang anak, hindi tulad ng mga batang anak ng lumang tipan na kailangan pa ng maraming mga utos, at kung minsan pa nga ay kailangang mapalo. “Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya niya, huwag nang nag-aatubili o napipilitan; mahal nga ng Diyos ang malugod na nagbibigay” (2 Co 9:7).

      • Larry said,

        Hindi naman po ako kumokontra sa nagbibigay ng ikapu kaya lamang ay sinasabi nila na ang mga hindi nagbibigay ng ikapu ay mapupunta sa impyerno dahil ayon sa talata sa (Malachi 3:8-10) ninanakawan natin ang Diyos sa tuwing hindi tayo nagbibigay ng ikapu, ito nga po ba’y doktrina ng bagong tipan na kung hindi susundin ay may kapalit na kaparusahan?

      • vanillae said,

        Tulad ng nabanggit ko, tayo ay matatandang anak ng Diyos. Alam natin na sa Diyos galing ang lahat ng bagay at lahat ng uri ng kasaganaan. Higit pa sa kaya nating hingin ang gusto niyang ibigay sa atin. Mananatiling totoo ang teolohikong halaga ng pagbibigay ng ikapu o “tithing”, pero hindi na ito isang kautusan kundi isang oportunidad. Sa pagbibigay ay may umiiral na batas ang kalikasan: “The more you give, the more you receive.” Ang pagiging mapagbigay ay paggawa ng pabor sa sarili, dahil ito ay nagbubuhos ng mas maraming biyaya. Hindi ibig sabihin ay lagi kang tatanggap ng maraming pera kapag nagbigay ka ng maraming pera, o kaya naman ay tatanggap ka ng maraming pagkain kapag nagbigay ka ng maraming pagkain, bagamat sa maraming pagkakataon ay nararanasan natin ang ganitong mga partikular na halimbawa. Ang Diyos ay hindi lamang mayaman, siya rin ay makatarungan. Ibinabalik niya sa atin ang kabutihang ipinapakita natin — mas maraming ulit. Hindi man natin ito nakikita o nakikilala, nananatili itong totoo.

        Sa istorya ng sampung pinagaling na ketongin, makikita ang kalungkutan sa salita ni Jesus: “Di ba’t sampu ang gumaling? Nasaan ang siyam?” (Lucas 17:17). Ang layunin ng utos ni Yahweh na ibalik sa kanya ang sampung porsyento ng ating kinikita ay hubugin tayo sa “habit of gratitude”. Kahit tayong mga tao, nawawalan tayo ng ganang magbigay sa mga hindi marunong magpasalamat. Bagamat patuloy pa rin ang pagbibigay ng Diyos kahit sa mga walang utang na loob, ito ay dahil likas siyang mapagbigay; pero hindi ibig sabihin ay walang pagkakaiba ang turing ng Diyos sa mga mapagpasalamat at sa mga walang utang na loob. Ang pagbibigay sa Templo o sa Simbahan ay isa sa mga paraang pinili ng Diyos para ipakita natin ang ating pasasalamat sa kanya.

        The amount of what we give reflects our sense of gratitude. Nagbibigay tayo ng mas malaki kung nakikita nating marami tayong natatanggap mula sa Diyos. Hindi ibig sabihin ay minsan marami at minsan ay kaunti ang ibinibigay niya sa atin; ang mata natin ang problema kung kaya hindi natin nakikita ang lahat ng nasa atin. Isang halimbawa ng mapagpasalamat at mapagbigay na tao ang babaeng byuda na napansin ni Jesus na naghulog ng dalawang barya sa kabang-yaman. Sinabi ni Jesus: “Pinakamahalaga sa lahat ang inihulog ng dukhang biyudang ito…inihulog niya mula sa kanyang kasalatan ang buo niyang kabuhayan” (Lucas 21:3.4). Maliit lang ang kanyang ibinigay kung ikukumpara sa ibinigay ng mayayaman, pero ang totoo ay higit pa ito sa sampung porsyentong hinihingi ng Diyos. Ibinigay niya ang kanyang buong kabuhayan. Kung ang halaga ng dalawang baryang ito ay tulad ng P200 sa atin, pwede siyang magbigay lang ng P20, pero dahil nakikita niya — sa kabila ng kanyang karukhaan — ang saganang pagpapala ng Diyos, masaya niyang ibinigay ang lahat. At kung mayroon pa sana siyang ibang maibibigay ay siguradong hindi niya rin ito ipagkakait. The time to stop giving is when you stopped receiving from God — which, of course, is impossible to happen.

        Isa pang pakinabang sa pagbibigay ng ikapu ay ang pagtibay ng ating pagtitiwala sa Diyos. We are being trained to trust God. Kahit gaano tayo kakapos, kahit gaano tayo kagutom, kahit ano pa ang nangyayari sa ating buhay, kailangan nating magtiwala na hawak tayo ng Diyos sa kanyang kamay. Pero sa kalikasan nating mga tao, hindi ganun kadali ang magtiwala, kaya sa pamamagitan ng ikapu at ng paglilimos sa kapwa ay tinuturuan tayo ng Diyos na magtiwala sa kanya.

        Sa huli ay gusto ko namang magbabala laban sa mga taong ginagamit ang salita ng Diyos para pagkakitaan. Una, hindi dapat nanghihingi ang isang simbahan o denominasyon sa hindi nila kapanalig. Pangalawa, hindi dapat gamiting panakot sa tao ang katuruan tungkol sa pagbibigay ng ikapu. Pangatlo, hindi dapat makilala ang isang simbahan o denominasyon dahil sa kanilang panghihingi; na tuwing makikita na lang ang mga myembro nito ay maiisip na agad ng iba na manghihingi sila. Ang ganitong samahan ay hindi sa Diyos, at sa halip ay tumatawag sa parusa ng Diyos. Sinasabi ni Pablo na ang mga tunay na mga mangangaral ng Diyos ay hindi “tulad ng maraming kumakalakal sa salita ng Diyos” (2 Corinto 2:17). Mas mabuti pang ibigay sa mahihirap ang buong kayamanan ng isang tao kaysa magbigay ng kahit isang sentimo sa mga taong pinagsasamantalahan ang salita ng Diyos. Ang mga taong nagsasabi na parurusahan sa impyerno ang hindi nagbibigay ng ikapu ay sinungaling at walang alam. Hinahamon ng Diyos ang mga tao na ibuhos sa kanilang sarili ang kanyang mga biyaya sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kanya; hindi niya sila tinatakot na ipadadala sa impyerno kung hindi sila magbibigay.

  4. power dunlop said,

    hav i opened the correct site? are these ur writings? mcline

    • vanillae said,

      Yes, you’re in the right place.🙂 Thanks for dropping by!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: